View allAll Photos Tagged Daily_Devotion
Boudhanath is the largest stupa in Nepal and one of the largest stupas in the world. It is a focal point both for Buddhist pilgrimage and for daily devotion.
What does it truly look like to follow Jesus? To take a sip of coffee and have nice poster boards and tee shirts that say Jesus is my homeboy while living in our comfortable westernized dream? A simple and profound answer: NO! For many have sadly fallen into this trap including myself at times. We like following Jesus as long as it is comfortable, predictable, and on our own terms. The call to follow Jesus was never easy, it is costly. To follow Jesus is to die to ourselves daily, pick up our cross daily, sacrifice our own desires daily, and daily surrender our imperfect will to His perfect one. It is easy to retort and say, "Why is it worth it if we have to forsake all of our earthly comfort to do something that seems impossible and quite frankly, painful?" There are a few things that we need to remember. Our sin put us as God's enemies who had a sin debt so large that we could never possibly pay it. We were rightfully hell bound. But by God the Father's great mercy, He sent His son Jesus to die for us and to pay the penalty we rightfully earned so that we could become God's children. Christ voluntarily came and suffered for our sake. He was on a mission of love to bring us back to Himself and to save us from our sinful and destructive lives. Jesus perfectly yielded His will to the Father even unto the cross where He was mocked, beaten, and crucified for our sins. Through His death, He purchased eternal life for us. This suffering that we endure for His sake now is but temporary and a vapor. It will all fade and we will be with Him in glory for all of eternity!
Boudhanath — the largest stupa in Nepal and one of the largest stupas in the world. It is a focal point both for Buddhist pilgrimage and for daily devotion. Boudhanath is one of the three great stupas of Nepal, the other two being Swayambhunath and Namo Buddha.
The stupa itself is of a unique design, standing 36m high. The dome is constantly being whitewashed and adorned with saffron water in lotus-petal patterns, and around its base are representations of the one hundred deities, peaceful and wrathful deities. The dome stands on three levels of plinths in the shape of mandalas, and surrounding the entirety there is a low wall set with many Mani wheels and a khora path for circumambulation.
Our life is sped up and we have less time to be close to God. Having daily devotion helps us come closer to God. Download The Church of Almighty God App, get closer to God day by day.
Recommended for You:God's words
Image Source: The Church of Almighty God
Terms of Use: en.godfootsteps.org/disclaimer.html
I love how a simple photo turns into more than I expected. This daily devotion book belonged to Jon's grandmother. When I laid the glasses on it the frame arms formed a heart. Then the lenses magnified the word "heart" and "Jesus". Totally made me smile. KK Rumpled preset
Udupi at Karnataka is the host to the spectacular Paryaya festival which is celebrated once in every two years. Thousands of devotees crowd the town of Udupi to be a part of this spectacular festival.
* * *
Udupi Krishna Temple is a famous Hindu temple dedicated to Lord Krishna located in the town of Udupi in Karnataka, India. It is a popular pilgrimage site for Vaishnavites.
The temple area resembles a living ashram, a holy place for daily devotion and living. Surrounding the Krishna temple are several temples, the most ancient being made of basic wood and stone of 1,500 years origin.
Noong 2020, ang pandaigdigang pagsiklab ng mga salot ay ipinapasabuhay ang pangamba sa lahat ng sangkatauhan. Hindi lamang ito, ngunit ang mga sakuna tulad ng mga lindol, taggutom, sunog, at mga salot na insekto ay madalas na nagaganap. Ang sangkatauhan ay walang magawa at nawawalan ng pag-asa sa harap ng mga sakuna. Maraming tao ang masidhing nananalangin sa Diyos na humihingi ng Kanyang awa at proteksyon. Ngunit alam mo ba kung ano ang awa ng Diyos? Anong uri ng mga tao ang pinapakitaan ng Diyos ng Kanyang awa? Paano natin matatamo ang awa ng Diyos? Basahin ang sumusunod na mga talata sa Bibliya tungkol sa awa at mga kaugnay na nilalaman upang malaman ang higit pa tungkol sa awa ng Diyos at mahanap ang paraan upang matamo ang awa ng Diyos.
1. Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Awa ng Diyos? Ano ang Awa ng Diyos?
Isaias 49:10
Sila’y hindi mangagugutom, o mangauuhaw man; at hindi man sila mangapapaso ng init, o ng araw man: sapagka’t siyang may awa sa kanila ay papatnubay sa kanila, sa makatuwid baga’y sa tabi ng mga bukal ng tubig ay papatnubayan niya sila.
Isaias 49:13
Ikaw ay umawit, Oh langit; at magalak, Oh lupa; at kayo’y biglang magsiawit, Oh mga bundok: sapagka’t inaliw ni Jehova ang kaniyang bayan, at mahahabag sa kaniyang nagdadalamhati.
Isaias 49:15
Malilimutan ba ng babae ang kaniyang batang pasusuhin; na siya’y hindi mahahabag sa anak ng kaniyang bahay-bata? oo, ito’y makalilimot, nguni’t hindi kita kalilimutan.
Isaias 54:8
Sa kaunting pagiinit ay ikinubli ko ang aking mukha sa iyo sa isang sangdali; nguni’t kinaawaan kita sa pamamagitan ng walang hanggang kagandahang-loob, sabi ni Jehova, na iyong Manunubos.
Isaias 54:10
Sapagka’t ang mga bundok ay mangapapaalis, at ang mga burol ay mangapapalipat; nguni’t ang aking kagandahang-loob ay hindi hihiwalay sa iyo, o ang akin mang tipan ng kapayapaan ay maalis, sabi ni Jehova na naaawa sa iyo.
Jonas 4:10–11
At sinabi ni Jehova, Ikaw ay nanghinayang sa kikayon na hindi mo pinagpagalan o pinatubo man; na sumampa sa isang gabi, at nawala sa isang gabi: At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive, sa malaking bayang yaon, na mahigit sa isang daan at dalawang pung libong katao na hindi marunong magmunimuni ng kanilang kamay at ng kanilang kaliwang kamay; at marami ring hayop?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos
Bagaman pinagkatiwalaan si Jonas upang ipahayag ang salita ng Diyos na si Jehova sa mga taga-Ninive, hindi niya naunawaan ang intensyon ng Diyos na si Jehova, ni naunawaan ang Kanyang mga pag-aalala at mga inaasahan para sa mga mamamayan ng lungsod. Sa pamamagitan ng mahigpit na pangangaral na ito, nais ng Diyos na sabihin sa kanya na ang sangkatauhan ay produkto ng Kanyang sariling mga kamay, at ang Diyos ay naglaan ng maingat na paggawa para sa bawat tao; dala-dala ng bawat tao ang mga pag-asa ng Diyos; tinatamasa ng bawat tao ang tustos na buhay ng Diyos; para sa bawat tao, nagbayad ang Diyos ng isang malaking halaga. Ang mahigpit na pangangaral na ito ay nagpaalala rin kay Jonas na pinapahalagahan ng Diyos ang sangkatauhan, ang gawa ng Kanyang sariling mga kamay, tulad ng pagpapahalaga ni Jonas sa halaman. Hindi sila basta iiwanan ng Diyos sa anumang paraan hanggang sa huling sandali; lalo na, napakaraming bata at mga inosenteng hayop sa loob ng lungsod. Kapag nakikitungo sa mga batang ito at sa mga inosenteng nilalang ng Diyos, na hindi man lamang alam ang kaibahan ng kanilang kanang kamay sa kanilang kaliwa, lalong hindi kayang tapusin ng Diyos ang kanilang buhay at alamin ang kanilang kalalabasan sa gayong madaliang paraan. Umasa ang Diyos na makita silang lumaki; umasa Siya na hindi sila lalakad sa landas na parehong nilakaran ng kanilang mga matatanda, na hindi na nila kailangang muling marinig ang babala ng Diyos na si Jehova, at sasaksi sila sa nakaraan ng Ninive. Lalong higit pa rito, umasa ang Diyos na makita ang mga taga-Ninive pagkatapos nilang magsisi, na makita ang hinaharap ng Ninive matapos ang kanilang pagsisisi, at higit na mahalaga, na makita ang Ninive na muling namumuhay sa ilalim ng awa ng Diyos. Kaya, sa mata ng Diyos, ang mga nilikhang ito na hindi alam ang kaibahan ng kanilang kanan sa kaliwang kamay ay ang kinabukasan ng Ninive. Sila ang papasan sa kasuklam-suklam na nakaraan ng Ninive, tulad ng kanilang pagpasan sa mahalagang tungkulin ng pagiging saksi sa nakaraan at hinaharap ng Ninive sa ilalim ng paggabay ng Diyos na si Jehova. Sa pahayag na ito ng Kanyang tunay na nararamdaman, iniharap ng Diyos na si Jehova ang awa ng Lumikha para sa sangkatauhan sa kanyang kabuuan. Ipinakita nito sa sangkatauhan na ang “awa ng Lumikha” ay hindi isang walang-laman na parirala, ni isang hungkag na pangako; mayroon itong matibay na mga prinsipyo, mga pamamaraan at layunin. Siya ay tunay at totoo, at hindi gumagamit ng mga kasinungalingan o pagpapanggap, at sa parehong paraang ito, ang Kanyang awa ay walang hanggang ipinagkakaloob sa buong sangkatauhan sa bawat panahon at kapanahunan. Gayunpaman, hanggang sa mismong araw na ito, ang pakikipag-usap ng Lumikha kay Jonas ay ang nag-iisa at natatanging pahayag ng Diyos kung bakit nagpapakita Siya ng awa sa sangkatauhan, kung paano Siya nagpapakita ng awa sa sangkatauhan, gaano Siya nagpaparaya sa sangkatauhan at ang Kanyang tunay na nararamdaman para sa sangkatauhan. Ang maikli ngunit malinaw na pakikipag-usap ng Diyos na si Jehova ay nagpapahayag ng Kanyang kumpletong mga kaisipan para sa sangkatauhan; ito ay isang tunay na pagpapahayag ng saloobin ng Kanyang puso tungo sa sangkatauhan; at isa rin itong matibay na patunay ng Kanyang pagkakaloob ng masaganang awa sa sangkatauhan. Ang Kanyang awa ay hindi lamang ipinagkakaloob sa nakatatandang mga henerasyon ng sangkatauhan; ito ay ipinagkakaloob din sa mga nakababatang miyembro ng sangkatauhan, kagaya lamang ng dati, mula sa isang henerasyon hanggang sa susunod. Bagaman ang poot ng Diyos ay madalas dumarating sa ilang lugar at ilang panahon ng sangkatauhan, ang awa ng Diyos ay hindi kailanman huminto. Sa Kanyang awa, ginagabayan at pinangungunahan Niya ang isang henerasyon ng Kanyang nilikha pagkatapos ng sumunod, tinutustusan at pinagpapala ang isang henerasyon ng nilikha pagkatapos ng sumunod, sapagkat ang Kanyang tunay na nararamdaman tungo sa sangkatauhan ay hindi kailanman magbabago. Tulad ng sinabi ng Diyos na si Jehova: “At hindi baga Ako manghihinayang sa Ninive…?” Lagi Niyang pinapahalagahan ang Kanyang sariling sangnilikha. Ito ang awa ng matuwid na disposisyon ng Lumikha, at ito rin ang dalisay na pagiging natatangi ng Lumikha!
Hinango mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Tanging ang Lumikha ang naaawa sa sangkatauhang ito. Tanging ang Lumikha ang nagpapakita ng lambing at pagmamahal sa sangkatauhang ito. Tanging ang Lumikha ang may tunay at hindi napapatid na pagmamahal para sa sangkatauhan. Gayundin, tanging ang Lumikha ang makakapagkaloob ng kaawaan sa sangkatauhang ito at umiibig sa Kanyang buong sangnilikha. Lumulundag at sumasakit ang Kanyang puso sa bawat kilos ng tao: Siya ay nagagalit, nababalisa, at nagdadalamhati sa kasamaan at katiwalian ng tao. Siya ay nalulugod, nagagalak, nagpapatawad at nagsasaya sa pagsisisi at paniniwala ng tao; ang bawat isa sa Kanyang mga kaisipan at mga ideya ay umiiral at umiikot para sa sangkatauhan; kung ano at kung anong mayroon Siya ay lubos na ipinahahayag para sa kapakanan ng sangkatauhan; ang kabuuan ng Kanyang mga damdamin ay nakaugnay sa pag-iral ng sangkatauhan. Para sa kapakanan ng sangkatauhan, naglalakbay Siya at nagmamadali; tahimik Niyang ibinibigay ang bawat himaymay ng Kanyang buhay; iniaalay Niya ang bawat minuto at segundo ng Kanyang buhay…. Hindi Niya kailanman nalaman kung paano kaawaan ang Kanyang sariling buhay, ngunit lagi Niyang kinakaawaan at minamahal ang sangkatauhan na Kanya Mismong nilikha…. Ibinibigay Niya ang lahat ng kung anong mayroon Siya para sa sangkatauhang ito…. Iginagawad Niya ang Kanyang awa at pagpaparaya nang walang kundisyon at walang inaasahang kagantihan. Ginagawa lamang Niya ito upang patuloy na mananatili ang sangkatauhan sa Kanyang harapan, na tinatanggap ang Kanyang tustos ng buhay; ginagawa lamang Niya ito upang maaaring isang araw ay magpasakop sa Kanya ang sangkatauhan at kilalanin na Siya ang Isa na nag-aalaga sa pag-iral ng tao at nagtutustos ng buhay ng buong sangnilikha.
Hinango mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kinasuklaman ng Diyos ang tao dahil ang tao ay may poot sa Kanya, nguni’t sa Kanyang puso, ang Kanyang pag-aalaga, pagmamalasakit, at awa para sa sangkatauhan ay nanatiling hindi nagbabago. Kahit noong nilipol Niya ang sangkatauhan, ang puso Niya’y nanatiling hindi nagbago. Noong ang sangkatauhan ay napuno ng katiwalian at naging suwail sa Diyos hanggang sa isang nakapanghihinang punto, kinailangan ng Diyos na wasakin ang sangkatauhan, dahil sa Kanyang disposisyon at Kanyang diwa, at alinsunod sa Kanyang mga panuntunan, na lipulin ang sangkatauhang ito. Nguni’t dahil sa diwa ng Diyos, kinaawaan pa rin Niya ang sangkatauhan, at nagnais pang gumamit ng iba’t ibang mga paraan upang tubusin ang sangkatauhan upang makapagpatuloy silang mabuhay. Sa halip, nilabanan ng tao ang Diyos, nagpatuloy na sumuway sa Diyos, at tinanggihan na tanggapin ang pagliligtas ng Diyos, na ang ibig sabihin, tinanggihan na tanggapin ang Kanyang mabubuting layunin. Kahit paano man sila tinawag ng Diyos, pinaalalahanan, tinustusan, tinulungan, o pinagbigyan, hindi ito naunawaan o pinahalagahan ng tao, at ni hindi rin sila nagbigay-pansin. Sa kabila ng sakit Niyang nadama, hindi pa rin kinalimutan ng Diyos na ibigay sa tao ang pinakamataas na antas ng Kanyang pagpaparaya, sa paghihintay na manumbalik ang tao. Matapos Niyang maabot ang Kanyang hangganan, ginawa Niya ang dapat Niyang gawin nang walang anumang alinlangan. Sa madaling sabi, may nakatakdang panahon at proseso mula sa sandaling binalak ng Diyos na lipulin ang sangkatauhan hanggang sa opisyal na simula ng Kanyang gawain na paglipol sa sangkatauhan. Umiral ang ganitong proseso sa layuning mapanumbalik ang tao, at ito ang huling pagkakataon na ibinigay ng Diyos sa tao. Kaya ano ang ginawa ng Diyos sa panahong ito bago lipulin ang sangkatauhan? Napakaraming pagpapaalala at masidhing paghihikayat ang ginawa ng Diyos. Kahit gaano pa katindi ang sakit o pighating pinagdadaanan ng puso ng Diyos, patuloy Niyang ibinigay ang Kanyang pag-aalaga, malasakit, at masaganang awa sa sangkatauhan. Ano ang nakikita natin mula rito? Walang duda, nakikita natin na ang pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan ay totoo at hindi bukang-bibig lamang. Ito ay tunay, nadarama at may halaga, hindi huwad, may halo, mapandaya o mapagkunwari.
Hinango mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
2. Paano Ka Humihingi ng Awa sa Diyos?
Kawikaan 28:13
Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa: nguni’t ang nagpapahayag at nagiiwan ng mga yaon ay magtatamo ng kaawaan.
Isaias 55:7
Lisanin ng masama ang kaniyang lakad, at ng liko ang kaniyang mga pagiisip; at manumbalik siya kay Jehova, at kaaawaan niya siya; at sa aming Dios, sapagka’t siya’y magpapatawad ng sagana.
Jonas 3:7–9
At kaniyang inihayag at itinanyag sa buong Ninive sa pasiya ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, na sinasabi, Huwag lumasa maging tao ni hayop man, bakahan ni kawan man, ng anomang bagay: huwag silang magsikain, ni magsiinom man ng tubig; Kundi mangagbalot sila ng kayong magaspang, ang tao at gayon din ang hayop, at magsidaing silang mainam sa Dios: oo, talikdan ng bawa’t isa ang kaniyang masamang lakad, at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay. Sino ang nakaaalam kung manumbalik ang Dios at magsisisi, at hihiwalay sa kaniyang mabangis na galit, upang tayo’y huwag mangamatay.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos
Pagkatapos mapakinggan ang pagpapahayag ng Diyos, ang hari ng Ninive at ang kanyang mga nasasakupan ay nagsagawa ng serye ng mga pagkilos. Ano ang kalikasan ng kanilang asal at mga gawa? Sa madaling salita, ano ang diwa ng kabuuan ng kanilang pag-uugali? Bakit nila ginawa ang kanilang nagawa? Sa mata ng Diyos, matapat ang kanilang pagsisisi, hindi lamang dahil buong sikap silang nagsumamo sa Diyos at nangumpisal sa kanilang mga kasalanan sa harap Niya, kundi dahil na rin sa iniwan na nila ang kanilang masamang pag-uugali. Ginawa nila ang ganito dahil matapos nilang marinig ang mga salita ng Diyos, labis silang natakot at naniwala na gagawin Niya ang Kanyang sinabi. Sa pamamagitan ng pag-aayuno, pagdadamit ng sako at pag-upo sa abo, ninais nilang ipahayag ang kanilang pagpayag na baguhin ang kanilang mga pamamaraan at tumigil na sa kasamaan, upang manalangin sa Diyos na si Jehova na pigilin ang Kanyang galit, upang magsumamo sa Diyos na si Jehova na bawiin ang Kanyang pasya, gayundin ang malaking kapahamakan na malapit nang dumating sa kanila. Sa pamamagitan ng pagsiyasat sa lahat ng kanilang pag-uugali, makikita natin na naunawaan na nila na ang kanilang nakaraang masasamang gawa ay kasuklam-suklam sa Diyos na si Jehova at naunawan nila ang dahilan kung bakit malapit na Niya silang puksain. Dahil sa mga katwirangf ito, ninais nilang lahat na lubusang magsisi, talikuran ang kanilang masasamang gawa, at iwanan ang karahasan sa kanilang mga kamay. Sa madaling salita, nang maunawaan na nila ang pahayag ng Diyos na si Jehova, ang bawat isa sa kanila ay nakadama ng takot sa kanilang mga puso; hindi na nila ipinagpatuloy ang kanilang masamang pag-uugali ni hindi na nagpatuloy na gawin ang mga gawaing kinamumuhian ng Diyos na si Jehova. Dagdag pa dito, nagsumamo sila sa Diyos na si Jehova na patawarin ang kanilang mga nakaraang kasalanan at huwag silang parusahan batay sa kanilang mga nakaraang ginawa. Nakahanda silang hindi na kailanman muling mamumuhay sa kasamaan at gagawa na sila ayon sa mga ipinag-uutos ng Diyos na si Jehova, hindi na nila kailanman muling pasisiklabin ang galit ng Diyos na si Jehova. Tapat at ganap ang kanilang pagsisisi. Galing ito sa kaibuturan ng kanilang mga puso at hindi nagkukunwari, ni hindi ito pansamantala.
Sa sandaling nalaman ng mga taga-Ninive, mula sa kataas-taasang hari hanggang sa kanyang mga nasasakupan, na nagagalit sa kanila ang Diyos na si Jehova, ang bawat isa sa kanilang mga gagawin, ang kanilang buong asal, maging ang bawat pagpapasya at pagpili ay malinaw at lantad sa paningin ng Diyos. Nagbago ang puso ng Diyos ayon sa kanilang pag-uugali. Ano ang nasa isip ng Diyos ng mga sandaling iyon? Kayang sagutin ng Biblia ang tanong na iyan para sa iyo. Ayon sa nakatala sa Kasulatan: “At nakita ng Diyos ang kanilang mga gawa, na sila’y nagsihiwalay sa kanilang masamang lakad; at nagsisi ang Diyos sa kasamaan, na Kaniyang sinabing Kaniyang gagawin sa kanila; at hindi Niya ginawa.” Bagaman binago ng Diyos ang Kanyang isip, walang bagay na magulo tungkol sa kalagayan ng Kanyang kaisipan. Binago lamang Niya ang kalagayan mula sa paghahayag ng Kanyang galit tungo sa pagpapakalma ng Kanyang galit, at pagkatapos ay nagpasya na huwag nang dalhin ang malupit na kapahamakan sa lungsod ng Ninive. Ang dahilan kung bakit napagpasyahan ito ng Diyos—na iligtas ang mga taga-Ninive mula sa malupit na kapahamakan—nang napakabilis ay napagmasdan ng Diyos ang puso ng bawat tao sa Ninive. Nakita Niya ang kanilang itinatago mula sa kalaliman ng kanilang mga puso: ang kanilang tapat na pangungumpisal at pagsisisi sa kanilang mga kasalanan, ang kanilang tapat na paniniwala sa Kanya, ang kanilang malalim na pakiramdam kung paano na ang kanilang masasamang gawa ay lubos na nagpagalit sa Kanyang disposisyon, at nagdulot ng takot sa nalalapit na kaparusahan ng Diyos na si Jehova. At gayundin naman, narinig din ng Diyos na si Jehova ang mga panalangin mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso na taimtim na nakiusap na pigilin Niya ang Kanyang galit laban sa kanila upang makaiwas sila sa parating na kapahamakan. Nang mapansin ng Diyos ang lahat ng pangyayaring ito, unti-unting naglaho ang Kanyang galit. Kahit gaano kalaki ang Kanyang galit sa nakaraan, nang makita Niya ang tapat na pagsisisi sa kaibuturan ng mga puso ng mga taong ito, nabagbag nito ang Kanyang puso, kaya’t hindi Niya makayang dalhin ang kapahamakan sa kanila, at humupa na ang Kanyang galit sa kanila. Sa halip, patuloy Niyang ipinadama ang Kanyang awa at pagpapaubaya sa kanila at patuloy silang ginabayan at tinustusan.
