View allAll Photos Tagged Makiling
© Makiling Botanic Gardens, Los Baños UP, Laguna, Philippines, Southeast-Asia - Philippinen, Südost-Asien - All rights reserved. Image fully copyrighted. All my images strictly only available with written royalty agreement. If interested, please ask. - Alle Rechte vorbehalten. Alle meine Bilder generell nur mit schriftl. Honorarvereinbg. Bitte ggf. fragen. ©
The Flaming Sunbird (Aethopyga flagrans) is a species of bird in the Nectariniidae family. It is endemic to the Philippines.
Its natural habitat is subtropical or tropical moist lowland forests.
Male: Very colourful feathers.
Female: Less colourful feathers.
Philippine Birds
This is one heck of an insect to photograph. For 15 minutes I was trying to take a good shot but this tiny insect never stopped moving around. This photo was the only shot I made.
Photographed during the Pinoy Kodakero - Pinoy Macro Photowalk at Mt. Makiling National Park, Los Banos, Laguna, Philippines.
Those who were with me when I shot this photo, please don't divulge the ID of this insect. Also the people of Pinoy Macro who knows about this insect. Ssssshhhh!
Photographed at Mt. Makiling National Park, Los Banos, Laguna during the Pinoy Kodakero - Pinoy Macro Photowalk, December 5, 2009.
Fire ants are a variety of stinging ants with over 280 species worldwide. They have several common names including ginger ants and tropical fire ants (English), aka-kami-ari (Japanese), fourmis de feu (French), Feuerameisen (German), mod-kun-fai (Thai), and Langgam (Filipino).
Si Mariáng Makáling ang diwatang nangangalaga sa Bundok Makiling, Laguna. Siyá ang pinakatanyag na diwata sa mitolohiya ng Filipinas. Inilarawan siyá bilang napakagandang dalaga na hindi tumatanda. Mayroon siyáng mahabàng buhok, nangungusap na mga matá, at kayumangging balát. Kalahating nimpa, kalahating silfide, isinilang siyá ng silahis ng buwan sa Filipinas at kinalinga ng misteryo ng kagubatan at lawa.
Naging bahagi ng tradisyong oral ng Filipinas ang alamat ni Mariang Makiling kayâ iba’t ibang bersiyon ang naipása bago pa man ito maidokumento. Isinulat ni Jose Rizal ang alamat ni Mariang Makiling noong 23 Nobyembre 1890 na nailathala sa La Solidaridad noong Disyembre 1890. Ayon dito, walang nakatitiyak kung saan ang tirahan niya: ang mga nakakatagpo nitó sa gubat ay hindi na muling nakababalik sa kani-kanilang bayan. May ilang nagsasabing nakatira siyá sa isang engrandeng bahay, hábang sa iba, isa lámang lumang kubo ang kaniyang tirahan.
Pinakahilig ni Maria ang paglalakad matapos ang isang bagyo upang ipanumbalik ang kaayusan at kapayapaan sa nasirang kagubatan. Pinahihiram niya ng mga gamit ang mahihirap kapalit ng pagbalik ng mga ito ng gamit at pag-aalay ng putîng dumalaga. Binibigyan din niya ang mga ito ng áni, ginto, relikaryo, at alahas. May isang mangangaso na humabol sa isang baboy-damo na alaga ni Maria ang pinatuloy niya sa kaniyang bahay at pinakain, binigyan niya ito ng luya at nang papauwi, naging ginto ang mga ito. Dumating ang panahon, ayon kay Rizal, na hindi na nakikita ang diwata. Sinasabing dahil ito sa hindi na ibinabalik sa kaniya ang mga gamit at hindi na inaalayan ng dumalaga. Maaari ring dahil sa nabigông pag-ibig sa isang binata. Ayon sa isang alamat, umibig si Maria sa isang lalaki at pinagpapalà ang sakahan nitó. Nang magkaroon ng giyera, pinili ng lalaking magpakasal upang hindi sapilitang humawak ng sandata. Nagpakita sa kaniya si Mariang Makiling upang magpaalam at magbigay ng handog para sa nalalapit na kasal ng lalaki. Hindi na nakita pa ang diwata simula noon. (KLL)
Kingdom Animalia (Animals)
Phylum Arthropoda (Arthropods)
Class Insecta (Insects)
Order Orthoptera (Grasshoppers, Crickets, Katydids)
Suborder Ensifera (Long-horned Orthoptera)
Family Gryllidae (True Crickets)
Subfamily Hapithinae (Bush Crickets)
Genus Hapithus (Flightless Bush Crickets)
Species agitator (Restless Bush Cricket)
Sometimes in everyman's life he needs to take a journey by himself - removed from the rest of mankind.
