View allAll Photos Tagged Tagalog_Christian_Movie

Isang tagapangaral si Lu Xiu'en sa isang bahay-iglesia sa Tsina. Sa paniniwala niya sa mga maling pananaw na ikinakalat ng mga relihiyosong pastor at elder, nagpatuloy siya sa pagpilit na "pinatawad na ng Panginoong Jesus ang kasalanan ng tao, at palaging maliligtas ang mga naniniwala sa Panginoon. Hindi na nila kailangang tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw." Paulit-ulit niyang kinalaban at tinanggihan ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa kaharian... Ganunpaman, dahil sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon siya ng pagkakataong matuklasan na iba ang ipinakitang ugali ng kanyang pastor sa harap ng mga tao, at inilabas ang tunay nitong ugali sa likod nila, at nakita niya kung gaano kaipokrito ang kanyang pastor. Sa pagkakataong iyon ay dumating naman sa kanya ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa kaharian. Matiyagang nagbahagi at nagpatotoo sa kanya ang mga saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa gawain ng Diyos ng mga huling araw, at matapos marinig ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naitindihan niya ang katotohanan tungkol sa pagkakaiba ng maligtas at makamit ang ganap na kaligtasan at napagtanto niyang ang mga pananaw na sinang-ayunan niya noon ay pawang mga haka-haka lamang na likha ng imahinasyon ng tao at hindi umaayon sa reyalidad ng gawain ng Diyos. Kaya, masaya niyang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Ganunpaman, nung malaman ito ng kanyang pastor, inutusan nito ang mga mananampalataya na kondenahin at iwan siya, at inutusan din ang kanyang pamilya na idiin si Lu Xiu'en... Nalubog sa sakit si Lu Xiu'en at tuluyang nagulo ang pag-iisip. Sa huli, nagawa niyang maintindihan ang katotohanan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nakita niyang ipokrito ang kanyang pastor sa mundo ng relihiyon, isang kalaban ng Diyos na galit sa katotohanan at anticristong may likas na kademonyohan. Tuluyang nagising si Lu Xiu'en, at iniwasan niya ang panloloko at pagkontrol ng kanyang pastor. Sinunod niya ang Makapangyarihang Diyos, pinili ang tamang landas at nagpursigi upang makamit ang katotohanan at ang ganap na kaligtasan ...

  

tl.kingdomsalvation.org/videos/awakening-movie.html

  

#Kaharian #Buhay_sa_Iglesia #Tagalog_Christian_Movie #pagbabalik_ng_Panginoon

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng messenger anumang oras!

 

Nagpapatakbo ng isang tindahan ng damit si Wang Xinyu at ang kanyang asawa, at kahit sinikap nila noong una na patakbuhin ang kanilang tindahan nang may integridad at konsiyensya, hindi sila gaanong kumikita, at napakahirap ng buhay nila. Ngunit nang makita nila ang mga kabarkada nilang umaasa sa pagsisinungaling at panlilinlang sa negosyo na bumibili ng mga kotse at bahay at maluho ang pamumuhay, ipinasiya nila na hindi sila magpapaiwan. Sa paggabay ng kanilang mga kabarkada, sinunod nila ang kalakaran sa lipunan at nagsimulang magnegosyo sa pamamagitan ng pagsisinungaling at pandaraya. Makalipas ang ilang taon, bagama’t kumita sila nang kaunti, madalas silang makonsiyensya at hungkag ang puso nila. Pagkatapos, tinanggap nila ang Ebanghelyo ng Diyos, binasa ang Kanyang mga salita, na nakatulong upang matuklasan nila na gusto ng Diyos ang matatapat na tao at kinasusuklaman ang mga manlilinlang at nalaman nila na pinagpapala ang matatapat na tao. Gayunman, nakita rin nila ang kasamaan at kadiliman sa mundo at nag-alala na baka hindi sila kumita sa pagnenegosyo nang may integridad, at manganganib pa silang malugi, pero kung magpapatuloy silang magsinungaling at mandaya para linlangin ang mga mamimili, alam nila na kamumuhian sila ng Diyos dahil doon…. Pagkaraan ng ilang pagpupunyagi at kabiguan, sa wakas ay pinili nilang maging matatapat na tao ayon sa mga Salita ng Diyos, at nagulat sila nang pagpalain sila ng Diyos. Hindi lamang lumago ang kanilang negosyo, tinamasa rin nila ang kapayapaan at seguridad ng pagiging matatapat na tao.

  

tl.kingdomsalvation.org/videos/sun-never-sets-on-integrit...

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

Si Zheng Yi ay isang Kristiyano. Nang marinig niya ang tungkol sa malupit na pang-uusig ng pamahalaang CCP sa Kidlat ng Silanganan at ang pag-aresto sa mga Kristiyano noong nagtatrabaho siya sa Estados Unidos, nag-isip-isip siya, "Ang CCP ay isang partidong ateista, isang makademonyong rehimen na pinakamatinding kalaban ng Diyos. Sa kabila ng sumisiklab na pang-uusig at panunupil ng CCP, lalo pa ring naging maunlad ang Kidlat ng Silanganan. Malamang ay ito ang tunay na daan." Kaya sinuri niya ang Kidlat ng Silanganan sa website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Natuklasan niya na ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at tinig ng Diyos. Naipasiya niya na ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Kaya agad niyang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Makalipas ang apat na taon, bumalik si Zheng Yi sa China at ipinasa ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa kanyang kapatid na si Zheng Rui, isang mamamahayag ng balita.

Ang ama ni Zheng Yi na si Zheng Weiguo ang pastor ng United Front Work Department sa isang lungsod sa China. Nang malaman niya na naniwala ang kanyang mga anak sa Makapangyarihang Diyos, matigas niya itong tinutulan at paulit-ulit na ginamit ang mga tsismis at kamalian ng pamahalaang CCP para patigilin sila sa paniniwala sa Diyos. Sa maraming pagkakataon, nakipagdebate si Zheng Yi at ang kanyang kapatid sa kanilang ama. Ang espirituwal na labanang ito ng pamilya ay nauwi sa pagtatagumpay ng katotohanan laban sa kamalian at ang katotohanan laban sa tsismis! Sa takot sa masamang kapangyarihan ng CCP at sa determinasyong panatilihin ang kanyang katungkulan sa pamahalaan at kabuhayan, matigas na pumanig si Zheng Weiguo sa CCP at pinilit ang kanyang mga anak na isuko ang kanilang paniniwala sa Makapangyarihang Diyos pero nawalan ito ng saysay. Sa huli ay pinalayas niya sila sa kanilang tahanan …

Matatag na pinili ni Zheng Yi at ng kanyang kapatid na iwanan ang kanilang pamilya at sundan si Cristo sa pangangaral at pagpapatotoo sa pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw.

 

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

 

www.youtube.com/watch?v=Vqk1A2BUQw0&feature=youtu.be

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.easternlightning.org/disclaimer.html

  

Personal na nagbibigay ng patotoo ang Diyos sa lahat ng Kanyang hinihirang at ginagamit. Sa pinakamababa man lang, lahat sila ay tumatanggap ng kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu, ipinapakita ang mga bunga ng gawain ng Banal na Espiritu, at natutulungan ang mga napiling tao ng Diyos na tumanggap ng pagkakaloob ng buhay at tunay na pagpapastol. Dahil makatuwiran at banal ang Diyos, ang lahat ng Kanyang hinihirang at ginagamit ay kailangang sumunod sa Kanyang kalooban. Ang mga pastor at elder mula sa relihiyosong mundo ay nagkukulang lahat sa Salita ng Diyos bilang patotoo, at wala ring kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kaya paanong personal na hihirangin at gagamitin ng Diyos ang mga pastor at elder na nasa relihiyosong mundo?

