View allAll Photos Tagged abucaybataan
✝️ Kwaresma 2021
Apostol Santiago el Menor
Abucay, Bataan
Camarero : Datu Family
Si San Santiago el Menor ay ipinanganak sa Caesarea. Siya rin ay isa sa labindalawang orihinal na Apostol na pinili ni Hesukristo. Dalawa ang Santiago sa mga piniling apostoles ni Hesus, at upang malagyan ng pagkakakilala ang dalawa, si Santiago, Anak ni Zebedeo ay kinilala bilang Santiago el Mayor o Matanda, habang si Santiago, Anak ni Alfeo o Cleopas ay kinilala bilang Santiago el Menor o Bata.
Si Apostol Santiago el Menor ay anak nina San Cleopas na isa sa dalawang alagad na patungong Emaus na sinabayan ni Hesus sa paglalakad (Lukas 24: 13-35) at ni Santa Maria Jacobe o Santa Maria Cleofe na isa sa mga babaeng nasa paanan ng Krus ni Hesus nang ito ay mamatay kasama ng Mahal na Birheng Maria, at nina San Juan at Santa Maria Magdalena (Juan 19:25). Habang ang kapatid nito ay isa rin sa labindalawang orihinal na Apostoles na si Apostol San Hudas Tadeo. Kinikilala rin sina Apostol Santiago el Menor at Apostol San Hudas Tadeo bilang mga pinsan ng Panginoong Hesus.
Sa Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo, isa si Apostol Santiago el Menor sa mga unang pinagpakitaan ng Panginoon. Bago dumating ang araw ng pentekostes, isa si Apostol Santiago el Menor sa humirang kay San Matias upang maging kapalit ni Judas Iscariote. Si Apostol Santiago El Menor rin ang pinakaunang nagsagawa ng pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya sa Jerusalem. Siya rin ang itinuturing na pinakaunang Obispo ng Jerusalem. Si Apostol Santiago el Menor ang nanguna sa Konselyo ng Jerusalem noong 50 A.D., kung saan nakasama niya sina Apostol San Pedro at San Pablo at iba pang mga pinuno ng Simbahan. Dito ay pinag - usapan kung pwedeng maging Kristiyano ang mga Hentil o mga hindi Hudyo. Masusing pinakinggan ni Apostol Santiago el Menor ang talakayan at tinulungan ang Konsilyo na magdesisyong ang Simbahan ay bukas sa lahat at lahat ng tao ay maaring maligtas sa pamamagitan ng pamumuhay bilang tagasunod ni Kristo. Bilang Obispo ng Jerusalem, sa kanya rin kumokonsulta bago magtungo sa misyonerong paglalakbay si San Pablo. Tinawag ni San Pablo si Apostlol Santiago el Menor bilang haligi ng Simbahan kasama mga Apostol na sina San Pedro at San Juan.
Tinagurian din siyang Apostol Santiago ang Matuwid. Ito ay dahil sa pagiging matuwid niya noong siya ay nabubuhay. Ilang sa mga naging patunay ng kanyang katuwiran ay ang hindi nito pagkain o pagtikim ng kahit anong inuming nakalalasing at ng pagkain ng karne. Nakilala rin siya sa hindi paggugupit ng buhok, kung kaya sa mga larawan nito noong siya ay tumanda ay mahaba ang buhok at balbas. Maging ang balabal nito ay kulay ginto, nangangahulugan ng kabanalan nito.
Si Apostol Santiago el Menor din ang may akda ng isa sa mga aklat sa Bagong Tipan na nakapangalan sa kanya. Kung saan matatagpuan ang isa sa pinakakilalang bersikulo ukol sa pananampalataya na nagsasabing "Ang pananampalataya walang gawa ay patay" ( Santiago 2:17).
Taong 62 A.D., si Ananus, isang Sudeseo ay tinanghal bilang Pinaka Punong Saserdote. Inipit nito at pinilit si Santiago el Menor na itakwil nito si Hesukristo bilang Mesiyas at Anak ng Diyos. Nang maipon ang maraming tao bilang paghahanda sa pista ng Paskuwa, pinilit nilang mangaral ang Apostol sa ibabaw ng templo. Ngunit dala ng pagiging matuwid ng apostol, Si Apostol Santiago el Menor ay nangaral ng ukol sa kabanalan at pagiging Mesiyas ni Hesukristo at maraming nanggilalas at naging Kristiyano ng oras na ayon. Lubhang nagalit ang mga Saserdote dahil sa pangangaral nito kung kaya agad na itinulak ng mga ito ang naturang apostol upang mahulog mula sa ibabaw ng templo, kung saan pinaniniwalaan na ang templong ito ay ang templo kung saan sinubukang tuksuhin ng Demonyo ang Panginoong Hesukristo. Matapos ito ay tumayo ang Apostol ay nanalangin sa Diyos ng malakas upang ihingi ng tawad ang mga taong gumawa niyong sa kanya, tulad ng sinabi ng Panginoong Hesukristo at ni Esteban. Laking gulat ng mga saserdote nang makitang buhay pa rin ang naturang Apostol, kung kaya pinagbabato ng bato ang Apostol at hinampas ng pamalo ang ulo nito na agad nitong kinamatay.
Ang mga simbolo ni Apostol Santiago el Menor sa kanyang mga imahe ay Biblia o Kalatas, na sumisimbolo sa kanyang sulat sa Biblia. Ang tungkod at gintong balabal na sumisimbolo sa kanyang pagiging matuwid na obispo ng Jerusalem. Maging ang pamalo, bato, at templo ay simbolo rin nito bilang naging mga instrumento ng kamatayan nito. Berdeng dahon palmera ay isa rin sa mga simbolo nito bilang pagiging martir ng naturamg Apostol. Habang sa ibang imahe naman ay nakalagay ang lagari dahil ayon sa tradisyon ay hinati rin ang katawan nito sa dalawa. Ang naturang apostol ay patron ng mabuting kamatayan kasama si San Jose, manggagawa ng Sombrero, nagbibenta ng gamot, manggagawa ng Harina, maging ng mga lugar ng Frascati at Monterotondo sa Italya at ng Bansang Uruguay.
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay #santiagobata
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
The Dominicans were put in charge of Abucay's spiritual ministry in 1588 and the church was built in the early 1600s. It was in this church where Tomas Pinpin printed the earliest books in the Philippines together with his co-author and teacher, Father Jose Blancas de San Jose.
