View allAll Photos Tagged tapas
Tapas - photo taken by mrtraveller in Barcelona, Spain.
Find out more about Barcelona and print your free travel guide for Spain on tripwolf.
Ang tápa ay ibinilad na karne pagkaraang ibabad sa asin at mga pampalasang gaya ng kalamansi at paminta upang hindi ito masirà. Tiyak na nagmula ito sa pangangailangan ng mga manlalakbay o mangangaso pagkatapos makahúli ng usa o baboy-damo sa bundok. Itinatápa ang karneng báka, usa, at túpa, bagaman ginagawa din ito sa ibang karne at isda. Masarap iulam ang inihaw o pritong tápa sa sinangag at may kalahok na pritong itlog at atsarang papaya.
Ang salitâng “tápa” ay sinasabing mula sa Sangkritong tapas na nangangahulugang “init.” Kamakailan, nauso at múrang almusal ang tapsilóg (mula sa kombinasyong tápa+sinangag+itlog) sa mga karinderya. Isinisilbi na rin itong almusal sa mga restoran ng hotel at sa mga sangay ng Jollibee, Chowking, at McDonald’s. Bilang dagdag na pampalasa, nilalagyan ng bunton ng dinurog at pritong bawang ang tumpok ng sinangag. Siyempre, nása dami ng atsara sa tabi ng plato ang presyo ng tapsilóg. (VSA)