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/break-the-spell-movie-5.html

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

Si Zheng Mu'en ay kapanalig sa isang simbahang Kristiyanong Chinese sa US, matagal na nanalig sa Panginoon, at marubdob na naglingkod at gumugol para sa Panginoon. Isang araw, nagPatotoo sa kanya ang kanyang tita na nagbalik na ang Panginoong Jesus para ipahayag ang katotohanan at hatulan at dalisayin ang tao sa mga huling araw, isang balitang labis niyang ikinatuwa. Matapos basahin ang salita ng Makapangyarihang Diyos at panoorin ang mga pelikula at video ng iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nadama ni Zheng Mu'en na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, at na maaari ngang ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, kaya sinimulan nilang siyasatin ng kanyang mga kapatid ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Pero nang matuklasan ito ni Pastor Ma, ang lider ng kanilang iglesia, paulit-ulit nitong pinakialaman at pinigilan si Zheng Mu'en. Ipinakita niya kay Zheng Mu'en ang isang propaganda video ng gobyernong CCP na naninira at tumutuligsa sa Kidlat ng Silanganan sa pagtatangkang patigilin si Zheng Mu'en sa pagsisiyasat nito sa tunay na daan, at nalito siya nang husto sa videong ito: Malinaw na nakikita niya na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at tinig ng Diyos, kaya bakit tinutuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang Makapangyarihang Diyos? Hindi lang nila ayaw maghanap o magsiyasat mismo, sinikap pa nilang patigilin ang iba na tanggapin ang tunay na daan. Bakit ganoon? … Nangamba si Zheng Mu'en na malinlang siya at mali ang tinatahak niyang landas, pero nangamba rin siyang mawalan ng pagkakataong ma-rapture. Sa gitna ng pagtatalo ng damdamin at pagkalito, nagpakita pa si Pastor Ma ng mas negatibong propaganda mula sa CCP at sa mga relihiyon, na nagbunga ng mas maraming pagdududa sa puso ni Zheng Mu'en. Ipinasiya niyang makinig kay Pastor Ma at tigilan ang pagsisiyasat sa tunay na daan. Kalaunan, matapos marinig ang patotoo at paliwanag ng mga saksi ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan ni Zheng Mu'en na sa pagsisiyasat sa tunay na daan, ang pinaka-pangunahing prinsipyo ay alamin kung nasa daang iyon ang katotohanan at kung nagpapahayag ito ng tinig ng Diyos. Sinuman na makakayang magpahayag ng maraming katotohanan ay posibleng ang pagpapakita ni Cristo, dahil walang miyembro ng tiwaling sangkatauhan ang maaaring magpahayag ng katotohanan. Hindi maikakaila ang katotohanang ito. Kung hindi nagtutuon ang isang tao sa pakikinig sa tinig ng Diyos habang sinisiyasat nila ang tunay na daan, at sa halip ay hinihintay ang pagbaba ng Panginoong Jesus sakay ng mapuputing ulap batay sa kanilang mga imahinasyon, hinding-hindi nila matatanggap ang pagpapakita ng Diyos. Sa wakas ay naunawaan din ni Zheng Mu'en ang hiwaga ng matatalinong birhen na nakinig sa tinig ng Diyos na binanggit ng Panginoong Jesus, nagpasiyang hindi na maniniwala sa mga kasinungalingan at katawa-tawang mga teorya ng gobyernong CCP at ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, at tumakas sa mga paghihigpit at pang-aalipin ng pastor ng kanyang relihiyon. Lubhang nahirapan si Zheng Mu'en sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Kung hindi sa pagkaintindi o paghahangad sa katotohanan, walang paraan para marinig ang tinig ng Diyos o ma-rapture sa harap ng luklukan ng Diyos. Sa halip, malilinlang at makokontrol at mamamatay lang ang isang tao sa bitag ni Satanas, na lubos na tumutupad sa mga salita sa Biblia na, "Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman" (Hos 4:6). "Ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pagunawa" (Kaw. 10:21).

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/deadly-ignorance-movie.html

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

Si Song Ruiming ay pastor ng isang iglesia sa South Korea. Bilang isang tapat na alagad ng Panginoon sa loob ng maraming taon, masigla siyang sumasampalataya at naglilingkod sa Panginoon habang naghihintay na maitaas sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Nitong nakaraang mga taon, litung-lito siya at nawawalan ng lakas kapag nakikita na wala sa iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu at nagiging lubhang malungkot. Noon niya narinig ang tungkol sa isang sektang tinatawag na Kidlat ng Silanganan na lumalabas sa China na nagpapatotoo sa pagbalik ng Panginoong Jesus—Makapangyarihang Diyos, na gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan. Kaya nga nagpunta si Song Ruiming at ang mangangaral na si Cui Cheng'en sa China para pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan, kung saan binasa nila sa wakas ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nalaman nila na lahat ng salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ang tinig ng Diyos! Malamang na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus! Gayunman, nang pinag-aaralan na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ibinenta sila ng mga elder ng relihiyon na nagsuplong sa kanila sa mga pulis. Inaresto ang dalawa at ipinatapon ng mga pulis ng Chinese Communist. Sa South Korea naman, nasaktan at nalito si Song Ruiming. Patuloy siyang nag-isip ng mga paraan para makontak ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isang araw, bigla niyang natuklasan ang Korean website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Internet, batid na lumaganap na ang Kidlat ng Silanganan sa South Korea at nagtatag ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos! Masayang-masaya at tuwang-tuwa, hinikayat ni Song Ruiming na pag-aralan ng mga kapatid sa kanyang iglesia ang tunay na daan sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matibay ang paniniwala nila na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Masaya nilang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at natagpuan nila ang landas patungo sa kaharian ng langit. Sa huli ay may pagkakataon na rin siyang tuparin ang kanyang pinapangarap na kaharian sa langit.

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/my-dream-movie.html

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

Ang pangalan niya ay Xiao Li. Naninwala siya sa Diyos nang mahigit sa isang dekada. Noong taglamig ng 2012, inaresto siya ng pulisya ng Komunistang Tsino sa isang kongregasyon. Sa panahon ng pagsisiyasat, paulit-ulit siyang hinikayat, binantaan, binugbog at pinahirapan ng pulisya sa kanilang pagtatangka na akitin siya na ipagkanulo ang Diyos sa pamamagitan ng pagbubunyag ng kinaroroonan ng mga lider at pera ng iglesia. Partikular sa isang nagyeyelong gabi nang ang temperatura ay mas mababa ng 20 degrees sa zero, pinuwersa siyang hubaran, ibinabad sa nagyeyelong tubig, sinindak ng kuryente sa kanyang maselang bahagi, at puwersahang pinainom ng mustasang tubig ng mga pulis….Nagdusa siya sa malupit na pagpapahirap at hindi maipaliwanag na pagkapahiya. Sa panahon ng pagsisiyasat, nasaktan at napahiya siya. Desperado siyang nanalangin sa Diyos nang paulit-ulit. Binigyan siya ng napapanahong pagliliwanag at patnubay ng salita ng Diyo. Sa apananampalataya at lakas na tinanggap niya mula sa salita ng Diyos, nalampasan niya ang mabagsik na pagpapahirap at malademonyong pinsala at nagbigay ng kahanga-hanga at tumataginting na pagsaksi. Tulad ng bulaklak ng sirwelas sa taglamig, nagpakita siya ng matatag na kalakasan sa pamamagitan ng pamumukadkad nang may buong kapurihan sa gitna ng matinding kahirapan, na pinagmumulan ng kalugud-lugod na katahimikan …

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/in-the-deep-of-winter-movi...