On 23 June 1647, the church was a witness to a battle between the Pampango defenders and the Dutch. About two hundred Pampangos died and forty others together with Pampanga's Spanish alcalde mayor Don Antonio de Cabrera, Father Geronimo Sotomayor and Father Tomas Ramos were taken to Batavia.
On 16 September 1852, the present suffered damages by an earthquake and then a fire in 1870. It was rebuilt by Father Jose Diego Pelaez. Before Balanga, Abucay was the seat of the Partido de Bataan. The church still houses the bells donated in 1839 and 1859.
✝️ Kwaresma 2021
Hesus Nazareno
Abucay, Bataan
Camarero : Elsa Agrado and Family
➕ Hesus Poong Nazareno ➕
Pinasan ni Jesus ang Krus hanggang sa bundok ng Kalbaryo. Ipinamalas niya sa atin na mahirap ang daan tungo sa kaligtasan.
Ang unang hakbang upang matamo natin ang kaligtasan ay ang pagbabagong-loob. Ito ang iniaaral ni Jesus: "Magsipagsisi kayo sapagkat maghahari na ang Diyos." Ito ang ibig sabihin ni Jesus nang ipahayag niya: "Kung ibig ninumang sumunod sa akin, talikdan niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang Krus."
Matapos kutyain, hinubad nila ang balabal at muling sinuotan ng sarili niyang damit. Pagkatapos, inilabas siya upang ipako sa krus.
Sa tagpong ito napisimula ang daan na ginugunita natin ngayon, ang Daan ng Krus na patungo sa bundok ng pagpapakasakit. Unti-unting binabagtas ni Hesus ang daan. Duduang at nanlulupapay ang katawan niyung binuhat ang bigat ng Krus. Ayon sa Tradisyon, tatlong beses nadapa si Hesus. Sinasalamin nito ang walang-hanggang kuwento ng mga kalalakihan at kababaihan na nakagapos sa gutom at kahirapan: mga mahihinang mga kabataan, ang matatanda at may sakit ang mahihina at mahihirap, sila na tila ba ninakawan ng kalakasan at pangarap.
Ang hirap na binagtas ni Hesus at ang kanyang ilang ulit na pagkadapa ay naglalaman din ng mga kuwento ng mga taong nag-iisa at nalulumbay, mga taong hindi binibigyan ng pagpapahalaga ng lipunan. Kay Kristo, pasan ang bigat ng krus, natin makikita ang sangkatauhang tinawag ni propeta Isaias na "daraing mula sa lupa, maririnig mo ang iyong tinig na nakakapangilabot, nakakatakot na parang tinig ng isang multo, at parang bulong mula sa alabok." (Isaias 29:4).
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay #nazareno
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
✝️ Kwaresma 2021
San Lazaro De Betania
Abucay, Bataan
Camarero : Roy Cruz Samson and Family
Si San Lazaro na taga-Betania ay kapatid nina Marta at Maria ng Betania. Sila ay mga kaibigan ni Hesus.
Nang si Lazaro ay magkasakit, pinasabihan nina Marta at Maria si Hesus na ang Kanyang kaibigan ay may sakit subali't hindi agad nagpunta si Hesus sa Betania. Si Lazaro ay namatay at apat na araw nang nakalibing nang si Jesus ay dumating. Naghimutok ang magkapatid na sina Marta at Maria kay Hesus at silang lahat ay nangagsitangis. Malaki ang pananalig ng magkapatid kay Hesus.
Nagtungo Siya sa libingan ni Lazaro kahit sinabihan na ni Martang mabaho na ang patay. Matapos manalangin ay iniutos Niyang alisin ang batong nagpipinid sa yungib at Siya ay sumigaw, "Lazaro, lumabas ka." Lumabas nga si Lazaro na may balot pang mga kayo sa katawan. Ipinaalis ni Hesus ang mga naakabalot na kayo at pinahayo si Lazaro.
Ito ay isa mga dakilang himala ni Hesus na naging mitsa upang Siya at gayon din si Lazaro ay pagplanuhang patayin ng mga Hudyo.
Si Lazaro ay nabuhay pa nang matagal at naging Obispo.
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay #sanlazarobetania
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
✝️ Kwaresma 2021
Apostol Santo Tomas
Abucay, Bataan
Camarero : Jaycee Salandanan and Ganzon Family
Santo Tomas ay isang santo ng Romano Katoliko na kabilang sa mga unang labindalawang alagad ni Hesus. Kilala rin siya bilang Didymus, isang pangalang kapwa nangangahulugang "kambal" sa mga wikang Arameo at Griyego. Nagpakita siya ng malakas na pananalig sa pamamagitan ng paghahangad na samahan si Hesus sa Herusalem bagaman may mga taong ibig siyang batuhin at saktan doon. Subalit nakilala rin siya bilang Nagdududang Tomas, Hindi Maniwalang Tomas, Nagaalanganing Tomas dahil sa pagaalanganin o hindi paniniwalang nabuhay muli si Hesukristo pagkaraang mamatay.
Si Santo Tomas ay isa sa mga alagad na wala doon noong unang magpakita ang Panginoon sa mga apostol pagkatapos ng kanyang muling pagkabuhay (Juan 20:24). Ibinalita ng mga alagad sa kanya ang kanilang nasaksihan.
Subalit sinabi ni Tomas: “Maliban lamang na makita ko sa kanyang mga kamay ang tatak ng mga pako at maipasok ang aking daliri sa pinaglagusan ng mga pako at maipasok ang aking kamay sa tagiliran niya, hinding-hindi ako maniniwala” (Juan 20:25).
Hinarap ni Hesus ang kanyang apostol na nagpahayag ng kulang na pananalig. Pagkatapos ng walong araw, muling lumitaw si Hesus sa kalagitnaan ng mga alagad, kahit na nakasarado ang mga pinto.
Pinagbigyan ni Hesus ang kahilingan ni Tomas: “Ilapit mo rito ang daliri mo at tingnan ang aking mga kamay. At ilapit ang kamay mo at ipasok sa aking tagiliran at huwag tumangging maniwala… (Juan 20: 27).
Isinigaw ni Santo Tomas ang kabuuan ng pananampalatayang pam-Paskuwa, o ang sentro ng pananampalataya ng buong sambayanang Kristiyano kay Kristong muling nabuhay: “Panginoon ko at Diyos ko!”