Hinango mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II”
Ang “masamang gawi” ay hindi tumutukoy sa isang dakot na masasamang gawa, kundi ang masamang pinagmumulan sa likod ng pag-uugali ng mga tao. “Ang paglayo sa kanyang masamang gawi” ay nangangahulugan na hindi na nila kailanman muling gagawin ang mga gawaing ito. Sa madaling salita, hindi na sila kailanman muling mamumuhay sa masamang gawing ito; ang paraan, pinagmulan, layunin, intensyon at prinsipyo ng kanilang mga gawain ay nagbagong lahat; hindi na nila kailanman muling gagamitin ang mga pamamaraan at mga prinsipyong ito upang magdulot ng kasiyahan at kaligayahan sa kanilang mga puso. Ang “iniwan” sa “iniwan ang karahasan sa kanilang mga kamay” ay nangangahulugan na binitawan o isinantabi, upang ganap na makawala sa nakaraan at hindi na kailanman muling babalikan. Nang iwanan ng mga taga-Ninive ang karahasan sa kanilang mga kamay, pinatunayan at kinatawan nito ang tunay nilang pagsisisi. Pinagmamasdan ng Diyos ang panlabas na kalagayan ng mga tao, gayundin ang kanilang mga puso. Nang mapansin ng Diyos ang tunay na pagsisisi nang walang pag-aalinlangan sa puso ng mga taga-Ninive, at napansin din na tinalikdan na nila ang kanilang masasamang gawi at iniwan ang karahasan sa kanilang mga kamay, binago Niya ang Kanyang puso. Ibig sabihin, ang asal at pag-uugali ng mga taong ito at ang iba’t ibang pamamaraan ng kanilang paggawa, gayundin ang kanilang tapat na pangungumpisal at pagsisisi sa mga kasalanan sa kanilang puso, ang dahilan kaya nagbago ang puso ng Diyos, nagbago ang Kanyang mga intensiyon, umatras sa Kanyang pagpapasya at hindi na sila parurusahan o lilipulin man. Kaya nagkaroon ang mga taga-Ninive ng ibang katapusan. Nailigtas nila ang kanilang sariling mga buhay at natamo rin nila ang awa at pagpaparaya ng Diyos, kung saan iniatras din ng Diyos ang Kanyang poot.
Hinango mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II”
Kahit gaano man ang galit ng Diyos sa mga taga-Ninive, sa sandaling nagpahayag sila ng pag-aayuno at nagsuot ng sako at naupo sa abo, unti-unting lumambot ang Kanyang puso, at nagsimulang baguhin ang Kanyang puso. Nang sabihin Niyang wawasakin Niya ang kanilang lungsod—ang panahon bago ang kanilang pangungumpisal at pagsisisi sa kanilang mga kasalanan—galit pa rin sa kanila ang Diyos. Nang dumaan sila sa serye ng mga pagsisisi, unti-unting humupa ang galit ng Diyos sa mga taga-Ninive at napalitan ng awa at pagpaparaya sa kanila. Walang anumang salungatan tungkol sa magkaparehong pahayag ng dalawang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa magkaparehong pangyayari. Paano mauunawaan at malalaman ng isang tao ang ganitong kawalan ng pagkakasalungatan? Magkasunod na ipinahayag ng Diyos ang dalawang magkatapat na bahaging ito ng mga diwa nang magsisi ang mga taga-Ninive, upang makita ng mga tao ang pagiging totoo at pagka-di-napupuno ng diwa ng Diyos. Ginamit ng Diyos ang Kanyang saloobin upang sabihin sa mga tao ang mga sumusunod: Ito ay hindi dahil kinukunsinti ng Diyos ang mga tao, o hindi Niya nais na maawa sa kanila; ito ay dahil sa bihira silang magsisi nang tapat sa Diyos, at bihirang tunay na talikdan ng mga tao ang kanilang masasamang gawi at iwanan ang karahasan sa kanilang mga kamay. Sa madaling sabi, kapag nagagalit ang Diyos sa tao, umaasa Siya na makakaya ng tao na magsisi nang tapat, at umaasa Siya na makikita ang tunay na pagsisisi ng tao, na dahil dito, buong laya Niyang ipagpapatuloy na ipagkaloob ang Kanyang awa at pagpaparaya sa tao. Ibig sabihin nito na ang masamang ugali ng tao ang nagdudulot ng poot ng Diyos, at kung saan ang awa at pagpaparaya ng Diyos ay ipagkakaloob sa mga nakikinig sa Diyos at tunay na nagsisisi sa harap Niya, sa mga makatatalikod sa kanilang masasamang gawi at maiiwan ang karahasan ng kanilang mga kamay. Ang saloobin ng Diyos ay malinaw na ipinahayag sa Kanyang pakikitungo sa mga taga-Ninive: Ang awa at pagpaparaya ng Diyos ay hindi lubhang mahirap na makamit; hinihingi Niya sa isa ang tunay na pagsisisi. Hangga’t ang mga tao ay tatalikod sa kanilang masasamang gawi at iiwan ang karahasan sa kanilang mga kamay, babaguhin ng Diyos ang Kanyang puso at ang Kanyang saloobin sa kanila.
Hinango mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Ang Panalangin ng Pagsisisi sa Kumpisal Ba ay Tunay na Pagsisisi?
10 Mga Kanta ng Panalangin sa Umaga upang Mapalapit Ka sa Diyos
The Daily Devotional Tagalog page provides rich devotional resources to help you get close to God every day and build a normal relationship with Him.
Image Source: The Church of Almighty God
Terms of Use: tl.godfootsteps.org/disclaimer.html
当我们把困难交在上帝手中时,祂便把祂的平安放在我们心中。
When we put our problems in God’s hands, He puts His peace in our hearts.
(from today's Our Daily Bread daily devotion)
*SAM* Nails Applier- Pink Tattoo
maps.secondlife.com/secondlife/PoWeR/139/176/3507
Addams- Worn Out Jeans
maps.secondlife.com/secondlife/Addams%20Land/121/145/61
LEGENDAIRE- THELMA SWEATER
maps.secondlife.com/secondlife/Sylvan%20Lake/90/110/31
RAMA.SALON- Lin Hair Light Blondes (Gacha)
maps.secondlife.com/secondlife/Sylvan%20Lake/90/110/31
Glam Affair - Alexa Applier ( Catwa ) America 01 (Gacha)
Minsang sinabi ng Panginoong Jesus, "Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating" (Juan 16:12–13).
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa mga huling araw, dumating sa lupa ang Diyos na nagkatawang-tao higit sa lahat upang magsalita ng mga salita. Noong dumating si Jesus, pinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit, at nagawa Niya ang gawain ng pagtubos ng pagpapapako sa krus. Nagdala Siya ng katapusan sa Kapanahunan ng Kautusan at binuwag ang lahat ng luma. Tinapos ng pagdating ni Jesus ang Kapanahunan ng Kautusan at inihatid ang Kapanahunan ng Biyaya; ang pagdating ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay nagdala ng katapusan sa Kapanahunan ng Biyaya. Dumating Siya higit sa lahat upang magsalita ng mga salita Niya, upang gumamit ng mga salita para gawing perpekto ang tao, upang paliwanagin at liwanagan ang tao, at upang alisin ang lugar ng malabong Diyos sa loob ng puso ng tao. Hindi ito ang yugto ng gawaing ginawa ni Jesus noong dumating Siya. Noong dumating si Jesus, gumawa Siya ng maraming himala, pinagaling Niya ang mga may sakit at itinaboy ang mga demonyo, at ginawa Niya ang gawain ng pagtubos ng pagpapapako sa krus. Bunga nito, sa mga kuro-kuro ng mga tao, naniniwala silang ganito dapat ang Diyos. Dahil noong dumating si Jesus, hindi Niya ginawa ang gawaing pagtatanggal ng larawan ng malabong Diyos mula sa puso ng tao; noong dumating Siya, ipinako Siya sa krus, pinagaling Niya ang mga may sakit at itinaboy ang mga demonyo, at pinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit. Sa isang banda, tinanggal ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw ang lugar na hawak ng malabong Diyos sa mga kuro-kuro ng tao, kaya naman wala na ang larawan ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa pamamagitan ng aktwal Niyang mga salita at aktwal Niyang gawain, ang pagkilos Niya sa lahat ng mga lupain, at ang natatanging tunay at normal na gawaing ginagawa Niya sa tao, nagdulot Siya na mabatid ng tao ang realidad ng Diyos, at tinanggal ang lugar ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa isa pang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salitang sinabi ng katawang-tao Niya upang gawing ganap ang tao, at upang magawa ang lahat ng mga bagay. Ito ang gawaing gagawin ng Diyos sa mga huling araw."
Mga kaibigan, makikita natin mula sa mga salita ng Diyos na ang Diyos ay dumating sa katawang-tao, una sa lahat upang magsalita ng Kanyang mga salita sa mga huling araw. Ginagamit ng Diyos ang salita bilang paraan upang ihayag sa mga tao ang Kanyang kalooban at mga kinakailangan, at upang sabihin sa atin ang paraan upang maligtas at maging perpekto. Sinabi Niya sa atin ang lahat ng mga katotohanan na dapat nating maunawaan sa ating paniniwala sa Diyos, upang mayroon tayong mga wastong layunin na itaguyod at hindi na mamuhay sa kalabuan, ngunit maaaring malaman ang praktikal na mga gawa ng Diyos, at sa huli ay maperpekto ng Diyos.
Ngayon, ang Diyos ay nagkatawang-tao at bumaba sa sangkatauhan sa mga huling araw, na nagdadala ng mga bagong salita, nagbubukas ng bagong kapanahunan, at tinatapos ang Kapanahunan ng Biyaya. Tanging kapag agad nating hinanap at siniyasat ang mga bagong salita ng Diyos sa mga huling araw ay magkakaroon tayo ng pagkakataong salubungin ang Panginoon at mailigtas Niya. Handa ka bang kunin ang pagkakataong ito upang salubungin pagsunod sa Diyos
www.facebook.com/kingdomsalvationtl/posts/3619143294806181
#Daily_Devotion #Pag_aaral_ng_Salita_ng_Diyos #pagbabalik_ni_Jesus #Kaharian
Image Source: The Church of Almighty God
Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html
Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng messenger anumang oras!
Sa ating mga buhay, makakaharap tayo ng iba’t ibng mga bagay na kapwa maliit at malaki araw-araw. Kung hindi natin alam ang kalooban ng Diyos, wala tayong patutunguhan at hindi natin malalaman kung ano ang gagawin upang makamit ang papuri ng Diyos. Kung gayon alam mo ba kung paano malalaman ang kalooban ng Diyos sa mga bagay na dumarating sa iyo? Narito sa ibaba, nais kong sabihin sa iyo ang dalawang landas ng pagsasagawa.
Paano malalaman ang kalooban ng Diyos (1): Tumahimik sa Harap ng Diyos upang Magdasal at Maghanap
Kapag nakakaranas tayo ng isang bagay na hindi umaayon sa ating sariling kagustuhan, alam mo ba kung paano malalaman ang kalooban ng Diyos? Sabi ng Diyos, “Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan” (Mateo 7:7).
“Sa tunay na buhay, dapat kang magdasal tuwing may nangyayari sa iyo. Sa pinakaunang pangyayari, dapat kang lumuhod at magdasal—ito ay mahalaga. Ipinamamalas ng pagdarasal ang iyong saloobin sa Diyos sa Kanyang presensya. Hindi mo ito gagawin kung wala ang Diyos sa puso mo. Sinasabi ng ilang tao, ‘Nagdarasal ako ngunit hindi pa rin ako nililiwanagan ng Diyos!’ Hindi mo dapat sabihin iyan. Tingnan mo muna kung tama ang mga motibasyon mo sa pagdarasal; kung totoong hinahanap mo ang katotohanan at madalas kang magdasal sa Diyos, liliwanagan ka Niya nang maayos sa ilang bagay upang maunawaan mo—sa madaling salita, tutulungan ka ng Diyos na makaunawa.”
Ang mga salita ng Diyos ay ipinapakita sa atin na kapag nakatagpo tayo ng isang bagay na salungat sa ating kagustuhan, ang mga pinakaimportanteng bagay ay ang pagtanggap at pagsunod, at humarap sa Diyos upang magdasal at hanapin ang kalooban ng Diyos. Ito ang landas ng pagsasagawa upang malaman ang kalooban ng Diyos. Kapag pinatatahimik natin ang ating puso sa harap ng Diyos, at naghahanap at nananalangin sa Diyos nang may masunuring puso, makikita ng Diyos na tama ang ating mga puso at liliwanagan tayo upang maunawaan ang Kanyang kalooban, nang sa gayon ay magkaroon tayo ng landas ng pagsasagawa at makamit ang pagsang-ayon at mga biyaya ng Diyos.
Gawing halimbawa si Job. Nang ang lahat ng kanyang kayamanan at pag-aari at kanyang mga anak ay kinuha sa kanya, pumunta siya sa harap ng Diyos upang magdasal at maghanap nang may masunuring puso. Sa paggawa nito, naunawaan niya ang kalooban ng Diyos na si Jehova at nalaman na ito ay isang pagsubok at pagpipino ng Diyos na dumating sa kanya upang suriin ang kanyang pananampalataya, debosyon, at pagsunod sa Diyos. Nalaman niya rin na lahat ng mayroon siya ay ipinagkaloob ng Diyos at may dahilan ang Diyos sa pagbawi nito. Matapos maunawaan ang kalooban ng Diyos, sinabi ni Job, “Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako roon: si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova” (Job 1:21). “Tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama?” (Job 2:10). Sa pamamagitan ng pagdarasal at paghahanap, naunawaan ni Job ang kalooban ng Diyos, at hindi lamang siya hindi nagsalita nang makasalanan, bagkus ay nagdala pa siya ng isang maugong na patotoo para sa Diyos. Sa gayon siya ay pinuri ng Diyos, nagpakita sa kanya mula sa isang bagyo, at ipinagkaloob sa kanya ang mas maraming mga biyaya. Makikita na kung ang isang tao ay nakakaranas ng hindi kaaya-ayang pangyayari, tanging sa pagdarasal at paghahanap nang may masunuring puso natin mauunawaan ang kalooban ng Diyos.
Sa tuwing nakakaranas tayo ng isang bagay na hindi umaangkop sa ating sariling mga hangarin, hangga’t naghahanap at nagpapasakop tayo sa ating mga panalangin, mauunawaan natin ang kalooban ng Diyos. Halimbawa, noon, nagkasakit ako ng malubha at naharap sa kamatayan. Kahit na wala akong sinabi, ang aking puso ay napuno ng hindi pagkaunawa at pagsisi sa Diyos. Naisip kong naniniwala ako sa Panginoon sa loob ng maraming taon at palaging nagsusumikap, kaya paano ako nagkaroon ng napakalubhang sakit? Bakit hindi ako prinotektahan ng Diyos? Habang mas iniisip ko ito, lalo akong tumutol sa aking puso, nakaramdam ng sobrang pagkabalisa at pagkaapi. Napagtanto kong mali ang aking estado, at sa gayon ay humarap ako sa Diyos upang manalangin at hanapin ang kalooban ng Diyos. Napagtanto ko: Kapag ang lahat ay nagiging maayos para sa akin, masigasig akong gumugugol para sa Diyos, at walang mga reklamo kahit gaano pa ako kapagod. Ngunit nang ako ay nagkasakit, wala ako ng katulad na lakas na mayroon ako sa nakaraan, at napuno ng mga maling pagkaunawa at paninisi sa Diyos. Kung gayon, para saan talaga ang paggugol ko para sa Diyos? Hindi ba’t kapalit lamang iyon ng mga pagpapala ng makalangit na kaharian at para sa mas mabuting kapalaran at biyaya? Nang masira ang aking pagnanais na makakuha ng mga pagpapala, napuno ako ng mga reklamo at hindi pagkakaunawaan tungkol sa Diyos—paano ako naging mapagmahal at naging matapat sa Diyos? Ako ay simpleng sumusubok na makipagtawaran sa Diyos; sinusubukan kong gamitin Siya at linlangin Siya! Paano magiging karapat-dapat sa Kanyang papuri ang gayong pananampalataya sa Diyos? Nang napagtanto ko ito, sa wakas ay naintindihan ko na inayos ng Diyos ang sitwasyong iyon upang maipakita ang aking mga motibo upang makakuha ng mga pagpapala sa pamamagitan ng aking paniniwala sa Diyos at upang mabago ang aking mga maling pananaw sa aking paniniwala sa Diyos.
Sa pagkaunawa sa mabuting intensyon ng Diyos sa pagligtas sa akin, lalo akong nagsisi. Naisip ko, “Ang Diyos ang Manlilikha at ako ay isang nilikha.” “Ang paniniwala sa Diyos at pagsamba sa Diyos ay isang batas sa langit at isang prinsipyo sa lupa. Maging mapalad man ako o mapasailalim sa kalamidad, dapat akong maging tapat sa Diyos, at hindi dapat makipagkasunduan sa Diyos. Ito ang konsensiya at dahilan na dapat mayroon ako bilang isang nilikhang nilalang.” Kaya’t nanalangin ako at gumawa ng isang resolusyon sa Diyos: “kahit na gumaling ako o hindi, magpapasakop ako sa Iyong mga pangangasiwa at pagsasaayos at hindi na gagawa ng anumang labis na kahilingan sa Iyo. Hindi mahalaga kung mga biyaya o kapahamakan ang dumating sa akin, gagampanan ko nang maayos ang aking tungkulin upang gantihan ang Iyong pag-ibig.” Pagkatapos kong manalangin sa Diyos ng ganito, nakaramdam ako ng kapanatagan at kapayapaan sa loob. Hindi nagtagal pagkatapos niyon, gumaling ang aking karamdaman.
Mula rito makikita natin na kapag nakakaranas tayo ng isang bagay na hindi kanais-nais, dapat tayong tumahimik sa harap ng Diyos upang maghanap, sapagkat sa ganitong paraan lamang natin mauunawaan ang kalooban ng Diyos at magkakaroon ng isang landas ng pagsasagawa.
Paano malalaman ang kalooban ng Diyos (2): Hanapin ang Kalooban ng Diyos sa Kanyang mga Salita
Kung nais nating malaman ang kalooban ng Diyos, bukod sa pagdarasal at paghahanap, ang pinakamahalagang bagay ay basahin ang mga salita ng Diyos at hangarin na malaman ang kalooban ng Diyos sa Kanyang mga salita. Tulad ng sabi ng mga salita ng Diyos, “Paano magkakasama ang Diyos at ang tao? Paano mo makikilala ang Diyos? Paano gumagawa ang Diyos sa tao? Ginagamit Niya ang mga salita upang ihayag ang Kanyang kalooban, gumagamit ng mga salita upang patnubayan ka sa tamang landas na dapat mong lakaran, gumagamit ng salita upang subukin ka, at gumagamit ng mga salita upang sabihin sa iyo ang lahat ng mga kinakailangan at pamantayan na mayroon Siya para sa iyo. Unawain ito, at maiintindihan mo ang ugat ng bagay. Hindi namamalayan, nauunawaan mo ang lahat ng aspeto ng katotohanan sa loob ng mga salita ng Diyos: ang mga prinsipyo ng pakikisalamuha sa iba at pagharap sa mga bagay-bagay, kung paano pakitunguhan ang mga kapatid, paano harapin ang gawain sa iglesia at ang iyong mga tungkulin, paano mo mararanasan ang mga pagsubok, paano maging matapat sa Diyos, paano isuko ang mga bagay at kung paano pakitunguhan ang mundo. Ang lahat ng mga katotohanang ito ay matatagpuan sa loob ng mga salita ng Diyos, at sinabi ng Diyos ang lahat ng mga ito sa iyo.”
Alam nating lahat na ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan, ang kung ano ang mayroon ang Diyos at kung ano Siya, at kumakatawan sa kalooban ng Diyos. Ang mga salita ng Diyos ay sinabi sa atin ang lahat: kung aling mga tao ang gusto ng Diyos at kung aling mga tao ang kinamumuhian ng Diyos, kung kanino nakadirekta ang pagkagalit ng Diyos, kung sino ang pinaparusahan Niya, ang Kanyang emosyonal na estado, ang Kanyang hinihingi sa mga tao, ang Kanyang kalooban para sa sangkatauhan, kung paano dapat tratuhin ng mga tao ang mga salita ng Panginoon at kung paano nila tatanggapin ang Panginoon. Kaya, hangga’t hinahanap natin ang mga salita ng Diyos kapag nakakatagpo tayo ng mga isyu, maiintindihan natin ang kalooban ng Diyos at makakahanap ng wastong landas ng pagsasagawa.
Halimbawa, kapag tayong mga nananampalatay sa Diyos ay isinasagawa ang ating mga tungkulin sa iglesia, hinihimok tayo ng ilang tao na kumita ng pera at mag-ipon ng kayamanan. Sa mga oras na katulad nito, kung hinahangad natin ang katotohanan sa mga salita ng Diyos, malalaman natin ang kalooban ng Diyos. Malinaw na sinabi sa atin ng Panginoong Jesus, “Sapagka’t ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?” (Mateo 16:26). “Sinoma’y hindi makapaglilingkod sa dalawang panginoon: sapagka’t kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa: o kaya’y magtatapat siya sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan” (Mateo 6:24). Mula sa mga salitang ito, nalalaman natin na ang kalooban ng Panginoon para sa atin ay maging kontento sa sapat na damit at pagkain kaysa sa mag-ipon pa ng kayamanan, at bilang mga mananampalataya sa Diyos, dapat nating hanapin ang katotohanan at kamtin ang katotohanan bilang ating buhay, sapagkat sa ganitong paraan lamang tayo makakakuha ng papuri ng Diyos at makakapasok sa kaharian ng Diyos. Kung hindi natin hinahangad na malaman ang kalooban ng Diyos sa mga salita ng Diyos, maiisip natin na ang mga salita ng tao ay may katuturan din kaya’t isusuko natin ang paggawa ng ating mga tungkulin upang kumita ng pera. Sa ganitong paraan, mahuhulog tayo sa pakana ni Satanas at malulubog sa tukso, nilalayuan at pinagkakanulo ang Diyos.
Tingnan natin ang isa pang halimbawa. Ngayon, nagsimula na ang mga malalaking sakuna at ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay pangunahing natutupad na, at sa gayon ang Panginoon ay malamang na bumalik na. Gayunpaman, maraming tao ang hindi pa sinasalubong ang Panginoon. Paano natin malalaman ang kalooban ng Diyos sa Kanyang mga salita tungkol sa bagay na ito? Dapat nating hanapin kung ano ang sinabi ng Diyos tungkol sa pagsubong sa Panginoon. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6). Ang Aklat ng Pahayag ay naglalaman din ng mga sumusunod na propesiya, “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko” (Pahayag 3:20). “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7). Malinaw na sinabi ng mga salitang ito na kapag naririnig natin ang isang tao na nagpapatotoo na ang Panginoon ay bumalik na, dapat tayong magmadali upang salubungin Siya, na ang Panginoon ay kakatok sa mga pintuan ng puso ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang mga pagbigkas, at yaong tumatanggap matapos marinig ang tinig ng Panginoon ay masasalubong ang Panginoon. Sa gayon, mayroon tayong isang landas ng pagsasagawa: Pagkarinig sa isang tao na nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay nagbalik at nagpapahayag “kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia,” dapat nating hanapin at suriin kung ang mga salitang ito ay naglalaman ng katotohanan at kung sila ay tinig ng Diyos. Sa sandaling makumpirma natin na ang mga ito ay tinig ng Diyos, dapat nating tanggapin at sundin—hindi ba iyon pagsalubong sa Panginoon? Kaya, kahit na ano ang makaharap natin, hangga’t hinahanap natin ang katotohanan sa mga salita ng Diyos malalaman natin ang kalooban ng Diyos at makakahanap ng isang landas ng pagsasagawa.
Hangga’t nauunawaan natin ang dalawang mga landas sa itaas, mauunawaan natin kung paano malalaman ang kalooban ng Diyos at magkakaroon ng tamang landas ng pagsasagawa sa mga tao, pangyayari at mga bagay na nakakaharap natin.