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

Isang elder si Liu Zhizhong sa isang lokal na bahay iglesia sa Tsina. Naging isa siyang mananampalataya sa mahigit 30 taon, at patuloy na pinananatili na "Ang Biblia ay kinasihan ng Diyos," "Ang biblia ay kumakatawan sa Diyos, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos." Sa kanyang puso, ang Biblia ay napakahalaga. Dahil sa kanyang pagsamba at bulag na pananampalataya sa Biblia , hindi niya kailanman hinanap o natingnan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hanggang sa isang araw, nang hinarangan niya ang mga mananampalataya mula sa online na pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagkaroon siya ng pagkakataong makaharap ang mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matapos sumailalim sa mga matinding debate tungkol sa katotohanan, nagawa ba niyang makita nang malinaw sa huli ang relasyon sa pagitan ng Biblia at Diyos? Nagawa ba niyang lumayo mula sa Biblia upang maunawaan na si Cristo ay ang katotohanan, daan, at buhay? Siya ba ay dadalhin sa harapan ng Diyos?

  

#Bible_Study_Tagalog #Tagalog_Christian_Movie #nagkatawang_tao_ang_Diyos #Pangako_ng_Diyos

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng messenger anumang oras!

Si Zhen Cheng ang may-ari ng isang appliance repair shop. Mabait Si Zhen Cheng ang may-ari ng isang appliance repair shop. Mabait siya, tapat, at nagnegosyo nang naaayon sa libro. Hindi niya susubukang manloko ng kapwa, pero halos sapat lang ang kinikita niya para masuportahan ang kanyang pamilya. Paglipas ng ilang panahon, isang kapamilya at kapwa negosyante ang nag-udyok sa kanyang gawin ang mga di-nakasulat na tuntunin ng negosyo, at nagsimulang maniwala si Zhen Cheng sa mga kasabihang kumakatawan sa satanikong pilosopiya tulad ng: “Ang isang taong walang ikalawang kita ay hindi yayaman kailanman tulad ng isang kabayong hindi bibigat kailanman dahil ginutom sa dayami sa gabi,” “Ang mapangahas ay namamatay sa katakawan ; ang mahiyain ay namamatay sa gutom,” “Hindi pera ang lahat, pero kung wala nito, wala kang magagawang anuman,” at “Una ang pera.” Nawala ang mabuting konsensiya ni Zhen Cheng na dating gumabay sa kanya at nagsimulang gumamit ng pailalim na mga pamamaraan para kumita ng mas maraming pera. Kahit kumita siya ng mas maraming pera kaysa dati, at humusay ang mga pamantayan niya sa pamumuhay, dama ni Zhen Cheng na hindi siya masaya at binalot siya ng pakiramdam ng kawalan; hungkag Ang Buhay at puspos ng pagdurusa.

Pagkatapos tanggapin ni Zhen Cheng ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa huling mga araw, naunawaan niya sa pamamagitan ng a href="https://tl.kingdomsalvation.org/videos/in-the-deep-of-winter-movie.html">Salita ng Diyos na gusto ng Diyos ang mga tapat na tao at hinahamak ang mga mapanlinlang. Naunawaan din ni Zhen Cheng na ang pagiging tapat na tao ay ang tanging paraan para mag-ugaling tunay na tao at ang tanging paraan para makamit ang papuri ng Diyos, kaya isinumpa niyang maging tapat na tao.

Gayon man, ang pagiging tapat na tao sa tunay na buhay ay napatunayang mahirap: Sa mga kapatid sa simbahan, pwede siyang maging diretso tulad ng nararapat, pero kung gayon ang ginawa niya sa mundo ng negosyo, makagagawa ba siya ng pera? Hindi lang posible na mas kaunti ang perang magagawa niya, maaari pa siyang makaranas ng mga matitinding pagkalugi at manganib na mawala ang kanyang shop. … Sa harap ng mga ganoong pakikibaka, mapatakbo kaya ni Zhen Cheng nang may katapatan ang kanyang negosyo? Anu-anong uri ng di-inaasahang pagbabago ang mangyayari sa proseso? Ano ang magiging pinakamahalagang gantimpala niya?

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/i-find-the-right-path-of-l...

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

Si Li Qingxin ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa China na naging tapat sa Panginoon nang maraming taon. Palagi niyang masiglang ginagawa ang gawain ng Panginoon na ipangaral ang Ebanghelyo, maingat niyang hinihintay ang pagdating ng Panginoon para dalhin siya sa kaharian sa langit. Nitong huling mga taon, nakita ni Li Qingxin na naging mas mapanglaw ang iba't ibang sekta at iglesia. Gayunman, ang Kidlat ng Silanganan ay naging mas masigla, sa kabila ng galit na galit na pagtuligsa at pagpapahirap ng gobyernong Chinese Communist government at iba't ibang relihiyon. Parami nang parami ang mabubuting tupa at namumunong tupa ng iba't ibang denominasyon at sekta na tumanggap na sa Kidlat ng Silanganan. Dahil dito, nag-isip-isip si Li Qingxin. Lalo na, nakita niya na hindi nag-aatubili ang mga pastor at elder ng iba't ibang relihiyon na mag-imbento ng mga tsismis at walang-kabuluhang mga bagay para tuligsain at sirain ang pangalan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nakikipag-ugnayan pa sila sa gobyernong Chinese Communist para arestuhin ang mga mangangaral ng Kidlat ng Silanganan. Dama niya na ang mga gawa at kilos ng pastor at elder ay lihis sa paraan ng Panginoon, at alam niya na mabangis na kinakalaban at tinutuligsa ng Chinese Communist Party at iba't ibang relihiyon ay maaaring ang tunay na daan, at ang pagpapakita at gawain ng Panginoon. Noon din ay nagpasiya sila ng ilang katrabaho niya na hanapin at siyasatin ang Kidlat ng Silanganan, pero naharap sila sa lahat ng uwi ng sagabal at problema mula sa pastor at elder. Sa pamamagitan ng pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakikinig sa patotoo ng mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nahiwatigan ni Li Qingxin at ng iba pa ang mga tsismis at kamalian ng pastor at elder. Dahil dito ay naunawaan nila ang napakasamang layunin at lalang sa kanilang mga alagad na humahadlang sa pagsusuri sa tunay na daan, at malinaw nilang nakita ang talagang mapagpaimbabaw ang pastor at elder. Malakas na sinabi ni Li Qingxin at ng iba sa pastor at elder ng relihiyon, "Wala n'yo kaming pakialaman!" Sa huli ay lubos silang nakaalis sa pambibitag at pang-aalipin ng pastor at elder, at nagbalik sa harapan ng luklukan ng Diyos.