Ang mga tagpong ito ang katibayan ng Mabuting Balita tungkol sa karanasan ni Santo Tomas bilang tagasunod ni Kristo. Wala nang ibang detalye ng kanyang buhay ang nasasaad pa doon.
Subalit sinasabi na sa paghihiwalay ng mga apostol upang magmisyon, si Santo Tomas ay naglakbay at nakarating sa bansang India. Dito niya tagumpay na ipinangaral ang Mabuting Balita. Hanggang ngayon sa India ay may mga Kristiyanong tinatawag na Thomas Christians, dahil naniniwala silang ang kanilang pananampalataya ay isinalin sa kanila ng nasabing apostol.
Ang apostol na ito at dakilang misyonero ay namatay noong 1st century ng Kristiyanismo, sa lugar na itinuturo ng ilan sa Mylapore o sa Calamina sa India
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay #santomas Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
✝️ Kwaresma 2021
Santa Veronica
Abucay, Bataan
Camarero : Leony Rodriguez Family and Hijas de oi Maria
Pinaniniwalang isa sa mga kababaihan ng Herusalem na tumatangis kay Kristo sa daan ng krus. Naging tanyag ang kwento tungkol sa kanyang ginampanan dahil sa paniniwalang pinunasan niyang ng sariling belo ang mukha ng nagdurusang Panginoon. Ayon sa tradisyon, nalarawan sa tela ang mukha ni Hesus. Ang kanyang ginawang kabanalan ay nababanggit sa mga pagninilay sa tradisyonal na daan ng krus. Pinaniniwalaan namang ang belo ay dinala ni Veronica kay Emperador Tiberio upang itong lunasan sa karamdaman.
Sa isang aklat ng apokripa, iniuugnay ang buhay ni Santa Veronica sa babaing inaagasan sa Ebanghelyo na gumaling dahil sa pananampalataya kay Hesus. Tila ba tanaw ng utang na loob niya ang pagpapawi ng makapal na dugo, pawis at dumi sa mukha ni Hesus.
Noong 1297, sa utos ni Papa Bonifacio VIII, dinala sa Roma ang relikiya na sa kasaysayan ng Simbahan ay isa sa pinakamahal na relikiya sa pangangalaga nito.
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay #santaveronica
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
✝️ Kwaresma 2021
San Cleopas
Abucay, Bataan
Camarero : Dayo Family
Si San Cleopas ay isa sa mga tagasunod o disipulo ni Hesukristo. Sa katunayan, lumabas siya sa ebanghelyo ni San Lukas bilang isa sa dalawang disipulo na kasama ni Hesus sa daan ng Emmaus. Sa araw ng pagkabuhay, nalaman nila ang balita tungkol sa libingang walang laman ngunit hindi naniwala sa mga testimonya ng mga kakabaihang taga sunod rin ni Kristo. Habang sila'y naglalakad mula Herusalem patungong Emmaus, may nakita silang estranghero, hindi nila nakilala na si Hesus ito dulot ng kanilang kalungkutan sa kamatayan ng kanilang sinusunod. Nagtanong ang Estranghero kung bakit tila malungkot sila, ang sagot nila ay; Ikaw lang ba ang hindi nakakaalam sa nangyari? Si Hesus na taga Nazaret ay patay na. Nang kumagat ang dilim, inanyayahan ng dalawa si Hesus sa isang hapunan. Nang kinuha ni Hesus ang tinapay at pinikas-pikas, namulat sila sa katotohanang muli ngang nabuhay si Hesus. Matapos nito, nawala si Hesus sa kanilang harapan. Nagdali-daling bumalik si Cleopas kasama ang kanyang kaibigan sa Herusalem upang ibalita ang mabuting balita.
Ayon sa tradisyon, si Cleopas ang ama ng magkapatid na sina Maria at Santiago (James the Less). Si Maria Cleopas ay isa sa mga kababaihang kasama ni Birheng Maria habang nagluluksa sa paanan ng Krus. Si Santiago naman, ay isa sa labing-dalawang apostoles ni Hesus.
Isa din sa pinahahawakan ng simbahan ay si Cleopas, ay ang kapatid ni Jose, ang Asawa ni Maria at Amang kumupkop kay Hesus.
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay #sancleopas
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
✝️ Kwaresma 2021
Santa Maria Salome
Abucay, Bataan
Camarero : Ganzon Family
Si Santa Maria Salome ang asawa ng mangingisdang taga-Galilea na si Zebedeo. Siya rin ang ina nina Santiago ang matanda at San Juan Apostol. Isa si Santa Maria Salome sa tatlong Maria kasama sina Maria Magdalena at Maria Cleofe na naglingkod at tumulong kay Jesus at mga Apostol. Sinubaybayan niya si Jesus sa lansangan ng Jerusalem hanggang sa malagutan ito ng hininga sa bundok ng Kalbaryo. Kabilang din si Santa Maria Salome sa mga babaeng nagsiparoon sa libingan ni Jesus at nakakita sa Kanya nang siya’y muling nabuhay. Minsa’y hiniling ni Santa Maria Salome sa Panginoon na ang kanyang dalawang anak ay makaupo sa Kanyang kaharian. Tinugon siya ni Jesus, “Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Maiinom ba ninyo ang kalis na Aking iinumin?” Sumagot siya, “Maiinom namin.” Sinabi ni Jesus, “Iinumin nga ninyo ang Aking kalis, datapwat ang pag-upo sa Aking kanan o kaliwa ay hindi Ko maibibigay sa inyo kundi sa mga pinaghandaan ng Aking Ama. Ang sinumang may ibig na mamuno sa inyo ay siyang dapat maglingkod.” Sinasabing matapos ang Muling Pagkabuhay ng Panginoon, nagtungo si Santa Maria Salome sa Veroli, Italya at ginugol ang kanyang nalalabing buhay sa pangangaral ng Mabuting Balita ng Diyos.
