View allAll Photos Tagged Simula
Sasalpok
ang galaw
sa solidong
hanggan.
Matutunton
ang bakas
na walang
nakamalas
Mayuyuping
parang trak
ang signos
ng mundo:
titiklop,
mag-aabot
ang simula
at wakas.
Hango sa "Impetus"
Ni Rosmon Tuazon
encargo online de bolsa de labores y neceser
bolsa labores: tela Echino multicolor que simula patchwork
neceser: echino negra y kokka topitos
Ang mísa ay tawag sa pagdiriwang o ritwal ng Eukaristiya ng Simbahang Katolika. Mula ito sa salitâng Espanyol na misa at nagmula naman sa Latin na missa. Sa Kristiyanong paggamit, nangangahulugan itong “misyon.”
Idineklara ng Konseho ng Trent ang Huling Hapunan ni Hesus kasáma ang kaniyang Apostoles bilang simula ng ritwal ng misa ng Simbahang Katolika. Ang nakasaad sa Ebanghelyo nina Mateo, Marcos, at Lukas na pagkuha, paghati, at pagbibigay ni Hesus ng tinapay bilang kaniyang katawan at pagbabahagi ng alak bilang sariling dugo sa mga apostoles ang naging modelo ng sakramento ng komunyon. Sumasailalim ang tinapay at alak sa isang transpormasyon upang maging tunay na katawan at dugo ni Kristo na pinagsasaluhan sa misa. Para sa Simbahang Katolika, ang eukaristiya o misa ang sentro ng lahat ng gawaing eklesyastiko.
Pinaniniwalaang idinaos ni Padre Pedro Valderrama ang unang misa sa bansa noong 13 Marso 1521 sa Limawasa, Leyte kasáma ang mga sundalo ni Magellan at mga katutubo, partikular sina Raha Siaiu ng Mazaua at Raha Kulambo ng Butuan. Isang obra ng Pambansang Alagad ng Sining Carlos “Botong” Francisco ang pinturang
Ang Misa de Gallo (nangangahulugang ‘misa ng tandang’) ay higit na kilalá sa tawag na Simbang-Gabi at isang serye ng siyam na misa bago mag-Pasko. Ipinagdiriwang naman ang Misa de Aguinaldo naman tuwing gabi ng Pasko. Ang Misa Cantada ay isang inaawit na misa at ipinagdiriwang sa mga espesyal na okasyon. (KLL)
Ako si Berlin Zena Suarez Ebora. Anak nina Merlyn Suarez Ebora at Roberto Ebora. Taga Candelaria, Quezon ako pero Nurse ako sa Saudi noon. Tumakas ako sa Saudi dahil nakiapid ako sa isang lalaking alam kong may asawa na. Sa aking pakikiapid ako ay nabuntis. Sa takot na makulong ako at malatigo dali dali akong umuwi ng Pilipinas upang makatakas sa aking kasalanan. Buti nalang at tinulungan ako ng kaibigan kong si Rafael Collado para makatakas at makauwi habang nagpapanggap sila sa harapan ng legal na asawa.
Alam kong mali ang aking nagawa pero nagmahal lang ako. Sa tuwing aattend kami ng party ng mga kaibigan namin palaging may nagyayari sa amin sa bahay ng kaibigan namin. Madalas pa sa sariling kama mismo nila sa bahay may nangyayari sa amin. Sa tuwing nasa trabaho ang asawa niya pumupunta ako sa kanila. O d kaya naman ay kinakatagpo ko si Irvin sa bahay ng kabarkada naming si Raymond at sa bahay ni AV sa loob ng SGH compound tuwing magpapaparty sila duon.
Sa grupo ng barkada namin unang naging magkabit si Raymond at Hera. Palagi kaming hinaharot ng dalawa sa isat isa. Matagal na din akong may gusto kay Irvin. Kaya nga kahit alam kong engaged na sila noon ng mapapangasawa niya wala nalang akong nagawa kundi ang umiyak.
Lugmok na lugmok na ako sa sitwasyon ko. Nagpakasal sila ulit dito sa Pilipinas ng hindi pa din nalalaman ng asawa niya ang totoo na nangyari sa amin. Palagi ko nung ginagamit ang pinagbubuntis ko para makuha ang atensyon niya. At ng nakapanganak nga ako sinabi kong hihintayin ko siya sa Pilipinas para sa pabinyag. Ginagawa ko ang lahat para makuha ko siya kahit alam kong tali na siya sa asawa niya. Alam kong mali pero nagmamahal lang naman ako.
Nangyari na nga ang binyag at pinakilala niya ako sa mga kaibigan niyang sina Ronnel Rivera at Kristin Cruz Nakakatawa dahil ang mga kaibigan niyang ito ay dumalo at umabay pa nga sa mismong kasal nila pero present sa binyagan ng anak namin.
Sa amin siya nagbagong taon dahil nagaway sila ng asawa niya. May pinagselosang kaibigan ng asawa niya si Irvin. Ang saya saya ko ng mga panahon na yun dahil nabuo ang pamilya namin. Ako Si Irvin at ang anak naming si Aelia. Tinanggap naman ng pamilya ko ang nangyari sa akin. Tanggap nila si Irvin kahit alam nilang may asawa na ito.
Pero nagbago ang lahat ng bumalik na naman sila ng Saudi ng asawa niya. Hindi nagtagal ay nalaman ng asawa niya ang tungkol sa aming kataksilan. Nagdadalang tao pala nuon ang asawa niya at nakunan ng malaman ito. Hindi na nagpadaramdam si Irvin simula nuon.
TO MY IRVIN,
Im sorry kung pinasa ko ang family pictures natin ng binyag sa pamilya ni Dona. Desperada na talaga ako kasi parang nakalimutan mo na kami ni Aelia. Bakit parang ako ang nasisisi sa pagkalaglag ng pinagbubuntis niya? Tayong dalawa ang may sala dito. Nawala ang anak niyo dahil hindi naman kayo ang para sa isat isa. Tayo ang para sa isat isa kaya nga nabuo natin si Aelia. At bakit mo sinasabi na isang beses lang may nangyari sa atin at pagkakamali lang yun. Nakalimutan mo na ba sa tuwing lumalabas tayo nila Raymond at Hera. Sa tuwing pumupunta ako kila Raymond para kitain ka. Ang sakit lang na tinatawag kami ng mga tao na akyat bahay gang ni Hera. Kabit man kami Hera, may puso naman kami na nasasaktan dahil wala namang may gusto na maging kabit lang. Ilang beses may nangyari sa atin sa sarili niyong kama. Kaya anong pinalalabas mo na isang beses lang may nangyari sa atin? Na pinikot kita! Kahit ako pa ang pumupunta sa bahay niyo wala namang mangyayari kung hindi mo ako pinagbubuksan ng pinto.