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/stay-out-of-my-business.html

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

Si Li Ming’ai ay mula sa mainland China. Isa siyang babaing may mabuting pagkatao, na iginagalang ang kanyang mga biyenan niya, tinutulungan ang asawa niya, at tinuturuan ang kanyang anak at may masaya at mapayapang pamilya . Gayunman, sa China, kung saan ateismo ang may hawak ng kapangyarihan, laging marahas na inaaresto at inuusig ng pamahalaang komunista ang mga taong nananalig sa Diyos. Nuong 2006, si Li Ming’ai ay inaresto at pinagpiyansa dahil sa kanyang pananalig sa Diyos. Nuong makauwi na si Li Ming’ai, siya at ang kanyang pamilya ay madalas nang pagbantaan at tinatakot ng mga pulis ng komunistang China, pati ang kanyang pamilya at at sinusubukan siyang hadlangan na ipagpatuloy ang pananalig niya sa Diyos. Isang araw, habang wala sa bahay si Li Ming’ai at nakikipagpulong, ini-report siya ng isang informer. Pumunta ang mga pulis sa kanyang bahay at sinubukan siyang arestuhin. Napilitan siyang lisanin ang tahanan niya, at mula nang oras na iyon, Buhay si Li Ming’ai na patago-tago sa iba’t ibang lugar at palipat-lipat ng tirahan. Hindi pa rin siya tinantanan ng mga komunistang pulis, palagi pa ring minamanmanan ang kanyang tahanan, at naghihintay ng pagkakataon na arestuhin siya. Isang gabi, palihim na umuwi si Li Ming’ai sa kanyang bahay para makita ang kanyang pamilya, pero agad na nagdatingan ang mga pulis para siya arestuhin. Sa kabutihang palad may nagsabi kay Li Ming’ai, kaya nakatakas siya.

  

tl.kingdomsalvation.org/videos/the-party-is-not-done-talk...

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

Isang mangangaral si Dong Jingxin sa isang bahay sambahan sa Tsina. Tatlumpung taon na siyang nananampalataya sa Panginoon, at minamahal Ang Katotohana; madalas niyang binabasa ang mga salita ng Panginoon at hinihimok ng mga ito. Ipinagmamalaki niya ang kanyang sarili para sa Panginoon nang may sigasig. Dahil sa kanyang gawain ng pangangaral, inaresto siya ng pulisya ng gobyerno ng Komunistang Tsino at ipinadala sa bilangguan kung saan naranasan niya ang kalupitan at pagpapahirap. Ang mga salita ng Panginoon ang gumabay sa kanya at natiis ang pitong taong di-makataong buhay sa bilangguan. Matapos makalaya, pinuntahan siya ng kanyang katrabahong si Chenguang at binasa sa kanya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, sumasaksi na ang Diyos ay nagpakita at gumagawa sa mga huling araw. Binigyan din siya nito ng kopya ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao Matapos basahin ang kaunting mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nadama ni Dong Jingxin na ang mga ito ay makapangyarihan at nanggaling sa Diyos. Nagkaroon siya ng pusong nananabik maghanap. Gutum na gutom sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos sina Dong Jingxin at ang kanyang asawa at natuklasang katotohanan ang lahat ng mga ito, tinig ng Diyos ang lahat ng mga ito. Natukoy nila na talagang pagbabalik ng Panginoong Jesus ang Makapangyarihang Diyos na ilang taon na nilang hinihintay! Habang ang dalawa ay nag-uumapaw sa tuwa ng pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon, pinuntahan sila ng hepe ng pulisya upang balaan na huwag dumalo sa anumang pagtitipon o gumawa ng anumang pangaral. Binalaan niya sila na kailangan nilang iulat ang sinumang nangangaral ng Kidlat ng Silanganan, na nagpabalisa kay Dong Jingxin. Pagkatapos noon, nang malaman ng kanilang pastor na pinamumunuan ni Dong Jingxin ang mga kapatid na tingnan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, humadlang din siya at hinarangan sila. Nahaharap sa pagkalito at pagkagambala mula sa mga puwersa ni Satanas, nagagawang makita nang malinaw ni Dong Jingxin ang tunay na mukha ng mga pastor at elder ng relihiyosong mundo sa pamamagitan ng pagdarasal, paghahanap at pagbabahagi. Hindi siya sumuko, at nagpatuloy na pamunuan ang mga kapatid upang imbestigahan ang tunay na landas, at inimbitahan niya ang mga tao mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos upang magbahagi at sumaksi sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa huli, kinilala ng lahat na ang mga salitang binigkas ng Makapangyarihang Diyos ay talagang tinig ng Diyos, at Siya ang pagpapakita ng Diyos. Naantig ang damdamin ng lahat: Napakaganda ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos!

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/what-a-beautiful-voice-mov...

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

Isang elder si Zhao Zhigan sa Lokal na iglesia sa Tsina. Tulad ng maraming Kristiyano, ang kanyang pinakadakilang pag-asa bilang mananampalataya sa Panginoon ay ang madala nang buhay, masalubong ang Panginoon at mamahala kasama Siya. Noong 1999, matapos ilabas ng pinuno ng iglesia ang mensaheng, "Sa taong 2000 ang Panginoon ay darating muli, at madadala nang buhay ang Kanyang mga mananampalataya," lalo pa siyang nasabik at naging masigasig kaysa dati. Punung-puno ng pananampalataya at kumpiyansa, tiningnan niya ang hinaharap nang may pag-asa at pag-asam.... Gayunpaman, pagkatapos dumating at lumipas ng taong 2000, nabalewala ang lahat ng kanyang pag-asa. Dumating ang isang di-inaasahang krisis sa pananampalataya sa kanyang denominasyon, at hindi niya maiwasang mag-isip kung tama o mali ba ang landas na tinahak niya.

Matapos ang ebanghelyo ng pagbaba ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos na kumalat sa kanyang buong denominasyon, pumasok sa isang mainit na talakayan at debate sina Zhao Zhigang at isang grupo ng mga katrabaho sa mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Umikot ang mga talakayang ito sa mga paniniwalang pinanatili nila ng maraming taon sa kanilang denominasyon.... Sa huli, malinaw na nakita ni Zhao Zhigang na sila ay dinala sa pagkalito ng mga anticristo. Agad niyang nalaman ang katotohanan at tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Kalaunan ay nadala siya sa harapan ng trono ng Diyos, kung saan hindi niya napigilan ang managhoy, "Tunay na nanganib ang aking pagdala!"

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/rapture-in-peril-movie.html

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

Kapag nagpapatotoo ang mga tao na ang Kidlat ng Silanganan ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, nadarama ng maraming nananalig na ang Kidlat ng Silanganan ang tunay na daan, at na dapat nila itong hanapin at siyasatin nang husto para marinig ang tinig ng Panginoon. Gayunman, mali ang interpretasyon ng mga pastor at elder ng relihiyon sa Biblia kaya kinakalaban at tinutuligsa nila ang Kidlat ng Silanganan. Sa kagustuhang "protektahan ang daan ng Panginoon, panatilihing ligtas ang kawan, at maging responsable sa buhay ng mga nananalig," hinahadlangan nila ang mga nananalig sa lahat ng paraan na siyasatin ang tunay na daan. Ang Kidlat ng Silanganan kaya ang pagbalik ng Panginoon, na nagiging malinaw at gumagawa ng gawain? Paano natin dapat tratuhin ang Kidlat ng Silanganan, para makaayon tayo sa kalooban ng Panginoon? Panoorin ang video upang malaman.