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay #sanmariasalome
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
✝️ Kwaresma 2021
Santa Maria Magdalena
Abucay, Bataan
Camarero : Ongkingco Family
Si Maria Magdalena ay isang babae kung saan pinalayas ni Hesus ang pitong demonyo (Lukas 8:2). Ipinahihiwatig ng pangalang Magdalena na maaaring nanggaling si Maria sa lugar ng Magdala, isang siyudad sa hilagang Kanluran ng baybayin ng Lawa ng Galilea. Pagkatapos na palayasin ni Hesus ang pitong demonyo mula sa kanya, naging isa sa Maria Magdalena sa mga tagasunod ni Kristo. Iniuugnay si Maria Magdalena sa isang babae sa siyudad na isang “kilalang makasalanan” (Lukas 7:37) na naghugas sa mga paa ni Hesus, ngunit walang basehan sa Kasulatan ang tungkol sa bagay na ito. Ang siyudad ng Magdala ay kilala bilang isang lugar ng prostitusyon. Ang impormasyong ito, kasama ang katotohanan na binanggit ni Lukas si Maria Magdalena pagkatapos ng salaysay tungkol sa isang makasalanang babae (Lukas 7:36-50), ang nagtulak sa iba na ipagpalagay na ang dalawang babaeng ito ay iisa. Ngunit walang basehan sa Kasulatan ang ideyang ito. Hindi ipinakilala si Maria saanman sa Bibliya bilang isang bayarang babae o bilang makasalanang babae sa kabila ng popular na pagkakilala sa kanya sa ganitong paraan. Lagi ring iniuugnay si Maria Magdalena sa isang babae na iniligtas ni Hesus mula sa pagbato ng mga Hudyo pagkatapos na mahuli sa kasalanan ng pangangalunya (Juan 8:1-11). Ngunit muli, walang ebidensya sa pananaw na ito. Nasaksihan ni Maria Magdalena ang karamihan ng mga pangyayari na nakapalibot sa pagpapapako kay Kristo sa krus. Naroon siya sa paglilitis kay Hesus; narinig niya ng igawad ni Pontio Pilato ang hatol na kamatayan kay Hesus; at nakita Niya ng paluin si Hesus ng berdugo at hiyain ng mga tao. Isa siya sa mga babae na nakatayo malapit sa krus ni Hesus at nagtangka siya na aliwin si Hesus. Siya rin ang pinakaunang saksi sa pagkabuhay na mag-uli ni Hesus at siya rin ang unang inutusan ni Hesus na sabihin sa iba ang tungkol sa Kanyang pagkabuhay na mag-uli (Juan 20:11-18). Bagamat ito ang huling banggit kay Maria Magdalena sa Bibliya, maaaring isa siya sa mga babae na nagkatipong kasama ng mga alagad upang maghintay sa ipinangakong pagdating ng Banal na Espiritu (Gawa 1:14).
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay #santamariamagdalena
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
✝️ Kwaresma 2021
Señor Desmayado
Abucay, Bataan
Camarero : Manlapid Family
ANG PAGKALUPAYPAY NI HESUS
Sinabi ni Pilato sa mga taong gustong magpapatay kay Jesus: “Wala akong makitang dahilan para hatulan ang taong ito ayon sa mga paratang ninyo sa kaniya. Sa katunayan, wala ring nakitang kasalanan si Herodes sa kaniya.” (Lucas 23:14, 15) Ngayon, sumubok si Pilato ng ibang paraan para mapalaya si Jesus. Sinabi niya sa mga tao: “May kaugalian kayo na magpapalaya ako ng isang tao kapag Paskuwa. Gusto ba ninyong palayain ko ang Hari ng mga Judio?”—Juan 18:39.
Alam ni Pilato na may isa pang bilanggo, si Barabas, na isang magnanakaw, rebelde, at mamamatay-tao. Kaya nagtanong si Pilato: “Sino ang gusto ninyong palayain ko, si Barabas o si Jesus na tinatawag na Kristo?” Sa sulsol ng mga punong saserdote, hiniling ng mga tao na palayain si Barabas, hindi si Jesus. Tinanong sila ulit ni Pilato: “Sino sa dalawa ang gusto ninyong palayain ko?” Sumigaw ang mga tao: “Si Barabas”!—Mateo 27:17, 21.
Dismayado si Pilato. Nagtanong siya: “Ano naman ang gagawin ko kay Jesus na tinatawag na Kristo?” Sinabi ng mga tao: “Ibayubay siya sa tulos!” (Mateo 27:22) Hindi na sila nahiyang ipapatay ang isang inosenteng tao. Nakiusap si Pilato: “Bakit? Ano ba ang ginawang masama ng taong ito? Wala akong makita sa kaniya na karapat-dapat sa kamatayan; kaya parurusahan ko siya at palalayain.”—Lucas 23:22.
Sa kabila ng pagsisikap ni Pilato, nagkakaisang isinigaw ng mga tao: “Ibayubay siya sa tulos!” (Mateo 27:23) Tagumpay ang mga lider ng relihiyon sa pagsulsol sa mga tao. Gusto nilang may dumanak na dugo—hindi ng isang kriminal kundi ng isang inosenteng tao, na limang araw lang ang nakararaan ay pumasok sa Jerusalem at ipinagbunyi bilang Hari. Naroon man ang mga alagad ni Jesus, nanatili silang tahimik at hindi nagpahalata.
Nakita ni Pilato na hindi umuubra ang pagsisikap niya. Lalo pang umiinit ang sitwasyon, kaya kumuha siya ng tubig at naghugas ng kamay sa harap ng mga tao. Sinabi niya: “Wala akong kasalanan sa dugo ng taong ito. Kayo na ang may pananagutan diyan.” Pero wala pa rin itong epekto sa mga tao. Sumagot pa nga sila: “Kami at ang mga anak namin ang may pananagutan sa dugo niya.”—Mateo 27:24, 25.
Mas gusto ng gobernador na pagbigyan ang mga tao kaysa gawin ang alam niyang tama. Kaya pinalaya ni Pilato si Barabas. Pero iniutos niyang hubaran si Jesus at hagupitin.
Matapos hagupitin nang walang awa, ang pag kalupaypay at pagkalugmok ni Hesus sa lupa ng dahil sa sobrang Hirap at pagod dulot ng pag kahagupit sa kanya.
