View allAll Photos Tagged bunga
Balanced egg stones, cranking waves out front...to surf or make art? I'm gone...beautiful morning for a paddle.
2001 track work at Custer, Washington. DD & JS
All drawings were done by Benny Banks, locomotive engineer on the BNSF in Bellingham, WA.
Benny was finally allowed to pass the red flag and retired in 2007.
Ramadhan Masuk Separuh masa kedua.. hari ke Lima Belas(15)..Perjuangan perlu dipertingkatkan InsyaAllah!
Ang búnga ay isang uri ng palma (Areca catechu) na mataas, katutubo sa Filipinas at Asia, at ginagawang ngangà ang prutas. Mula ito sa pamilyang Arecaceae na halamang namumulaklak at sa genus na Areca na kilalá sa pagiging punongkahoy na may isahang tangkay. Ang A. catechu ay pinakakilalá sa lahat ng miyembro ng genus na Areca. Ito ay may taas na umaabot hanggang 20 metro at ang katawan ay may diyametrong 10-15 sentimetro. Ang mga dahon ay may habàng isa hanggang dalawang metro at nakaayos na tila pakpak ng ibon. Matatagpuan ang búnga sa TimogSilangang Asia, lalo na sa Malaysia, Vietnam, at Filipinas.
Mapakla at maanghang ang prutas ng búnga. Popular ito sa mga matatanda dahil sa tradisyon ng pagngangà—nginunguya nilá ito kasáma ng dahon ng betel at apog. Madalas din itong mapagkamalang betel dahil isinasabay nga ito sa pagnguya ng dahon ng betel. Ang pagnguya ng ngangà (tinatawag ding búyo) ay isang sinaunang tradisyon. Maririnig ito at makabuluhang bahagi sa mga epikong-bayan.Isang pakikipagsapalaran ni Tuwaang, bayani ng epikong-bayang Bagobo, dumalo siyá sa isang kasal at naging sanhi ng mahabàng paglalaban ang sigalot na dulot ng ngangà. Isang makulay na tagpo sa isang epikong-bayan sa Cordillera ang pagpunta sa digma ng isang hukbo hábang ngumunguya ng ngangà. Pagkuwan, sabaysabay siláng dumura, at wika ng nagsasalaysay, “nagkulay dugo ang gilid ng bundok.”
May taglay itong stimulant at itinuturing na pang-apat sa mga sustansiyang adiktiba pagkatapos ng caffeine, nicotine, at alkohol. Sinasabing ang pagngangangà ng bunga at dahon ng betel ay maaaring maging sanhi ng kanser sa bibig, lalamunan, lalaugan, at tiyan. (KLL)