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/stay-out-of-my-business-mo...

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

Si Tao Wei ay isang mangangaral mula sa isang bahay-iglesia. Habang nagiging mas malungkot ang kanyang iglesia araw-araw, naging hindi aktibo at nanghina ang espiritu ng lahat ng kanyang tagasunod, at ngayon dumilim ang kanyang sariling espiritu. Hindi na niya maramdaman ang presensiya ng Panginoon, at nalito si Tao Wei, hindi alam ang gagawin. Paano nawala ng mundo ng relihiyon ang gawain ng Banal na Espiritu? Nagbalik na nga kaya ang Panginoon, at nagpakita para gumawa sa ibang lugar? …Habang apurahang naghanap si Tao Wei ng mga sagot sa mga tanong na ito, lalo siyang nasabik na makamit ang panustos ng tubig ng buhay mula sa Diyos. Hinanap niya at ng kanyang mga kapatid ang gawain at pagpapakita ng Diyos, at sa wakas ay nakarating sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, kung saan sinimulan nilang makipag-usap at makipagdebate sa mga Mangangaral ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. … Mahahanap kaya nila ang pinagmumulan ng tubig na buhay sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Makakamit kaya nila ang tubig ng buhay mula sa ilog na dumadaloy mula sa trono?

  

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

Iniisip ng maraming mananampalataya na lahat ng salita at gawain ng Diyos ay nasa loob ng Biblia, na kumpleto na ang pagliligtas ng Diyos at basta’t ibinabase ng mga tao sa Biblia ang kanilang paniniwala sa Panginoon at nananangan sila sa Biblia, maaari silang madala at makapasok sa kaharian ng langit. Talaga bang ganito ang nangyayari? Ang Diyos ba ang makapagliligtas sa atin, o ang Biblia? Ang Diyos ba ang makapagpapahayag ng katotohanan, o ang Biblia? Para malaman ang iba pa, panoorin lamang ang videong ito!

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/the-relationship-between-G...

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

Maraming taon nang naniwala ang Kristiyanong si Chen Yixin sa Panginoon, at naging mapalad na sumalubong sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw— Makapangyarihang Diyos! Naintindihan niya ang agarang kalooban ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos pati na ang misyon at tungkulin na dapat gawin ng isang nilikhang nilalang, kaya sinimulan niyang ibahagi ang Ebanghelyo at sumaksi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Habang ginagawa ito naglalakbay siya sa maraming lungsod at lalawigan at nagdurusa ng pagpigil at pagtanggi mula sa mga relihiyosong grupo nang paulit-ulit pati na rin ng pagtugis at pang-uusig ng pamahalaang CCP. Tinitiis niya ang maraming pagdurusa. Gayunpaman, sa ilalim ng pamamatnubay ng mga salita ng Diyos, nananatili siya sa kanyang misyon, hindi natatakot sa panganib, matapang na sumusulong …

  

tl.kingdomsalvation.org/videos/the-gospel-messenger-movie...

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

Ang mga Fariseo sa mga relihiyon ay pawang maalam sa Kasulatan at naglingkod sa Diyos nang maraming taon, pero hindi lang nila hindi hinanap at siniyasat ang pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao kundi mabangis pa nilang hinatulan, tinuligsa, at kinalaban ito. Talagang hindi kapani-paniwala! Bakit nga ba tinuligsa at kinalaban ng mga Fariseo sa mga relihiyon ang Diyos? Nasa video na ito ang kasagutan.

  

tl.kingdomsalvation.org/videos/why-pharisees-oppose-God.html

  

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

Ang pangalan niya ay Wang Hua, at siya ay mangangaral sa isang bahay iglesia sa Katimugang Tsina. Matapos siyang maniwala sa Panginoon, natuklasan niya sa Biblia na Jehova ang tawag sa Diyos sa Lumang Tipan, at tinawag na Jesus sa Bagong Tipan. Bakit may iba’t ibang pangalan ang Diyos? Talagang nalito si Wang Hua tungkol dito. Sinikap niyang hanapin ang sagot sa Biblia, pero nabigong maunawaan ang hiwaga…. Ngunit matatag siyang naniwala na walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao, kaya’t si Jesus lamang ang Tagapagligtas, at basta nakakapit tayo sa pangalan ni Jesus, tiyak na madadala tayo sa kaharian ng langit. Ngunit isang araw, narinig ni Wang Hua ang nakakagulat na balita: Nagbago na ang pangalan ng Diyos! Pagkatapos niyon, hindi na napanatag ang kanyang puso …

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/God-s-name-has-changed.html

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

Sa nakalipas na mga taon, ang mundo ng relihiyon ay mas lalong pumapanglaw at mas lalong dumarami ang kasamaan, ang mga pastor at elder ay wala nang maipangaral at nawala na ang gawain ng Banal na Espiritu. Gusto niyo ba'ng malaman ang sanhi ng pagkasira ng mundo ng relihiyon? Gusto niyo ba'ng makamit ang gawain ng Banal na Espirity at makasabay sa yapak ng Panginoon? Kung ganoon, panoorin niyo ito!

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/cause-of-desolate-churches...

  

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

Ano ang kaligtasan? Iniisip ng mga nananalig sa Panginoong Jesus na kung taos-puso silang magdarasal sa Panginoon, magtatapat ng kanilang mga kasalanan, at magsisisi, mapapatawad ang kanilang mga kasalanan, at pagkakalooban sila ng kaligtasan, at pagdating ng Panginoon, diretso silang iaakyat sa kaharian ng langit. Pero gayon ba talaga kasimple ang kaligtasan?

Ang bida ng pelikula, si Xu Zhiqian, ay maraming taon nang nananalig sa Diyos, marubdob na naglilingkod sa Kanya, at tinalikuran ang lahat para gampanan ang kanyang mga tungkulin. Dahil dito, inaresto siya at pinahirapan ng Chinese Communist Party. Nang palabasin siya ng bilangguan, patuloy niyang ginampanan ang kanyang mga tungkulin, nagtamo ng kaunting praktikal na karanasan, at nilutas ng kanyang mga sermon at gawain ang ilang praktikal na problema para sa kanyang mga kapatid. Kalaunan, inaresto rin ang kanyang asawa, pero hindi siya nagreklamo, naging negatibo, o nanghina…. Dahil sa lahat ng ito binati at pinuri siya ng kanyang mga kapatid. Naniniwala si Xu Zhiqian na nasa kanya ang realidad ng katotohanan at na walang problema sa pagpasok sa kaharian ng langit. Pero di nagtagal, nagkaroon siya ng di-inaasahang pagsubok— ang asawa niya ay namatay sa pagpapahirap ng mga pulis ng CCP. Si Xu Zhiqian, na balisa, ay may mga paniwala, maling pagkaunawa, at reklamo tungkol sa Diyos, at naiisip ding magrebelde at magtaksil sa Diyos…. Kalaunan, nang matanto niya na nagtataksil siya sa Diyos, nagsimula siyang magnilay-nilay, at nag-isip kung ang mga taong nagdaraan sa mga pagsubok, na katulad niya, at pagkatapos ay nagrereklamo, nagkakamali ng pag-unawa sa Diyos, at nagtataksil sa Kanya ay talagang maliligtas. Talaga bang nararapat silang makapasok sa Kaharian ng Diyos?