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
✝️ Kwaresma 2021
Apostol San Matias
Abucay, Bataan
Camarero : Oliver Bactad Leonardo and Family
Ang kaunting nalalaman natin tungkol sa buhay ni San Matias ay matatagpuan sa sulat ni San Lucas sa Mga Gawa ng mga Apostol. Ipinalalagay na isa siya sa pitumpu't dalawang disipulo ng Panginoon. Nang maakyat na si Kristo sa langit, nagkatipun-tipon ang mga apostol, ang Mahal na Birhen at iba pang mga tagasunod ni Kristo sa Jerusalem. Tumindig si San Pedro at nagwika: "Mga kapatid, kailangang matupad ang Kasulatan na ipinaalam ng Espiritu Santo sa pamamagitan ni David tungkol kay Judas na siyang namuno sa mga humuli kay Hesus. Kaya nga't kinakailangan na sa mga taong nakasama natin sa buong panahong nakipamuhay sa atin ang Panginoong Hesus, simula sa pagbibinyag ni Juan hanggang sa araw na Siya'y kunin sa atin, ang isa sa kanila ay napasama sa atin, bilang isang saksi ng Kanyang muling pagkabuhay." At ibinukod nila ang dalawa: si Jose na tinatawag na Barsabas, at tinaguriang Justo, at si Matias. At pinagsapalaran sila, at si Matias, ang nagkapalad na mahirang sa labing-isang apostol (Gawa 1:15-25). Si Matias ang humalili kay Judas Iscariote.
Una siyang nangaral sa Judea; pagkatapos ay sa Cappadocia at sa mga lugar sa paligid ng dagat ng Caspian. Walang nakababatid ng paraan kung paano siya namatay. May nagsasabing siya'y ipinako sa krus, at ang iba naman ay nagsasabing siya'y pinugutan ng ulo.
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay #santiagobata
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
✝️ Kwaresma 2021
Apostol San juan Evangelista
Abucay, Bataan
Camarero : Mepol Salandanan and Ganzon Family
"SAN JUAN, APOSTOL AT EVANGELISTA"
Si Juan ay isa sa labindalawang apostoles ni Kristo. Siya ay kapatid ni Santiago, anak ni Zebedeo. Sila ay mga mangingisda na tinawag ni Hesus upang sumunod sa Kanya kasama ang magkapatid na Simon Pedro at Andres. Si Juan ay isa sa mga laging kasa-kasama ni Hesus sa Kanyang mga paglakad at pangangaral. Si Juan ay isa sa dalawang inutusan ni Hesus, ang isa ay si Pedro, upang hanapin at ihanda ang silid para sa Huling Hapunan (Lucas 22: 7-13). Kasama rin si Juan nang buhayin ni Hesus ang anak ni Jairus tulad ng ginawa Niya kay Lazaro (Marcos 5: 37-43, Lucas 8: 51-56). Isa rin si Juan sa mga nakasaksi sa pagbabagong-anyo ni Hesus (Mateo 17: 1-13, Marcos 9: 2-13, Lucas 9: 28-36). Sinasabi na si Juan ang pinakabata sa mga apostol at pinakamahal ni Hesus. Sa mga larawan ng Huling Hapunan, siya ang nakikitang nakahilig kay Hesus (Juan 13: 25, 21: 20). Makikita sa larawan na si San Juan ay may hawak na panulat dahil siya ay isa sa apat na sumulat ng Ebanghelyo. Siya ang nagbigay diin sa walang hanggang buhay na makakamtan sa pamamagitan ni Hesukristo na siyang daan, katotohanan at buhay. Si Juan lamang ang apostol na hindi namatay bilang martir.
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay #sanjuan
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
✝️ Kwaresma 2021
Apostol San Felipe
Abucay, Bataan
Camarero : Fredrick De leon Ramos & Ramos Family
Bago pakanin ni Jesus ang limang libong tao sa ilang, sinabi ni
Felipe sa Panginoon: “Dalawang daang denariong tinapay sa hindi
magkakasya upang makakain nang kahit kaunti ang bawat isa.” (Jn. 6-7) Sa huling hapunan ay hiniling niya kay Jesus: “Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at yao’y sukat na saamin.” Sumagot si
Jesus: “Malaon nang panahon na ako’y kasama ninyo, diyata’t hindi
pa ninyo ako nakikilala? Felipe, ang nakakakita sa akin ay nakaka- kita na din sa ama. Bakit mo sinasabi:
‘Ipakita mo sa amin ang
Ama?’ Hindi baga kayo sumasampalataya na ako’y sumasa-Ama at
ang Ama ay sumasa-Akin?”(Jn.14:8-10) Si Apostol Felipe ay ipinako
sa krus nang patiwarik sa Hierapolis,Scythia, sa bayan ding iyon ay
namatay ang kanyang dalawang anak na babae. Ang imahen ni San Felipe ay makikitang may yakap na krus kagaya ng kay Hesus sapagkat sa kanyang pagkabayubay nang patiwarik dito ay naging kaisa siya paghihirap ng Panginoon. Ang pagtatanong ni Felipe kay Hesus ay nagpapaalala na lagi nating sikaping hanapin ang Diyos sa bawat oras ng ating buhay. Sa madilim na sandaling ito sa ating kasaysayan, mabanaagan nawa natin si Hesus sa mga aba sa lipunan at maging instrumento tayo ng Ama para ipakita sa kanila ang Kanyang awa at habag.
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay #sanfelipe Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
✝️ Kwaresma 2021
La Jumenta
Abucay, Bataan
Camarero : Genel Llanes
Ang matagumpay na Pag pasok Ni Hesus Sa Herusalem
Nang papalapit na sila sa Betfage at Betania, sa Jerusalem, sa may malapit sa Bundok ng mga Olibo, pinauna ni Jesus ang dalawa sa kanyang mga alagad. 2 Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Pagpasok doon ay makikita ninyo ang isang nakataling bisirong asno, hindi pa nasasakyan ninuman. Kalagan ninyo iyon at dalhin dito. 3 Kapag may nagtanong sa inyo kung bakit ginagawa ninyo iyon sabihin ninyo, ‘Kailangan ito ng Panginoon at ibabalik din agad.’ ” 4 Lumakad ang dalawang alagad at may nakita nga silang bisirong asno sa tabi ng daan. Nakatali ito sa may pintuan. Nang kinakalagan na nila ito, 5 tinanong sila ng ilang nakatayo roon, “Ano ang ginagawa ninyo at kinakalagan ninyo ang bisiro?” 6 Sumagot sila gaya ng bilin ni Jesus, at hinayaan na sila ng mga ito. 7 Dinala nila kay Jesus ang bisirong asno. Matapos nilang isapin sa likod nito ang kanilang mga balabal, sumakay dito si Jesus. 8 Maraming tao ang naglatag ng kanilang balabal sa daan, samantalang ang iba'y naglatag ng mga madahong sanga na kanilang pinutol mula sa bukid. 9 Ang (B) mga tao naman sa unahan at ang mga nasa hulihan ay sumisigaw,
“Hosanna! Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! 10 Pinagpala ang dumarating na kaharian ng ating amang si David! Hosanna sa kataas-taasan!”