Inayawan ka na niya hindi ba? Bakit pinagpipilitan mo pa ang sarili mo sakanya. Nandito kami ng anak mo, alam kong kabit lang ako at malaki ang kasalanan ko sa pakikiapid ko sayo kahit alam kong may asawa ka na. Pero nandito ang mga kaibigan mo. Sinusuportahan nila tayo. Sana bumalik ka na sa amin. Miss na miss na kita. MAHAL NA MAHAL KITA.
《Bodegón con asiento de rejilla》es una obra hecha con la técnica del collage, de dimensiones 25 cm. x 37 cm. Pertenece a una Colección particular.
Realizado en mayo de 1912, este cuadro marca en el proceso del 'Cubismo' el inicio del empleo del collage. Picasso pegó sobre el lienzo oval un trozo de hule, cuyo estampado simulaba el trenzado de una rejilla de asiento. El efecto de engaño visual introducido por el hule que simula una rejilla, como por los papeles estampados con vetas de madera que Braque y Picasso emplearon después abundantemente en los papiers collés, es nuevo en el repertorio cubista. Se nos insta parcialmente a una satisfacción táctil en una visión que halla sugerentes fricciones en su contraste con la intangibilidad del todo. El juego sinestético se enriquece, al tiempo que la imagen comienza a concentrarse en formas más sintetizadas, evitando la disolución de la representación en el espacio descoyuntado.
Dalawang pangamba ang matutunghayan sa sitwasyong pulitikal sa Pilipinas. Ang dalawang pangambang ito ay mahigpit na magkaugnay. Anuman ang kalagayan natin sa buhay, uri ng kabuhayan, at mga kinagawian, ang dalawang pangambang ito ay hinding-hindi natin matatakasan.
Ang unang pangamba ay ang pangamba ng pamahalaan. Kahit na anong pagkukubli ang gawin ng pamahalaan, hindi nito kayang itago ang kaniyang pangamba. Nanginginig ang boses ng pangulong Gloria dahil sa pagsisinungaling. Nanginginig ang mga kamay ng militar kapag nanduduro ng mga aktibista’t progesibong tinatawag nilang “terorista,” “destabilizer,” o “latak ng lipunan.” Nanginginig ang mga katawan ng iba’t ibang elemento ng pamahalaan kapag nagpapalabas ng mga balita ng kasinungalingan ang Malakanyang.
Ang pinakamataas na uri ng kasinungalingan ng pamahalaan ngayon ay ang pagsasabing matatag ang kaniyang republika. Makikita raw ito diumano sa malakas na suportang militar sa gobyerno ni Arroyo. Ngunit ang ganitong sitwasyon ay manipestasyon lamang ng isang nangangambang pamahalaan. Sa panahon na walang tiwala ang mamamayan sa pamahalaan, pinatitindi ng gobyerno ang pasismo. Samakatuwid, ang pasismo ng estado ang tiyak na sintomas ng nangangamba’t naghihingalong panunungkulan.
Sa ganitong pangamba ng pamahalaan pumapasok ang kaakibat na ikalawang pangamba: ang pangamba ng mamamayan. Dahil sa pasismo ng estado, tila nagiging normal na sa mamamayan ang mangamba at matakot. Pinatitindi pa ito sa pamamagitan ng pagliligalisa ng mga represyong pulitikal ng pamahalaan at agresyong pulitikal ng militar sa pamamagitan ng mga hungkag na proklamasyon tulad ng PP 1017.
Ang pangangambang ito ay nabibigyang-mukha at pangalan ng mga tala ng KARAPATAN, isang alyansa ng mga human rights advocate. Simula nang maupo sa puwesto si Gloria Macapagal-Arroyo noong 2001, humigit-kumulang sa 620 na ang mga kaso ng pulitikal na pagpaslang sa mga opisyal at miyembro ng mga kilalang progresibong organisasyon tulad ng Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, at Kilusang Mayo Uno. Bukod dito, lampas sa 300 na ang kaso ng mga “attempted killings.”
Simula rin noong 2001, tinatayang nasa 128 na ang kaso ng “political involuntary disappearances” o ang pagdukot at biglaang pagkawala ng mga kasapi ng mga pulitikal na organisasyon at mardyinalisadong sektor. Gayundin, nasa 50 na ang bilang ng mga lider-unyonista na nakaranas ng represyong pulitikal mula sa gobyernong Arroyo.
Ngunit ang pangamba ng mamamayan ay hindi nangangahulugan ng pagkukubli, pagtatago at pagsasawalang-bahala. Ang kondisyon ng pangamba ng mamamayan ay sinusuri bilang sitwasyon ng pagbubuo ng pulitikal na paninindigan. Kung kaya ang pangamba ay dapat maging tungtungan ng aktibong paglahok upang mawala ang sanhi ng pangamba.
MIT's rover, "Karl," featured the only DSLR HD camera to relay stills back to mission control.
PHOTO DATE:06-04-15
LOCATION: JSC Rock Yard
SUBJECT: RASC-AL 2015 Robo-Ops Challenge
PHOTOGRAPHER: BILL STAFFORD
At the NASA Johnson Space Center rock yard, where obstacle course meets scavenger hunt, eight student-built robots competed in the 2015 Robo-Ops Challenge, a joint venture sponsored and managed by the National Institute of Aerospace (NIA) and NASA.
Out of nearly 30 teams, the eight were selected in November 2014 and awarded $10,000 each in seed funds to develop their robots, although many teams secured additional funding and in-kind support. The teams were: California State University Long Beach, Massachusetts Institute of Technology, Cambridge; San Jose State University in California; University of Buffalo in New York; University of Maryland, College Park; University of Utah, Salt Lake City; Virginia Polytechnic Institute and State University in Blacksburg; and West Virginia University, Morgantown.
www.nasa.gov/feature/5th-annual-robo-ops-challenge-simula...