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/Salvation-movie.html

  

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

Kasalukuyang dumaranas ng malalang taggutom ang buong mundo ng relihiyon, hindi na nila kasama ang gawain ng Banal na Espiritu o ang presensiya ng Panginoon, parami nang parami ang ginagawa nilang masasama, at humihina at lumalamig ang pananampalataya at awa ng mga mananampalataya. Bukod dito, nagiging malala ang mga sakuna sa buong mundo, nagkatotoo na ang mga propesiya na babalik ang Panginoon sa mga huling araw. Ano ang ugat ng kapanglawan sa mga iglesia? Ano ang kalooban ng Diyos sa likod nito? Makikita mo ang mga kasagutan dito.

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/desolation-in-religious-wo...

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

Anong uri ng tao ang dadalhin sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus, "Kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Ngunit naniniwala ang ilang mga tao na ang kahulugan lamang ng pagsunod sa kalooban ng makalangit na Ama ay pagiging tapat sa pangalan ng Panginoon, masigasig na pagsisilbi sa Kanya, at pagtitiis sa pagdurusa ng pagpasan sa krus, at kung gagawin natin ang mga bagay na ito, kailangan lamang nating mag-abang at maghintay para sa ikalawang pagbabalik ng Panginoon nang tulad nito upang madadala sa kaharian ng langit. Alinsunod ba ang mga ideyang ito sa mga panuntunan ng Panginoon? Ipapaalam ng clip na ito sa iyo.

  

tl.kingdomsalvation.org/videos/gospel-movie-waiting-3.html

  

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

Sa maraming kabataang nahuhumaling ngayon sa online gaming at hindi makaalpas doon, at sa bawat henerasyon ng mga kabataan na mas malala pa kaysa sa huli, hindi maiwasang magtanong ang maraming tao ng: Bakit kailangang patuloy na tangkilikin, paunlarin at itaguyod ng lipunang ito ang online gaming para lasunin ang ating mga kabataan? Bakit napakadilim at napakasama ng mundo?

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/why-world-dark-and-evil.html

  

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

2,000 taon na ang nakararaan, nang gawin ng Panginoong Jesus ang pagtubos, siniraan at tinuligsa siya ng mga relihiyosong Judio. Nakipagtulungan ang mga pinunong Judio sa gobyernong Romano at ipinako Siya sa krus. Sa mga huling araw, dumating na sa China ang Makapangyarihang Diyos—ang Panginoong Jesus sa katawang-tao—para gawin ang Paghatol. Muli, matindi Siyang tinuligsa, sinupil, at inaresto sa pagkakataong ito ng gobyernong Chinese Communist at mga relihiyon. Ang laganap na mga tsismis at maling pagkaunawa na nanghusga at nanira sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay parang di-nakikitang bitag, na bumabalot at kumokontrol sa napakaraming nananalig. Naulit ang trahedya ng kasaysayan …

Ang bida sa pelikulang ito ay isa sa napakaraming nananalig na iyon. Nang una niyang marinig ang Ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nalito siya sa mga tsismis ng gobyernong CCP at mga pinuno ng mga relihiyon. Nasilo siya dahil sa pagkalito … Pagkaraan ng ilang matitinding debate, pinatanto sa kanya ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, at sa huli ay naunawaan niya ang mga tunay na pangyayari sa likod ng mga tsismis. Nalagpasan niya ang bitag at namasdan ang pagpapakita ng tunay na Diyos …

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/break-through-the-snare-mo...

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

Sa relihiyon, maraming taong naniniwala na, kahit hawak ng mga pastor at elder ang kapangyarihan sa relihiyon at ginagaya ang ginawa ng mga ipokritong Fariseo, kahit tinatanggap at sinusunod nila ang mga pastor at elder, nananalig sila sa Panginoon Jesus, hindi sa mga pastor at elder, kaya paano masasabi na ginagaya nila ang mga Fariseo? Hindi ba talaga maliligtas ang isang tao sa pananalig sa Diyos sa loob ng relihiyon?

  

tl.kingdomsalvation.org/videos/believing-in-Lord-within-r...

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

Sa Panahon ng Biyaya, isinagawa ng Panginoong Hesus ang gawain ng pagtubos na nagpatawad sa lahat ng ating mga kasalanan. Hangga't tinatanggap natin ang Panginoong Hesus bilang ating Tagapagligtas at ipinagdasal at ikinumpisal natin ang ating mga kasalanan sa Panginoon, mapapatawad ang ating mga kasalanan at maliligtas tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya. Kaya ano ba talaga ang ibig sabihin ng "naligtas na?" Maaari ba tayong madala at makapasok sa kaharian ng langit sa pamamagitan ng pananalig sa Panginoon, dumating sa ilalim ng Kanyang biyaya at maligtas?

 

youtu.be/YIoO7N5Kf08

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

Dalawang libong taon na ang nakararaan, iprinoposiya ng Panginoong Jesus, "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko." (Pahayag 3:20). Sa loob ng huling dalawang libong taon, naging mapagmatyag ang mga nananampalataya sa Panginoon at hinihintay ang pagkatok Niya sa pintuan, kung ganon paano Siya tutuktok sa pintuan ng sangkatauhan sa Kanyang pagbabalik? Sa mga huling araw, pinatototohanan ng ilang tao na nagbalik na ang Panginoong Jesus — ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao — at gagawin Niya ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ginimbal ng balitang ito ang buong mundo ng relihiyon. Si Yang Aiguang, ang bida ng pelikula, ay ilang dekada ng naniniwala sa Panginoon at matagal ng nakikiisa nang buong-puso sa gawain at pangangaral, naghihintay na salubungin ang pagbabalik ng Panginoon. Isang araw, may dumating na dalawang tao at kumatok sa pinto, sinabi nila kay Yang Aiguang at sa asawa nito na nagbalik na ang Panginoong Jesus at ibinahagi sa kanila ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Labis silang naantig sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, pero dahil natuklasan ni Yang Aiguang ang mga kasinungalingan, panlilinlang at paghihigpit ng mga pastor at elder, pinalayas niya sa bahay nila ang mga saksi ng iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pagkatapos noon, ilang beses pang kumatok sa pintuan nila ang mga saksi at ibinahagi kay Yang Aiguang ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, pinatotohanan nila ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa mga sandaling ito, paulit-ulit na ginulo at pinigil ng pastor si Yang Aiguang, at hindi nawala ang kanyang pag-aalinlangan. Ganunpaman, sa pakikinig sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, tuluyang naintindihan ni Yang Aiguang ang katotohanan at naunawaan ang tungkol sa mga tsismis at kasinungalingang ikinalat ng mga pastor at elder. Naiintindihan na niya sa wakas kung paano kumakatok ang Panginoon sa pintuan ng mga tao sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw, at kung paano natin Siya dapat salubungin. Nung maglaho ang hamog, narinig na ni Yang Aiguang ang tinig ng Diyos at tinanggap na talagang ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/knocking-at-the-door-movie...

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

Karamihan sa mga tao sa relihiyosong mundo ay naniniwala na ang Biblia ay ang panuntunan ng Cristianismo, na ang isang tao ay kailangang kumapit sa Biblia at ibatay ng buo ang paniniwala ng isang tao sa Panginoon sa Biblia, at ang isang tao ay hindi matatawag na mananampalataya kung ang isang tao ay humihiwalay sa Biblia. Kaya ang paniniwala ba sa Panginoon at paniniwala sa Biblia ay iisa at parehas? Ano ba ang eksaktong kaugnayan sa pagitan ng Biblia at ng Panginoon? Minsan nang pinagalitan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo sa mga salitang ito, "Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay" (Juan 5: 39-40). Patotoo lang sa Diyos ang Biblia, ngunit hindi ito naglalaman ng buhay na walang hanggan. Tanging Diyos ang katotohanan, ang daan at ang buhay. Sa sitwasyong iyon, paano natin titignan ang Biblia sa paraang naaayon sa kalooban ng Panginoon?

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/faith-in-god-movie-4.html

  

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

Nahirapan ang tinedyer na adik sa internet na si Li Xinguang sa kanyang adiksyon sa online games. Nang hindi siya mapatigil ng mga pamamaraang naisip ng tao at wala na silang ibang maisip, taos siyang naniwala sa Diyos, nagdasal siya at nanalig sa Diyos, at nakakita ng paraan para tagumpay na maputol ang kanyang adiksyon sa online gaming.

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/successfully-break-web-add...

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

Maraming taong naniniwala na sa pananalig sa Panginoong Jesus ay mapapatawad ang kanilang mga kasalanan, na naligtas sila ng kanilang pananampalataya, at bukod pa riyan kapag naligtas ang isang tao ay naligtas na sila magpakailanman, at kapag bumalik ang Panginoon mara-rapture sila at makakapasok sa kaharian ng langit! Pero sinabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Lahat ng taong ito na tumatawag ng "Panginoon, Panginoon" ay mga taong naligtas ng kanilang tl.kingdomsalvation.org/testimonies-categories/soul-harbo... sa Panginoon, kaya bakit hindi lahat sa kanila ang makakapasok sa kaharian ng langit? Ano’ng nangyayari dito? Ano ba talaga ang kaugnayan ng maligtas sa pagpasok sa kaharian ng langit?

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/stinging-memories-movie-5....

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

Mula nang maging makapangyarihan ang Chinese Communist Party, patuloy na nitong sinugpo at inusig ang Kristiyanismo at Katolisismo upang lubos na mapawi ang lahat ng paniniwala sa relihiyon at maitatag ang China bilang lugar ng ateismo. Lalo na nang maging Pangulo si Xi Jinping umabot na sa sukdulan ang mga pag-atake ng CCP sa pananampalataya, at pati na ang Three-Self Church na opisyal na pinahintulutan ay winawasak at binabaklas ang mga krus.

 

Si Yu Congguang ay isang evangelista na gagawa ng mapanganib na pagtakas mula sa isang maramihang pag-aresto ng CCP. Pagkatapos niyon, pupunta siya sa bahay ng Kristiyanong si Chen Song'en ng Three-Self Patriotic Movement. Gigibain ng CCP ang simbahan ng Three-Self Patriotic Movement ni Chen Song'en, at ipagdarasal ng ilan sa simbahan, matapos makinig sa mga turo ng kanilang mga pastor at elder, ang rehimeng CCP, sa paniwalang sa paggawa nito, sinusunod nila ang mga salita ng Panginoong Jesus na, "Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig" (Mateo 5:44). Gayunman, maraming nananalig ang nalilito, dahil sa kabila ng katotohanan na matagal na nilang ipinagdarasal na mapagpala ang CCP, hindi lamang hindi nagsisi ang CCP, kundi giniba pa ang kanilang simbahan. Nagtaka sila: Talaga bang naaayon sa kalooban ng Diyos ang pagdarasal para sa CCP? Magtatalo ang kongregasyon tungkol sa tanong na ito pero hindi sila magkakasundo. Kalaunan, sa pagbasa sa mga salita ng Diyos at pagbabahagi ni Yu Congguang at ng kanyang kasamahan, malalaman ni Chen Song'en at ng iba pa ang tunay na kahulugan ng turo ng Panginoong Jesus na "ibigin ang inyong mga kaaway." Mahihiwatigan din nila ang kademonyohan ng CCP, na labanan ang Diyos at kamuhian ang katotohanan, at malinaw nilang makikita ang mapanganib na mga bunga ng pagsunod sa mga pastor at elder sa Three-Self church at pag-asa sa proteksyon ng isang napakasamang namumunong kapangyarihan …

 

tl.easternlightning.org/videos/after-the-church-falls-mov...

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.easternlightning.org/disclaimer.html

 

Halos lahat ng tao sa mga relihiyon ay naniniwala na "ang buong kasulatan ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos," at lahat ng nasa Biblia ay Salita ng Diyos. Umaayon ba sa mga tunay na pangyayari ang ganitong klaseng pahayag? Ang Biblia ay patotoo lamang tungkol sa Diyos, isang talaan ng Kanyang gawain, at hindi ganap na binubuo ng Kanyang mga binigkas. Sa loob ng Biblia, tanging ang mga salita ng Diyos na si Jehova, mga salita ng Panginoong Jesus, mga propesiya ng Pahayag at mga salita sa mga propeta na ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos, ang salita ng Diyos. Maliban diyan, karamihan sa natira ay patungkol sa mga tala tungkol sa kasaysayan at mga patotoo tungkol sa mga karanasan ng tao. Kung nais mong malaman ang tunay na kuwento sa loob ng Biblia, panoorin lamang ang videong ito!

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/is-bible-all-inspired-by-G...

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

Hinulaan ng Libro ng Pahayag, "At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo; ... Sapagka't tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanlibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa. Ako'y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong. Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Diyos, at hindi na siya'y lalabas pa doon ... " (Pahayag 3: 7, 10-12). Hinulaan ng Libro ng Pahayag na gagawing ganap ang isang pangkat ng mga mananagumpay bago ang mga kalamidad. Ang gawaing ito ng pagperpekto sa mga mananagumpay ay ang sariling gawain ng Diyos. Kung gayon, paano ginagawa ng Diyos ang grupong ito ng mga mananagumpay sa Kanyang gawain sa mga huling araw? Tuklasin sa video na ito.

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/perfected-a-group-of-overc...

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

Naniniwala ang karamihan sa mga tao sa mga relihiyon na lahat ng salita ng Diyos ay nasa Biblia, at anumang wala sa Biblia ay hindi naglalaman ng Kanyang gawain at mga salita. Ngunit ang pananaw bang ito ay sang-ayon sa katotohanan? Inihula dati ng Panginoong Jesus, "Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating" (Juan 16:12–13). Paano magaganap ang propesiya ng Panginoong Jesus kung wala nang mga salita at gawa ng Diyos sa labas ng Biblia? Ang mga salita at gawa ba na ito mula sa Diyos ay nasa labas ng Biblia? Nasa video na ito ang mga kasagutan para sa iyo.

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/words-or-God-outside-of-bi...