Lumen print of torch ginger flowers on 8x10 Ilford Multigrade fiberbased warmtone paper. Exposed under the Philippine sun. :-) en.wikipedia.org/wiki/Etlingera_elatior
Ang pinakamalaking pambansang parke ng Filipinas at maalamat na tahanan ng diwatang si Mariang Makiling, matatagpuan ang Bundók Makíling sa lalawigan ng Laguna. Kilala rin ito sa pangalang Bundok Maquiling. Ito ay isang di-aktibong bulkan na may taas na 1,143 metro mula sa ibabaw ng dagat at may kabuuang sukat na 4,250 ektarya. Maraming maalamat na kuwento ang bumabalot sa bundok na ito, lalo na ang kuwento tungkol kay Mariang Makiling na pinapaniwalaang diwatang nagbabantay sa bundok. Ang hugis ng bundok na ito ay sinasabing ang nakahigang posisyon ng diwata.
Ang Bundok Makiling ay paboritong lugar na dinadayo ng mga umaakyat sa bundok. Ang dalawang pangunahing daan paakyat dito ay nagsisimula sa kampus ng Unibersidad ng Pilipinas sa Los Banos (UPLB) sa bahagi ng College of Forestry at sa Barangay San Miguel, Sto. Tomas, Batangas. Ang daan mula sa UPLB ay kadalasang umaabot ng apat hanggang limang oras para marating ang pinakatuktok nitó. Sa bahagi naman ng Sto. Tomas, na mas mahirap ang daan, umaabot ng anim hanggang pitóng oras bago makarating sa tuktok ng bundok. Halos 3,000 iba’t ibang uri ng halaman ang matatagpuan dito kung kayâ paborito itong estasyon ng pananaliksik ng mga naturalista.
Ito ay idineklarang mahalagang lugar para sa mga ibon noong 23 Pebrero 1933 batay sa Proklamasyon Bilang 552 at Bilang 692 noon namang 2 Agosto 1960. Nasasakop nitó ang Mt. Makiling National Park na may sukat na 3,328 ektarya. Ang kagubatan sa bahaging ibabâ nitó ay nahawan na o kinaingin upang pagtaniman ng mga produktong pangkalakal, subalit nananatiling may magandang kalidad ang natitira nitóng gubat sa palibot ng harding botanikal at sa loob ng kampus ng Unibersidad ng Pilipinas. Maraming pananim sa dalisdis ng Bundok Makiling, katulad ng niyog, kape, saging, pinya, mga sitrus, mais, at mga gulay. Ang kagubatan ng Bundok Makiling ay nagbibigay ng mahalagang balanse sa sistema ng ekolohiya ng lalawigan. Pinipigilan nitó ang pagguho ng lupa at nagsisilbing santuwaryo ng mga ilahas na hayop. Ito ay mahalaga ring imbakan ng tubig na pinagmumulan ng mga natural na bukal ng mainit na tubig para sa mga pook paliguan na isang pangunahing atraksiyon at malaking negosyo sa Laguna. (AMP) (ed VSA)
Monocot....Araceae/Arum, Philodendron, or Aroid Family.....evergreen....Mount Makiling, island of Luzon, Philippines
SM Mall Sucat as seen from Eva Air (BR) Flight 271 on final approach to Rwy 06 at MNL. The growing skyline near Alabang to the southeast is also visible as is a faint outline of Mt. Makiling in Laguna province further south. The flight was quite smooth, but below 500 feet we did encounter some light turbulence, presumably from rising thermals created by various urban structures below.
Vanda lumen print using Ilford multigrade FB warmtone paper exposed for three hours under the Philippine sun.
10 Facts about Levin
1. Levin has an Obsessive–compulsive disorder... He wants everything clean and in proper order. He doesn't want anybody doing household chores aside from him or else he'll get furious.
2. He is very conservative.
3. He loves to cook! from appetizers, main course up to deserts.
4. He got a sweet tooth. He loves cheesecakes and ice creams
5. He is usually quiet and reserve but he gets easily pissed off by Az.
6. He is very sweet guy and caring to others.
7. He and Amihan are in "Complicated Relationship" and they often fight. When he apologizes, he bakes apple pie for Amihan as his peace offering.