Ang pamamahalang Muslim sa Mindanao, ang panglimá ay pinunò sa isang pook at may kapangyarihang katumbas ng gobernador. Sa lipunang Muslim, ito ang ranggo na mas mababà kaysa datu. Ang panglima ay hindi nabibilang sa angkan ng mga dugong bughaw gaya ng sultan at datu at sa halip ay isang maharlikang may hawak ng kapangyarihan sa mga administratibong bagay. Tungkulin ng isang panglima ang pangongolekta ng buwis, paglilitis ng mga hidwaan, pag-oorganisa ng mga magiging bahagi ng sapilitang serbisyo, at pagdedeklara ng mga atas ng sultan.
Naging mahalaga rin ang mga panglima sa pagtutol laban sa mga puwersa ng mga kolonyalistang Amerikano sa Filipinas noong simula ng siglo 20. Si Panglima Imam Hassan ay nanguna sa rebelyong Moro na kilalá bilang Pag-aalsang Hassan noong Digmaang Filipino-Amerikano. Siyá ang pinunò ng distrito ng Luuk, Sulu at unang lider na Tausug na sumalungat sa utos ng sultan na sundin ang kapangyarihan ng mga Amerikano. Isa si Panglima Sawadjaan sa mga kumalaban sa mga patakaran at pananakop ng mga Amerikano sa lupain ng mga Muslim. Nagtungo siyá, kasáma ang ibang lider na Tausug at libong tagasunod, sa Bud Dajo upang doon ay itatag ang kanilang base laban sa mga Amerikano. Si Panglima Amil naman ang namunò sa labanang naganap sa Bud Bagsak. Sa pagkagapi ng grupo ni Amil, nagwakas din ang mga pangunahing rebelyong Moro sa unang sampung taon ng pananakop ng Estados Unidos sa Filipinas. (KLL)
hehe, some strange work from last year that I hadn't seemingly uploaded yet :D
btw, horrible ergonomy in this image. wonder why my neck hurts too often...
ni Mykel Andrada
Sabi ni Edward, “You’re history,” sabay tutok ng patalim sa pagitan ng mga mata ko. Buti’t hawak ko ang Noli Me Tangere, ‘yung pula ang pabalat at may malaking mukha ni Jose Rizal. Sa kaliwang mata tinamaan si Rizal.
Hinila ng pinto palabas si Edward.
Sa unang pagkakataon simula nang magsama kami, mag-isa akong matutulog sa apartment. Dahil lang sa selos niya sa propesor ko sa Kasaysayan kaya siya lumayas. Hindi ko tuloy alam kung ano’ng sasabihin ko kay Prop. ngayong bulag na ang kaliwang mata ni Rizal.
Pumunta ako sa banyo. Dati iyong palikuran, labahan. Naroon kasi ang poso. Hanggang ngayon, naroon pa rin ang poso. Malamig ang tubig kapag mainit ang panahon, at maligamgam naman kapag panahon ng pangangaligkig. Binomba ko ang poso, malamig ang ramdam ng bakal na hawakan, dumaloy ang masaganang tubig patungo sa pusod ng batya. Nakikita kong unti-unting nabubuo ang mukha ng tubig, una’y mababaw hanggang sa halos umapaw na ito, hanggang sa nakita kong nabubuo ang mukha ko roon.
Naghinaw ako ng kamay. Nalabusaw ang mukha ko sa mukha ng tubig.
* * * * *
Madaling araw. Mga dahon lang ang naniniklot sa labas. Saan kaya nagsuot si Edward? Pumunta ako sa may tarangkahan. Wala ang mga aso kung saan dapat silang nahihimbing na. Kumakahol ang mga bantay. Nasa labas sila ng gate. Tinungo ko ito. Nakabukas pala; mukha lang nakasara dahil magkalapat ang dalawang bakal na labi nito. Marahil, dahan-dahang itinulak ng hangin.
Pagkabig ko sa gate ay dalawang buntot na kumakaway ang unang namataan ko. Kaunting usod ko pa’y dalawang itim na sapatos na balat ang namasdan ko. Nakaturo sa lupa ang mga dulo nito. Isang lalaki ang nakahandusay sa labas ng aking (aming) tarangkahan.
Malago ang buhok niya, parang pelukang ipinatong sa bumbunan. May dugo sa sahig, galing sa dibdib ng lalaki. Luminga-linga ako, wala ni isang kaluluwang naligaw, maliban sa lalaking nakikipagniig sa kalsada, sa tapat ng aking tarangkahan, sa tapat ng aking (aming) inuupahang bahay.
Ayaw kong tingnan ang mukha niya. Pero kailangan. Iyon ang utos ng utak ko. Dinadaga ang dibdib ko. Iniharap ko siya sa akin. Malago ang bigote niya. Parang idinikit lang. Si Cesar Montano. Si Cesar nga. At kahawig niya, sa pagkakataong iyon, si Rizal. Sa pelikulang ipinapanood sa amin ni Prop. (pinagagawa kasi kami ng komparatibong analisis ng mga pelikulang hinggil sa buhay ni Rizal).
Sa takot ko’y pinapasok ko na ang mga aso, baka-sakaling tumigil sa kakakahol. Baka kasi magising ang mga kapitbahay at pagbintangan akong pumatay kay Montano. Tumigil naman. Pagkatapos hinila ko na si Cesar papasok sa loob ng bahay. Kumahol na naman ang mga aso. Tinadyakan ko para matakot. Kumaripas naman ng takbo ‘yung isa. Sumunod na rin ang isa.
Mas mabigat pala ang katawan ng isang patay. Pareho lang ng pangangatawan sina Cesar at Edward. Nang minsang akayin ko papasok si Edward, di ako gaanong nahirapan. Hindi tulad ngayon. Isang bangkay. Si Montano pa. Mabigat. Ang grabedad ang may-sala nito.
Pagdating sa sala, ang una kong naisip ay kailangang madispatsa ko si Montano/Rizal. Hindi ko alam kung bakit ganun ang nararamdaman ko. Kailangan kong dispatsahin si Cesar/Jose. Kundi, baka magahasa lang ako sa kulungan.