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay #lajumenta
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
✝️ Kwaresma 2021
Santa Juana De Cusa
Abucay, Bataan
Camarero : Arnel De Mesa Tapia and Family
SANTA JUANA DE CUZA
Si Santa Juana ay maybahay ni Cusa na katiwala ni Herodes Antipas, ang tetrarka ng Galilea. Kabilang siya sa mga babaing pinagaling ni Hesus, kasama sina Maria Magdalena at ni Susanna. Naging mga tagasunod sila ni Hesus at inihandog ang kanyang kabuhayan, pangtustos sa pangangailangan ni Jesus at ang kanyang mga alagad. Noong Linggo ng Muling Pagkabuhay, isa siya sa tatlong babaing nagtungo sa libingan ni Hesus upang kumpletuhin ang ritwal ng paglilibing ng mga Hudio para sa labi ni Hesus. Natuklasan nila at ibinalita sa mga apostol ang tungkol sa libingang walang laman.
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay #santajuanadecuza
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
✝️ Kwaresma 2021
La pieta
Abucay, Bataan
Camarero : Vergara Family
Si Hesus Sa Kandungan ng kanyang Ina
Si Hesus ay umiyak at nagwika: "Ama, sa iyong mga kamay inihahabilin ko ang aking kaluluwa." Pagkasabi nito siya ay namatay. Hesus, sinasamba kita. Nais kong mabuhay at mamatay nang dahil sa iyo, sapagkat ikaw ay namatay nang dahil sa akin.Kaya pumaroon ang mga sundalo. Binali nila ang binti ng una at ng isa pang kasama niyang ipinako sa krus. Ngunit paglapit nila kay Hesus, nakita nila na patay na siya kaya hindi nila binali ang kanyang mga binti. Gayunma'y sinibat ng isa sa mga sundalo ang kanyang tagiliran, at biglang may umagos na dugo at tubig (Juan 19: 28-30). Tahimik na ang paligid. Ibinaba nila si Hesus sa krus. Siya'y inilagay sa kandungan ng Mahal na Birhen. Matinding kalungkutan ang nadama ni Maria nang tanggapin niya si Hesus.
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay #lapieta
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
✝️ Kwaresma 2021
Señor De la Penas
Abucay, Bataan
Camarero : Orven Datu and Datu Family
Ipinako Nila sa Krus si Jesus
Kinuha nila si Jesus at siya ay inilayo.Lumabas siya habang pasanniya ang kaniyang krus. Pumunta siya sa dakong tinatawag na Pook ng Bungo. Ito ay tinatawag sa wikang Hebreo na Golgotha. Doon nila siya ipinako sa krus. Dalawa ang kasama niya, isa sa bawat panig at napapagitna si Jesus.
At si Pilato ay sumulat ng isang pamagat at inilagay ito sa krus. Ganito ang nakasulat: SI JESUS NA TAGA-NAZARET, ANG HARI NG MGA JUDIO. Ang pamagat na ito ay nabasa ng maraming mga Judio. Ito ay sapagkat ang pook na pinagpakuan kay Jesus ay malapit sa lungsod. Ang pamagat ay isinulat sa salitang Hebreo, sa salitang Griyego at sa salitang Romano. Sinabi nga ng mga pinunong-saserdote ng mga Judio kay Pilato: Huwag mong isulat, Ang Hari ng mga Judio kundi sinabi niya: Ako ay Hari ng mga Judio.
Sumagot si Pilato: Ang naisulat ko na ay naisulat ko na.Kaya nga, nang maipako na siya sa krus ng mga kawal, kinuha nila ang kaniyang mga kasuotan. Hinati nila ito sa apat na bahagi. Isang bahagi sa bawat kawal at gayundin ang kaniyang damit. Ngunit ang balabal ay walang tahi. Ito ay hinabing buo mula sa itaas pababa.
Sinabi nga nila sa isa’t isa: Huwag natin itong punitin. Magpalabunutan tayo kung mapapasa kanino ito.
Ito ay nangyari upang matupad ang kasulatan na nagsasabi:
Pinaghati-hatian nila ang aking damit at nagpa-la-bunutan para sa aking balabal.
Ginawa nga ng mga kawal ang mga bagay na ito.Nakatayo sa malapit sa krus ni Jesus ang kaniyang ina. Naroon din ang kapatid na babae ng kaniyang ina, si Maria na asawa ni Cleofas at si Maria na taga-Magdala. Nakita ni Jesus ang kaniyang ina at ang alagad na kaniyang iniibig na nakatayo sa malapit, sinabi niya sa kaniyang ina: Ginang, narito ang iyong anak. Pagkatapos noon, sinabi niya sa alagad: Narito ang iyong ina. At mula sa oras na iyon ay dinala siya ng alagad sa kaniyang sariling tahanan.
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay #Senordelapenas
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
✝️ Kwaresma 2021
Apostol Andres
Abucay, Bataan
Camarero : Capitangan Abucay Bataan
Si San Andres ay isinilang sa Betsaida sa tabi ng dagat ng Galilea. Ang hanapbuhay niya ay pamamalakaya. Siya ay naging alagad ni San Juan Bautista bago siya maging alagad ni Kristo. Siya ang nagsama sa kanyang kapatid na si Pedro kay Kristo. Siya at si Felipe ang nagdala kay Kristo sa Herusalem ng ilang mga pagano. Noong paramihin ni Kristo ang ilang tinapay at isda, bago ginawa ni Kristo ang himalang ito, si Andres ang nagturo sa isang batang lalaking may dalang tinapay at isda.
Pagkatapos ng Pentecostes, siya ay nangaral ng Banal na Ebanghelyo sa maraming bayan, kasama na rito ang Palestina, Scythia at Thracia. Sa wakas, siya ay ipinako sa krus na hugis ekis (X). Ito ay nangyari sa Patras, Grecia. Si San Andres ay Patron ng Grecia at Escocia.