8. He is the god of Sun, known as Apolaki (Philippine Myth) can create and manipulate fire.
9. He was created by Raj... so technically Raj is his father.
10. He was cursed by his wife. He can't love anyone or have/experience a true love. He can't even say a simple "I LOVE YOU" to anyone. All he can do is to do good things for anyone he cares for. If he even utter the word LOVE, his immortal life will end and a painful death awaits him.
>> 10.5 Because of the curse one of the side effect is Levin is actualy allergic to women. *forgot to add it deym* Makiling or Raj are like his Antihistamine, one of them should be at his side so the allergy won't happen.
Fernando Amorsolo (1892-1972)
Lavandera
signed and dated 1915 (lower right)
oil on canvas
19” x 24” (48 cm x 61 cm)
Opening bid: P 3,000,000
Provenance:
From the Brent International School Colection.
A distinguished pastor, Rev. Vincent Gowen received this beautiful painting as a gift from his wife in 1930. The family had come to Besao, Mountain Province in 1928 where Rev. Gowen would serve as resident priest of St. Benedict’s church and headmaster of St. James School until their interment by the Japanese at Camp Holmes during World War 2. When the beloved family was taken away, the people of Besao took responsibility of this painting and other valuables by burying them under the kitchen of a St James schoolmaster. After the war, the items were recovered and shipped to the Gowens in the United States where they had returned after their release. In 2010, in loving appreciation of the time they spent there, the Gowen family returned “The Lady” to the Philippines to the care of Brent School Inc.
Leon Gallery wishes to thank Mrs. Sylvia Amorsolo-Lazo for confirming the authenticity of this lot
Lot 125 of the Leon Gallery / Asian Cultural Council auction on 20 February 2016. For more details, please go to www.leon-gallery.com
At first glance, this painting looks like how Eric Torres describes a nude by Fabian de la Rosa in 1974: “A version of Maria Makiling, a sensuous nude brooding by a brook with her back to the viewer, is no ethereal stuff of myth or fantasy, but an earthbound woman declaring the vulnerability of her sex.” Yet the painting is done by Fabian de la Rosa’s most famous student, Fernando Amorsolo in 1915.
Throughout his career, Amorsolo hired models to photograph, paint and sketch. This nude in a bucolic river setting from 1915 is earlier than the nudes that were done in Spain and, after, his return to Manila in 1919. The details, the circular waves of water on the river in particular, reveal unmistakable influences of Don Fabian de la Rosa, who was the uncle and mentor to brothers, Fernando and Pablo Amorsolo. Alfredo R. Roces wrote in 1975: “From a chronological viewpoint, the art of Amorsolo followed the expected patterns of early influences that culminated in a personal style which ultimately became such a trademark… His earliest influence was no doubt Fabian de la Rosa, who served as the direct link to traditional Philippine painting. Unlike Luna and Hidalgo before him, de la Rosa was the transition between the end of the Spanish period and the beginning of the American occupation…Amorsolo apprenticed in Fabian de la Rosa’s studio.”
In 1974, Emmanuel S. Torres wrote about Fabian de la Rosa’s style of realism: “…though ‘soft’, had a stripped down, unvarnished look that captured the vulnerability of life expressed in somber colors, firm yet readily bent forms and vigorous brushstrokes…”
A new day for Filipinos ! We 'll be seeing in the next days, months or years if Pres. Cory's legacy will indeed remain within us ? I hope !
Nag-iisang bundok sa kapatagan ng Gitnang Luzon at matatagpuan sa lalawigan ng Pampanga ang Bundók Aráyat. Ang kanlurang bahagi nitó ay nasasakupan ng bayan ng Arayat hábang ang hilagang bahagi ay nása bayan ng Magalang. Walang naitalâng pagsabog nitó at ngayon ay isa na itong patay na bulkan na may taas na 1,030 metro. Nalilibot ang bundok ng malawak na bukirin ng tubó at palay. Sa ibabaw nitó ay makikita ang pabilog na bunganga ng bulkan na may mahigit dalawang kilometrong lawak. Ito ay may dalawang taluktok, ang North Peak at ang Pinnacle Peak. Sa kanlurang tuktok nitó ay mamamalas ang magandang tanawin ng Gitnang Luzon, lalo na ang Ilog Pampanga at ang mga kabundukan ng Zambales at Bataan hábang sa bahaging silangan nitó ay matatanaw ang mga hanay ng kabundukang Sierra Madre. May tatlo hanggang apat na oras ang lalakarin upang makarating sa pinakatuktok ng bundok.
Noong 1933, itinayô ang Mt. Arayat National Park na kinapapalooban ng mga natural na lawa, pook pasyalan, at daanan paakyat sa tuktok ng Arayat. Mayroon itong 3,715 ektaryang sakop na kalupaan na itinalaga para sa eko-turismo upang mapangalagaan ang natural na kaayusan ng lugar.
Pinaniniwalaan itong isang misteryosong bundok at maalamat na tahanan ng diwatang si Mariang Sinukuan na siyáng nagpoprotekta sa lahat ng uri ng halaman at hayop ng kabundukan. May kuwentong-bayan na kapatid siyá nina Mariang Makiling sa Bundok Makiling ng Laguna at Mariang Banahaw sa Bundok Banahaw ng Quezon. Tulad ng dalawa, diwata siyá ng mga tula at awit. May pangkating Rizalista na nagtatagpo sa paanan ng bundok tuwing Disyembre at sumasamba kay Mahal na Inang Birhen Sinukuan, na pinaniniwalaang babaeng reengkarnasyon ni Rizal. (AMP) (ed VSA)
Ang Original Pilipino Music o OPM ay isinilang sa panahon ng Batas Militar. Noong dekada 1970, ang industriya ng musika ay hindi pumapabor sa mga lokal na musiko at higit na pinapaboran ang pagsasahimpapawid ng popular na musikang dayuhan. Ang musikong nagbigay-daan para sa pagkilala sa OPM ay ang bandang Juan de la Cruz, na binubuo nina Joey “Pepe” Smith, Mike Hanopol, at Wally Gonzales. Nakilala silá lalo na sa kanilang awit na “Ang Himig Natin.” Ang titik ng awit ay paglalarawan sa kalagayan at mithiin ng musikong Filipino sa panahong iyon at paghamong magkaisa upang maitanghal ang kakayahan ng mga lokal na musiko.
Sa panahon ding ito, tinangkang palaganapin ang kamalayang pangkultura ng mamamayang Filipino. Itinayo ang Folk Arts Theater, Makiling High School for the Arts, Philippine International Convention Center, at mas nauna pa rito, ang Cultural Center of the Philippines. Noong 1975, ang Broadcast Media Council na B75-31 ay naglabas ng isang resolusyong nag-uutos sa lahat ng estasyong panradyo na may programang pangmusika na magpatugtog ng isang musikang Filipino bawat oras. Sa panahong ito, nagsimula nang bumenta ang OPM na kinabibilangan ng musika nina Sharon Cuneta, Rico J. Puno, Nonoy Zuñiga, Leah Navarro, Celeste Legaspi, Florante, Mike Hanopol, at mga grupong Apo Hiking Society, Hotdog, VST & Co.
Noong 1978, nagsimula rin ang Metro Manila Popular Music Festival o Metropop, isang tagisan ng husay sa paglikha ng kanta na naglalayong iangat ang musikang Filipino. Dito nagwagi ang Anak ni Freddie Aguilar na kinilala hindi lámang sa Filipinas kundi sa Asia at Europa. Sa Metropop din isinilang ang bagong henerasyon ng kompositor—sina Ryan Cayabyab, Vehnee Saturno, Louie Ocampo, Odette Quesada, Heber Bartolome, Gary Granada at iba pa.
Sa panahon ng OPM ay umusbong ang iba’t ibang genre ng musikang Filipino. Kabilang dito ang Pinoy folk, na kinakatawan ng grupong Asin; disco music tulad ng “Annie Batungbakal” at “Bongga ka Day!” rock tulad ng “Laki sa Layaw” at “Nosi Balasi”; at inspirational gaya ng “Lift Up Your Hands,” at “Lead Me Lord.” (RCN) (ed GSZ)
Three hours sun exposure using an expired Kodak Ektacolor Supra II paper. Flower from the foothills of Mt. Makiling.
Ang Bundók Banáhaw ay isang dáting bulkan na matatagpuan sa gitna ng mga probinsiya ng Laguna at Quezon. Ito ay itinuturing na pinakamataas na bundok sa Rehiyon IV-A (CALABARZON). Tinatawag ang bundok na ito na “Banal na Bundok” at naging populat na pasyalan ng mga pilgrims at turista lalong-lalo na ang mga táong may interes sa pag-akyat ng bundok.
Ang Banahaw ay isang lugar na pinoprotektahan sa Filipinas simula pa noong 1941. Tinatawag na itong Bundok Banahaw-San Cristobal Protected Landscape. Maraming tuktok ang Bundok Banahaw tulad ng sa Mt. San Cristobal, Mt. Banahaw de Lucban, Buho Masalakot Domes, at Mt. Mayabobo. Ang pinakamataas na tuktok ng Bundok Banahaw ay umaabot sa 2,170 metro. Bahagi ng katangiang pisikal ng Bundok Banahaw ay ang taas nitó na umaabot sa 2,158 metro.
Itinuturing ng mga residenteng nakatira malapit sa Bundok Banahaw na isa itong banal na pook at ang mga tubig na umaagos sa mga sapa ay tinatawag nilang“holy water.” Ang salitâng Banahaw ay maaaring mula sa sinaunang Tagalog na “banhaw.” Gayunman, may balbal na interpretasyong mula ito sa “banal” at “daw.” Noon pang panahon ng Espanyol ay pinananahanan na ito ng mga sektang panrelihiyon na hindi kinikilalá ng Simbahang Katoliko. May paniwala din na tahanan ito ng diwatang Mariang Banahaw, isa sa tatlong popular na diwata ng mga Tagalog, kasáma nina diwatang Mariang Makiling at Mariang Sinukuan. (VSA
Heliconia lumen print on an 8x10 Bergger Prestige variable cx paper exposed under the Philippine sun for 4 hours.
Just like the old days, flying VFR with reference to the SLEX, railroad tracks, and water towers, ha.
Family: Colydiidae
Size: 3.5 mm
Location: Philippines, Luzon, Lagunas, Mt.Makiling, Mad Springs, 400-700 m
leg. J.Kodada, 19.-22.XI.1995; det. Schuh, 2006
Photo: U.Schmidt 2015
The Flaming Sunbird (Aethopyga flagrans) is a species of bird in the Nectariniidae family. It is endemic to the Philippines.
Its natural habitat is subtropical or tropical moist lowland forests.
Male: Very colourful feathers.
Female: Less colourful feathers.
Philippine Birds
Exposed under the Philippine sun for three hours using Kodak Ektacolor Supra II paper. kalanitropicals.com/2012/07/indonesian-wax-ginger/
D Spa is a private hot spring resort that is located in Pansol, Calamba, Laguna, Philippines. The resort is a 2 storey house with rooftop where you have the view of Mt. Makiling. For details dspa.resort.wowph.com Calamba, Laguna, Travel, Accommodation, Vacation, Rental, Villas, Resort, Hotel, Lodging, Outdoor, Hotspring, Pool, Rental, Private, Philippines, Swimming
Ang diwatà, batay sa mitolohiyang Filipino, ay tumutukoy sa sinaunang babaeng bathala, o kaya’y nilalang, nasa anyong babae, na nagsisilbing tagapangalaga ng mga likas na yaman at kaligiran. May iba’t ibang mahiwagang kapangyarihan ang mga ito at ginagamit upang magligtas ng pinangangalagaan o magparusa sa nagkasala.
Laganap sa bansa ang paniniwala sa mga diwata at patunay nito ang iba’t ibang terminong tumutukoy sa mga ito. Kabilang dito ang engkantáda, nímpa, at diyósa (lahat ay mula sa Espanyol), aribaí (Iluko), at biradári (Maranaw). Kadalasan namang tinatawag na lambíno o kaya nama’y engkanto ang lalaking diwata. Malapit sa tunog at pakahulugan ng diwata ang deváta na hango sa mga paniniwalang Hinduismo at Budismo sa India kung kaya’t marami ang nagsasabing mula sa Sanskrit ang terminong diwata.
Ayon sa mga salaysay, ang diwata ay may pambihirang kagandahan at tila hindi tumatanda. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit tinatawag ding diwata ang babaeng may angking kagandahan, lalo na sa panlabas na anyo. Ilan sa mga bantog na diwata sa Filipinas ay sina Maria Makiling (Laguna), Maria Sinukuan (Pampanga), at Maria Cacao (Cebu). (GAC) (ed GSZ)