The Daily Devotional Tagalog page provides rich devotional resources to help you get close to God every day and build a normal relationship with Him.
Rekomendasyon:
Unawain Ang parabula ng sampung dalaga Upang Maging Mga Matalinong Dalaga at Masalubong ang Pagdating ng Panginoon
Devotional Topics Tagalog: Tips to Get Close to God
Image Source: The Church of Almighty God
Terms of Use: tl.godfootsteps.org/disclaimer.html
daily devotion tagalog version app provides Christians with abundant resources of devotions, helping Christians to get close to God and to establish a normal relationship with God!
#Ebanghelyo #Makapangyarihang_Diyos #pananalig_sa_Diyos #katotohanan #APP #Daily_Devotion
Image Source: The Church of Almighty God
Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html
Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng messenger anumang oras!
Sinasabi ng Bibliya, “Magsilapit kayo sa Dios, at siya’y lalapit sa inyo” (Santiago 4:8). Bilang mga Kristiyano, sa pamamagitan lamang ng paglapit sa Diyos at pagkakaroon ng isang tunay na pakikipag-ugnayan sa Kanya at saka natin mapananatili ang isang normal na relasyon sa Diyos at matamo ang gawain ng Banal na Espiritu. Katulad lang ito ng dalawang taong nakikipag-ugnayan sa bawat isa, na mapananatili lamang nila ang kanilang malapit na relasyon sa mahabang panahon sa pamamagitan ng pagiging bukas sa isa’t isa, madalas na pakikipag-usap kapag nahaharap sila sa mga isyu, at sa pamamagitan ng pag-unawa at paggalang sa isa’t isa. Nguni’t sa panahong ito na ang lahat ay napakabilis, ang sobrang daming trabaho, kumplikadong mga relasyon at masasamang kalakarang panlipunan ang humahatak sa atin at madalas na sumasakop sa ating panahon. Ang ating mga puso ay madaling mabagabag ng mga tao, mga pangyayari at mga bagay sa sanlibutan, at pinipigilan tayong mapanatili ang normal na relasyon sa Diyos. Ito ang nagdadala sa atin palayo nang palayo sa Diyos, at kapag nahaharap tayo sa mga isyu, nagiging mas mahirap para sa atin na mapanatag ang ating mga sarili sa harapan ng Diyos, na lumapit sa Diyos at hanapin ang kaliwanagan at gabay ng Banal na Espiritu. Kapag gumagawa tayo ng mga bagay, kadalasan ginagawa natin ang mga ito nang walang ano mang tamang direksyon o layunin, at ang ating mga espiritu ay patuloy na nasa kalagayan ng kahungkagan at pagkabalisa. Kaya’t paano natin tiyak na mapananatili ang isang malapit na relasyon sa Diyos? Kailangan lang nating maunawaan ang apat na puntos sa ibaba, at ang ating relasyon sa Diyos ay siguradong mas magiging malapit.
1. Manalangin sa Diyos nang may Katapatan sa Puso at Hayaang Makilusan ng Banal na Espiritu
Ang panalangin ay daan kung paano tayo nakikipag-usap sa Diyos. Sa pamamagitan ng panalangin, mas magiging panatag ang ating mga puso sa harapan ng Diyos, upang pagnilayan ang salita ng Diyos, upang hanapin ang kalooban ng Diyos at magtatag ng isang normal na relasyon sa Diyos. Nguni’t sa buhay, dahil sa abala tayo sa trabaho o mga gawaing-bahay, kadalasan nananalangin lang tayo para lang gawin ito, at tinatrato natin ang Diyos na tila wala tayong interes sa pamamagitan ng pag-usal ng ilang mga salitang hindi pinag-isipan. Kapag abala agad tayo sa umaga, halimbawa, pagpunta sa trabaho o pagiging abala sa ibang mga bagay, nananalangin tayo nang madalian: “O Diyos! Ipinagkakatiwala ko sa Inyong mga kamay ang gawain ko ngayong araw, at ipinagkakatiwala ko sa Inyo ang aking mga anak at magulang. Ipinagkakatiwala ko ang lahat ng bagay sa Inyong mga kamay, at hinihiling ko na pagpalain at protektahan Mo ako. Amen!” Tinatrato natin ang Diyos nang ganun lang sa pamamagitan ng pag-usal ng ilang mga salita na walang tiyak na layunin. Walang katahimikan ang ating mga puso, gayun din at wala tayong tunay na pakikipag-ugnayan sa Diyos. Minsan, umuusal tayo ng panalangin sa Diyos gamit ang mga salitang may tunog na nakalulugod, at ilang mga salitang hungkag, may pagmamataas, at hindi natin sinasabi sa Diyos kung ano ang nasa ating mga puso. O kung minsan, kapag tayo’y nananalangin, binibigkas natin ang ilang mga kabisadong salita, at inuusal natin iyong parehong lipas na at lumang mga salita, at ito ang nagiging isang ganap na relihiyosong ritwal na panalangin. Maraming mga ganitong panalangin ang naiusal natin sa ating mga buhay—mga panalanging nakakapit sa mga panuntunan, at mga panalangin kung saan hindi natin binubuksan ang ating mga puso o hinahanap ang kalooban ng Diyos. Namumuhi ang Diyos kapag nananalangin tayong wala naman talagang kahulugan sa atin, sapagka’t ang ganitong uri ng panalangin ay tumutukoy sa panlabas na anyo at relihiyosong ritwal, at walang tunay na pakikipag-ugnayan sa Diyos sa ating espiritu. Ang mga taong nananalangin nang ganito ay walang tunay na interes kung tratuhin ang Diyos at nililinlang ang Diyos. Kung kaya ang mga panalanging ito ay hindi dinidinig ng Diyos at napakahirap para sa mga taong ito na nananalangin sa ganitong paraan na makilusan ng Banal na Espiritu. Kapag nanalangin sila nang ganito, hindi nila nararamdaman ang presensiya ng Diyos, madilim at mahina ang kanilang mga espiritu, at palayo nang palayo ang kanilang relasyon sa Diyos.
Sinabi ng Panginoong Jesus: “Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan” (Juan 4:24). Ang Diyos ang Lumikha na nagpupuno sa langit at lupa. Nasa tabi natin Siya sa lahat ng sandali, binabantayan ang ating bawat salita at kilos, ang ating bawat isipan at ideya. Ang Diyos ang kataas-taasan, lubos na marangal, at kapag nanalangin tayo sa Diyos, sinasamba natin ang Diyos, at dapat tayong lumapit sa Diyos na may tapat na puso. Kaya’t kapag nanalangin tayo sa Diyos, dapat tayong magkaroon ng pusong may takot sa Diyos, nagsasalita sa Diyos ng taos sa puso at matapat, dinadala sa harapan ng Diyos ang ating tunay na kalagayan, ang ating mga kahirapan at mga tiisin at inilalahad sa Kaniya ang tungkol dito, at kinakailangan nating hanapin ang kalooban ng Diyos at hanapin ang daan upang maipamuhay, sapagka’t sa ganitong paraan lamang aayon sa kalooban ng Diyos ang ating mga panalangin. Halimbawa, mahaharap tayo sa mga kahirapan sa buhay, o matatagpuan natin ang ating mga sarili sa isang sitwasyon kung saan palagi tayong nagkakasala at nangungumpisal, at nahihirapan tayo. At sa gayon, binubuksan natin ang ating mga puso sa Diyos, inilalahad sa Diyos ang tungkol sa ating mga problema at hinahanap ang kalooban ng Diyos, at makikita ng Diyos ang ating katapatan at pakikilusin Niya tayo. Bibigyan Niya tayo ng pananampalataya, o paliliwanagan Niya tayo upang maunawaan ang Kanyang kalooban. Sa ganitong paraan, mauunawaan natin ang katotohanan at magpapatuloy tayo. Halimbawa, kapag totoong nakilala natin na ang ating mga panalangin ay nakakapit lang sa mga panuntunan at inuusal lang bilang isang seremonya, o nagsasalita tayo nang may pagmamataas o kahungkagan, at wala naman tayong tunay na pakikipag-ugnayan sa Diyos, magiging ganito ang paraan ng ating panalangin: “O Diyos! Nang manalangin ako noon, wala akong interes sa Iyo. Lahat ng sinabi ko ay nasabi ko upang dayain Ka at nagsasalita ako nang walang katapatan; May pagkakautang ako sa Iyo. Mula sa araw na ito, nais kong manalangin mula sa aking puso. Sasabihin ko sa Iyo ang ano mang nasa aking puso, at sasambahin Kita nang tapat sa aking puso at hihingi ng Iyong paggabay.” Kapag naging bukas tayo sa Diyos katulad nito mula sa kaibuturan ng ating puso, makakaramdam ang ating mga puso. Makikita natin kung gayon kung gaano tayo naghimagsik laban sa Diyos, at hahangarin nating mas higit pa na magsisi nang tunay sa harapan ng Diyos at makipag-usap sa kanyang nang taos sa puso. Sa panahong ito, mararamdaman natin na ang relasyon sa Diyos ay labis na malapit, na tila nakaharap sa Kanya. Ito ang bunga ng pagbubukas ng ating puso sa Diyos.
Ang pagbubukas ng ating puso sa Diyos ay hindi nakasalalay sa kung gaano karami ang nais nating sabihin sa Kanya, o dili kaya’y gumamit tayo ng mga mabulaklak na salita o magarbong wika. Hangga’t binubuksan natin ang ating mga puso sa Diyos at sinasabi sa Kanya ang tunay nating katayuan, hanapin ang Kanyang paggabay at kaliwanagan, pakikinggan tayo ng Diyos kahit na kaunti at simpleng mga salita lamang ang ating sasabihin. Kapag lumapit tayo sa Diyos nang madalas sa ganitong paraan, sa pagtitipon man o maging sa panahon ng espirituwal na debosyon, o kapag tayo ay naglalakad sa kalye o nakaupo sa bus o sa trabaho, ang ating mga puso ay tahimik na magbubukas sa Diyos sa panalangin. Hindi na natin mamamalayan, ang mga puso natin ay mas magiging panatag sa harapan ng Diyos, mas mauunawaan natin ang kalooban ng Diyos, at kapag nahaharap tayo sa mga isyu, malalaman natin kung paano isasabuhay ang katotohanan upang masiyahan ang Diyos. Sa ganitong paraan, ang relasyon natin sa Diyos ay higit na mas magiging normal.
2. Kapag Nagbabasa ng mga Salita ng Diyos, Pagnilayan Mo ang mga Ito sa Iyong Puso at Mauunawaan Mo ang Kanilang Tunay na Kahulugan
Ginagawa ng mga Kristiyano ang espirituwal na debosyon at araw-araw na pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Paano tayo magbabasa ng salita ng Diyos sa paraang makakamit natin ang parehong magandang resulta at makatutulong upang maging mas malapit pa ang relasyon natin sa Diyos? Sinasabi ng salita ng Diyos: “Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, iniibig ang Diyos, at napalulugod ang Diyos sa pamamagitan ng pag-antig sa Espiritu ng Diyos gamit ang kanilang mga puso, sa gayon ay nakakamtan ang Kanyang kaluguran; kapag nakikibahagi sa mga salita ng Diyos sa kanilang puso, sila sa gayon ay kinikilusan ng Espiritu ng Diyos” . Sinasabi sa atin ng salita ng Diyos, kapag nagbasa tayo ng Kanyang salita, kailangan nating magnilay-nilay at maghanap kasama ang ating mga puso, kailangan nating makamtan ang kaliwanagan at pagpapaliwanag ng Banal na Espiritu, at kailangan nating maunawaan ang kalooban ng Diyos at kung ano ang kinakailangan Niya sa atin. Sa pamamagitan lamang ng pagbabasa sa salita ng Diyos sa ganitong paraan magkakaroon ng bunga ang ating mga pagsisikap at mapapalapit tayo sa Diyos. Kapag nagbabasa tayo ng mga salita ng Diyos, kapag binigyan lamang natin ang mga ito ng sulyap at hindi pinagtuunan ng pansin, kapag nakatuon lang tayo sa pag-unawa sa ilang mga letra at doktrina upang magpasikat lang at hindi natin binibigyan ng atensyon upang maunawaan ang tunay na kahulugan ng mga salita ng Diyos, kung gayon gaano man karami ang mababasa nating mga salita Niya, hindi tayo makakaayon sa Kanyang kalooban, lalo na ang pagkakaroon ng kakayahang magtatag ng isang normal na relasyon sa Diyos.
Kaya’t kapag nagbasa tayo ng mga salita ng Diyos, kailangang panatag at gamitin natin ang ating mga puso upang pag-isipan kung bakit sinabi ng Diyos ang gayong mga bagay, kung ano ang kalooban ng Diyos at ano ang mga bunga na nais ng Diyos na makamit kasama natin sa pagsasabi ng mga gayong bagay. Sa pamamagitan lamang ng malalim na pagninilay-nilay sa Kanyang mga salita at saka natin mauunawaan ang kalooban ng Diyos at magiging mas higit na umayon sa Kanyang puso, at ang ating relasyon sa Diyos ay mas magiging normal. Halimbawa, nakikita natin na sinasabi ng Panginoong Jesus: “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo’y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit” (Mateo 18:3). Mauunawaan nating lahat ang mababaw na kahulugan ng pahayag na ito, na nais ng Diyos na tayo’y maging mga tapat na mga tao. Nguni’t ang mga isyu katulad ng kahalagahan ng pagiging tapat na mga tao, bakit mahal ng Diyos ang mga tapat na tao at paano ba talaga magiging tapat na mga tao, ay mga isyu na kailangan nating pagnilay-nilayan nang husto. Sa pamamagitan ng pabasang-panalangin at pagninilay-nilay sa mga salita ng Diyos, mauunawaan natin na ang likas na katangian ng Diyos ay pagiging matapat, at walang kasinungalingan o panlilinlang sa anomang bagay na sinasabi o ginagawa ng Diyos, at kung gayon mahal ng Diyos ang mga tapat na tao at kinamumuhian ang mga mapanlinlang na mga tao. Hinihingi ng Diyos na dapat tayong maging mga tapat na tao, dahil sa pamamagitan lamang ng pagiging matapat na tao ayon sa hinihingi ng Diyos maaari tayong pangunahan ng Diyos tungo sa Kanyang kaharian. Kaya’t paano ba talaga tayo magiging mga tapat na tao? Una, huwag tayong magsalita ng kasinungalingan, bagkus dapat tayong maging dalisay at bukas at sabihin kung ano ang nasa ating mga puso; ikalawa, huwag tayong kumilos nang may pandaraya, dapat nating talikuran ang ating mga sariling interes, at huwag maging mapanlinlang sa Diyos man o sa tao; ikatlo, dapat walang panlilinlang sa ating mga puso, dapat walang personal na motibo o pakay sa ating mga kilos, sa halip dapat kumilos lang tayo upang magsagawa ng katotohanan at masiyahan ang Diyos. Pagkatapos matanggap ang liwanag sa pamamagitan ng pagninilay-nilay, pagnilayan natin ang ating mga pagkilos at pag-uugali at makikita natin na nagtataglay pa rin tayo ng mga pagpapahayag na may panlilinlang: Kapag tayo’y nakikitungo sa ibang tao, kadalasan hindi natin napipigil ang ating mga sarili na magsinungaling at mandaya upang pangalagaan ang ating mga sariling interes, reputasyon at estado. Kapag ipinagamit natin ang ating mga sarili para sa Diyos, maaari nating sabihin sa panalangin na nais nating mahalin at pasayahin ang Diyos, nguni’t kapag dumating ang mga pagsubok, katulad ng pagkakasakit ng ating mga anak o pagkakasakit natin o kapag ang isang miyembro ng pamilya ay nawalan ng trabaho, mabilis tayong magreklamo sa Diyos, hanggang sa nais pa nating isuko ang ating gawain sa iglesya; sa ganito, makikita natin na ang pagpapagamit natin sa ating mga sarili para sa Diyos ay nadumihan, at parang nakikipagkasundo tayo sa Diyos. Ipinapagamit natin ang ating mga sarili sa Diyos upang makinabang tayo sa Diyos, at hindi lamang para magbigay kasiyahan sa Diyos. Ito ay ilan lamang sa mga halimbawa ng ating mga pagpapahayag ng panlilinlang. Mula sa mga pagpapahayag na ito, makikita natin na hindi talaga tayo mga tapat na tao. Kapag nakita na natin nang malinaw ang ating mga sariling kakulangan at kapintasan, magkakaroon tayo ng matibay na pagpapasya na mauhaw para sa katotohanan at maghahanap tayo upang maisagawa ang mga salita ng Diyos sa ating mga buhay. Ito ang bunga na makakamit natin mula sa pagninilay-nilay sa mga salita ng Diyos.
Siyempre, ang bungang ito ay hindi makakamit sa pamamagitan ng isang beses lang na pagninilay-nilay sa mga salita ng Diyos, at sa halip ay sa pamamagitan ng pagninilay-nilay sa Kanyang mga salita nang maraming beses. Dagdag dito, kailangang sadya nating isabuhay ang mga salita ng Diyos kapag nahaharap tayo sa mga isyu. Sa maikling salita, hangga’t hindi tayo tumitigil sa pagninilay-nilay sa mga salita ng Diyos sa ating mga puso sa ganitong paraan, sa gayon, matatamo natin ang kaliwanagan at paliwanag ng Banal na Espiritu. Isang araw, magkakamit tayo ng kaunting kaliwanagan, at sa susunod na araw mas madadagdagan ang kaliwanagan, at sa paglipas ng panahon, mas mauunawaan na natin ang katotohanan sa mga salita ng Diyos, ang daan sa pagsasabuhay ay mas magiging malinaw, unti-unting susulong ang ating mga buhay, at mas magiging malapit ang ating relasyon sa Diyos.
3. Hanapin ang Katotohanan at Isabuhay ang mga Salita ng Diyos sa Lahat ng Bagay
Ang pinakapangunahing mga bagay sa mga Kristiyano para mapanatili ang isang normal na relasyon sa Diyos ay ang hanapin ang katotohanan kapag nakaranas sila ng mga isyu at isabuhay ito ayon sa Kanyang salita. Nguni’t sa buhay, kapag nakararanas tayo ng mga isyu, kadalasan umaasa tayo sa ating sariling mga karanasan o gumagamit tayo ng mga sariling paraan para ayusin ang mga ito, o hinaharap natin ang mga ito ayon sa ating mga sariling kagustuhan. Madalang nating pinapatahimik ang ating mga sarili sa harapan ng Diyos at hinahanap ang katotohanan, o hinaharap ang isyu sang-ayon sa kalooban ng Diyos. Ito ang nagiging dahilan upang mawalan tayo ng maraming pagkakataon na maisabuhay ang katotohanan, at napapalayo nang napapalayo tayo sa Diyos. Sinasabi ng salita ng Diyos, “Ano man ang ’yong ginagawa, kahit gaano kalaking bagay man ’yon, at sa kabila ng kung ikaw man ay tumutupad sa ’yong tungkulin sa pamilya ng Diyos, o kung ito man ay pansarili mong kapakanan, dapat mong isaalang-alang kung ang bagay na ito ay sumasang-ayon sa kalooban ng Diyos, kung ang bagay na ito ba ay isang bagay na dapat gawin ng isang taong may pagkatao, at kung ang ginagawa mo ba ay makakapagpasaya sa Diyos o hindi. Dapat pag-isipan mo ang mga bagay na ito. Kapag ginawa mo ito, samakatuwid isa kang taong naghahanap sa katotohanan at isang taong tunay na sumasampalataya sa Diyos” . “Kung kayo’y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo’y tunay nga kayong mga alagad ko” (Juan 8:31). Ipinapakita ng mga salita ng Diyos ang isang malinaw na daan. Gumagawa man tayo ng gawain ng iglesya o inaayos natin ang mga isyu na nararanasan natin sa ating mga buhay, dapat palagi nating hanapin ang katotohanan at unawain ang kalooban ng Diyos, tingnan kung paano hahawakan ang mga bagay sa paraang matutugunan ang mga pangangailangan ng Diyos, gamitin ang katotohanan upang malutas ang lahat ng mga problema na ating kahaharapin at mapanatili ang ating normal na relasyon sa Diyos.
Tingnan mo halimbawa kung paano tayo hahanap sa katotohanan kapag namimili tayo ng magiging asawa. Kapag naghahanap tayo ng makakapareha, palagi nating sinusunod ang ating sariling kagustuhan at nakatuon lang tayo sa panlabas na anyo at pag-uugali ng tao, at hinahanap natin ang isang matangkad, mayaman, at guwapong lalaki, o maputi, mayaman, magandang dalaga, sa paniniwalang magkakaroon lamang tayo ng masayang pag-aasawa kapag nagpakasal tayo sa ganoong tao, at tayo ay mamumuhay nang may kaalwan, kaginhawahan at kasiyahan, at kaiinggitan tayo ng iba. Subali’t naisip man lang ba natin na ang paghahanap ba sa ganoong kapareha ay magiging mabuti sa ating mga paniniwala sa Diyos at sa pagsulong ng ating mga buhay? Kung ang ating kapareha ay hindi naniniwala sa Diyos at tinatangka nila tayong pigilin sa ating paniniwala sa Diyos, ano na ang magiging kalalabasan nito? Sinasabi ng Bibliya, “Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya” (2 Corinto 6:14). Mula dito, makikita natin na ang mga naisin ng mga mananampalataya at mga di mananampalataya ay hindi magkatugma at hindi pa angkop sa isa’t isa. Sa kanilang pagharap sa pananampalataya at mga panlipunang kalakaran, mayroon silang magkahiwalay na pananaw at naghahanap ng magkaibang mga bagay: Ang Kristiyano ay magnanais na sundin ang paraan na may takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, samantalang ang di mananampalataya ay magnanais na sumunod sa mga masasamang kalakaran ng sanlibutan. Kapag tayo’y nakipag-isa sa di mananampalataya, tiyak na maiimpluwensiyahan nila tayo, at mapipigil ang pag-sulong ng ating buhay. Kung kaya, kapag pumipili ng isang kapareha, kailangan nating isaalang-alang ang katauhan at katangian ng tao at isaalang-alang kung ang pakikipag-ugnayan o hindi sa kanila ay makabubuti sa ating paniniwala sa Diyos, kung pareho o hindi tayo ng pananaw, kung ang hangarin natin ay magkaayon o hindi. Kapag hindi natin isinaalang-alang ang mga bagay na ito, at nakatuon lamang tayo sa panlabas na anyo ng tao at sa kanilang sitwasyon sa pamilya, magkagayon, pagkatapos nating ikasal, darating ang kasakitan dahil hindi tayo magkapareho ng pananaw. Kapag pinilit tayo ng ating kapareha at pinigil tayo sa ating paniniwala sa Diyos, ito ang mas wawasak sa ating mga espirituwal na buhay. Kaya’t makikita ngayon na kahit ano mang isyu ang makakaharap natin sa buhay, tanging sa pamamagitan lamang ng paghahanap sa katotohanan, pag-unawa sa kalooban ng Diyos at pagkilos ayon sa kalooban ng Diyos tayo makakapamuhay sa ilalim ng pangangalaga at proteksyon ng Diyos, at tanging sa paraang iyon lang natin mapananatili ang ating normal na relasyon sa Diyos.
4. Lumapit sa Diyos at Araw-araw na Magmuni-muni sa Sarili, at Panatilihin ang Iyong Malapit na Relasyon sa Diyos
Sinabi ni Jehovah: “Gunitain ninyo ang inyong mga lakad” (Hagai 1:7). Mula sa salita ng Diyos, makikita natin na ang pagmumuni-muni ay mahalaga para sa pagpasok natin sa buhay! Sa pamamagitan ng pagmumuni-muni, makikita natin na marami tayong mga kakulangan at hindi natin naabot ang hinihinging pamantayan ng Diyos. Kung gayon nagkakaroon tayo ng motibasyon sa paghanap sa katotohanan, dumarating tayo sa pagpapasya na talikuran ang laman at ginagawa natin ang lahat ng ating makakaya upang maisabuhay ito ayon sa salita ng Diyos. Sa ganitong paraan, nag-iingat tayo sa pagkilos ayon sa kinakailangan ng Diyos sa ating praktikal na karanasan, isinasabuhay ang salita ng Diyos, at ang relasyon natin sa Diyos ay mas nagiging normal. Halimbawa, tayong mga nagsisilbing mga pinuno sa iglesya ay nakikita na sinasabi sa Bibliya: “Pangalagaan ninyo ang kawan ng Dios na nasa inyo, na magsigamit kayo ng pagpupuno, na hindi sapilitan, kundi may kasayahan, na ayon sa kalooban ng Dios; ni hindi dahil sa mahalay na kapakinabangan, kundi sa handang pagiisip; ni hindi din naman ang gaya ng kayo’y may pagkapanginoon sa pinangangasiwaang ipinagtagubilin sa inyo, kundi kayo’y maging mga uliran ng kawan” (1 Pedro 5:2–3). Kung kaya, dapat nating gawin ang pagmumuni-muni kapag tayo’y umaakay sa ating mga kapatiran, at tanungin natin ang ating mga sarili: Nag-iingat ba tayo upang magpatotoo sa mga salita ng Panginoon at sa Kanyang kalooban, at pinangungunahan ang ating mga kapatiran sa harapan ng Diyos, o nagpapahayag ba tayo ng mga bagay na tunog-mahalaga, walang kahulugang mga bagay kapag nagbabahagi tayo ng mga sermon upang magpakita, at nangangaral ng mga letra at doktrina upang tingalain at sambahin tayo ng ating mga kapatiran? Kapag ang mga kapatiran ay nagbibigay ng mga makatwirang mungkahi sa atin, pinag-iisipan ba natin ang ating sariling mga problema o tinatanggihan natin ang kanilang mga mungkahi, hanggang sa punto na gumagawa na tayo ng mga dahilan at pinipilit na bigyang-matwid ang ating mga sarili? Sa pamamagitan ng pagmumuni-muni, makikita natin na marami pang bahagi ng ating serbisyo sa Diyos kung saan tayo ay naghihimagsik, at tayo’y nagtataglay pa rin ng maraming tiwaling disposisyon na kinakailangang patuloy tayong maghanap sa katotohanan upang ang mga ito ay malutas. Sa ganitong paraan, makakakilos tayo ng may kababaang-loob, mas mahahanap natin ang kalooban ng Diyos sa ating trabaho, at mapapangunahan natin ang ating mga kapatiran ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Kung hindi tayo madalas na lumalapit sa Diyos at magmuni-muni, mabibigo tayong kilalanin ang ating mga sariling katiwalian at mga kakulangan at aakalain pa rin nating patuloy tayo na naghahangad sa katotohanan. Magiging kuntento tayo kung gayon na tumayo na lang at tumangging kumilos tungo sa pag-unlad at mas magiging mapagmataas tayo at makasarili, paniniwalaan ang sariling tayo’y ayon sa puso ng Diyos. Subali’t ang totoo, ang ating mga kilos at pag-uugali ay hindi katanggap-tanggap sa Diyos, at kasusuklaman tayo ng Diyos. Makikita kung gayon na ang madalas na pagmumuni-muni ay napakahalaga at ang pagsasabuhay sa katotohanan ay nakatayo sa pundasyon ng pagkilala sa sarili. Tanging sa pamamagitan lamang ng tunay na kaalaman sa ating sariling katiwalian at kakulangan at saka tayo darating sa pagsisisi, at magiging handang hanapin ang katotohanan at isabuhay ang mga salita ng Diyos. Ang pagmumuni-muni ay napakahalaga para sa pagpapatuloy natin sa buhay, at ito ang susing kailangang-kailangan upang mas mapalapit tayo sa Diyos.
Maraming paraan upang magmuni-muni sa ating mga sarili: Maaari tayong magmuni-muni sa ilalim ng liwanag ng mga salita ng Diyos; maaari tayong magmuni-muni sa mga maling nagawa natin sa ating pang-araw-araw na buhay; ang paglahad ng ibang tao sa ating mga kakulangan at katiwalian ay higit na napakagandang pagkakataon upang tayo ay makapagmuni-muni sa ating mga sarili; dagdag pa, kapag nakita natin ang mga kamalian na nagawa ng mga nasa paligid natin, maaari din tayong magmuni-muni sa ating mga sarili, tingnan ang kanilang mga kamalian bilang isang babala, matuto ng mga aral at makinabang sa mga ito, at iba pa. Ang pagmumuni-muni ay hindi lamang ginagawa sa araw o sa gabi. Ano mang oras at saan mang lugar, maaari tayong manalangin sa Diyos mula sa ating mga puso, magmuni-muni at alamin ang ating mga sariling katiwalian, at maaari nating hanapin ang kalooban ng Diyos at mga kinakailangan na makikita sa Kanyang mga salita, at agad na magsisi. Gayunman, bago tayo matulog sa gabi, dapat tayong magmuni-muni at ibuod ang lahat ng ating ginawa sa buong araw, at doon tayo magkakaroon ng mas malinaw na pag-unawa sa ating kalagayan at malaman ang mga bagay na hindi pa natin nagagawa nang tama. Kapag nasimulan nating gawin ito, ang ating mga hangarin ay mas magkakaroon ng direksyon at mas kapaki-pakinabang sa pagtatatag ng isang normal na relasyon sa Diyos.
Mga kapatid, ang apat na puntos sa itaas ay ang mga daan sa pagsasabuhay upang mas maging malapit tayo sa Diyos. Hangga’t isinasabuhay natin ang mga gawaing ito, ang ating relasyon sa Diyos ay mas magiging malapit, magkakaroon tayo ng isang daan sa pagsasabuhay sa mga isyu na ating kahaharapin, at ipagkakaloob sa atin ng Diyos ang kapayapaan at kagalakan at makakapamuhay tayo sa ilalim ng Kanyang pagpapala. Kaya bakit hindi tayo magsimula ngayon?
The Daily Devotional Tagalog page provides rich devotional resources to help you get close to God every day and build a normal relationship with Him.
Rekomendasyon:
10 Mga Kanta ng Panalangin sa Umaga upang Mapalapit Ka sa Diyos
Paano Mapalapit sa Diyos: 3 Mga Paraan ng Pagsasagawa
Image Source: The Church of Almighty God
Terms of Use: tl.godfootsteps.org/disclaimer.html
Umiiral lamang sa tao ang hindi tiyak na salita ng pananampalataya, subalit hindi alam ng tao kung ano ang bumubuo sa pananampalataya, lalo na kung bakit siya may pananampalataya. Masyadong kaunti ang nauunawaan ng tao at ang tao mismo ay malaki ang kakulangan; ang pananampalataya niya sa Akin ay wala sa isip at walang pagkaalam. Bagaman hindi niya nalalaman kung ano ang pananampalataya, ni kung bakit may pananampalataya siya sa Akin, patuloy siyang labis-labis na naniniwala sa Akin. Ang hinihiling Ko sa tao ay hindi lamang para labis-labis na tumawag sa Akin sa ganitong paraan o maniwala sa Akin sa isang mababaw na paraan, sapagkat ang gawaing Aking ginagampanan ay upang makita Ako ng tao, at makilala Ako, hindi upang humanga ang tao at tingnan Ako nang may ibang pagkaunawa. Dati Akong nagpamalas ng maraming tanda at himala at gumawa ng maraming milagro, at pinakitaan Ako ng mga Israelita noong panahong iyon ng matinding paghanga at lubhang iginalang ang Aking pambihirang kakayahang magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo. Noong panahong iyon, ang tingin ng mga Judio sa Aking kapangyarihang magpagaling ay pagka-dalubhasa, pambihira—at dahil sa Aking maraming gawa, iginalang nila Akong lahat, at nakadama sila ng malaking paghanga sa lahat ng Aking kapangyarihan. Kaya naman, lahat ng nakakita sa Aking gumawa ng mga milagro ay sinundan Ako nang mabuti, sa gayon ay napalibutan Ako ng libu-libo upang panoorin Akong magpagaling ng maysakit. Nagpamalas Ako ng napakaraming tanda at himala, ngunit itinuring lamang Ako ng mga tao bilang isang dalubhasang manggagamot; naghayag din Ako ng maraming salita ng pagtuturo sa mga tao noong panahong iyon, ngunit itinuring lamang nila Akong isang gurong nakahihigit sa kanyang mga disipulo! Maging sa araw na ito, matapos matunghayan ng mga tao ang mga pangkasaysayang tala ng Aking gawain, nagpapatuloy ang kanilang interpretasyon na Ako’y isang magaling na doktor na nagpapagaling ng maysakit at isang guro sa mga mangmang. At kinilala nila Ako bilang mahabaging Panginoong Jesucristo. Yaong mga nagbibigay kahulugan sa mga banal na kasulatan ay maaaring nalampasan na ang Aking kakayahan sa pagpapagaling, o maaaring mga disipulo na nadaig na ngayon ang kanilang guro, ngunit ang ganoong mga tao na may dakilang katanyagan, na ang mga pangalan ay kilala sa buong mundo, ay itinuturing Ako na napakababa bilang isang hamak na manggagamot! Mas higit pa sa bilang ng mga butil ng buhangin sa tabing-dagat ang Aking mga gawa, at mas lalong dakila pa kaysa sa lahat ng anak ni Solomon ang Aking karunungan, ngunit ang palagay sa Akin ng mga tao ay isa lamang manggagamot na walang kabuluhan at isang hindi kilalang guro ng tao! Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang pagalingin Ko sila. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang gamitin Ko ang Aking mga kapangyarihan upang itaboy ang masasamang espiritu mula sa kanilang katawan, at napakaraming naniniwala sa Akin para lamang makatanggap sila ng kapayapaan at kagalakan mula sa Akin. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang hingan Ako ng mas maraming materyal na kayamanan. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang gugulin ang buhay na ito sa kapayapaan at maging ligtas at matiwasay sa mundong darating. Napakaraming naniniwala sa Akin para maiwasang magdusa sa impiyerno at para matanggap ang mga pagpapala ng langit. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang sa pansamantalang kaginhawahan, ngunit hindi naghahangad na magkamit ng anuman sa mundong darating. Nang ibuhos Ko ang Aking matinding galit sa tao at bawiin ang lahat ng kaligayahan at kapayapaan na dati niyang taglay, nagsimulang magduda ang tao. Noong ibinigay Ko sa tao ang pagdurusa ng impiyerno at binawi ang mga pagpapala ng langit, ang kahihiyan ng tao ay naging galit. Noong hilingin ng tao na pagalingin Ko siya, hindi Ko siya pinakinggan at namuhi Ako sa kanya; lumayo sa Akin ang tao upang hanapin ang paraan ng panggagaway at pangkukulam. Noong alisin Ko ang lahat ng hiningi ng tao sa Akin, naglaho ang lahat ng nasa tao nang walang bakas. Samakatuwid, sinasabi Ko na ang tao ay may pananampalataya sa Akin sapagkat Ako’y nagbibigay ng masyadong maraming biyaya, at masyadong maraming magiging pakinabang. Ang mga Judio ay naniwala sa Akin dahil sa Aking biyaya, at sinundan Ako saan man Ako magtungo. Ang mga ignoranteng taong ito na may limitadong kaalaman at karanasan ay naghahangad lamang na makita ang mga tanda at himala na ipinamalas Ko. Itinuring nila Ako bilang pinuno ng tahanan ng mga Judio na kayang gumawa ng mga pinakadakilang milagro. Kung kaya, noong nagpapalayas Ako ng mga demonyo mula sa mga tao, nag-uusap-usap sila: Sinasabi nilang Ako si Elias, na Ako si Moises, na Ako ang pinaka-sinauna sa lahat ng propeta, na Ako ang pinakamagaling sa lahat ng manggagamot. Bukod sa Aking sariling pagsasabi na Ako ang buhay, ang daan, at ang katotohanan, walang sinuman ang makaaalam ng Aking persona o ng Aking pagkakakilanlan. Bukod sa Aking sariling pagsasabi na ang langit ang lugar kung saan naninirahan ang Aking Ama, walang nakaaalam na Ako ang Anak ng Diyos, at Diyos din Mismo. Bukod sa Aking sariling pagsasabi na dadalhin Ko ang kaligtasan sa buong sangkatauhan at tutubusin ang sangkatauhan, walang nakaaalam na Ako ang Manunubos ng sangkatauhan, at kilala lang Ako ng mga tao bilang isang mabait at maawaing tao. At bukod sa Aking sariling pagpapaliwanag ng lahat ng tungkol sa Akin, walang nakakikilala sa Akin, at walang naniniwala na Ako ang Anak ng buhay na Diyos. Gayon ang pananampalataya ng tao sa Akin, at sa gayong paraan Ako sinusubukang linlangin. Paano sila makapagpapatotoo sa Akin kung ganoon ang taglay nilang pananaw tungkol sa Akin?
Ang tao ay naniniwala sa Akin, ngunit hindi nila kayang magpatotoo sa Akin, ni magpatotoo para sa Akin bago Ko ipakilala ang Aking sarili. Nakikita lamang ng mga tao na nahihigitan Ko ang mga nilikha at lahat ng banal na tao, at nakikitang hindi kayang gawin ng mga tao ang gawaing ginagampanan Ko. Samakatuwid, mula sa mga Judio hanggang sa mga tao ng kasalukuyang panahon, lahat ng nakakikita sa Aking maluwalhating mga gawa ay napupuno ng walang iba kundi pagkamausisa tungo sa Akin, at wala ni isang bibig ng nilikha ang nagawang magpatotoo sa Akin. Tanging ang Aking Ama ang nagpatotoo sa Akin, at gumawa ng landas para sa Akin sa gitna ng lahat ng nilalang; kung hindi Niya ginawa iyon, kahit na papaano Ako gumawa, hindi kailanman malalaman ng tao na Ako ang Panginoon ng sangnilikha, dahil ang alam lamang ng tao ay kumuha sa Akin at wala siyang pananampalataya sa Akin dahil sa Aking gawain. Kilala lamang Ako ng tao dahil wala Akong kasalanan at hindi makasalanan sa anumang bahagi, dahil naipapaliwanag Ko ang maraming misteryo, dahil nakahihigit Ako sa karamihan, o dahil nakinabang nang malaki sa Akin ang tao, ngunit kaunti ang naniniwalang Ako ang Panginoon ng sangnilikha. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Ko na hindi alam ng tao kung bakit siya may pananampalataya sa Akin; hindi niya alam ang layunin o kahalagahan ng pagkakaroon ng pananampalataya sa Akin. Ang realidad ng tao ay kapos, kung saan siya ay halos hindi karapat-dapat magpatotoo sa Akin. Masyadong kaunti ang tunay ninyong pananampalataya at masyadong kaunti ang inyong natamo, kaya masyadong kaunti ang inyong patotoo. Bukod diyan, masyadong kaunti ang inyong nauunawaan at masyadong marami ang inyong kakulangan, kung saan halos hindi kayo karapat-dapat magpatotoo sa Aking mga gawa. Matindi nga ang inyong pagpapasya, ngunit nakatitiyak ba kayo na matagumpay kayong makapagpapatotoo sa diwa ng Diyos? Ang naranasan at nakita ninyo ay higit pa sa mga santo at propeta mula sa lahat ng kapanahunan, ngunit kaya ba ninyong magbigay ng patotoo na higit pa sa mga salita ng mga dating santo at propetang ito? Ang ipinagkaloob Ko sa inyo ngayon ay higit pa kay Moises at higit pa kay David, kung kaya’t hinihiling Ko na ang inyong patotoo ay malampasan ang kay Moises at ang inyong mga salita ay maging higit pa kay David. Sandaang beses ang Aking ibinibigay sa inyo—kaya’t hinihiling Ko rin sa inyo na katumbas noon ang ibalik sa Akin. Dapat ninyong malaman na Ako ang nagkakaloob ng buhay sa sangkatauhan, at kayo ang tumatanggap ng buhay mula sa Akin at dapat magpatotoo sa Akin. Ito ang inyong tungkulin na Aking ipinapadala sa inyo at nararapat ninyong gawin para sa Akin. Ipinagkaloob Ko na sa inyo ang lahat ng Aking kaluwalhatian, ipinagkaloob Ko sa inyo ang buhay na hindi kailanman natanggap ng hinirang na bayan, ang mga Israelita. Kung tutuusin, dapat kayong magpatotoo sa Akin at italaga ang inyong kabataan at ialay ang inyong buhay sa Akin. Ang sinumang pagkalooban Ko ng Aking kaluwalhatian ay dapat na magpatotoo sa Akin at mag-alay ng kanilang buhay para sa Akin. Matagal Ko na itong naitadhana. Mapalad kayo na ipinagkakaloob Ko ang Aking kaluwalhatian sa inyo, at ang inyong tungkulin ay magpatotoo sa Aking kaluwalhatian. Kung maniniwala kayo sa Akin upang magtamo lamang ng mga pagpapala, walang gaanong magiging kabuluhan ang Aking gawain, at hindi ninyo maisasakatuparan ang inyong tungkulin. Ang nakita lamang ng mga Israelita ay ang Aking awa, pag-ibig, at kadakilaan, at ang nasaksihan lamang ng mga Judio ay ang Aking tiyaga at pagtubos. Kaunting-kaunti lamang ang nakita nila sa gawain ng Aking Espiritu; sa puntong ang naunawaan nila ay pawang katiting lang ng narinig at nakita ninyo. Nahigitan ng nakita ninyo maging ang mga pinunong saserdote sa gitna nila. Ang mga katotohanan na inyong naunawaan ngayon ay higit sa kanila; ang nakita ninyo ngayon ay higit pa sa nakita noong Kapanahunan ng Kautusan, pati na rin sa Kapanahunan ng Biyaya, at ang naranasan ninyo ay higit pa maging sa naranasan nina Moises at Elias. Sapagkat ang naunawaan lamang ng mga Israelita ay ang batas ni Jehova, at ang nakita nila ay ang likuran lamang ni Jehova; ang naunawaan lamang ng mga Judio ay ang pagtubos ni Jesus, ang natangap nila ay ang biyaya lamang na ipinagkaloob ni Jesus, at ang nakita nila ay ang larawan lamang ni Jesus sa loob ng tahanan ng mga Judio. Ang nakikita ninyo ngayon ay ang kaluwalhatian ni Jehova, ang pagtubos ni Jesus, at ang lahat ng Aking mga gawa sa araw na ito. Gayundin, narinig na ninyo ang mga salita ng Aking Espiritu, pinahalagahan ang Aking karunungan, nasaksihan ang Aking kamanghaan, at natutunan ang Aking disposisyon. Nasabi Ko na rin sa inyo ang lahat ng Aking plano ng pamamahala. Ang nasaksihan ninyo ay hindi lamang isang mapagmahal at maawaing Diyos, kundi isang Diyos na puspos ng katuwiran. Nakita na ninyo ang Aking nakamamanghang gawain at nalaman ninyong puno Ako ng kamahalan at poot. Higit pa rito, batid ninyong minsan na Akong nagdala ng Aking nag-aalab na poot sa sambahayan ng Israel, at ngayon, nakarating na ito sa inyo. Higit pa ang nauunawaan ninyo sa Aking mga misteryo sa langit kaysa kina Isaias at Juan; higit pa ang nalalaman ninyo tungkol sa Aking pagiging kaibig-ibig at pagiging kagalang-galang kaysa sa lahat ng banal ng mga nakaraang kapanahunan. Ang natanggap ninyo ay hindi lamang ang Aking katotohanan, ang Aking daan, at ang Aking buhay, kundi isang pangitain at pahayag na higit pa kaysa kay Juan. Naunawaan ninyo ang higit na maraming misteryo, at nasaksihan na rin ang Aking tunay na mukha; higit pa ang natanggap ninyo sa Aking paghatol at higit pa ang nalalaman ninyo tungkol sa Aking matuwid na disposisyon. Kung kaya, kahit na ipinanganak kayo sa mga huling araw, ang inyong pang-unawa ay sa nauna at nakalipas, at naranasan na rin ninyo ang mga bagay sa kasalukuyan, at ang lahat ng ito ay personal Kong ginawa. Hindi labis ang hinihingi Ko sa inyo, sapagkat napakarami Ko nang naibigay sa inyo, at marami na ang nakita ninyo sa Akin. Samakatuwid, hinihiling Ko sa inyong magpatotoo para sa Akin sa mga banal ng mga nagdaang kapanahunan, at ito lamang ang nais ng Aking puso.
Ang Aking Ama ang unang nagpatotoo para sa Akin, ngunit nais Kong makatanggap ng higit na kaluwalhatian, at manggaling ang mga salita ng patotoo sa bibig ng mga nilikha—kaya ibinibigay Ko ang lahat ng Akin para sa inyo, upang matupad ninyo ang inyong tungkulin, nang sa gayon ay magwakas na ang Aking gawain sa tao. Dapat ninyong maunawaan kung bakit kayo naniniwala sa Akin; kung gusto lang ninyong maging Aking aprentis o Aking pasyente, o maging isa sa Aking mga banal sa langit, kung gayon ang inyong pagsunod sa Akin ay magiging walang kabuluhan. Ang pagsunod sa Akin sa ganoong paraan ay pag-aaksaya lamang ng lakas; ang pagkakaroon ng gayong paraan ng pananampalataya sa Akin ay pag-aaksaya lamang ng inyong mga araw, pagsasayang ng inyong kabataan. At sa huli, wala kayong matatanggap. Hindi ba’t pagtatrabaho iyon nang walang kabuluhan? Matagal Ko nang nilisan ang mga Judio at hindi na Ako isang manggagamot ng tao ni ang gamot para sa tao. Hindi na Ako isang hayop na pang-trabaho na maaaring ikutsero o katayin kung kailan naisin ng tao; sa halip, Ako ay dumating sa mga tao upang hatulan at kastiguhin ang tao, upang makilala Ako ng tao. Dapat mong malaman na minsan Ko nang ginampanan ang gawain ng pagtubos; minsan Akong naging si Jesus, ngunit hindi Ako maaaring manatiling si Jesus habang panahon, tulad nang minsan Akong naging si Jehova ngunit sa paglaon ay naging si Jesus. Ako ang Diyos ng sangkatauhan, ang Panginoon ng sangnilikha, nguni’t hindi Ako maaaring manatiling si Jesus o Jehova magpakailanman. Ako ay naging iyong maituturing ng tao na manggagamot, ngunit hindi masasabi na ang Diyos ay isang manggagamot lang para sa sangkatauhan. Kaya kung taglay mo ang lumang pananaw sa iyong pananampalataya sa Akin, wala kang makakamit kung ganon. Gaano mo man Ako purihin ngayon: “Tunay na mapagmahal ang Diyos sa tao; pinagagaling Niya ako at binibigyan ako ng mga biyaya, kapayapaan, at kagalakan. Tunay na mabuti ang Diyos sa tao; kung may pananampalataya lang tayo sa Kanya, kung gayon ay hindi natin kailangang mag-alala sa pera at kayamanan…,” Hindi Ko pa rin magagambala ang Aking naunang gawain. Kung ikaw ay naniniwala sa Akin ngayon, tatanggapin mo lang ang Aking kaluwalhatian at magiging karapat-dapat na magpatotoo sa Akin, at magiging pangalawahin ang lahat ng iba pa. Dapat mo itong malinaw na maunawaan.