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay #sanandres Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
✝️ Kwaresma 2021
San Nicodemo
Abucay, Bataan
Camarero : von Autor and Sison and Autor Family
SAN NICODEMO
Si San Nicodemo ay isang pariseo at pinuno ng mga Hudyo sa Jerusalem na ipinapalagay na kagawad ng Sanedrin. Isa siyang lihim na alagad ni Hesus. Noong mamatay si Kristo sa krus, sumama siya kay Jose ng Arimatea, dala ang pabango, upang kunin ang bangkay ni Hesus. Bago ilibing, pinahiran nila ito ng pabango at binalutan ng mga kayong lino ayon sa kaugalian ng paglilibing ng mga hudyo.
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay #sannicodemo
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
✝️ Kwaresma 2021
Apostol San Judas Tadeo
Abucay, Bataan
Camarero : Benjamin Tinao and Tinao Family
Si San Judas TADEO (na ang ibig sabihin ay - malakas ang dibdib) ay iba kay Judas Iscariote, ang kilalang nagkanulo sa ating Panginoon. Anak siya ni Cleofas at kapatid ni Santiagong nakababata, na kamag-anak ni Kristo. Sumulat siya ng isang aklat na Epistola sa bagong Tipan na pumapatungkol sa mga tumutuligsa sa aral ng Panginoon. Sa misyon niya sa Persiya ay pilit na ipinasasamba sa kanilang dalawa ni San Simon ang isang diyus-diyosan, ngunit nang sila ay lumapit, bigla na lamang natumba at nasira ang mga larawan. Karaniwang inilalarawan si Kristo sa kanyang dibdib dahil sa siya ay isang kamag-anak at tinaguriang kamukha ni Kristo. Ang larawan niya’y may dalang malaking kahoy na tanda ng kanyang pagkamatay, o sibat bilang isang martir ng pananampalataya at Medalyin may Mukha Ni Hesus at Apoy sa kanya ulo.
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay #sanjudastadeo
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
✝️ Kwaresma 2021
Birhen Dolorosa
1800
Abucay, Bataan
Camarero : De Guzman Family
Ang imahen ng Mahal na Birhen: ang Ina ng Hapis, ay ang pinaka kilalang larawan ng Mahal na Ina sa kaniyang labis na pagkalumbay at pagdurusa sa sinapit ng kaniyang mahal na Anak. Itinuturo ng taguring ito na nararapat nating tunay na talikdan ang ating mga likong gawa upang patuloy tayong malapit sa kalooban ng Diyos. Inilalarawan siyang may nakatarak na pitong punyal sa kaniyang puso na sumisimbolo sa kaniyang pitong hapis.
✠⚔️ ❤️🔥Ang Mater Dolorosa (Ina ng Hapis) ay paglalarawan ng namimighating Inang Maria: nagluluksa na ang kadalasang kasuotan ay itim o initimang-asul, lumuluha, may tarak na punyal ang puso. Tulad ng dalawa pang nauna—ang Stabat at Pieta—iisa ang kategorya at manipestasyon nila bilang “Mahal na Inang Birheng Dolorosa.”
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay #virgendolorosa
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
✝️ Kwaresma 2021
Señor Dela Columna
Abucay, Bataan
Camarero : Ganzon Family
ANG PAGHAGUPIT KAY HESUS SA HALIGING BATO
Si Hesus ay nakagapos sa haliging bato sa harapan, sa kaliwa at Siya'y pinaghahampas ng Hudyo na may sibat at suplina.
Si Hesus ay nililibak at hinahampas ng mga nagtatanod sa Kanya. Siya ay kanilang piniringan, niluluraan, pinagsususuntok at pagkatapos ay pinahuhulaan kung sino ang gumagawa ng gayon.
Nang si Hesus ay dalhin sa palasyo ni Pilato, Siya ay pinagtatanong nito. Wala itong makitang pagkakasala ni Hesus. Sinabi niya ito sa mga nagdala kay Hesus nguni't pinili ng mga itong si Barrabas ang palayain.
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
One of the oldest churches in the Philippines dating back to the early 1600s. It was also the home of the first printing press in the Philippines.
Street sign at Ganzon Village housing development. Abucay, Bataan.
The owners of this development are somewhat original and creative by naming the streets after various currencies. Note the fish and hook.
Street sign at Ganzon Village housing development. Abucay, Bataan.
The owners of this development are somewhat original and creative by naming the streets after various currencies. Note the fish and hook.
✝️ Kwaresma 2021
La Oracion del Huerto
Abucay, Bataan
Camarero : Mon Vinzon and Vergara Family
Ang Panalangin sa Getsemani
La Oracion del Huerto 🙏
Dumating sila sa isang lugar na tinatawag na Getsemani. Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Maupo muna kayo rito habang ako'y nananalangin.” At isinama niya sina Pedro, Santiago at Juan. Nagsimulang mabagabag at maghirap ang kanyang kalooban. Sinabi niya sa kanila, “Ang puso ko'y labis na nalulungkot at ako'y halos mamatay na! Maghintay kayo rito at magbantay.”
Lumayo siya nang kaunti, at pagkatapos ay nagpatirapa upang manalangin na kung maaari'y huwag nang sumapit sa kanya ang oras ng paghihirap. Nanalangin siya, “Ama ko, Ama ko! Magagawa mo ang lahat ng bagay. Alisin mo sa akin ang paghihirap na ito, ngunit hindi ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang masunod.”
Nagbalik siya at dinatnan niyang natutulog ang tatlong alagad. Sinabi niya kay Pedro, “Natutulog ka ba, Simon? Hindi ka ba makapagbantay kahit isang oras man lamang? Magbantay kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang espiritu'y nakahanda ngunit ang laman ay mahina.”
Muling lumayo si Jesus upang manalangin at inulit niya ang kanyang kahilingan. Nagbalik siyang muli sa kanyang mga alagad, at sila'y naratnan niyang natutulog dahil sila'y antok na antok. At hindi nila malaman kung ano ang kanilang isasagot sa kanya.
Sa ikatlo niyang pagbabalik ay sinabi niya sa kanila, “Natutulog pa ba kayo at namamahinga? Tama na, sapagkat dumating na ang oras upang ang Anak ng Tao'y ibigay sa kamay ng mga makasalanan. Bumangon kayo! Narito na ang magkakanulo sa akin.”