Kumapit na ang dugo sa mga palad ko. Namantsahan pa pati ang dilaw na t-shirt kong “Buru-buru” ang disenyo, nabili ko ng P50 sa ukay-ukay sa Cubao. Pumunta ako sa banyo, para maghugas ng kamay at braso. Kinuha ko ang pakete ng Tide, mas mahusay na pantanggal iyon ng mantsa ng dugo. Pagpasok ko sa banyo, nakapagtatakang wala na ang poso. Kinusot ko ang mga mata ko, wala talaga ang poso.
Sa halip, isang lumang balon ang naroroon.
* * * * *
Lagi akong iniimbitahan ni Prop. na sumama sa kaniyang kuwarto. Minsan ko lang siyang pinaunlakan.
Pagpasok ko, unang tumambad sa akin ang bust ni Rizal. Nasa gitna ng kaniyang silid at napaliligiran ng mga bala ng VHS. Puro pelikula tungkol kay Rizal. Pati mga episode ng serialized na Noli me Tangere sa telebisyon.
“Si Joel Torre ang pinakamahusay,” sabi niya. Pinakamahusay na gumanap kay Rizal sa pelikula.
Ibibida ko sana si Cesar Montano, pero naunahan niya ako. “Pinaka-baklang Rizal si Cesar Montano.” Paano raw, nung sinindihan ni Cesar ang gasera sa pelikula, at nung patayin niya ang apoy ng ipinansinding posporo ay hinipan niya ito sa halip na alugin sa ere gamit ang hinlalaki at hintuturo.
Nagsindi siya ng posporo matapos sabihin iyon. Iniaabot niya sa akin. Hinipan ko. Dahan-dahan niyang inilibing sa mukha ng kaliwang sapatos ko ang kamamatay lang na posporo. Pagtungo niya, nanalamin ako sa kintab ng ulo niya.
Ikinuwento ko iyon kay Edward pagdating ko sa bahay. Sa galit niya, para siyang sinindihang posporo.
* * * * *
Bumalik ako sa sala. Sinusuklay na ng mga daliri ni Edward ang buhok ni Cesar/Jose. May umaalimbukay na kung ano sa dibdib ko.
Dahan-dahan kong nilapitan si Edward. Patuloy lang siya sa pagsuyo kay Montano/Rizal. Hinawakan ko siya sa balikat. Nanginginig ang buo niyang katawan. Humiga ako sa tabi ni Cesar, ni Jose. Pinadaan ni Edward sa mga puwang sa pagitan ng kaniyang mga daliri ang mga hibla ng aking buhok.
“Joseph… ba’t mo siya pinatay?”
“Hindi natin maitatago ang bangkay. Ano’ng gagawin natin?” NATIN.
Kinalas niya ang kaniyang mga daliri mula sa pagkakapulot ng mga hibla ng buhok ko. Sinimulan niyang buhatin si Cesar, si Jose, si Montano, si Rizal. Kumakahol pa rin ang mga aso sa labas. Inilagay ko ang kaliwang braso ni Cesar sa balikat ko. Ang kanang braso sa balikat ni Edward.
Dinala namin ang lalaki sa banyo.
* * * * *
Mukha ni Rizal ang nakatatak sa kahon ng posporo ni Prop.
“Tingan mo ‘yung koleksyon ko,” sabi niya sa akin, sabay turo sa dingding. Iba’t ibang anggulo ng mukha ni Rizal. Naka-right sideview. Left sideview. Mayroong naka-tiger look. May nakangiti. May nakasimangot na parang nagkukunwaring masaya. Lahat ng iyon mga disenyo ng mga kahon ng posporo na tinipon ni Prop.
Katabi niyon ang mga litrato ni Prop. kasama ang samu’t saring artistang nagsiganap na Rizal. Si Cesar Montano, para sa akin, ang pinakamakisig.
Ako naman raw ang tumungo. Gagawin ko na sana, kaya lang nakatitig sa akin ang napakaraming Rizal. ‘Yung itim na bust sa sentro ng silid. ‘Yung mga kahon ng posporo. ‘Yung mga pabalat ng libro: Rizal Romantiko. Rizal Relihiyoso. Rizal sa Rizal.
Nagalit na si Prop. Ayaw ko kasing tumungo. Pareho naman raw kami ng isinusubo at nilululon, ano pa raw ang ipinag-iinarte ko.
“Prop., una na po ako.”
“See you next sem, Joseph.”
Dumaan ako sa tabi ng bust ni Rizal. Siniko ko ito.
Alam ko. Alam ko. May. Nadurog.
* * * * *
Nagtaka ako kung bakit di nagtaka si Edward na wala na ang poso sa banyo. Pagkalapag nga namin kay Cesar/Jose, kay Montano/Rizal sa may tabi ng balon, sabi niya, “Diyan natin siya itatago. Walang makakahanap.”
Muli naming binuhat si Cesar, paakyat sa bunganga ng balon. Ulo lang ang kasya sa puertang-bunganga ng balon. Napakamot ng ulo si Edward. Tumunganga ako saglit, tapos hinalikan nang madiin sa pisngi si Edward, at pumunta sa kusina.
Bumalik ako sa balon na may dalang itak. “Ito na lang ang tanging paraan.”
Ilang beses kong hiniwa ang hangin gamit ang itak. Bawat hiwa ko sa hangin ay mantsa ng dugo sa dilaw kong kamiseta. Sa itim na polo ni Edward. Sa salawal ko. Sa pantalon ni Edward. Sa mukha namin. Nahilam pa nga ako ng dugo.
* * * * *
Minsan, sa isang apartment sa Dapitan,
* * * * *
isa-isa naming inihulog ang mga pinutol kong bahagi ni Cesar Rizal, Jose Montano. Inihuli ko ang ulo. Nakapikit ito. Mahimbing. Nananaginip marahil. Parang batang ipinaghele ng hangin, katulad ng pagsuklay ng ina sa buhok ng anak gamit ang mga daliri.
* * * * *
may umalis.
may humapong muli.
may nagpasuyod ng daliri sa buhok.