Batid mo na ba talaga ngayon kung bakit ka naniniwala sa Akin? Alam mo na ba talaga ang layunin at kabuluhan ng Aking gawain? Batid mo na ba talaga ang iyong tungkulin? Batid mo na ba talaga ang Aking patotoo? Kung naniniwala ka lamang sa Akin, ngunit walang bakas ng Aking kaluwalhatian o patotoo sa iyo, matagal na kitang itinakwil kung gayon. Para sa mga nakakaalam ng lahat ng bagay, sila’y lalo pang mga tinik sa Aking mata, at sa Aking tahanan, mga hadlang lamang sila sa Aking daan, sila ay mga panirang damo na dapat ay ganap na matahip palayo sa Aking gawain, wala silang silbi, wala silang halaga, at matagal Ko na silang kinasusuklaman. Madalas bumabagsak ang Aking poot sa lahat ng walang patotoo, at hindi kailanman lumilihis sa kanila ang Aking pamalo. Matagal Ko na silang ibinigay sa mga kamay ng masama; at wala na sa kanila ang Aking mga pagpapala. Kapag dumating ang araw, ang kanilang pagkastigo ay magiging mas mabigat pa kaysa sa pagkastigo sa mga hangal na babae. Ngayon, ginagampanan Ko lang ang gawaing tungkulin Kong gampanan; pagbubungkus-bungkusin ko ang mga trigo, kasama ng mga panirang damo. Ito ang Aking gawain ngayon. Itatahip ang mga panirang damo sa panahon ng Aking pagtatahip, pagkatapos ang mga butil ng trigo ay iipunin sa kamalig, at ang mga panirang damo na natahip na ay itatapon sa apoy upang sunugin hanggang maging alabok. Ang Aking gawain ngayon ay igapos lang ang lahat ng tao sa mga bigkis, iyon ay, upang ganap na lupigin sila. Saka Ko sisimulan ang magtahip upang ibunyag ang katapusan ng lahat ng tao. Kung kaya’t dapat mo nang malaman kung paano mo Ako dapat bigyang-kaluguran ngayon, at kung paano mo dapat itakda sa tamang landas ang iyong pananampalataya sa Akin. Ang nais Ko ay ang iyong katapatan at pagkamasunurin ngayon, ang iyong pag-ibig at patotoo ngayon. Kahit na hindi mo pa alam sa sandaling ito kung ano ang patotoo o kung ano ang pag-ibig, dapat mong ibigay sa Akin ang iyong lahat-lahat, at ibigay sa Akin ang tanging kayamanan na mayroon ka: ang iyong katapatan at pagkamasunurin. Dapat mong malaman na ang patotoo ng Aking paggapi kay Satanas ay nakasalalay sa katapatan at pagkamasunurin ng tao, gayundin ang patotoo sa Aking ganap na paglupig sa tao. Ang tungkulin ng iyong pananampalataya sa Akin ay ang magpatotoo sa Akin, maging tapat sa Akin lamang, at maging masunurin hanggang sa huli. Bago Ko simulan ang susunod na hakbang ng Aking gawain, paano ka magpapatotoo sa Akin? Papaano ka magiging tapat at masunurin sa Akin? Itinatalaga mo ba ang iyong buong katapatan sa iyong tungkulin o basta ka na lang susuko? Mas nanaisin mo bang magpasakop sa bawat pagsasaayos Ko (maging ito man ay kamatayan o pagkawasak), o tumakas sa kalagitnaan upang maiwasan ang Aking pagkastigo? Kinakastigo kita upang ikaw ay magpatotoo sa Akin, at maging tapat at masunurin sa Akin. Higit pa rito, ang pagkastigo sa kasalukuyan ay upang ilantad ang susunod na hakbang ng Aking gawain at upang pahintulutang sumulong nang walang hadlang ang gawain. Kaya itinatagubilin Ko sa iyo na maging matalino at huwag tratuhin ang iyong buhay o ang kahalagahan ng iyong pag-iral na parang walang kabuluhang buhangin. Malalaman mo bang tiyak kung ano ang darating na gawain Ko? Alam mo ba kung paano Ako gagawa sa mga darating na araw at kung paano malalantad ang Aking gawain? Dapat mong malaman ang kabuluhan ng iyong karanasan sa Aking gawain, at bukod pa rito, ang kabuluhan ng iyong pananampalataya sa Akin. Marami na Akong nagawa; paano Ako susuko sa kalagitnaan ayon sa iyong palagay? Malawak na ang gawaing nagampanan Ko; paano Ko iyon mawawasak? Sa katunayan, naparito Ako upang wakasan ang kapanahunang ito. Ito ay totoo, ngunit higit pa rito, dapat mong malaman na magsisimula Ako ng isang bagong kapanahunan, upang magsimula ng bagong gawain, at, higit sa lahat, upang palaganapin ang ebanghelyo ng kaharian. Kaya dapat mong malaman na ang gawain ngayon ay para lamang simulan ang isang kapanahunan, at upang ilatag ang pundasyon para sa pagpapalaganap ng ebanghelyo sa panahong darating at sa pagwawakas sa kapanahunan sa hinaharap. Ang Aking gawain ay hindi kasing pangkaraniwan tulad ng iniisip mo, hindi rin ito kasing walang halaga o walang kahulugan gaya ng pinaniniwalaan mo. Samakatuwid, dapat Ko pa ring sabihin sa iyo: Dapat mong ibigay ang iyong buhay sa Aking gawain, at bukod dito, dapat mong italaga ang iyong sarili sa Aking kaluwalhatian. Matagal Ko nang hinahangad na magpatotoo ka sa Akin, at higit Kong hinahangad na palaganapin mo ang Aking ebanghelyo. Dapat mong maunawaan kung ano ang nasa Aking puso.
Image Source: The Church of Almighty God
Terms of Use: tl.godfootsteps.org/disclaimer.html
I'm grateful for more info from my hubbies Neurologist. I'm grateful too that we can take our eyes off our circumstances and focus on the Lord. (this was in my daily devotion)
Love the architecture of the Dr. office also.
4/26/17
Ⅰ
Minsan nasabi ng Diyos ang gayong mga salita:
Ang sinasabi ng Diyos ay maasahan, at ito ay mangyayari,
hindi mababago ng sinuman.
Hindi mahalaga kung itong mga salita ay nasabi na
o sasabihin pa lamang,
lahat ng ito'y matutupad, upang makita ng lahat:
Ito ang prinsipyo sa likod ng gawain ng mga Salita ng Diyos.
Lahat sa sansinukob ay ipinapasya ng Diyos.
Ano ang wala sa mga kamay ng Diyos?
Anuman ang sinasabi ng Diyos ay mangyayari.
Sino ang maaaring magbago ng kalooban ng Diyos?
Maaaring ito ba ang tipan na ginawa ng Diyos sa lupa?
Walang maaaring makahadlang
sa plano ng Diyos sa pagpapatuloy.
Ang Diyos ay gumagawa sa lahat ng oras.
Lahat ng bagay ay nasa kamay ng Diyos.
Ⅱ
Ang Diyos ay laging nagtatrabaho
sa mga plano sa Kanyang pamamahala.
Sino ang kayang gumambala?
Di ba't isinasaayos pa rin ng Diyos ang lahat?
Ang katayuan na napasok ng mga bagay ngayon
ay nasa loob pa rin ng plano at pangitain ng Diyos.
Lahat sa sansinukob ay ipinapasya ng Diyos.
Ano ang wala sa mga kamay ng Diyos?
Anuman ang sinasabi ng Diyos ay mangyayari.
Sino ang maaaring magbago ng kalooban ng Diyos?
Maaaring ito ba ang tipan na ginawa ng Diyos sa lupa?
Walang maaaring makahadlang
sa plano ng Diyos sa pagpapatuloy.
Ang Diyos ay gumagawa sa lahat ng oras.
Lahat ng bagay ay nasa kamay ng Diyos.
Ⅲ
Ito ang Kanyang naitalaga.
Sino sa inyo ang kayang tarukin ang Kanyang plano
para sa hakbang na ito?
Dapat makinig ang mga tao ng Diyos sa Kanyang tinig.
Lahat ng mga tunay na nagmamahal sa Diyos
ay babalik sa harap ng trono kung saan Siya nakaupo!
Lahat sa sansinukob ay ipinapasya ng Diyos.
Ano ang wala sa mga kamay ng Diyos?
Anuman ang sinasabi ng Diyos ay mangyayari.
Sino ang maaaring magbago ng kalooban ng Diyos?
Maaaring ito ba ang tipan na ginawa ng Diyos sa lupa?
Walang maaaring makahadlang
sa plano ng Diyos sa pagpapatuloy.
Ang Diyos ay gumagawa sa lahat ng oras.
Lahat ng bagay ay nasa kamay ng Diyos.
Lahat ng bagay ay nasa kamay ng Diyos.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
tl.kingdomsalvation.org/videos/all-things-are-in-God-s-ha...
#ebanghelyo #Daily_Devotion #Tagalog_Christian_Song #Awit_ng_papuri #Ang_Awtoridad_ng_Diyos
Image Source: The Church of Almighty God
Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html
Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng messenger anumang oras!
i was taking my daily devotion in the net (coz i lost my daily bread) and my iTunes was on shuffle, and as i was reading some passages, one song played and got this awesome line :)
Jesus does love us,btw.
Anastasia Changes Her Mind
Anastasia left a kiss on the mirror
And a couple of condoms by the bed
I tried to find her on her old number
But I just got her boyfriend instead
Oh it's hard, so hard, when Anastasia changes her mind
Yeah, it's hard, so hard, when Anastasia changes her mind
So I went back to working the quadrellas
I collected three times in a row
I swear it must have been that kiss on the mirror
That' I'd touch with my lips just for luck each time I'd go
Yeah it's hard, so hard, when Anastasia changes her mind
Yeah it's hard, very hard, when Anastasia changes her mind
Now the numbers were my daily devotion
I was stashing big bills in the floor
Then one night at my door a commotion
Anastasia -- at some ungodly hour!
I said 'Baby can I fix you a coffee
And tomorrow let me buy you a dress
Since you've been gone I got lucky'
She just nodded her head and said 'I guess'
Yeah it's hard, it's hard, when Anastasia changes her mind
Yeah it's hard, it's hard, when Anastasia changes her mind
Now 'Stacey' takes the crumbs from the table
And feeds them out back to the birds
Me I can't even pick the daily double
Since that kiss on the mirror disappeared
Yeah it's hard, ain't it hard, when Anastasia changes her mind
Yeah it's hard, ain't it hard, when Anastasia changes her mind
Yeah it's hard, ain't it hard, when Anastasia changes her mind
I
Ialay 'yong sarili sa Diyos, sarili'y ilaan sa Kanya,
Iniwan ng pamilya, sinira ng mundo.
Hindi patag ang daan pagsunod sa Diyos.
Puso't kaluluwa'y 'nilagak sa paglawak ng kaharian ng Diyos.
Nakita ko pagpapalit ng panahon.
Tanggap ko'ng pagsapit ng saya't lungkot.
Upang kamtin kailangan ng Diyos, pagsasaayos Niya'y sinusunod.
Magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos!
Magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos!
II
Sa daan ng pagmamahal sa Diyos, tinitiis mapait na pagsubok.
Tahimik na binabata panganib at pasakit.
Magdusa man nang labis, puso ko'y sa Diyos umiibig.
Saksi sa gawa ng Diyos, saan-saan tumutungo.
Nakita ko pagpalit ng panahon.
Tanggap ko pagsapit ng saya't lungkot.
Upang kamtin kailangan ng Diyos, pagsasaayos Niya'y sinusunod.
Magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos!
Magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos!
III
Kapighatia't mga pagsubok kay bigat.
Tagumpay't kabiguan dinaranas.
Ngunit kalooban Niya'y handang sundin,
buhay sa Kanya'y gugugulin.
Buo na ang pasya, na magdusa buong buhay.
Oo, magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos!
Magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos!
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
tl.kingdomsalvation.org/videos/hymn-follow-god-along-the-...
#Daily_Devotion #Awit_ng_papuri #Buhay_sa_Iglesia #Kaligtasan #Tagalog_Praise_Song
Image Source: The Church of Almighty God
Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html
Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng messenger anumang oras!
Today’s reading shows a moving picture of how God provides for us, forgives our sins, and wipes away our filth.
In Zechariah chapter 3 we find a vision of Joshua the high priest standing before the Lord with Satan there accusing him.
That’s what Satan does – he’s the accuser and loves to bring up our faults and failures. Well, Joshua was standing there dressed in filthy clothes and Satan was sure to point that out. Sound familiar?
That was us before cleansed by the blood of Jesus and clothed in His righteousness! The Lord didn't listen to Satan regarding Joshua, He provided Joshua with rich garments (Zech. 3:4) and took away his sin. So too He’s taken away our dirt and grime and clothed us in Him. Therefore if any man be in Christ, he is a new creature: old things are passed away; behold, all things are become new. 2 Cor. 5:17
See more at: www.19upstream.com/grow/thru-the-bible/thru-the-bible-sep...
#thruthebible #19upstream
Christian T-shirts Grounded in God's Word.
photo source: logos
Ang hinihingi ng Diyos sa bawat isa sa atin bilang mga Kristiyano ay ang magtaglay ng tunay na pananampalataya. Napakaraming halimbawa ang nakatala sa Biblia ng mga taong nagawang makita ang kamangha-manghang mga gawa ng Diyos at biniyayaan Niya dahil sa kanilang pananampalataya. May pananampalataya si Moises sa Diyos at sa pamamagitan ng gabay Niya, ay nagawang malampasan ang napakaraming balakid at limitasyon ng Pharaoh, matagumpay na ginabayan ang mga Israelita sa kanilang pag-alis sa Ehipto. May pananampalataya si Abraham sa Diyos at handang isakripisyo ang nag-iisa niyang anak na si Isaac sa Diyos, at sa huli ay biniyayaan siya ng Diyos, pinahihintulutan na magparami ang kanyang mga inapo at maging malalaking bansa. May pananampalataya si Job sa Diyos at nagawang magpatotoo para sa Diyos sa pamamagitan ng dalawang pagsubok; higit pa siyang biniyayaan ng Diyos, at nagpakita sa kanya at kinausap siya mula sa bagyo. Ang babaeng taga-Canaan sa Mateo ay may pananampalataya sa Panginoong Jesus at naniwala na magagawa Niyang paalisin ang masamang espiritu mula sa anak niya. Nakiusap siya sa Panginoong Jesus at gumaling ang sakit ng kanyang anak. Bilang mga Kristiyano, mahalagang maunawaan natin ang katotohanang patungkol sa kung ano ang tunay na pananampalataya nang sa gayon ay anumang paghihirap ang makasagupa natin sa ating mga buhay—pagkabigo sa negosyo, dagok sa buhay, hindi magagandang pangyayari sa pamilya—magagawa nating umasa sa ating pananampalataya at walang pag-aalinlangang susunod sa Diyos, nagiging umaalingawngaw na patotoo para sa Kanya at sa huli ay natatamo ang Kanyang pagsang-ayon.
Mayroon ba Tayong Tunay na Pananampalataya sa Panginoon?
Maaaring may ilang mga kapatid na, kapag naririnig ang pag-uusap tungkol sa pananampalataya, ay tiwalang ipapahayag na may pananampalataya nga sila. “Mayroon akong 100% na pananampalataya sa Diyos. Kinikilala ko ang Diyos sa lahat ng sandali, at pinatutunayan nito na isa akong tao na may pananampalataya.” “Naniniwala ako na ang Panginoong Jesus ang ating Tagapag-ligtas, at ipinako Siya sa krus upang tubusin ang ating mga kasalanan. Hangga’t nagdarasal at nangungumpisal tayo sa Panginoon, patatawarin Niya ang ating mga kasalanan. Hindi ba’t iyon ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Panginoon?” “Isa akong mananampalataya sa mga nakalipas na taon; isinuko ko ang aking karera, ang aking pamilya, at ang trabaho ko upang gugulin ang sarili ko at gumawa para sa Panginoon. Nagtayo ako ng mga iglesia sa iba’t ibang lugar at nagdusa nang husto nang walang reklamo. Lahat ng mga ito ay pagpapahayag ng pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos.” Hindi maikakailang naniniwala tayo na mayroong Diyos at totoo na masigasig tayong gumagawa at ginugugol ang ating mga sarili para sa Panginoon, na nagdurusa at nagbabayad tayo para sa Kanya. Ngunit ang mga bagay na ito ba ay nangangahulugan na mayroon tayong tunay na pananampalataya sa Diyos? Ang isyu na ito ay nagkakahalaga sa ating lahat, mga kapatid na tunay na nananampalataya sa Panginoon at nauuhaw sa katotohanan, tumutuklas at kalaunan ay nagbabahagi.
Gawin mo na lamang akong halimbawa. Mula nang maging Kristiyano ay palagi na akong lumalahok sa mga pagtitipon, ibinabahagi ang ebanghelyo sa iba, at nag-aalok ng tulong sa mga kapatid na nakararanas ng kahinaan. Walang paghihirap ang nakapigil sa akin mula sa paggawa ng mga bagay na ito. Mas gusto ko pa na isantabi ang kaginhawahan sa buhay upang masigasig na maglingkod sa Panginoon, kaya ang tingin ko sa sarili ko ay isang taong nagmamahal sa Panginoon, na tapat sa Kanya, at may pananampalataya sa Kanya. Gayunman, nang magkasakit ako at ang aking pamilya at hindi gumanda ang aming kalagayan kahit pa matapos akong manalangin nang matagal. Nawalan ako ng pag-asa at nakaramdam ng pagkabigo sa Diyos, at nagreklamo pa ako sa Kanya tungkol sa hindi pagprotekta sa akin o sa aking pamilya. Ang inihantad ng masakit na katotohanan ay naging dahilan upang makita ko na kulang talaga ako sa tunay na pananampalataya, at na ang pananampalataya ko ay nakabase lamang sa pundasyon ng pagkakaisa sa aking pamilya at pagiging malaya mula sa pagkakasakit o kalamidad. Gayunman, naihantad ang tunay na tayog ko nang may hindi kanais-nais na nangyari. Noon ko lamang nakita na ang pananampalataya ko sa Diyos ay napakaliit na ito ay kalunus-lunos—hindi talaga iyon isang bagay na maaaring ipagmalaki. Kung titingnan ang mga kapatid sa paligid ko, karamihan sa kanila ay ganoon din. Ang iba ay tumitigil sa pagdalo sa paglilingkod sa iglesia kapag nataong mayroong problema sa kanilang tahanan o buhay sa trabaho upang hindi maapektuhan ang sarili nilang mga interes. Ang iba ay nagagawang manalangin sa Panginoon at humingi sa Kanya ng daan palabas noong una silang napigilan sa kanilang pagtatangka na humanap ng trabaho o sa ibang mga aspeto, ngunit kapag nagpatuloy iyon na maging isyu na hindi nalulutas, nagagalit sila sa Panginoon at maaari pang lalong mawalan ng pag-asa at mabigo. Nag-uumpisa silang umasa sa mga kaibigan sa paligid nila na tila mga makapangyarihan at may awtoridad, o maaari silang kumilos base sa sarili nilang iniisip. Mayroon ding mga kapatid na masigasig na lumalahok sa lahat ng aspeto ng gawain sa iglesia kapag nakatanggap sila ng biyaya ng Panginoon, ngunit kapag may masamang nangyari sa kanilang bahay o kapag nahaharap sila sa pagkabigo sa negosyo, namumuhay sila sa hindi pag-unawa at pagrereklamo sa Panginoon, o kahit pa ang lumayo sa Kanya.
Makikita natin sa mga ipinahahayag natin at kung paano tayo mamuhay sa araw-araw na ang pananampalataya natin ay hindi makakayanan ang pagsubok ng realidad. Kinikilala lang natin na ang Panginoong Jesus ay ang tunay na Diyos at naniniwala na Siya ang ating Tagapag-ligtas, ngunit hindi iyon nangangahulugan na mayroon tayong tunay na pananampalataya sa Diyos. Partikular na hindi iyon nangangahulugan na hindi natin kailanman itatatwa o tatalikuran ang Diyos, anumang uri ng kapaligiran natin makita ang ating mga sarili. Iyon ay dahil ang ating pananampalataya ay hindi itinatag sa pundasyon ng tunay na pagkaunawa sa Diyos, ngunit sa halip ay sa pundasyon ng kung matatamo ba natin o hindi ang mga biyaya ng Diyos at pangako, at kung may mapapakinabangan ba tayo o wala. Kaya naman ang ating pananampalataya sa Diyos ay hindi tunay. Kung ganoon, ano ang tunay na pananampalataya at paano nga ba inihahayag ang pagkakaroon ng tunay na pananampalataya?
Ano nga Talaga ang Tunay na Pananampalataya
Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Hindi alintana kung paano man gumagawa ang Diyos o kung anumang uri ng kapaligiran ka naroroon, kung magagawa mong habulin ang buhay, hanaping isagawa ang gawain ng Diyos sa loob mo, at habulin ang katotohanan, at kung mayroon kang pagkaunawa sa mga pagkilos ng Diyos at kaya mong kumilos alinsunod sa katotohanan, sa gayon ito ang iyong dalisay na pananampalataya at ipinakikita nito na hindi ka nawalan ng pag-asa sa Diyos. Tanging kung kaya mo pa ring habulin ang katotohanan sa pamamagitan ng pagpipino, kaya mong tunay na ibigin ang Diyos at hindi mabuuan ng mga alinlangan sa Kanya, kung maging anuman ang Kanyang ginagawa, isinasagawa mo pa rin ang katotohanan upang mapalugod Siya at kaya mong hanapin nang taos-puso ang Kanyang kalooban at maging mapagsaalang-alang sa Kanyang kalooban, sa gayon ito ay nangangahulugang mayroon kang tunay na pananampalataya sa Diyos”. Maiintindihan natin mula sa mga salita ng Diyos na ang tunay na pananampalataya ay tumutukoy sa kung magagawa bang mapanatili ang pusong may paggalang at pagpapasakop sa Diyos sa anumang kapaligiran na maaari nating harapin. Kung magagawa nating harapin ang mga paghihirap at pagpipino, balakid at kabiguan, at kahit gaano pa man kalaki ang pagdurusa ng ating katawan o espiritu. Dapat ay magawa nating saliksikin ang katotohanan, maunawaan ang kalooban ng Diyos, at patuloy na maging tapat sa Kanya sa gitna ng kapaligiran na itinakda Niya. Ang ganoong uri lamang ng tao ang maaaring tawaging tao na may tunay na pananampalataya. Ngayon ay tingnan natin ang mga karanasan nina Abraham at Job upang higit pa nating maunawaan kung ano ang tunay na pananampalataya.