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay #LaOraciondelHuerto
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
✝️ Kwaresma 2021
Apostol San Simon Makabayan
Abucay, Bataan
Camarero : Rom Rospero and Rospero Family
Si San Simon ay isang santo ng Romano Katoliko. Kabilang siya sa mga unang labindalawang alagad ni Hesus. Kilala rin siya bilang Simon na Cananeo at Simon na Makabayan. Tinawag siya ni San Lucas bilang Simon ang Mapagmalasakit (Simon the Zealot sa Ingles). Nangangahulugan ang salitang Cananeo (Cananaean sa Ingles) ng mapagmasakit, mapagmalasakit, masikap, masigasig, mabalasik, o "panatiko," isang "taong nagpapakita ng marubdob na pananalig o paglilingkod." Siya ay may dalang lagare na sumisimbolo na siya ay pinatay sa pamamagitan ng paglagare sa kaniya at namatay siya bilang martir.
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay #sansimon
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
✝️ Kwaresma 2021
Apostol San Mateo
Abucay, Bataan
Camarero : Ericson Pizzaro and Pizzaro Family
💰Si San Mateo ay isang santo ng Romano Katoliko na naging kabilang sa unang labindalawang alagad ni Hesus. Dati siyang maniningil ng buwis sa ngalan ng Imperyong Romano. Bilang apostol, pagkaraan ng pamumuhay ni Hesukristo sa mundo, nangaral siya sa Hudea. Siya ang nakaugaliang tinuturing na may-akda ng Ebanghelyo ni Mateo, ang unang ebanghelyong matatagpuan sa Bagong Tipan ng Bibliya. Ayon rin sa kinaugalian, siya ang nagdala ng Kristiyanismo sa Silangan.[1] Kilala rin siya bilang ang dating si Levi, anak ni Alfeo.
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay #sanmateo
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
✝️ Kwaresma 2021
El Encuentro
Abucay, Bataan
Camarero : Darwin Dimla and Family
ANG PAGTATAGPO NG PANGINOONG HESUS At BIRHENG MARIA
Nasalubong ni Hesus ang Kanyang Ina
Nang masalubong ng paningin ni Maria ang mga mata ni Hesus, nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso. Dito naunawaan ni Maria ang misterio ng pag-ibig ng kanyang anak na si Hesus. Sa pamamagitan ng krus lamang, makikilala natin kung sino Siya. Isaisip natin ang mga nanay at tatay na walang magawa habang pinagmamasdan ang pagdurusa ng kanilang mga anak. Sana’y matagpuan nila ang pag-asa kay Maria.
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay #laencuentro
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
✝️ Kwaresma 2021
San Jose Arimatea
Abucay, Bataan
Camarero : Banzon andd Ventura Family
"SAN JOSE ARIMATEA"
Isang iginagalang na kagawad ng Sanedrin, at mayaman na taga-Arimatea. Isang mabuti at matuwid na tao na kabilang sa mga naghihntay sa pagdating ng paghahari ng Diyos. Isang lihim na alagad ni Hesus. Hiningi niya kay Pilato ang pahintulot na kunin ang bangkay ni Hesus. Binalot niya ito sa isang bagong kayong lino na kanyang binili, at inilibing sa sariling libingan na inuka sa bato.
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay #sanjosearimatea
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
Street sign at Ganzon Village housing development. Abucay, Bataan.
The owners of this development are somewhat original and creative by naming the streets after various currencies. Note the fish and hook.
✝️ Kwaresma 2021
San Pedro Apostol 🐓
Abucay, Bataan
Camarero : Estrella Family
Kay San Pedro Ipinagkatiwala ng Panginoon ang Kanyang mga Kawan na sa Lumaon sa Kanyang Pangangaral noong Panahon ng Pentekostes ay nakahikayat siya ng Tatlong libong kaluluwa sa Kanya binanggit ni Jesus ang ganito Ipinagkakatiwala Ko sa iyo ang mga susi ng langit
Ang primasiya ni Pedro ang doktrinang pinaniniwalaan ng Simbahang Katoliko Romano na si Pedro ang pinaka-prominenteng apostol ni Hesus na prinsipe ng mga apostol at pinaboran ni Hesus. Dahil dito, ikinatwiran ng Romano Katoliko na si Pedro ay humawak ng isang unang lugar ng karangalan at autoridad
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanpedro #sanjudastadeodeabucay
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
✝️ Kwaresma 2021
Ecce Homo
Abucay, Bataan
Camarero : Inlong Family
ANG PAGPUPUTONG NG KORONANG TINIK KAY HESUS
Pagkatapos ng minadaling paglilitis kay Hesus at paghagupit sa kanyang likod, at bago Siya ipako sa krus, ito ang ginawa ng mga sundalong Romano: “At sila'y nangagkamakama ng isang putong na tinik, at ipinutong sa kaniyang ulo, at inilagay sa kanang kamay niya ang isang tambo; at sila'y nagsiluhod sa harap niya at siya'y kanilang nilibak, na nagsisipagsabi, Magalak, Hari ng mga Judio!”
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay #eccehomo
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
✝️ Kwaresma 2021
La Ultima Cena
Ang Huling hapunan 🍷
Abucay, Bataan
Camarero : Caragay & Gloria Family
Imagineros Maestro Ian Vicente taong 2021
Ang Huling Hapunan
Sa unang araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa, pumunta kay Jesus ang mga alagad. Sinabi nila sa kaniya: Saan mo ibig na kami ay maghanda para sa iyo upang makakain ng hapunan ng Paglagpas?
Sinabi niya: Pumunta kayo sa isang lalaki na nasa lungsod. Sabihin ninyo sa kaniya: Sinabi ng guro: Ang aking oras ay malapit na. Gaganapin ko ang Paglagpas sa iyong bahay kasama ang aking mga alagad. Ginawa ng mga alagad ang ayon sa iniutos sa kanila ni Jesus. Sila ay naghanda para sa Paglagpas.
Nang gumabi na, dumulog si Jesus sa hapag kasama ng labindalawa. Habang sila ay kumakain, sinabi niya sa kanila: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Isa sa inyo ang magkakanulo sa akin.
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan
#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay #LaUltimacena
Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan