View allAll Photos Tagged torogan
Pre-colonial Maranao Royal House with Princess' Chamber - JBulaong 2020
#lamin #torogan #Maranaoroyalhouse #Mindanao #Precolonialhouse #PrecolonialPhilippines #Maharlika #Philippinearchitecture #JBulaong #oiloncanvas #painting #Islandsofgold #Ophir #utopia #ancientPhilippinegold #Filipinohouse #indigenousarchitecture
Maranao Royal House - (Philippine Ancestral House - Torogan) 16" x 24" oil on canvas by JBulaong 2015
#JBulaong #oiloncanvas #PhilippineAncestralHouse #PhilippineArchitecture #PilipinoArchitecture #FilipinoHouse #painting #ancestralhouse #tropicalhouse #MaranaoRoyalHouse #Torogan
Bahay ng datu at pamilya nitó ang torógan sa Mëranaw. Ito ang pinakamalaki sa mga bahay na matatagpuan sa teritoryo ng isang sultanato sa ilalim ng datu, palatandaan ng rangya, dangal, at pagiging pinunò. Wala itong dibisyon at sáma-sámang naninirahan dito ang mga kasapi ng pamilya ng datu.
Nása dakong harapan ng torógan ang makipot na bintanang ang kuwadro’y nauukitan ng okir. Mababà nang kalahating metro ang bahaging kusina na lugar para sa pagluluto at pagkain. Patulís ang tuktok ng bubong at malapad sa bahaging ibabâ na tulad ng salakot. Yari sa tabla ang mga dingding at ang buong estruktura ay iniaangat ng mga haliging yari sa punongkahoy at mga dalawang metro ang taas. Nakausli ang ilang tabla ng sahig upang maging panólong na nása dakong harapan ng torogan. Napapalamutian ng ókir ang sahig, panolong, bintana, at iba pang bahagi nitó. Idinisenyo itong bahay para maging matatag laban sa lindol. Nakalitaw lámang at hindi nakabaón sa lupa ang mga haligi.
Bukod sa pagiging tirahan ng datu, ginagamit din sa pagtitipon ng komunidad ang torógan. Ginaganap dito ang mga kasalan, lamayan, pulong, at mga paglilitis. Dito rin pinatutuloy ang mga panauhin. (RPB) (ed VSA)
Salitâng Maranaw ang ókir (may varyant na ókkir) para sa úkit at tinatawag ding úkkil ng mga Tausug. Tinutukoy nitó ang makurba at malantik na mga disenyo sa paglilok ng kahoy, na binabarnisan o pinipintahan sa sari-saring kulay. Nililikha din ang naturang disenyo sa tanso.
Pangunahing mga disenyo ng ókir ang anyo ng sarimanók, nága, at páko rábong. Ang sarimanók ay estilisadong anyo ng isang ibon na may imahen ng isda sa tukâ. Ang nága ay estilisadong anyo ng mitikong ahas o dragon. Ang pako rabong ay tila abstraksiyon ng sumisibol na pakô. Ang mga naturang disenyo ay iniuukit sa panólong, ang nakaungos na tahilan ng sahig ng torógan, gayundin sa iba pang panloob na tahilan at poste. Ang naturang disenyo ng ókir ay ginagamit din sa paghabi ng tela, sa mga inukit na pantanda sa puntod, mga kahoy at tansong kahon, at sa puluhan ng mga patalim.(LJS) (ed VSA)
Torogan inspired condo unit mixed with the concept of pandora's box - both having same characteristics and traits! :)
The torogan bahay kubo at intramuros.
Inside you can find many artifacts such as musical
intruments, weapons, cooking tools, decorative silks & other things
that were used by our forfathers way back to the spanish era.
Almost 23 years I live in my hometown. But last year ago I discover my grandmother was the Municipality officer. I knew because when I capture the classic home of Maranao Torogan is called in Marawi ciy, Lanao del sur Phillipines and I saw my grandmother's name on the bulletin board hanging in the Torogan house.
Almost 23 years I live in my hometown. But last year ago I discover my grandmother was the Municipality officer. I knew because when I capture the classic home of Maranao Torogan is called in Marawi ciy, Lanao del sur Phillipines and I saw my grandmother's name on the bulletin board hanging in the Torogan house.