1. Pananampalataya ni Abraham
Noong isang siglong taon na si Abraham, nangako ang Diyos na bibigyan siya ng anak—si Isaac. Ngunit habang lumalaki si Isaac, sinabi ng Diyos kay Abraham na kailangan niya itong gawing alay. Maraming tao marahil ang nakararamdam na ang paggawa ng Diyos sa ganitong paraan ay masyadong malayo sa imahinasyon ng mga tao, o maaari pa nilang maramdaman na kung mangyayari sa atin ang ganoong uri ng pagsubok, tiyak na susubukan nating makipagtalo sa Diyos. Gayunman, nang mangyari ito kay Abraham ay ibang-iba ang naging reaksiyon niya kaysa sa inaasahan natin. Hindi lamang siya basta hindi nakipagtalo sa Diyos, ngunit nagawa niyang tunay na magpasakop sa Kanya, tunay at tapat na ibinabalik si Isaac sa Diyos. Gaya ng nakatala sa Biblia, “At si Abraham ay bumangong maaga, at inihanda ang kaniyang asno, at ipinagsama ang dalawa sa kaniyang mga alila, at si Isaac na kaniyang anak: at nagsibak ng kahoy para sa haing susunugin, at bumangon at naparoon sa dakong sinabi sa kaniya ng Dios. … At sila’y dumating sa dakong sa kaniya’y sinabi ng Dios; at nagtayo si Abraham doon ng isang dambana, at inayos ang kahoy, at tinalian si Isaac na kaniyang anak at inilagay sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy. At iniunat ni Abraham ang kaniyang kamay at hinawakan ang sundang upang patayin ang kaniyang anak” (Genesis 22:3, 9–10). Lahat ng mga tao ay may katawan—lahat tayo ay emosyonal, at kapag nahaharap tayo sa ganito ay tiyak na magdurusa tayo, makararamdam ng sakit. Ngunit ang dahilan kung bakit nagawa ni Abraham na hindi subukang makipagkasundo sa Diyos at nagawa niyang sundin ang utos ng Diyos ay dahil alam niya na ang Diyos ang nagkaloob kay Isaac sa kanya, at noon siya kinukuha ng Diyos. Tama ang pagiging masunurin niya, at iyon ang pananampalataya ni Abraham sa Diyos. Tunay siyang nanampalataya sa Diyos at ganap na nagpasakop sa Kanya—kahit na nangangahulugan pa iyon na mawawalay siya sa pinaka-iniingatan niya, nag-alay pa rin siya upang ibalik si Isaac sa Diyos. Sa huli, ang tunay na pananampalataya ni Abraham at kanyang pagsunod sa Diyos ay nakamit ang Kanyang pagsang-ayon at mga pagpapala. Hinayaan siya ng Diyos na maging ninuno ng napakaraming bansa. Ang kanyang mga inapo ay nagtagumpay at nagparami at naging malalaking bansa.
2. Pananampalataya ni Job
Sinasabi sa atin ng Biblia na si Job ay mayroong napakayamang pamilya gayundin ang sampung anak at maraming tagasilbi. Labis siyang nirerespeto at mataas ang pagtingin sa kanya ng kanyang mga kaibigan. Gayunman, sa pamamagitan ng mga tukso at mga pag-atake ni Satanas, nawala kay Job lahat ng mga ari-arian niya at kanyang mga anak sa isang araw lamang, at pagkatapos noon ay tuluyang binalot ng mga bukol. Ang pagsubok na iyon ang naging dahilan upang si Job ay maging pinaka-dukhang tao sa Orient mula sa pagiging pinaka-dakilang tao sa Orient, at hinusgahan at inatake din siya ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Kahit na nahaharap sa ganoon kalaking pagsubok, hindi kailanman nagsalita ni isang salita ng reklamo si Job sa Diyos. At nagpatirapa pa siya sa pagsamba sa Diyos, sinasabing, “Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako roon: si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nagalis; purihin ang pangalan ni Jehova” (Job 1:21), at “tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama?” (Job 2:10). Sa pamamagitan ng pagsubok niya ay nagawa ni Job na pigilan ang sarili sa pagkakasala sa pamamagitan ng kanyang mga salita, ganoon din ang lumapit sa Diyos sa pagdarasal. Ipinakita nito na may lugar sa puso niya ang Diyos, na may tunay siyang pananampalataya sa Diyos, na naniniwala siyang ang lahat ng mga pangyayari at lahat ng bagay ay nasa mga kamay ng Diyos, at lahat ng mga kondisyong hinarap niya ay may pagsang-ayon ng Diyos at hindi kagagawan ng tao. Ang isang bagay pa na labis na naranasan ni Job sa ilang dekada ng buhay niya ay na ang lahat ng bagay na mayroon siya ay nagmula sa pamumuno at pagsasaayos ng Diyos. Lahat ng kanyang kayamanan ay nagmula sa Diyos at hindi nagmula sa sarili niyang pagsisikap. Kaya naman, kung nais ng Diyos na kunin ang ipinagkaloob Niya, natural at tama lamang iyon at bilang isang nilikhang nilalang, dapat siyang magpasakop sa pagbawi ng Diyos sa mga bagay na iyon. Hindi dapat siya makipagtalo sa Diyos at lalo nang hindi siya dapat magreklamo sa Diyos—kahit na kunin pa sa kanya ang kanyang buhay, alam niyang hindi siya magsasalita ni isang reklamo. Labis na ipinahiya ng patotoo ni Job si Satanas at matapos iyon, nagpakita ang Diyos kay Job mula sa gitna ng bagyo at ipinagkalooban siya ng higit pang biyaya.
Makikita natin mula sa mga karanasan nina Abraham at Job na upang makamit natin ang tunay na pananampalataya sa Diyos, dapat muna tayong magkaroon ng tunay na pang-unawa sa tuntunin ng Diyos. Dapat tayong maniwala na ang lahat ng bagay at pangyayari ay nasa mga kamay ng Diyos. Dapat din nating malaman ang tunay nating lugar bilang mga nilikhang nilalang at magkaroon ng kaisipan na dapat na taglayin ng mga nilalang. Kahit gaano pa man kalaki ang ating mga pagsubok o paghihirap, hindi natin maaaring sisihin o ipagkanulo ang Diyos, ngunit dapat tayong magpatuloy upang saliksikin ang kalooban ng Diyos at tumayo sa Kanyang tabi, at walang pag-aalinlangang sundin Siya. Gaano pa man kalaki ang paghihirap na tinitiis natin, dapat ay magawa pa rin nating matatag na magpatotoo para sa Diyos. Tanging ang mga nakagagawa lamang nito ang nagtataglay ng tunay na pananampalataya sa Diyos. Isipin na lamang ang mga kapatid na dinakip at inusig ng ateista na Partido Komunista ng Tsina at nagdusa pa sa brutal na pagpapahirap at ikinulong nang ilang taon, ngunit kailanman ay hindi nila itinatwa o ipinagkanulo ang Diyos—iyon ang tunay na pananampalataya sa Diyos. May mga kapatid na tinalikuran ng kanilang mga pamilya at kaibigan matapos maging mananampalataya, o may masasamang bagay ang nangyari sa kanilang mga pamilya, ngunit kailanman ay hindi sila nagreklamo sa Diyos, at nagawang magpatuloy sumunod sa Diyos at igugol ang kanilang mga sarili para sa Kanya—isa rin itong pagpapahayag ng tunay na pananampalataya sa Diyos. Kung ihahambing natin ang ating mga sarili sa mga testimonyang ito, masasabi nga ba natin na tunay nga tayong mga tao na may tunay na pananampalataya sa Diyos? Para sa karamihan sa atin, ang ating pananampalataya ay naaayon sa walang katiyakang pagsang-ayon na mayroong Diyos, at ang magdusa nang kaunti at magbayad ng maliit na halaga sa paggawa upang ipakalat ang ebanghelyo para sa Panginoon. Gayunman, hindi iyon masasabing tunay na pananampalataya.
Paano Bumuo ng Tunay na Pananampalataya sa Diyos
Kung nais nating magtaglay ng tunay na pananampalataya, dapat tayong magsaliksik upang makilalala ang tuntunin ng Diyos sa lahat ng mga tao, pangyayari, at mga bagay na nakakasalamuha natin araw-araw, at kung ang mga kapaligiran na isinasaayos ng Diyos ay naaayon ba sa sarili nating paniniwala o hindi, o kung paimbabaw lamang ang pakinabang natin sa kanila o hindi. Dapat nating malaman ang ating lugar bilang mga nilikhang nilalang at hanapin ang kalooban ng Diyos, taglay ang pusong may paggalang. Kailangan nating maintindihan ang maingat, tapat na hangarin ng Diyos sa likod ng mga kapaligirang isinasaayos Niya para sa atin upang may matamo tayo mula sa lahat ng pinagdadaanan natin, at makikita natin ang mga gawa ng Diyos sa lahat ng isinasaayos Niya. Pagkatapos, ang pananampalataya natin sa Diyos ay unti-unting magiging tunay. Gaya iyon ng pananampalataya ni Job—hindi iyon isang bagay na taglay niya pagkapanganak, ngunit unti-unting lumaki sa pmamagitan ng tuntunin ng Diyos sa lahat nang nangyari sa kanyang buhay at pagsasaliksik sa kaalaman ng Diyos. Kung magagawa nating sundin ang halimbawa ni Job, nakatutok sa pagdanas at tunay na pag-unawa sa tuntunin ng Diyos sa ating mga buhay, sa gayon ay natatamo ang tunay na kaalaman ng Diyos, noon lamang tayo magkakaroon ng tunay na pananampalataya sa Diyos. At pagkatapos, kahit ano pa mang uri ng paghihirap o pagsubok ang dumating sa atin at gaano pa man kalaki ang pagdurusa ng ating katawan o espiritu, magagawa natin iyong maharap ng tama sa pamamagitan ng ating pananampalataya, aktibong hinahanap ang kalooban ng Diyos at Kanyang mga hinihingi sa atin, magpapasakop sa Kanyang tuntunin at mga pagsasaayos, at magpapatotoo para sa Kanya.
Salamat sa paglilinaw at gabay ng Diyos. Amen!
Image Source: The Church of Almighty God
Terms of Use: tl.godfootsteps.org/disclaimer.html
April 23rd birthday. Gave my kids the camera and let them take the shots of me. Discussing our daily devotion from C. S. Lewis.
Ni Hanxiao
Tayong mga mananampalataya sa Panginoon ay lahat gusto na matamo ang papuri ng Panginoon, ngunit, paano natin gagawin na mabigyang kasiyahan ang kalooban ng Panginoon? Sa katunayan, mayroong apat na mga bagay na tungkulin ng isang Kristiyano at saka ang apat na pinakamahalagang mga bagay na dapat gawin nating mga tagasunod ng Panginoon. Kapag ginawa natin ang mga iyon, maaari tayong makapagsagawa ng naaayon sa kalooban ng Panginoon. Ito ang mga ito: pagbabasa ng mga Salita ng Diyos, pananalangin sa Diyos, paggawa ng ating mga tungkulin at pagsasagawa ng mga salita ng Diyos. Kasama sa ating buhay espirituwal ang pangunahing apat na mga aspetong ito. Kapag naisagawa natin ang mga ito sa ating pang araw-araw na buhay, makakamit natin ang mga kondisyon ng pagiging isang totoong Kristiyano. Tungkol dito sa apat na mga aspeto, magbabahagi ako ng kaunti ng aking personal na karanasan at pagkakaunawa.
Una, kailangan natin magbasa ng mga salita ng Diyos. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Kaya’t nararapat mong kainin at inumin ang salita ng Diyos sa lahat ng oras, kung ikaw man ay abala o hindi, kung ang mga kalagayan man ay masama o mabuti, at kung ikaw man ay sinusubukan o hindi. Sa kabuuan, ang salita ng Diyos ang saligan ng pag-iral ng tao. Walang maaaring tumalikod sa Kanyang salita at nararapat kumain ng Kanyang salita gaya ng ginagawa nilang pagkain ng tatlong beses sa isang araw. … Ang lahat ng hindi nagpapahalaga sa salita ng Diyos at palaging may iba pang pagtingin sa Kanyang salita, isa nang kawalang-ingat at ang paniniwala na walang pagkakaiba kung sila ay nagbabasa ng Kanyang salita o hindi, ay yaong walang realidad. Ang alinman sa gawain ng Banal na Espiritu o kaliwanagan Niya ay hindi makikita sa ganoong tao. Ang ganoong mga tao ay nagpapadala lamang sa agos, at mga mapagpanggap na walang totoong mga kakayahan, katulad ni Mr. Nanguo sa talinghaga.[a]” Mula sa mga salitang ito makikita natin ang kahalagahan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos—yaong mga ayaw magbasa ng mga salita ng Diyos ay mga di-mananampalataya sa mata ng Diyos at hindi makakamtan ang gawain ng Banal na Espiritu. Kaya, bilang isang Kristiyano, kailangan nating isaalang-alang ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos bilang ating tungkulin. Yamang sa paniniwala sa Panginoon, marahil ay nabasa na natin ang mga kasulatan sa loob ng maraming dekada, nang walang pagkaantala. Kung gayon paano natin babasahin ang mga salita ng Diyos para makamit ang magandang resulta? Ang pinakamahalagang punto ay ang maunawaan ang katotohanan at hanapin ang kalooban ng Diyos mula sa bawat mga salita ng Panginoon. Bawat pangungusap na sinambit ng Panginoon ay nauugnay sa katotohanan at naglalaman ng Kanyang mga kinakailangan. Kaya kapag tayo ay nagbabasa ng mga salita ng Panginoon, huwag natin dapat basahin katulad ng pagtanaw sa mga bulaklak habang nakasakay sa likod ng kabayo o para lang kabisaduhin ang mga kasulatan, at hindi maaaring intindihin lamang ang literal na kahulugan ng mga salita ng Panginoon, at wala nang iba pa. Sa halip, patahimikin natin ang ating mga puso sa harapan ng Diyos, taimtim na manalangin-magbasa at pagnilayan ang mga salita ng Panginoon para matamo ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu at pag-iilaw, at hanapin kung ano ang mga hinihiling ng Panginoon sa atin, paano tayo magsasagawa ng naaayon sa Kanyang kalooban, at ano ang dapat nating taglayin upang maabot ang Kanyang mga hinihingi, at iba pa. Halimbawa, Sinabi ng Panginoong Jesus sa Mateo 18:3, “Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Malibang kayo’y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.” Sa literal na kahulugan, alam natin na sinambit ng Panginoong ang mga salitang ito upang hilingin sa atin na maging matapat na mga tao, gayunpaman bakit ginawa ng Panginoon ang ganitong uri ng kahilingan? Anong mga pamantayan ng pagiging matapat na mga tao ang nakapaloob? Ano ang dapat nating gawin para maging matapat na tao? Sa katunayan, kapag tayo ay nanalangin-nagbabasa at nagninilay ng mga salita ng Panginoon na gamit ang ating mga puso, mauunawaan natin na mahal ng Panginoon ang mga matapat na tao at umaasa na magawa natin mahiwalay ang ating mga sarili mula sa katiwalian at masamang mundong ito, iyan ay, mula sa kampo ni Satanas, at maging mga taong nakaayon sa puso ng Panginoon at sa huli ay madala sa kaharian ng Diyos. Ang pamantayan ng pagiging isang matapat na tao ay kung ano ang mga sumusunod. Ang isang matapat na tao ay dalisay, bukas, masigla at kaibig-ibig katulad ng isang bata, nagagawang tratuhin ang iba ng patas sa kanyang pakikipagsalamuha sa kanila at hindi naghihinala sa iba; bukod dito, siya ay may pusong gumagalang para sa Panginoon, nagmamahal sa katotohanan, at nagagawang tumanggap, sumunod at isinasagawa ang bawat salita na sinabi ng Panginoon. Pagkatapos na maunawaan ang lahat ng mga ito, sa pamamagitan ng pagninilay sa ating mga sarili makikita natin na hindi pa tayo matapat na mga tao. Para pangalanan ang ilan sa mga halimbawa, kahit sa karaniwan hindi tayo nanlalamang ng kahit kaunti sa iba, kung may ilang bagay na hindi naaayon sa pansarili nating interes, nagsisinungaling tayo at nanlilinlang; sa ating pakikipag-ugnayan sa iba, madalas tayong mapaghinala at mapagmatyag sa kanila; itinuro sa atin ng Panginoon na panghawakan ang Diyos bilang kataas-taasan sa ating mga puso at gamitin ang mga salita ng Panginoon bilang batayan para sa lahat ng bagay, ngunit sinasamba natin kung sino yaong may mga kapangyarihan at estado at may pilak-na-dila, at bulag na nakikinig sa kanila na walang pagkilala kung ang kanilang mga salita ba ay akma sa mga salita ng Panginoon. Kapag tayo ay masigasig na nagbabasa ng mga salita ng Panginoon sa paraang ito, magagawa nating maunawaan ng malinaw ang ating mga sariling kakulangan at paglihis, maunawaan ang landas ng pagsasagawa, at mas magsagawa ng mabuti na naaayon sa kalooban ng Diyos. Samakatuwid, ang pagbabasa ng mga salita ng Panginoon ay ang pinakamahalaga at ang pinakapangunahing tungkulin ng isang Kristiyano.
Ikalawa, dapat tayong manalangin sa Diyos. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Ang panalangin ay isa sa mga paraan kung saan nakikipagtulungan ang tao sa Diyos, ito ay isang paraan kung paano tinatawag ng tao ang Diyos, at ito ang proseso kung paano ang tao ay inaantig ng Espiritu ng Diyos. Maaaring sabihin na yaong mga walang panalangin ay mga patay na walang espiritu, katibayan na kulang sila ng mga kakayahan upang antigin sila ng Diyos. Kung walang panalangin, hindi nagagawa ng mga tao na magtamo ng isang normal na espirituwal na buhay, lalong hindi nila nagagawang sundin ang gawain ng Banal na Espiritu; kung walang panalangin, pinuputol nila ang kanilang ugnayan sa Diyos, at mga walang kakayahan na tanggapin ang pagsang-ayon ng Diyos.” Mula sa mga salita ng Diyos makikita natin na ang panalangin ay isang mahalagang bahagi ng pagpapanatili ng ating normal na relasyon sa Diyos, at isa sa mga tungkulin ng isang Kristiyano. Kung gayon paano tayo dapat manalangin para matamo ang pagsang-ayon ng Diyos? Sa Juan 4:23–24 sinasabi na, “Datapuwa’t dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka’t hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa Kaniya. Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa Kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.” Mula sa mga salita ng Diyos makikita natin ang proseso ng pananalangin ay isa ring proseso ng pagsamba sa Diyos. Ngunit mayroong kondisyon: Kinakailangan natin sambahin ang Diyos sa espiritu at sa katotohanan. Kapag tayo ay umasa na ang ating mga panalangin ay maaaring aprubahan ng Panginoon, kailangan nating patahimikin ang ating mga puso bago manalangin, magkaroon ng isang payapang saloobin sa harapan ng Diyos, at isipin kung ano ang nais nating ipanalangin at kung paano natin dapat hanapin ang kalooban ng Diyos sa mga problema at paghihirap na ating kinakaharap. Bukod dito, ang kinakailangan nating maunawaan na di alintana kung malinaw ba nating nalalaman ang kalooban ng Diyos, kapag tayo ay nagdadasal, kailangan nating mapanatili ang isang pusong may paggalang sa Diyos, maging makatwiran sa salita, at sabihin kung ano ang nasa ating puso para sa Diyos, at sa halip na humiling lamang sa Kanya ng mga bagay-bagay, sinasambit ang mga bagay na paulit-ulit nang walang layon, inuulit ang parehong panalangin, at gumagawa ng mga walang kabuluhang pangako sa harapan ng Diyos nang hindi tinutupad ang mga ito. Bukod dito, kung minsan hindi natin nakukuha ang tugon ng Panginoon pagkatapos ng maraming mga panalangin at ang ating mga problema at mga paghihirap na hindi pa rin nalulutas, hindi dapat tayo magreklamo laban sa Diyos o mawala ang pananalig natin sa Kanya, sa halip ay dapat na unawain na ito ay maaaring naglalaman ng Kanyang intensyon sa loob, matutong maghintay, at magpatuloy na manalangin para hanapin ang Kanyang pagliliwanag at paggabay. Tanging sa ganitong paraan ng pagsasagawa, maaaring makamit ng ating panalangin ang epekto ng pagsamba sa Diyos.
Ikatlo, dapat nating isagawa ang ating mga tungkulin. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Dapat mong gawin ang nararapat gawin ng tao, at isakatuparan ang iyong mga obligasyon, at tuparin ang iyong mga responsibilidad, at manangan sa iyong tungkulin. Yamang nananalig ka sa Diyos, dapat kang gumawa ng iyong kontribusyon sa gawain ng Diyos; kung hindi, hindi ka karapat-dapat na kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, at hindi ka karapat-dapat na manirahan sa sambahayan ng Diyos.” Nakatala sa Marcos 10:29–30, “Sinabi ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Walang taong nagiwan ng bahay, o mga kapatid na lalake, o mga kapatid na babae, o ina, o ama, o mga anak, o mga lupa, dahil sa akin, at dahil sa evangelio, Na hindi siya tatanggap ng tigisang daan ngayon sa panahong ito, ng mga bahay, at mga kapatid na lalake, at mga kapatid na babae, at mga ina, at mga anak, at mga lupa, kalakip ng mga paguusig; at sa sanglibutang darating ay ng walang hanggang buhay.” Ang mga salita ng Panginoon ay napakalinaw: Bilang isang Kristiyano, dapat nating gampanan lahat ang ating mga tungkulin para mabayaran ang pag-ibig ng Diyos—ito ay ang ating responsibilidad bilang Kanyang nilalang. Halimbawa, pag-aalay ng ating mga sarili para sa Panginoon, pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Panginoon, pagbibigay ng handog sa mga kapatid na yaong tunay na naniniwala sa Panginoon at pagpupusige ng katotohanan, pagbibigay suporta sa mga kapatid na mga naging negatibo at nanghihina ng may pagmamahal, pinangangasiwaan ang mga kapatid na yaong nagmula pa sa mga malayo para ipalaganap ang enbanghelyo, at iba pa. Ito ang mga bagay na dapat nating gawin. Gayunpaman, kung makakamit lamang natin ito, hindi ibig sabihin nito na tayo ay tunay na tumutupad sa ating mga tungkulin. Hindi dahil ito na hangga’t ginagawa natin ang mga bagay-bagay na ito, magagawa na nating bigyang kasiyahan ang kalooban ng Diyos. Ang tunay na pagganap sa ating mga tungkulin ay ang may kagustuhang ilaan ang ating mga sarili para sa Kanya, at ginagawa ang mga bagay lamang para bigyang kasiyahan ang kalooban ng Diyos, upang suklian ang Kanyang pagmamahal, nagmamalasakit tungkol sa Kanyang intensyon at minamahal Siya, nang walang kasamaan at mga motibo. Ito ay hindi lang para sa paggawa ng kasunduan sa Panginoon upang magkamit ng mga pagpapala o ng korona, ni para makamit ang papuri ng iba, paghanga, at mga kapurihan. Tanging kapag ginagawa natin ang ating mga tungkulin nang may ganitong kaisipan ay mapapasaya natin ang Panginoon. Kapag ang ating paglalaan ng ating mga sarili ay para lamang sa planong pansariling kapakanan at pagbibigay kasiyahan sa pansariling pagnanasa, ito ay hindi pagsunod sa mga salita ng Panginoon, at mas lalong hindi na pagsasagawa ng ating mga tungkulin. Sa halip, ito ay ang pagsasagawa ng kasamaan at hindi magkakamit ng papuri ng Diyos. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan Mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag Ko sa kanila, Kailan ma’y hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:22–23). Malinaw, ang maluwag sa kalooban na pagsasagawa ng ating mga tungkulin ang ating responsibilidad bilang mga Kristiyano at kung magagawa natin ito ay direktang nauugnay sa mahalagang bagay sa kung makakapasok ba tayo sa kaharian ng langit.