Oktubre 24, 2004. Iba. Mykel
L'antic convent dels trinitaris, anomenat de la Santíssima Trinitat, està situat al costat de l'Església de la Trinitat. El claustre evoca models renaixentistes, és de planta quadrada i consta de tres galeries. Cada costat de la galeria baixa consta de 5 arcs de mig punt sobre columnes toscanes. Destaquen les creus esculpides i policromades de vermell i blau, emblema de l'ordre, que decoren els carcanyols dels arcs. La galeria superior doble el número d'arcs de mig punt sobre columnes toscanes, van ser tapiats en remodelacions posteriors i fins i tot en alguns casos es van obrir finestres. El darrer pis presenta un parament de maçoneria rústica on s'observen antigues finestres quadrares tapiades amb maons i balcons.
La façana principal del convent s'obria al carrer de la Font i ha estat objecte de diverses modificacions que n'han transformat la seva aparença original. Està composta per dos trams diferenciats. El primer tram, més proper a la portalada del Remei, combina diversos elements del vocabulari clàssic i és fruit d'una rectificació executada l'any 1876, tal com es pot llegir en una cartel·la esculpida dessota del frontó de l'entrada principal. Aquest sector de la façana presenta un disseny d'estucat en fred que simula carreus i es divideix en planta baixa i dos pisos superiors. Als pisos superiors hi ha una disposició d'obertures simètriques compostes per un balcó central i finestres a banda i banda, totes d'arc rebaixat. A la planta baixa, la porta principal és d'arc rebaixat també i coronada amb un frontó triangular sobre permòdols. A banda i banda d'aquest accés principal s'obren dues grans finestres d'arc rebaixat decorades amb esgrafiats de motius vegetals a la part superior.
El segon tram de la façana, el més allunyat de la capella del Remei, és més llarg i està compost de planta baixa i dos pisos superiors amb obertures alternant balcons i finestres allindanades. Aquest espai fou construït adossat a l'ala est del claustre del convent i l'ocupen dos equipaments municipals com són: la Sala dels trinitaris i l'Arsenal, l'Escola Municipal d'Art. La Sala dels trinitaris és una sala d'exposicions que acull mostres d'art contemporani. D'aquest sector de la façana destaca la llinda d'un balcó del primer pis on hi ha esculpida la creu dels trinitaris i la data de 1644. D'aquesta mateixa façana destaca també el portal dovellat a salta cavall amb l'escut esculpit de la vil·la de Vilafranca, l'accés principal a l'escola d'art l'Arsenal.
L'edifici forma part del conjunt que es va edificar a conseqüència del trasllat dels frares trinitaris a aquest emplaçament el 1557, on hi havia l'antic Hospital del Sant Esperit.
La primera pedra va ser col·locada el 8 de desembre del 1578. L'espai va ser utilitzat com a comissaria de policia, dependències municipals, despatxos i habitatge de la parròquia. En els anys vuitanta s'estava adequant per a Centre de Formació Ocupacional de l'INEM.
La rectificació de la façana del carrer de la Font va tenir lloc l'any 1876, moment en el qual es reconstrueixen també parts de l'edifici per acollir les escoles municipals. La realitzà el mestre d'obres Josep Inglada i Estrada. La cessió de part de les dependències del convent per acollir les escoles municipals va tenir lloc l'any 1843. La titularitat de les dependències és compartida entre l'Ajuntament i el Bisbat de Barcelona.
invarquit.cultura.gencat.cat/card/4940
És en els convents vilafranquins on es conserven quasi els únics vestigis de l'arquitectura desenvolupada posteriorment a la formació de la ciutat medieval fins a començaments del segle XVIII.
En ells, malgrat mantenir-se la utilització del gòtic fins a dates molt avançades, és on es comença a percebre la introducció de models classicistes derivats del renaixement italià.
Això queda patent en la construcció del claustre del convent de la Santíssima Trinitat. Aquest, de planta quadrada, està format per una galeria baixa oberta de cinc arcades de mig punt sobre columnes toscanes de fust llis a cada casa i galeria superior tancada amb doble nombre d'arcades que la baixa, formant un conjunt resolt amb elegància i simplicitat.
Aquest claustre al igual que el de Sant Francesc i altres edificacions conventuals, construïdes a partir del segon terç del segle XVI, són remarcables com a primer esforç per aconseguir la formació d'espais unitaris seguint normes renaixentistes, tot i no ser en ocasions massa ortodoxes, respecte als cànons dictats pels tractats dels mestres italians.
Cal destacar la important presència del Convent de la Santíssima Trinitat en la formació del carrer de la Font, a l'oferir una façana de gran llargada en la qual també hi són visibles permanències d'estils utilitzats en èpoques diferents.
Vista general del nacimiemnto de Luis Alberto, notese la profundidad que simula a traves del uso correcto de las leyes de la perspectiva
General view of the Nativity, notice the great perspective feeling he has managed by knowing the correct laws of perspective.
NORMAL(espacio de intervencion cultural) Paseo de Ronda, 47. 15011 - A Coruña
Expo NIN9:
Despois de experimentar os seus diferentes estilos acaba dando un paso adiante e aplica diferentes conceptos a esta técnica, máis alá da simple aplicación de pintura nos moldes, combinando texturas, materiais… Ademais conceptualmente introduce un elemento común na xungla urbana coma é a cartelaría publicitaria que, lonxe da súa función de informar e promocionar, satura pola súa masificación. E como tal elemento urbano, Nin9 introdúceo na súa obra e cun formato de colaxe, simula unha orde preestablecida que, combinada con grandes moldes, conforma una obra actual, urbana e contemporánea.
Precisamente esta cartelaría publicitaria será a base da intervención e instalación que Nin9 acometerá nesta exposición, intentando remarcar a aparente desorde nunha aparente deconstrutiva colaxe composta por múltiples elementos da rúa, situacións cotiás e imaxes. Estará completada cunha proxección-instalación audiovisual sobre o proceso creativo desta peza.
BAGUIO IS WAVING!
Araw-araw may biyahe ang Pangasinan Solid North Transit, Inc. to Baguio mula dito sa PITX. Simula 5AM hanggang 12NN ay halos oras-oras umaalis ang bus papunta sa paborito nating lahat na summer destination 😁
Let's go! Book na ng ticket dito sa PITX Ticket Booth 6 o sa www.biyaheroes.com. Pwede ring kontakin ang Pangasinan Solid North sa 0917 886 6784. Hinihintay na kayo ng Baguio! 😊 Stay safe, friends! #PITX #Baguio
*Photo from Klook*
Col. Anderw Hanson, USAG West Point Commander thanks Capt. Cody Simula for her dedicated service as the Operations Officer for the West Point Emergency Services. Capt. Simula is exiting the US Army and returning to her previous job as a teacher in the state of California (US Army photo by Thomas B. Hamilton III, USAG West Point Public Affairs/released.)
Els tovallons són d’un sol ús, però no són de paper sinó d’aquell material que simula la roba. De tacte força agradable, son molt grans i compleixen perfectament la seva funció.
simula na ng uwian
Bus No: 704
Year released: 1995
Capacity: 66; 2x3 seating configuration
Route: Cubao/Pasay-San Carlos via Dau/Tarlac/Camiling/Bayambang/Malasiqui
Body: Five Star Bus Body(rebodied)
Engine: Nissan Diesel PE6
Fare: Ordinary Fare
Aircon System: n/a
Transmission System: M/T
Previous Body: 1995 SR-AKR orrdinary series
Taken on: April 11, 2009
Location: Romulo Highway, Brgy. Pobblacion Norte, Sta.Ignacia, Tarlac
Master birch bark canoe builder (and seasonal National Park ranger) Erik Simula uses spruce pitch and bear grease to seal the seams on one of his beautiful birch bark canoes.
Grand Portage National Monument, Grand Portage, MN
encargo online de bolsa de labores y neceser
bolsa labores: tela Echino multicolor que simula patchwork
neceser: echino negra y kokka topitos
Excerpt from the First State of the Nation Address of President Benigno S. Aquino III delivered on July 26, 2010:
"Noong isang taon nga po, nagpakitang-gilas ang Kongreso sa pagpasa ng budget bago matapos ang taon. Dahil dito, nasimulan agad ang mga proyekto at hindi na inabot ng tag-ulan. Bukas na bukas po, ihahain na namin sa lehislatura ang budget para sa susunod na taon. Umaasa po ako na muli kayong magpapakitang-gilas, upang tuluyan na nating mapitas ang bunga ng mga naitanim nating pagbabago.
Maganda na po ang ating nasimulan. Pero mahalaga pong maalala natin: simula pa lang ito. Marami pa tayong gagawin. Hayaan po ninyong ilatag ko sa Kongreso ang ilan sa mga batas na magpapaigting sa pagtupad ng ating mga panata sa bayan."
encargo online de bolsa de labores y neceser
bolsa labores: tela Echino multicolor que simula patchwork
neceser: echino negra y kokka topitos
Pedrera, Barcelona. Arquitecte: Antoni Gaudí. Obra inacabada. Simula el mantell de la Mare de Déu, amb les paraules de l'Ave Maria, i hi manca una escultura d'ella coronant la façana.
TSMALL FORT – FORTÍN
The Small Fort is a triangular building of brick surrounded with a pit. The construction is attributed to Martin Lopez Aguado, although it could be his father Antonio. It was possessing a series of complements, eliminated at present, such as stable and bascule bridges, twelve small brass cannon with their carriages and corresponding ammunition chests, a sentry box with a soldier and his armament, weapon sets, flagpole, flag and useful others of defense and ornament. The water pit is the beginning of her there laughs navigably that crosses great part of the garden.
El Fortín es una edificación triangular de ladrillo rodeada de un foso que simula un pequeño fuerte cuya construcción se atribuye a Martín López Aguado, aunque podría ser de su padre Antonio. Contaba con una serie de complementos, desaparecidos en la actualidad, tales como puentes estables y levadizo, doce pequeños cañones de bronce con sus cureñas y correspondientes arcas de municiones, una garita con un soldado y su armamento, juegos de armas, asta, bandera y demás útiles de defensa y ornato. El foso de agua es el comienzo de la ría navegable que recorre gran parte del jardín.
098583
San Pedro Pascual.
(Valencia, 1227 - Granada, 1300).
Estatua. Monumento conmemorativo.
Piedra. 3 m.
Tomás Llorens.
(Valencia,1713-1772).
1761.
Paseo de la Pechina.
D.O.M. / ET / S.PIETRO PASCHALI MARTYRI / INVICTISSIMO / QUI / VALEMTIAM ORTU,
PARIS. SCHOL. STUDIIS / ALMAM PATRIAE / CATHEDR. CANONICATU, / ORD.B.V.M. DE
MERCEDE PROFESSIONE, / GIENNIUM PONTIFICATU, GRANATAM SANGUINE, / DEIPARAM
ORIGIN. LABE INMU= / INGENIO, TOTAM DENIQUE CHRIS= / TI ECCLESIAM EGREGIIS
EXEMPLIS AC / SAPIENTISS. SCRIPTIS EXIMIE ORNAVIT / NOBILITAVITQUE.
S.P.Q.V. / QUATOUR VIRIS PUBLICOR. OPER. AD- / VERSUS FLUMINIS INIURIAM DECERNEN
/ TIBUS. AUGUSTUM INCLYTI-CIVIS SIMULA- / CRUM PUBLICAE SECURITATIS VADEM
AGGERI / MUNITISS. SUPERIMPONI / GIENNIUM PONTIFICATU, GRANATAM SAN =/ ANNO
REPARATAE SALUTIS MDCCLXI.
Fâbrica Nova del Riu.
The Stanton family caught this trout while out with guide Erik Simula. Later they released it back into the lake.
This laminated sign will be left by Erik's gear when he is portaging. It says: This canoe and gear is taking me on a thousand mile journey around MInnesota's Arrowhead wilderness. Please help keep my canoe and gear safe. Thank you. Erik Simula. For more info, google "Arrowhead Journey Erik Simula.'
Nakikinig ang Diyos sa totoong mga panalangin. Kung totoong mananalangin tayo sa Diyos, madalas nating madarama ang Kanyang presensya. Anuman ang ginagawa natin, magkakaroon tayo ng Kanyang gabay. Ang salot ay lumaganap sa buong mundo. Maraming tao ang nabubuhay sa pangamba; kahit ang mga mananampalataya ay nakakaramdam ng takot at walang magawa, at maaari lamang silang manalangin sa Diyos para sa Kanyang proteksyon. Kaya paano tayo dapat manalangin upang mapakinggan ng Diyos? Tinipon namin ang mga talatang ito ng Bibliya tungkol sa panalangin upang matulungan kang maunawaan ang kahalagahan ng panalangin at mahanap ang paraan upang mapakinggan ng Diyos ang iyong mga panalangin.
1. Ang Kahalagahan ng Panalangin
Jeremias 29:12
At kay’y magsisitawag sa akin, at kayo’y magsisiyaon at magsisidalangin sa akin, at aking didinggin kayo.
Mateo 7:7–8
Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan: Sapagka’t ang bawa’t humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan.
Mateo 18:19
Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng aking Ama na nasa langit.
Juan 14:13–14
At ang anomang inyong hingin sa aking pangalan, ay yaon ang aking gagawin, upang ang Ama ay lumuwalhati sa Anak. Kung kayo’y magsisihingi ng anoman sa pangalan ko, ay yaon ang aking gagawin.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos
Pagkatapos na nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at binigyan sila ng mga espiritu, iniutos Niya sa kanila na kung hindi sila tatawag sa Diyos, kung gayon hindi sila makakaugnay sa Kanyang Espiritu at kaya hindi matatanggap sa daigdig ang “telebisyong satelayt” mula sa langit. Kapag wala na ang Diyos sa mga espiritu ng mga tao mayroong isang walang-lamang upuan na naiiwang bukas para sa ibang bagay, at iyan ang kung paano sinasamantala ni Satanas ang pagkakataon na makapasok. Kapag nakikipag-ugnayan ang mga tao sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga puso, kaagad na natataranta si Satanas at nagmamadali upang tumakas. Sa pamamagitan ng mga pagsamo ng sangkatauhan ay ipinagkakaloob sa kanila ng Diyos ang kanilang pangangailangan, nguni’t hindi Siya “naninirahan” sa loob nila sa simula. Palagi lamang Siyang nagkakaloob sa kanila ng tulong dahil sa kanilang mga pagsamo at nakakamtan ng mga tao ang tibay mula sa kalakasang panloob kaya hindi nangangahas si Satanas na pumunta rito para “maglaro” ayon sa gusto nito. Sa ganitong paraan, kung palaging nakikipag-ugnayan ang mga tao sa Espiritu ng Diyos, hindi nangangahas si Satanas na manggambala. Nang walang panggagambala ni Satanas, normal ang mga buhay ng lahat ng mga tao at may pagkakataon ang Diyos na gumawa sa loob nila nang walang anumang mga paghadlang. Sa ganitong paraan, maisasakatuparan kung ano ang nais gawin ng Diyos sa pamamagitan ng mga tao.
Bilang isang tao na naglilingkod sa harap ng Diyos, hindi ka maaaring walang mga panalangin. Kung tunay mong itinuturing ang pakikibahagi sa Diyos bilang isang bagay na makahulugan at mahalaga, maaari mo bang balewalain ang panalangin? Walang sinuman ang maaaring walang pakikipagniig sa Diyos. Kung walang panalangin, nabubuhay ka sa laman, nabubuhay ka sa pagka-alipin ni Satanas; kung walang tunay na panalangin, ikaw ay nabubuhay sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman.
Ang panalangin ay isa sa mga paraan kung saan nakikipagtulungan ang tao sa Diyos, ito ay isang paraan kung paano tinatawag ng tao ang Diyos, at ito ang proseso kung paano ang tao ay inaantig ng Espiritu ng Diyos. Maaaring sabihin na yaong mga walang panalangin ay mga patay na walang espiritu, katibayan na kulang sila ng mga kakayahan upang antigin sila ng Diyos. Kung walang panalangin, hindi nagagawa ng mga tao na magtamo ng isang normal na espirituwal na buhay, lalong hindi nila nagagawang sundin ang gawain ng Banal na Espiritu; kung walang panalangin, pinuputol nila ang kanilang ugnayan sa Diyos, at mga walang kakayahan na tanggapin ang pagsang-ayon ng Diyos. Ang pagiging isang tao na naniniwala sa Diyos, habang lalo kang nananalangin, lalong mas inaantig ka ng Diyos. Ang gayong mga tao ay mayroong mas malaking pagbabago at lalong mas nagagawang tanggapin ang pinakabagong kaliwanagan mula sa Diyos; bilang resulta, ang mga taong kagaya lamang nito ang maaaring gawing perpekto sa lalong madaling panahon ng Banal na Espiritu.
2. Paano Tayo Dapat Manalangin sa Diyos?
Mateo 6:6-7
Datapuwa’t ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka. At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka’t iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila.
Mateo 26:41
Kayo’y mangagpuyat at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso: ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwa’t mahina ang laman.
Santiago 5:16
Mangagpahayagan nga kayo sa isa’t isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa’t isa ang iba, upang kayo’y magsigaling. Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid.
Roma 12:12
Mangagalak sa pagasa; magmatiisin sa kapighatian; magmatiyagain sa pananalangin.
Mateo 6:7
At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka’t iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila.
Marcos 11:25
At kailan man kayo’y nangakatayong nagsisipanalangin, mangagpatawad kayo, kung mayroon kayong anomang laban sa kanino man; upang ang inyong Ama naman na nasa langit ay patawarin kayo ng inyong mga kasalanan.
Filipos 4:6-7
Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios. At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos
Habang nananalangin, ang iyong puso ay dapat payapa sa harap ng Diyos, at ito ay dapat maging tapat. Ikaw ay tunay na nakikipagniig at nananalangin sa Diyos; hindi mo dapat linlangin ang Diyos gamit ang mga salita na magandang pakinggan. Ang panalangin ay dapat nakasentro doon sa gustong maging ganap ng Diyos sa kasalukuyan. Hilingin sa Diyos na dalhan ka ng mas dakilang kaliwanagan at pagpapalinaw, at dalhin ang iyong totoong kalagayan at mga suliranin sa harap ng Diyos upang manalangin, at gumawa ng pagpapasya sa harap ng Diyos. Ang panalangin ay hindi ang pagsunod sa proseso, ngunit ang paghahangad sa Diyos gamit ang iyong tunay na puso. Hilingin sa Diyos na ingatan ang iyong puso, gawin itong madalas na nagagawang maging payapa sa harap ng Diyos, gawin kang nagagawang kilalanin ang iyong sarili, at mamuhi sa iyong sarili, at balewalain ang iyong sarili sa kapaligirang itinakda ng Diyos para sa iyo, sa gayon ay tutulutan kang magkaroon ng isang normal na ugnayan sa Diyos at gawin kang isang taong tunay na iniibig ang Diyos.