Ikaapat, dapat natin isagawa ang katotohanan. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Ang proseso ng paniniwala sa Diyos ay ang proseso ng inyong pagdanas sa Kanyang salita gayundin ang makamit Niya, o upang mas maging maliwanag, ang maniwala sa Diyos ay ang magkaroon ng kaalaman at pagkaunawa sa Kanyang salita at maranasan at isabuhay ang Kanyang salita; iyan ang katotohanan sa inyong Pananampalataya sa Diyos.” Sinabi ng Panginoong Jesus, “Kung kayo’y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo’y tunay nga kayong mga alagad ko” (Juan 8:31). Mula sa mga salita ng Diyos makikita natin na tanging sa pagsasagawa ng katotohanan maaari tayong magkaroon ng realidad sa paniniwala sa Diyos. Na ibig sabihin, hindi tayo dapat makuntento lamang sa pag-unawa sa mga salita ng Diyos, ngunit dapat ding ilagay ito sa pagsasagawa sa ating pang araw-araw na buhay. Ito ay isa sa mga tungkulin ng isang Kristiyano. Tanging sa paggawa nito na kikilalanin ng Diyos na tayo ay Kanyang mga mananampalataya. Ang Panginoong Jesus ay naghayag ng maraming mga katuruan, katulad ng kahilingan sa atin na mahalin Siya, sinasabi sa atin na magnilay at kilalanin ang ating mga sarili kapag tayo ay nakatagpo ng anumang bagay, itinuro sa atin kung paano patawarin ang iba at manalangin sa Panginoon, at marami pa. Itong mga bagay na ito ay ang lahat na kung ano ang dapat nating isagawa sa ating pang araw-araw na buhay at gawain. Isaalang-alang ang aspeto ng katotohanan sa pagpapatawad sa iba. Ito ay nakatala sa Biblia na nang si Pedro ay nagtanong sa Panginoon kung ilang beses niya dapat patawarin ang kanyang lalaking kapatid, sinabi ng Panginoong Jesus na, “Hindi Ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito” (Mateo 18:22). Dito, nakikita natin na hiniling sa atin ng Panginoong na patawarin ang iba bilang isang prinsipyo ng ating pakikipagsalamuha sa iba, at malayang patawarin sila ng maraming beses. Sa totoong buhay, kapag may sumasalungat sa ating mga pansariling kapakanan o nasaktan tayo, sa una madalas natin naisasagawa ang mga salita ng Panginoon at pinapatawad sila, ngunit hindi na kapag inulit-ulit na nilang gawin ang ganoong bagay sa atin. Sa ganitong panahon, dapat tayong lumapit sa harapan ng Diyos at pagnilayan ang ating sarili, at tanging sa ganito lamang matutuklasan natin na ang mga dahilan kung bakit hindi natin magawang patawarin ang iba ay dahil sa pinoprotektahan natin ang sarili nating dignidad, estado at pakinabang, at mapagtatanto natin kung gaano tayo kamakasarili at kasuklam-suklam. Sa gayon, magagawa nating isantabi ang ating kayabangan at pansariling kapakanan at magsagawa ng naaayon sa mga salita ng Panginoon. At kapag nanalangin tayo sa Panginoon tungkol dito, bibigyan Niya tayo ng pananampalataya at lakas, at magagawa natin na patawarin ang iba. Mula dito makikita natin na kapag tayo ay nagsasagawa ng mga salita ng Diyos, hindi natin dapat obserbahan lamang ang panlabas nitong bahagi, ngunit hanapin sa mga ito ang napapaloob na mga kahulugan at ang kalooban ng Panginoon na nakatago dito. Bukod pa dito, kapag tayo ay nabigo sa pagsasagawa ng mga salita ng Panginoon, dapat tayong lumapit sa harapan ng Panginoon at hilingin sa Kanya na bigyan tayo ng kalakasan ng loob para talikuran ang ating laman, at tanging sa ganito maaari nating maisagawa ang katotohanan. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga salita ng Panginoon, ang ating relasyon sa Panginoon ay mas lalago pa, at mauunawaan pa natin ang Kanyang mga katuruan, mamumuhay ng may isang normal na katauhan, at lalago ng mabilis sa ating buhay. Tulad ng sabi ng mga salita ng Diyos, “Habang lalo ninyong isinasagawa ang salita ng Diyos, lalong mas mabilis na mamumukadkad ang inyong buhay; habang lalo ninyong isinasagawa ang salita ng Diyos, mas lalong magiging malinaw ang katotohanan. … Ang karamihan sa katotohanan na hindi ninyo naiintindihan ay palilinawin kapag isinasagawa ninyo ang salita ng Diyos.” Kaya, ang pagsasagawa ng katotohanan ay mahalaga.
Ang apat na pangunahing mga bagay na ito ang tungkulin ng isang Kristiyano. Kapag tayo ay nakatuon sa pagsasagawa ng mga ito at makapasok sa mga ito sa totoong buhay, ang ating mga gawa ay mas matatamo ang pagsang-ayon ng Panginoon nang mas higit pa. Kapag nabigo tayong panatilihin ang mga ito, hindi tayo karapat-dapat na tawaging isang Kristiyano, at mawawalan ng direksyon o layunin sa ating paniniwala, ni makagawa tayo ng mga pag-unlad sa kabila ng maraming taon ng pagsunod sa Diyos. Kaya, para maging matagumpay sa ating pananampalataya, kinakailangan nating maunawaan ang mga pangunahing mga bagay na ito.
Bilang naniniwala sa Diyos, alam nating lahat na napakahalaga sa atin na lumapit sa Diyos at magkaroon ng normal na relasyon sa Diyos. Kung gayon Paano Maging Malapit sa Diyos? Ipapakita sa article na ito ang landas.
Rekomendasyon:
Tagalog Devotional Topics: Tips to Get Close to God
10 Mga Kanta ng Panalangin sa Umaga upang Mapalapit Ka sa Diyos
Image Source: The Church of Almighty God
Terms of Use: tl.godfootsteps.org/disclaimer.html
Remember that great day when Jesus saved you and made you new! Don't forget His mighty deeds and His great love for you (Ps78:4). You Christian have been Redeemed by Jesus' blood, Forgiven by His grace, Justified by His righteousness, and are being Sanctified through His Spirit & Word.
Today's Through the Bible Reading is all about REMEMBERING what God has done. Remember just how much Christ accomplished on the cross for you and REJOICE!
I will betroth you to Me forever; Yes, I will betroth you to me in righteousness and justice, in lovingkindness and mercy; I will betroth you to me in faithfulness, And you shall know the Lord. Hosea 2:19, 20
Today’s Thru the Bible Reading: Amos 7-9; Hosea 1-3
- See more at: www.19upstream.com/extras/thru-the-bible/thru-the-bible-j...
[A message from Daily Bible Devotion]
Guard you heart above all else, for it determines the course of your life.
Proverbs 4:23, NLT
Do your feelings get hurt easily? Perhaps it's time you start guarding your heart. It is not fun walking around sulking and carrying grudges because you have been hurt. Why does this happen? Because you need to draw your strength from your heavenly Father. Pray to Him daily and ask Him to help you get rid of your sensitivity. It will require you to be willing to let go of your hurts.
Get this Free Daily Devotion App:ANDROID: bit.ly/pE4x0CIPHONE: bit.ly/uJvpEW]
Himno ng Iglesia
Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupain ng Canaan
I
Balik sa pamilya ng Diyos, sabik at masaya.
Makilala Ka'y karangalan ko,
puso ko'y alay sa 'Yo tunay na Diyos,
ibinigay ko ang aking puso sa Iyo.
Lambak ng Luhang ma'y dinaanan, rikit ng Diyos kita.
Pag-ibig sa Diyos lumalago, galak ko'y galing Sa 'Yo.
Ganda ng Diyos, at likha Niya, puso'y kapit sa Kanya.
Pag-ibig ko sa Diyos di-sapat, awit sa puso ko'y umigkas.
II
Pinagpalang lupain ng Canaan,
ang lahat ay sariwa, ang lahat ay may buhay.
Makapangyarihang Diyos Kanyang tinig,
inakay tayo sa Kapanahunan ng Kaharian.
Sa Kanyang salita landas ay mahanap,
makikita ang landas na dapat tao'y lumakad.
Pangarap na langit ngayo'y tunay,
di na hahanapin, papangarapin.
III
Mga bit'win sa langit ay ngumingiti sa akin, araw tumatango,
sa sikat n'ya, ula't hamog, buhay namu'nga ng hinog.
Salita ng Diyos, malago't mayaman, dala'y matamis na piging sa atin.
Sapát at punóng tustos ng Diyos tayo'y nasiyahan.
Lupain ng Canaan, sa mundo ng mga salita ng Diyos;
Kanyang pag-ibig ay nagdulot sa amin ng walang-hanggang kagalakan.
Samyo ng mga prutas ay pumupuno sa hangin.
Kung ika'y andirito para sa ilang araw,
ito'y mamahalin mo higit sa kahit ano.
IV
Buwang pilak kay liwanag. Ang buhay laging masaya.
Ikaw ay laging nasa puso ko, habambuhay ako'y kapiling Mo.
Puso'y laging sabik sa'Yo; kay sayang ibigin Ka araw-araw.
O sinisinta sa puso ko! Sa 'Yong lahat pag-ibig ko.
Nag-iisa Ka sa aking puso,
iyong kagandahan ay lampas sa lahat ng mga salita.
Puso'y umiibig lamang sa Iyo, di-mapigilang sa tuwa'y mapalukso.
V
Makita ang Diyos ng mukhaan, gaya ng isang kagalakan,
maunawaan ang kalooban ng Diyos sa Kanyang mga salita.
Malaman na tapat ang Diyos at matuwid,
disposisyon ng Diyos, masyadong kaibig-ibig.
Sinisinta kong kayganda! Iyong kagandahan ay nabihag ng aking puso.
tl.kingdomsalvation.org/the-happiness-in-the-good-land-of...
#ebanghelyo #Daily_Devotion #Awit_ng_papuri #Tagalog_Praise_Song
Image Source: The Church of Almighty God
Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html
Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng messenger anumang oras!
Sagot: Mahalaga ang tinanong ninyo. Alam nating lahat na nabubuhay tayo sa dulong yugto ng mga huling araw. Iprinopesiya noon ng Panginoong Jesus: “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12). Dumarami ang katampalasanan sa mundo ng relihiyon. Hindi sinusunod ng mga pinuno ng relihiyon ang mga utos ng Panginoon, sinusunod lang nila ang mga tradisyon ng tao. Ipinangangaral lang nila ang kaalaman sa biblia para magyabang at magpatotoo sa kanilang mga sarili. Hindi talaga sila nagpapatotoo sa Diyos o nagpaparangal sa Diyos, at lubos na humiwalay sa daan ng Panginoon, kaya tinatanggihan at inaalis sila ng Diyos. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nawala ng mundo ng relihiyon ang gawain ng Banal na Espiritu. At dahil din sa nagbalik sa katawang-tao ang Panginoong Jesus, at sinimulan ang gawain ng “paghatol simula sa bahay ng Diyos” sa mga huling araw. Tulad ng pagpapahayag ni Cristo ng mga huling araw-Makapangyarihang Diyos sa buong katotohanan ng pagliligtas sa sangkatauhan para dalisayin ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos ng mga huling araw, ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagiging gawain ng Diyos ng mga huling araw. Tatanggapin ng mga tumatanggap sa gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang gawain ng Banal na Espiritu, at tatanggapin ang pagtutustos at pagdidilig ng tubig na buhay. Gagawin ng Diyos na mananagumpay ang mga bumabalik sa harapan ng Kanyang trono, at dadalhin sila alinsunod sa Kanyang kalooban, habang ang mga humihinto sa lugar ng relihiyon, at tumatangging tanggapin ang gawain ng Diyos ng mga huling araw, ay maiiwan sa madilim na kalungkutan. Pinatutunayan nito ang isang propesiya sa biblia: “At akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na; at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo. Sa gayo’y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa isang bayan upang magsiinom ng tubig, at hindi nangapawi ang uhaw: gayon ma’y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ni Jehova” (Amos 4:7–8). Dito, ang “isang bahagi ay inulanan” ay tumutukoy sa mga iglesiang tumatanggap at sumusunod sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Tinanggap nila ang presensiya ng mga Salita ng Diyos, at tinamasa ang panustos ng tubig na buhay na dumadaloy mula sa trono. “… at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo.” ay tumutukoy sa mga pastor at elder ng relihiyon na tumatangging isagawa ang mga salita ng Panginoon at sumusuway sa Kanyang mga utos, at tinatanggihan, tinututulan, at kinokondena ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, na dahilan para tanggihan at isumpa ng Diyos ang mundo ng relihiyon, para ganap na mawala ang gawain ng Banal na Espiritu at paraang makuha ang tubig na buhay, at makulong sa kalungkutan. Parang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan, noong naging malungkot ang templo na dati'y puno ng kaluwalhatian ng Jehovah na Diyos, Hindi sinunod ng mga Hudyo ang mga kautusan ng Diyos, nag-alay ng mga hindi nararapat na sakripisyo, at naging lugar ng kalakalan, lungga ng mga magnanakaw ang templo. Bakit nangyari ito? Pangunahin dahil hindi sinunod ng mga Hudyong pinuno ng relihiyon ang mga kautusan ng Jehovah na Diyos, at hindi natakot sa Diyos sa kanilang mga puso. Sinunod nila ang mga tradisyon ng mga tao, pero tinanggihan ang mga utos ng Diyos. Lubos silang lumayo sa daan ng Diyos, kaya isinumpa sila ng Diyos. Pero isa pang dahilan ay nagkatawang-tao ang Diyos para tubusin ang sangkatauan sa Kapanahunan ng Biyaya. Nagbago na ang gawain ng Diyos. Natanggap ng kahat ng tumanggap sa gawaing mapantubos ng Panginoong Jesus ang gawain ng Banal na Espiritu, at nagkaroon ng bagong paraan para isagawa ang kanilang pananampalataya, pero ang mga tumanggi at tumutol sa gawain ng Panginoong Jesus ay inalis ng gawain ng Diyos, at nahulog sa madilim na kalungkutan. Kung gusto ninyong matanggap ang gawain ng Banal na Espiritu, at makamit ang pagtustos ng tubig na buhay, ang pinakamahalagang bagay na kailangan ninyong gawin ay hanapin at siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Lulutasin nito ang ugat ng problema sa kadiliman sa mga espiritu ninyo at kalungkutan sa iglesia ninyo. Sang-ayon ba kayo?
mula sa iskrip ng pelikulang Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono
tl.kingdomsalvation.org/sects-and-denominations-suffering...
#Daily_Devotion #Patotoo_ng_Isang_Kristiyano #Buhay_sa_Iglesia #Kaligtasan
Image Source: The Church of Almighty God
Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html
Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng messenger anumang oras!
Adversity and opposition is never far behind opportunity and vision.
In today’s Bible reading with 19 Upstream we find Nehemiah and the people encountering difficulties and adversity as they press towards the goal of re-building the city walls. Nehemiah was faced with internal and external circumstances that could have dealt a deadly blow to his vision and determination. - See more at: www.19upstream.com/grow/thru-the-bible/thru-the-bible-sep...
#thruthebible #19upstream
Christian T-shirts Grounded in God's Word.
Don’t miss today’s Through the Bible reading! Sign up to get the daily Bible reading and devotion by 19 Upstream Christian Tee Shirts! Dig into God’s Word and feed your hungry soul!
#thruthebible #19upstream
Christian T-shirts Grounded in God's Word.
Can you find your family tree? Do you know your lineage? This was a serious question back in ancient Israel. In today’s reading we see some families that lost their family records and as a result were excluded from the priesthood and unable to serve before the Lord.
This is an amazing picture of Jesus! How? Well, first of all Ephesians 1:5 tells us that we’ve been adopted as children of God. Our family record (per se) is engraved on our Savior’s hand (Isaiah 49:16). We’ve been sealed and God knows each of us (2 Cor. 1:22; Eph. 1:13; Eph. 4:30; John 10:14, 15).
He is the master Creator and history is the account of HIS STORY – His records are secure and we are called His family. He has made us a chosen generation and a royal priesthood (1 Peter 2:9). If we stand having received God’s free gift of salvation, trusting in Jesus’ blood to cleanse us from all unrighteousness (Eph. 2:8,9; 1 John 1:9), then we can rest assured that we won’t be counted unable to serve before the Lord and worship at His feet.
Now unto him that is able to keep you from falling, and to present you faultless before the presence of his glory with exceeding joy, Jude 1:24
Today’s Thru the Bible Reading: Ezra 2:21-70; Nehemiah 7:26-73
See more at: www.19upstream.com/grow/thru-the-bible/thru-the-bible-sep...
#thruthebible #19upstream
Christian T-shirts Grounded in God's Word.
We can be the bearers of the best news EVER! Salvation, the forgiveness of sin is available to all who receive – it’s a free gift! There’s no need to live with that guilty conscience, there is a way to be right with God. Jesus paid for your sin and has offered to represent you as perfect because of Him! This is news worth telling!
In today’s Thru the Bible Reading with 19 Upstream we find four men with news worth telling! These men were sick with leprosy and ready to die (like us before Jesus, we were dead in sin Eph. 2:1). In the midst of a terrible famine, these men stumble upon a “treasure” that could save Israel. As they were enjoying their plunder, they realized: We are not doing right. This day is a day of good news, and we remain silent…Now therefore, come, let us go and tell the king's household. 2 Kings 7:9
Let’s take a lesson from these guys and realize the good news we have and SHARE IT! "Go into all the world and preach the gospel (The Good News) to every creature.” Mark 16:15
Today’s Thru the Bible Reading: 2 Kings 7-8, 13:12- 15:5; 2 Chronicles 26; Amos 1 -
See more at: www.19upstream.com/extras/thru-the-bible/thru-the-bible-j...
“Come and see what God has done, His awesome deeds for mankind!” Psalm 66:5
Click to read the rest of Today's Thru the Bible Reading:
www.19upstream.com/permalink/11e
19 Upstream Christian tshirts
know it. wear it. share it.
Devotion to God invokes the destruction of idols in our life. This was the result of Israel’s repentance, just as it is with ours. We were freed from sin. It brought us death and Jesus gave us life. So let’s not hold on to it, be bent on giving in to it, or show affection for it! We are Jesus’ people, free to live for Him. Today’s Through the Bible Reading: 2 Kings 11-12; 2 Chronicles 23:1 – 24:16 - See more at: www.19upstream.com/extras/thru-the-bible/thru-the-bible-j...
"...I raised you up for this very purpose, that I might show you my power and that my name might be proclaimed in all the earth." Ex. 9:16
Today's Through the Bible Reading is Exodus 7:14 - 9:35
Learning from other’s mistakes and history can save us from personal tragedy.
Take a look at God’s people throughout the Bible and let’s learn from their mistakes rather than making our own.
Today’s Thru the Bible Reading: Amos 2-6
See more at: www.19upstream.com/extras/thru-the-bible/thru-the-bible-j...
In today’s Through the Bible Reading, there is finally a king in Israel that will follow God. I love what Jehu asks regarding peace in Israel: “How can there be peace…as long as all the idolatry…is around?” 2 Kings 9:22 This was true in Israel and it’s true in our own lives! Sin is dirty and burdensome and robs God’s people of peace. - See more at: www.19upstream.com/extras/thru-the-bible/thru-the-bible-j...
Today's Bible Reading... Lev. 22:1-23:44
Being SANCTIFIED is the process of being set apart from the sin of this world. ht.ly/hYUgs (Check the study on Sanctified & what our tshirt means!)
God delivered Israel from Egypt & gave them a new way of living. God delivered us (as believers in Jesus) from sin so we can be free to live & have fellowship with Him. Praise the Lord we're not bound as slaves to this old world!
Tinanggap ng pangunahing tauhan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw habang nasa divinity school. Naiisip ang kanyang ama, na isang diyakono ng iglesia na bihasa sa mga Kasulatan at maraming taon nang naglilingkod sa Panginoon, nagpasya siyang ibahagi sa kanya ang ebanghelyo sa lalong madaling panahon. Sa gulat niya, matigas na kumapit ang kanyang ama sa literal na mga salita ng Biblia at sa kanyang mga relihiyosong pagkaunawa, at tumangging maghanap at magsiyasat. Sa kanyang pagkadismaya, pinalayas pa siya sa bahay ng kanyang ama. Dahil sa udyok ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagpasya siyang ipagpatuloy ang pagbabahagi ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos matapos umalis sa bahay. Hindi inaasahang nakipag-ugnayan sa kanya ang kanyang ama makalipas ang ilang linggo at sinabi na sa pamamagitan ng panalangin, paghahanap, at pagsangguni sa mga Kasulatan, nakita niya na sumasang-ayon sa biblia ang paraan ng pagbabahagi sa kanya ng kanyang anak, at gusto na niya ngayong hanapin at siyasatin ang gawain ng Diyos ng mga huling araw. Nagawa kaya ng kanyang ama na marinig ang tinig ng Diyos at makasunod sa mga yapak ng Kordero sa huli? Alamin sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa Aking Ama.
tl.kingdomsalvation.org/videos/spreading-the-gospel-to-my...
#Daily_Devotion #Patotoo_ng_Isang_Kristiyano #Buhay_sa_Iglesia #Karanasan_sa_buhay
Image Source: The Church of Almighty God
Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html
Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng messenger anumang oras!
Lumilitaw ang maraming tao na nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik na at kumuha Siya ng isang bagong pangalan upang gumawa ng bagong gawain. Ayon sa mga biblikal na talata, “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Mga Hebreo 13:8), at “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas” (Mga Gawa 4:12), maraming mga kapatid ang nag-iisip na ang Panginoong Jesus ay hindi magbabago ng Kanyang pangalan, na Siya lamang ang Tagapagligtas, na tanging sa pangalan lamang ng Panginoong Jesus na tayo ay maliligtas, at kung tatanggapin natin ang ibang pangalan, ay ipagkakanulo natin ang Panginoong Jesus. Gayunpaman, mayroong propesiya sa Pahayag: “Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan” (Pahayag 3:12). Pagkakita sa propesiyang ito, ang ilang mga tao ay iniisip na dahil ang Panginoon ay magkakaroon ng bagong pangalan sa Kanyang pagbabalik, hindi Siya matatawag na “Jesus” muli. Kung Siya ay tatawagin pa ring Jesus, hindi dapat naitala sa propesiya ang “Aking bagong pangalan.” Kung gayon, kukuha ba ang Panginoon ng bagong pangalan sa Kanyang Pagbabalik? Ngayon ating pagbahaginan ang tungkol sa katotohanan ng mga pangalan ng Diyos.
Magbabago Ba ang Pangalan ng Diyos?
Iniisip ng ilang mga tao na ang pangalan ng Diyos ay Jesus at hindi ito magbabago. Ganun nga ba talaga? Hindi ba talaga nagbabago ang pangalan ng Diyos? Tingnan muna natin ang dalawang talatang ito, “Ako, sa makatuwid baga’y Ako, Jehova; at liban sa Akin ay walang tagapagligtas” (Isaias 43:11). “Jehova ang Aking pangalan magpakailan man, at ito ang Aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi” (Exodo 3:15).
Sa mga talatang ito, malinaw na sinabi sa atin ng Diyos na bukod sa Jehova na Diyos, walang Tagapagligtas at ang pangalang Jehova ay tatagal magpakailanman. Nang ang Panginoong Jesus ay dumating upang gumawa, tinawag Siyang Tagapagligtas ng mga tao.Kung ang pangalan ng Diyos ay hindi nababago, bakit kung ganoon na ang pangalan ni Jehova ay naging Jesus? Nagpapatunay ito na ang pangalan ng Diyos ay hindi magpakailanmang di-nababago.