3. Anong Uri ng Mga Panalangin ang Pinakikinggan ng Diyos?
Mateo 6:9–13
Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin. At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka’t iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa.
Awit 17:1
Dinggin mo ang matuwid, Oh Jehova, pakinggan mo ang aking daing; ulinigin mo ang aking panalangin, na hindi lumalabas sa mga magdarayang labi.
Kawikaan 15:8
Ang hain ng masama ay kasuklamsuklam sa Jehova: nguni’t ang dalangin ng matuwid ay kaniyang kaluguran.
Awit 34:17
Ang matuwid ay nagsidaing, at dininig ni Jehova, at iniligtas sila sa lahat nilang mga kabagabagan.
Awit 102:17
Kaniyang dininig ang dalangin ng tapon, at hindi hinamak ang kanilang dalangin.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos
Nagagawa ng mga tao na ipatupad ang pagsasagawa ng panalangin at maunawaan ang kahalagahan ng panalangin, ngunit ang epekto na natatamo sa pamamagitan ng panalangin ay hindi magaan na bagay. Ang panalangin ay hindi isang kaso ng pagdaan sa mga pormalidad, o pagsunod sa proseso, o pagbigkas sa mga salita ng Diyos, na ang ibig sabihin, ang panalangin ay hindi nangangahulugan ng basta na lamang pagsasalita at panggagaya sa iba. Sa panalangin, dapat mong ibigay ang iyong puso sa Diyos, ibinabahagi sa Diyos ang mga salita sa iyong puso upang mangyaring antigin ka ng Diyos. Kung magiging mabisa ang iyong mga panalangin, kung gayon ang mga ito ay dapat nakabatay sa iyong pagbabasa sa mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pananalangin sa gitna ng mga salita ng Diyos magagawa mong matanggap ang higit pang kaliwanagan at pagpapalinaw. Ang isang tunay na panalangin ay ipinakikita sa pagkakaroon ng isang pusong nasasabik para sa mga kinakailangan na ginawa ng Diyos, at sa pagiging handa na tuparin ang mga kinakailangang ito; magagawa mong kasuklaman ang lahat ng kinasusuklaman ng Diyos, sa batayang ito magkakaroon ka ng kaalaman, at malalaman at maliliwanagan tungkol sa mga katotohanang ipinaliwanag ng Diyos. Sa pagkakaroon ng pagpapasya, at pananampalataya, at kaalaman, at isang landas na isasagawa pagkatapos manalangin—ito lamang ang tunay na pananalangin, at ang panalangin lamang na kagaya nito ang maaaring maging mabisa. Ngunit ang panalangin ay dapat maitatag sa saligan ng pagtatamasa sa mga salita ng Diyos at pakikipagniig sa Diyos sa Kanyang mga salita, nagagawa ng iyong puso na hangarin ang Diyos at maging payapa sa harap ng Diyos. Ang gayong panalangin ay nakarating na sa punto ng tunay na pakikipagniig sa Diyos.
At ano naman ang tungkol sa nilalaman ng mga panalangin? Dapat kang manalangin, nang dahan-dahan, alinsunod sa iyong tunay na kalagayan at iyon ay gagawin ng Banal na Espiritu, at dapat kang makipagniig sa Diyos sa pagpapanatili sa kalooban ng Diyos at sa Kanyang mga kinakailangan sa tao. Kapag nagsisimula kang magsagawa ng mga panalangin, ibigay mo muna ang iyong puso sa Diyos. Huwag kang magtatangkang unawain ang kalooban ng Diyos; subukin lamang sabihin sa Diyos ang mga salita sa loob ng iyong puso. Kapag ikaw ay lalapit sa harap ng Diyos, sabihin ang ganito: “O Diyos! Sa araw lamang na ito ko natatanto na dati Kitang sinuway. Ako ay totoong tiwali at kasuklam-suklam. Noong una, sinayang ko lamang ang aking oras; magmula sa araw na ito mabubuhay ako para sa Iyo, isasabuhay ko ang isang buhay na mayroong kabuluhan, at palulugurin ang Iyong kalooban. Nais ko na ang Iyong Espiritu ay palaging gumagawa sa loob ko, at palaging paliliwanagin at liliwanagan ako, upang ako ay makakapagpatotoo nang matatag at ganap sa harap Mo, nagbibigay-daan kay Satanas na makita ang Iyong kaluwalhatian, ang Iyong patotoo, at ang katibayan ng iyong tagumpay sa loob namin.” Kapag ikaw ay nanalangin sa ganitong paraan, ang iyong puso ay ganap na mapapalaya, sa pananalangin sa ganitong paraan, ang iyong puso ay mas magiging malapit sa Diyos, at sa pamamagitan ng madalas na pananalangin sa ganitong paraan, ang Banal na Espiritu ay tiyak na gagawa sa loob mo. Kung ikaw ay palaging tumatawag sa Diyos sa ganitong paraan at ginagawa ang iyong pagpapasya sa harap ng Diyos, darating ang araw na ang iyong pagpapasya ay matatanggap sa harap ng Diyos, kapag ang iyong puso at buong pagkatao ay tatanggapin ng Diyos, at ikaw sa bandang huli ay gagawing perpekto ng Diyos.
Magrekomenda nang higit pa:
mga Paraan upang Mapalapit sa Diyos: 3 Mga Paraan ng Pagsasagawa
Daily Devotional Tagalog – Draw Closer to God Every Day
Basahin ang mga salita ng Diyos at gumawa ng Tagalog Devotional upang mapalapit sa Diyos anumang oras at magtatag ng isang maayos na relasyon sa Diyos.
Image Source: The Church of Almighty God
Terms of Use: tl.godfootsteps.org/disclaimer.html