Maaari itong itanong ng ilang mga tao: Yamang ang pangalan ng Diyos ay nababago, paano natin uunawain ang mga salitang nakatala sa Biblia: ‘Jehova ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi?” Sa totoo lang, ang pangalan ng Diyos na magpakailanman ay nangangahulugan na ang Kanyang pangalan ay hindi magbabago sa kasalukuyang kapanahunan Ibig sabihin, hangga’t ang gawain ng Diyos sa kasalukuyang panahon ay hindi pa natatapos, dapat nating panatilihin ang Kanyang pangalan sa panahong iyon, at sa pamamagitan lamang ng paggawa nito makakamit natin ang gawain ng Banal na Espiritu at pagsang-ayon ng Diyos. Gayunpaman, kapag nagsimula ang Diyos ng bagong gawain, ang Kanyang pangalan ay magbabago rin. Kaya, sa pagtanggap lamang ng bagong pangalan ng Diyos na makakamit natin ang pagsang-ayon ng Diyos. Kunin bilang halimbawa ang mga tagasunod, tulad nina Pedro at Juan. Tinanggap nilang lahat ang bagong pangalan ng Diyos sa kapanahunang iyon—ang Panginoong Jesus, at sinundan ang bagong gawain ng Diyos, kaya natamo nila ang gawain ng Banal na Espiritu at ang kaligtasan ng Panginoon. Ito ay nagpapaunawa sa atin na ang pangalan ng Diyos ay hindi permanente at nagpapalit ito kasabay ng gawain ng Diyos sa bagong kapanahunan. Gayunpaman, paano man magbago ang pangalan ng Diyos, ang Diyos ay ang iisang Diyos pa rin, at dahil lamang dito na tinawag ang Diyos ng iba-iba. Sinasabi ng Bibliya, “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Mga Hebreo 13:8). Anong kahulugan ng talatang ito? Sa katunayan, nangangahulugan ito na ang diwa at disposisyon ng Diyos ay hindi nagbabago, at hindi nangangahulugan na ang pangalan ng Diyos ay di-napapalitan. Mayroong sipi ng mga salita na makakapag-paliwanag ng malinaw dito, “Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay di-mababago. Tama iyon, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nababagong diwa at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang diwa ay nagbago; sa madaling sabi, ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano ng pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi magpakailanman nagbabago ang Diyos, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi kailanman nagbago ang gawain ng Diyos, kung gayon madadala ba Niya ang sangkatauhan sa kasalukuyan? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit Niya naisagawa ang gawain sa dalawang kapanahunan? … Ang mga salitang ‘Ang Diyos ay palaging bago at kailanman ay hindi luma’ ay tumutukoy sa Kanyang gawain, at ang mga salitang ‘Ang Diyos ay hindi magbabago’ ay tungkol sa likas na kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Gayunpaman, hindi mo maaaring maipaliwanag ang anim na libong taong gawain sa isang punto, o mailarawan ito sa pamamagitan ng mga di-nagbabagong mga salita lamang. Gayon ay ang kahangalan ng tao. Ang Diyos ay hindi payak katulad ng ipinapalagay ng mga tao, at ang Kanyang gawain ay hindi magtatapos sa isang kapanahunan lamang. Si Jehova, halimbawa, ay hindi laging kakatawan sa pangalan ng Diyos; isinasagawa rin ng Diyos ang Kanyang gawain sa ilalim ng pangalan na Jesus. Isang tanda ito na ang gawain ng Diyos ay laging patuloy ang pag-unlad nang pasulong” (“Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)”). Mula rito, makikita natin na ang Diyos Mismo ay hindi mababago. Tumutukoy ito sa disposisyon at diwa ng Diyos, hindi sa Kanyang pangalan. Ang Diyos ay nagsagawa ng iba’t ibang gawain at pinagtibay ang iba’t ibang mga pangalan sa iba’t ibang kapanahunan, ngunit hindi alintana kung ang Kanyang pangalan ay Jehova o Jesus, ang Kanyang diwa ay hindi nagbabago. Ito ay palaging ang parehong Diyos na gumagawa. Kunin ang mga Pariseo sa Hudaismo bilang halimbawa. Hindi nila alam na ang pangalan ng Diyos ay magbabago sa kapanahunan, kaya naisip nila na ang Mesiyas lamang ang kanilang Diyos at kanilang Tagapagligtas. Bilang resulta, nang nagbago ang Diyos ng Kanyang pangalan upang gawin ang gawain ng pagtubos sa pangalang Jesus, kanilang lantad na hinatulan at nilabanan ang Panginoong Jesus, at sa huli ay ipinako Siya sa krus, gumawa ng isang napakalaking kasalanan at pinarusahan ng Diyos. Dapat nating kunin ang halimbawa ng mga Pariseo bilang isang babala. Hindi natin dapat, alinsunod sa ating sariling mga pag-iisip at imahinasyon, magpasiya na ang pangalan ng Diyos ay hindi magbabago, ni huwag nating sabihin na ang pangalan ng Diyos sa mga huling araw ay magiging Jesus pa rin; kung hindi man ating nililimitahan ang Diyos.
Ang Kahalagahan ng Pagkuha ng Diyos ng Ibat-ibang mga Pangalan sa Iba’t ibang Kapanahunan
Kaya bakit kumukuha ang Diyos ng iba’t ibang mga pangalan sa iba’t ibang kapanahunan? Ano ang kahalagahan ng pagkuha ng Diyos ng iba’t ibang mga pangalan? Basahin natin ang talatang ito, “‘Jehova’ ang pangalang ginamit Ko noong panahon ng Aking gawain sa Israel, at ang ibig sabihin nito ay ang Diyos ng mga Israelita (mga taong hinirang ng Diyos) na maaaring maawa sa tao, sumpain ang tao, at gabayan ang buhay ng tao; ang Diyos na nagtataglay ng dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. Si ‘Jesus’ ay si Emmanuel, na ang ibig sabihin ay ang handog dahil sa kasalanan na puspos ng pagmamahal, puspos ng habag, at tumutubos sa tao. Ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at kumakatawan Siya sa Kapanahunan ng Biyaya, at maaari lamang Niyang katawanin ang isang bahagi ng gawain ng plano ng pamamahala. Ibig sabihin, si Jehova lamang ang Diyos ng mga taong hinirang sa Israel, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ang Diyos ni Moises, at ang Diyos ng lahat ng tao sa Israel. Kaya nga, sa kasalukuyang kapanahunan, lahat ng Israelita, maliban sa mga Judio, ay sumasamba kay Jehova. Nag-aalay sila sa Kanya ng mga hain sa altar at naglilingkod sa Kanya sa templo na suot ang balabal ng mga saserdote. Ang inaasahan nila ay ang pagpapakitang muli ni Jehova. Si Jesus lamang ang Manunubos ng sangkatauhan, at Siya ang handog dahil sa kasalanan na tumubos sa sangkatauhan mula sa kasalanan. Ibig sabihin, ang pangalan ni Jesus ay nanggaling sa Kapanahunan ng Biyaya at umiral dahil sa gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalan ni Jesus ay umiral upang tulutan ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya na muling maisilang at maligtas, at isang partikular na pangalan para sa pagtubos sa buong sangkatauhan. Sa gayon, ang pangalang Jesus ay kumakatawan sa gawain ng pagtubos, at ipinahihiwatig ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalang Jehova ay isang partikular na pangalan para sa mga tao ng Israel na namuhay sa ilalim ng kautusan. Sa bawat kapanahunan at bawat yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang batayan, kundi may kinakatawang kabuluhan: Bawat pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang ‘Jehova’ ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, at ito ang pamimitagan para sa Diyos na sinamba ng mga tao ng Israel. Ang ‘Jesus’ ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang pangalan ng Diyos ng lahat ng tinubos noong Kapanahunan ng Biyaya. Kung nananabik pa rin ang tao sa pagdating ni Jesus na Tagapagligtas sa mga huling araw, at inaasahan pa rin na darating Siya sa imaheng Kanyang tinaglay sa Judea, tumigil na sana ang buong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala sa Kapanahunan ng Pagtubos, at hindi na susulong pa. Ang mga huling araw, bukod diyan, ay hindi sana darating, at hindi sana nawakasan ang kapanahunan kailanman. Iyon ay dahil si Jesus na Tagapagligtas ay para lamang sa pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan. Ginamit Ko ang pangalang Jesus para lamang sa kapakanan ng lahat ng makasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya, at hindi ito ang pangalang gagamitin Ko upang wakasan ang buong sangkatauhan” (“Nakabalik na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang ‘Puting Ulap’”). Ang talatang ito ay nagsasabi sa atin ng kahulugan ng pagkuha ng Diyos ng iba’t-ibang pangalan sa bawat kapanahunan. Ang pangalan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay si Jehova, na kumakatawan sa gawain na ginawa ng Diyos sa Panahon ng Kautusan, at kumakatawan din sa disposisyon na ipinahayag Niya sa tao sa panahong iyon, na kadakilaan, galit, sumpa at awa. Inihayag ng Diyos na Jehova ang batas at mga utos, na nagpapahintulot sa mga tao na malaman kung ano ang kasalanan, kung paano mamuhay at sumamba sa Diyos sa mundo. Ang mga yaong sumusunod sa batas at mga kautusan ay maaaring pagpalain ng Diyos, samantalang ang mga lumabag sa batas ay susumpain at parurusahan ng Diyos. Samakatuwid, ang mga Israelita sa ilalim ng kautusan ay mahigpit na sumunod sa kautusan, iginagalang ang pangalang Jehova bilang banal, at nabuhay sa ilalim ng pamumuno ni Jehova na Diyos sa libu-libong taon. Sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan, ang sangkatauhan ay nasa panganib na mapapatay ng batas dahil sa paglala ng kanilang katiwalian, hindi pagtupad sa batas at mga utos, at wala ng mga sakripisyo na ihahandog sa Diyos. Kaya, upang mailigtas ang sangkatauhan, sinimulan ng Diyos ang Kapanahunan ng Biyaya, kinuha ang pangalang Jesus, at ginawa ang gawain ng pagtubos. Sa madaling salita, ang pangalang Jesus ay kumakatawan sa gawaing ginawa ng Diyos sa Panahon ng Biyaya, at kinakatawan din nito ang Kanyang maawain at mapagmahal na disposisyon na ipinahayag ng Diyos sa Panahon ng Biyaya. Ipinakita ng Panginoong Hesus ang sukdulang pag-ibig at pakikiramay, naibigay sa tao ang paraan ng pagsisisi at sa huli ay ipinako sa krus upang tubusin ang sangkatauhan upang hindi na sila mahatulan ng batas at magkaroon ng pagkakataong lumapit sa harapan ng Diyos upang manalangin at tamasahin ang Kanyang biyaya at pagpapala. Makikita na ang Diyos ay may isang nakapirming pangalan sa bawat kapanahunan, ngunit walang anumang pangalan na maaaring ganap na kumakatawan sa Kanya. Samakatuwid, sa bawat yugto ng bagong gawain, kukuha ang Diyos ng isang partikular na pangalan, isa na nagtataglay ng pansumandaling kahalagahan, upang kumatawan sa Kanyang gawain at disposisyon sa panahong iyon. Bukod dito, makikita na ang Diyos ay palaging bago at hindi naluluma, at kapag ginagawa ng Diyos ang gawain ng bagong kapanahunan, hindi na Niya ginagamit ang dating pangalan. Kung tatanggapin lamang natin ang pangalan ng Diyos ng bagong kapanahunan ay makakamit natin ang gawain ng Banal na Espiritu at makukuha ang pagsang-ayon ng Diyos.
Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon sa Pamamagitan ng Pagtanggap sa Kanyang Bagong Pangalan sa mga Huling Araw
Gayon, babaguhin ba ng Diyos ang Kanyang pangalan kapag Siya ay bumalik? Sa katunayan, ilang mga talata na sa Bibliya ang nagsabi sa atin na kapag bumalik ang Panginoon Siya ay magkakaroon ng isang bagong pangalan, tulad ng “Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan” (Pahayag 3:12), “Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat” (Pahayag 1:8), “At narinig ko ang gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi, Aleluya: sapagka’t naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat” (Pahayag 19:6), “At ang dalawangpu’t apat na matatanda na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios ay nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Dios, Na nangagsasabi, Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka’t hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari” (Pahayag 11:16–17). Mula sa mga talatang ito makikita natin na magkakaroon ng bagong pangalan ang Diyos. Kaya, makatitiyak tayo na kapag ang Panginoon ay bumalik ay hindi Siya tatawagin na si Jesus. Bukod dito, makikita natin ang maraming mga talata na nagsasabing ang pangalan ng Diyos ay ang “Makapangyarihang Diyos.” Bukod sa mga talatang ito, binanggit din ng iba pang mga talata ang Makapangyarihang tulad ng sa Pahayag 15: 3, Pahayag 16: 7, Pahayag 16:14, Pahayag 21:22, at iba pa. Ayon sa mga hula na ito, kapag ang Panginoon ay bumalik upang gumawa ng bagong gawain, ang Kanyang pangalan ay mababago na sa Makapangyarihan. At sisimulan ng Diyos ang isang bagong kapanahunan at tatapusin ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya sa ilalim ng pangalang Makapangyarihan, upang malaman ng mga tao ang buong disposisyon ng Diyos at parangalan ang pangalan ng Makapangyarihan sa lahat bilang dakila. Kung tatanggapin natin ang bagong pangalan ng Diyos sa mga huling araw, natanggap na natin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus.
Ngayon ang mga tao ng Kidlat ng Silanganan ay nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik at ang Kanyang pangalan ay Makapangyarihang Diyos, na tumutupad sa mga hula sa Pahayag. At pinatototohanan din nila na ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng maraming katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol at paglilinis ng tao, at uuriin Niya ang bawat tao alinsunod sa kanilang uri at ihihiwalay ang mga pansirang-damo mula sa trigo. Ang mga tumatanggap ng paghatol ng mga salita ng Diyos at malilinis ay maaaring magawang mga mananagumpay bago ang sakuna at makapapasok sa kaharian ng Diyos, habang ang mga tumatanggi na tanggapin ang paghatol ng mga salita ng Diyos ay mahuhulog sa malaking sakuna. Tumutupad ito sa mga hula sa Bibliya, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17). “Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48). “At sa panahon ng pagaani ay sasabihin ko sa mga mangaani, Tipunin muna ninyo ang mga pangsirang damo, at inyong pagbibigkisin upang sunugin; datapuwa’t tipunin ninyo ang trigo sa aking bangan” (Mateo 13:30). Ayon sa mga biblikal na mga propesiyang ito, Ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Patungkol sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon, dapat tayong mapagpakumbabang magsaliksik at magsiyasat. Tanging sa ganitong paraan lamang hindi natin mapapalampas ang pagkakataon upang masalubong ang Panginoon.
Rekomendasyon:
palatandaan ng pagbabalik ni Cristo: 5 mga Propesiya sa Bibliya Natupad na
Madalas na Nagaganap ang Mga Sakuna: paano maging handa sa pagdating ng panginoon
Dapat mong basahin ang mga salita ng Diyos upang makagawa ng Tagalog Devotional na tutulong sa iyo na sundan ang mga yapak ng Cordero at makibahagi sa masaganang pagkakaloob ng buhay.
Image Source: The Church of Almighty God
Terms of Use: tl.godfootsteps.org/disclaimer.html
Today’s through the Bible reading is full of verses that are on our 19 Upstream worship guitar t-shirt!
There are 30+ verses represented in the guitar design that exhort us to worship and praise.
How many can you find in today’s reading? (Hint: you can find the worship study here.) Dig into God’s Word and praise His great name. He is worthy of our praise.
Today’s Thru the Bible Reading: Psalm 97, 98, 99, 100; Ezra 4:1-5; Haggai 1:1-2:23
See more at: www.19upstream.com/grow/thru-the-bible/thru-the-bible-sep...
#thruthebible #19upstream
Christian T-shirts Grounded in God's Word.
tl.kingdomsalvation.org/special-topic/picture-exhibition/
#ebanghelyo #pagbabalik_ng_Panginoon #pananalig_sa_Diyos #Daily_Devotion
Image Source: The Church of Almighty God
Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html
Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng messenger anumang oras!
Napakapalad natin na marinig ang tinig ng Diyos
at magbalik sa harapan Niya.
Kumakain at umiinom ng Kanyang mga salita
araw-araw, kami ay lalong sumisigla.
Dating sugapa sa Internet,
kami ay naging mapagpalayaw at napakasama.
Subali't ngayon ay nasa amin na ang mga salita ng Diyos
upang kami'y patnubayan
at kami'y lumakad sa maliwanag na landas ng buhay.
Kami'y dinidilig at pinagyayabong ng mga salita ng Diyos,
dahilan upang maunawaan namin ang katotohanan
at masayang lumago sa tahanan ng Diyos.
Hindi na sumusunod sa mga makamundong uso,
kami ay namumuhay sa harapan ng Diyos
at nagtatamasa ng mapagpalang buhay.
Nang may umaalingawngaw na mga tinig,
tayo'y sama-samang umawit ng papuri sa Diyos,
dahil nagsasalita Siya upang tayo ay maligtas.
Hangga't nais natin,
tayo'y sama-samang sumayaw sa papuri sa Diyos,
dahil natututo tayong maging tunay na tao
mula sa Kanyang mga salita.
Nang may umaalingawngaw na mga tinig,
tayo'y sama-samang umawit ng papuri sa Diyos,
at ipahayag ang ating taos-pusong pag-ibig para sa Kanya.
Hangga't nais natin,
tayo'y sama-samang sumayaw sa papuri sa Diyos,
nagpapasalamat at nagpupuri
sa Makapangyarihang Diyos magpakailanman.
Nagtitipon kami sa mga iglesia,
nakikinig sa mga pagbigkas ng Diyos
at nagsisikap na maging matatapat na tao.
Kumakain at umiinom ng Kanyang mga salita
at nagsasalamuha sa katotohanan,
nauunawaan namin ang katotohanan at pakiramdam ay napakasigla.
Nagbabasa ng mga salita ng Diyos at nakikilala ang aming mga sarili,
hindi na kami nagsisinungaling at nanlilinlang.
Sa pagsasagawa at pagdanas ng mga Salita ng Diyos,
kami ay hindi na matitigas ang ulo at mapagmataas.
Nagtutulungan at sinusuportahan namin ang isa't isa,
hindi na hiwalay o nagtatangi.
Ang pag-ibig ng Diyos ang nagbibigkis nang mahigpit sa amin.
Binubuksan ang aming mga puso sa isa't isa sa pagsasalamuha,
iwinawaksi ang pandaraya at kawalang-katapatan,
namumuhay nang may matatapat na puso sa harapan ng Diyos.
Nang may umaalingawngaw na mga tinig,
tayo'y sama-samang umawit ng papuri sa Diyos,
dahil nagsasalita Siya upang tayo ay maligtas.
Hangga't nais natin,
tayo'y sama-samang sumayaw sa papuri sa Diyos,
dahil natututo tayong maging tunay na tao
mula sa Kanyang mga salita.
Nang may umaalingawngaw na mga tinig,
tayo'y sama-samang umawit ng papuri sa Diyos,
at ipahayag ang ating taos-pusong pag-ibig sa Kanya.
Hangga't nais natin,
tayo'y sama-samang sumayaw sa papuri sa Diyos,
nagpapasalamat at nagpupuri
sa Makapangyarihang Diyos magpakailanman.
Ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos
ang nag-iingat sa amin, malayo sa mga tukso ni Satanas.
Tinutupad ang aming mga tungkulin sa tahanan ng Diyos,
ginagawa namin ang aming bahagi
upang suklian ang Kanyang pagmamahal.
Nang may umaalingawngaw na mga tinig,
tayo'y sama-samang umawit ng papuri sa Diyos,
dahil nagsasalita Siya upang tayo ay maligtas.
Hangga't nais natin,
tayo'y sama-samang sumayaw sa papuri sa Diyos,
dahil natututo tayong maging tunay na tao
mula sa Kanyang mga salita.
Nang may umaalingawngaw na mga tinig,
tayo'y sama-samang umawit ng papuri sa Diyos,
at ipahayag ang ating taos-pusong pag-ibig sa Kanya.
Hangga't nais natin, tayo'y sama-samang sumayaw sa papuri sa Diyos,
nagpapasalamat at nagpupuri
sa Makapangyarihang Diyos magpakailanman.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
tl.kingdomsalvation.org/videos/praise-God-with-hearts.html
#Daily_Devotion #iglesias_Songs #Awit_ng_papuri #Buhay_sa_Iglesia
Image Source: The Church of Almighty God
Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html
Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng messenger anumang oras!
I
Galit ang Diyos sa mga taga-Ninive
nang Kanyang ihayag
ang siyudad nila'y wawasakin.
Ngunit nag-ayuno sila,
nagsuot ng abo at sako,
lumambot ang puso ng Diyos,
puso Niya'y nagbago.
Ang galit Niya sa taga-Ninive
nagbago, naging awa, pagpaparaya,
dahil sa kanilang pag-amin,
at pagsisisi.
'Pag galit ang Diyos sa tao,
umaasa Siyang sila'y magsising tunay,
sa gayon awa'y ibibigay Niya.
Napopoot ang Diyos dahil sa kasamaan ng tao.
Sa mga nakikinig sa Diyos, nagsisisi,
tinatalikdan masamang gawi't
iniiwan ang karahasan,
'binibigay ang awa't pagpaparaya Niya.
Walang pagsalungat sa pagpahahayag na ito
ng mga disposisyon ng Diyos.
Ipinahayag Niya itong iba't-ibang diwa
bago't pagkatapos magsisi ng mga taga-Ninive;
Ang diwa ng Diyos ay nabunyag.
Kaya pinapayagan ang mga tao'ng
makita ang diwa Niya't katotohanan nito,
ang diwa ng Diyos ay imposibleng makasakit.
'Pag galit ang Diyos sa tao,
umaasa Siyang sila'y magsising tunay,
sa gayon awa'y ibibigay Niya.
Napopoot ang Diyos dahil sa kasamaan ng tao.
Sa mga nakikinig sa Diyos, nagsisisi,
tinatalikdan masamang gawi't
iniiwan ang karahasan,
'binibigay ang awa't pagpaparaya Niya.
Ginamit ng Diyos ang saloobin Niya para sabihin sa mga tao'ng:
'Di sa ayaw ng Diyos ipakita ang awa Niya,
sa halip, iilan ang nagsisisi at
iniiwan ang karahasan,
bihirang iwan ang kasamaan.
Ang pagturing Niya sa taga-Ninive, naghahayag
na awa Niya'y makukuha.
'Pag tao'y nagsisisi't iniiwan ang kasamaan,
magbabago ang puso ng Diyos sa kanila.
'Pag galit ang Diyos sa tao,
umaasa Siyang sila'y magsising tunay,
sa gayon awa'y ibibigay Niya.
Napopoot ang Diyos dahil sa kasamaan ng tao.
Sa mga nakikinig sa Diyos, nagsisisi,
tinatalikdan masamang gawi't
iniiwan ang karahasan,
'binibigay ang awa't pagpaparaya Niya.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
tl.kingdomsalvation.org/videos/God-hopes-for-man-to-repen...
#Daily_Devotion #Awit_ng_papuri #Buhay_sa_Iglesia #Kaligtasan #Tagalog_Christian_Song #pagsisisi
Image Source: The Church of Almighty God
Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html
Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng messenger anumang oras!