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

Batay sa mga salita ng Panginoong Jesus sa krus na "Naganap na," karaniwan ay sinasabi nang patapos ng mga pastor at elder ng mga relihiyon na tapos na kung gayon ang pagliligtas sa sangkatauhan. Kapag nagbalik ang Panginoon, tatanggapin ang mga nananalig sa kaharian ng langit, at hindi na kailangang padalisayin at iligtas ang mga tao. Naaayon ba ang pananaw na ito ng mga pastor at elder sa mga salita ng Diyos? Saan tumutukoy sa huli ang Panginoong Jesus, nang sabihin Niyang "Naganap na" sa krus? Bakit gugustuhing ipahayag ng Diyos ang katotohanan sa mga huling araw, na hinahatulan at dinadalisay ang mga tao? Anong klaseng mga tao ba talaga ang makakapasok sa kaharian ng langit?

  

tl.kingdomsalvation.org/videos/stay-out-of-my-business-mo...

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

Kapag ang mga kasalanan nating mga mananampalataya sa Panginoon ay pinatawad, makakamit ba natin ang paglilinis? Kung hindi tayo nagsisikap para sa paglilinis, at binibigyang pansin lang ang paggugol sa sarili para sa Panginoon at masigasig na paggawa ng gawain ng Panginoon, madadala ba tayo sa kaharian ng langit? Ang pelikulang ito ng Paggising Mula sa Panaginip, ang magbibigay sa ‘yo ng lahat ng kasagutan!

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/without-holiness-no-man-sh...

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

Naniniwala ang karamihan sa mga tao na pagbalik ng Panginoon, itataas tayo sa hangin para salubungin ang Panginoon. Pero sa Biblia, sinasabi na ang Bagong Jerusalem ay bababa mula sa langit. "Ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao," "Ang mga kaharian ng mundong ito ay nagiging mga kaharian ng ating Panginoon, at ng Kanyang Cristo." Nasa alapaap ba o nasa lupa ang kaharian sa langit? Paano dadalhin ng Panginoon ang mga banal patungo sa kaharian sa langit pagbalik Niya? Ilalahad sa iyo ng halaw mula sa pelikula na ito ang mga kasagutan.

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/my-dream-movie-3.html

  

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

Maraming tao sa pagtanggap sa ikalawang pagparito ng Panginoon ang nagpapahalaga lang sa propesiya sa Kasulatan na bababa ang Panginoon mula sa mga ulap para pumaritong muli habang kinaliligtaan ang propesiya na paparitong muli ang Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao. Sinasabi nila na mali ang anumang paraan ng pagpapatotoo sa ikalawang pagparito ng Panginoon bilang Diyos na naging tao. Nakaayon ba sa Kasulatan ang kanilang pag-unawa at pamumuhay? Patungkol sa pagbalik ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, paano ba talaga ito ipinropesiya sa Kasulatan?

  

tl.kingdomsalvation.org/videos/Lord-s-return-through-inca...

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

Ang mga pastor at elder ay kadalasang itinuturo sa mga tao na hindi sila matatawag na mga mananampalataya kapag lumayo sila mula sa Biblia, at na sa pagtangan lang sa Biblia sila magtatamo ng buhay at makakapasok sa kaharian ng langit. Sang-ayon ba sa kalooban ng Diyos ang pananaw na ito? Ang Biblia ba ang makapagbibigay sa atin ng buhay, o ang Diyos? Sabi ng Panginoong Jesus, "Saliksikin ninyo ang mga kasulatan; sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan: at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay" (Juan 5:39-40). Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Naghahatid ng buhay si Cristo ng mga huling araw, at naghahatid ng walang maliw at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng tao ang Diyos at masasang-ayunan ng Diyos" (Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang pinagmumulan ng buhay ay si Cristo at hindi ang Biblia. Si Cristo lamang ang pinagmumulan ng buhay at Siya ang Panginoon ng Biblia. Tutulunga ka ng videong ito na magtamo ng panibagong pagkaunawa sa Biblia!

  

tl.kingdomsalvation.org/videos/can-we-gain-life.html

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

Mula nang magkaroon ng kapangyarihan, walang-tigil nang sinugpo at pinagmalupitan ng Chinese Communist Party ang mga paniniwala sa relihiyon, at hayagan pang binansagan ang Kristiyanismo at Katolisismo na mga kulto at tinawag na babasahing pangkulto ang Biblia. Sa pagdaan ng mga taon, nagpapatotoo na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagbalik ng Panginoong Jesus, at hinatulan din ito ng CCP na isang kulto. Ang CCP ay isang ateistang partido. Isa itong napakasamang rehimen na kaaway ng Diyos, kaya paano ito nagkaroon ng karapatang magsabi na ang anumang partikular na relihiyon ang tunay na daan, o isang kulto? Paano maiintindihan ng isang tao kung ano talaga ang kulto?

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/red-re-education-at-home-m...

  

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

Sa muling pagdating ng Panginoon, bababa kaya Siya na nasa mga alapaap, o darating kaya Siya nang palihim na tulad ng isang magnanakaw? Paano mo haharapin ang pangalawang pagdating ng Panginoon? Masyado ka bang natatakot na iligaw ng isang huwad na Cristo na tatanggi ka nang hanapin Siya, o gagawin mo ang bahagi ng matalinong birhen at maingat na dinggin ang tinig ng Diyos? Paano ba tayo dapat "mag-abang at maghintay" upang magagawa nating salubungin ang Panginoon sa Kanyang pagbabalik? Panoorin ang maikling video na ito!

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/gospel-movie-waiting-1.html

  

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

Nahaharap sa ikalawang pagdating ng Panginoon, masyado ka bang matatakot sa mga bulaang Cristo na isasara mo ang pinto upang protektahan ang iyong sarili at maghintay para sa pagbubunyag ng Panginoon, o kikilos ka tulad ng matalinong birhen, at dinggin ang tinig ng Diyos at batiin ang pagbabalik ng Panginoon? Sasabihin sa iyo ng maikling video na ito kung paano salubungin ang ikalawang pagbabalik ng Panginoon.

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/gospel-movie-waiting-2.html

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

Si Wang Yue ay pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Buong puso’t kaluluwa siyang nangaral at namuno sa iglesia para sa Panginoon. Pero nang mas lalong nawalan ng mga tao ang kanyang iglesia, lubha siyang nabalisa pero wala siyang nagawa tungkol doon. Habang nagdurusa at nalilito, sinuwerte siyang tanggapin ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Nang matamasa niya ang saganang Salita ng Diyos, lubos niyang nalaman ang lawak ng pagliligtas ng Kanyang pagliligtas. Dahil dito, mas naging totoo para sa kanya ang paghihirap at wala siyang magawa nang mawala ang kasaganaang dulot ng Diyos at nasadlak siya sa kadiliman. Kaya nga, nagpasiya siyang ipangaral ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. … Nang ipangaral ni Wang Yue ang ebanghelyo sa kanyang mga kapatid sa kanyang bayang sinilangan, ginawa ng pastor at elder ng mga relihiyon ang lahat para pigilan at hadlangan siya. Ikinalat nila ang haka-haka sa relihiyon na: "Ang pananalig sa Diyos ay pananalig sa Biblia, at ang pananalig sa Biblia ay pananalig sa Diyos. Ang paglayo sa Biblia ay hindi pananalig sa Diyos!" Sa pamamagitan nito ay nalinlang at nahadlangan nila ang mga mananampalataya sa pagsusuri sa tunay na daan. Nahaharap sa gayong sitwasyon, isang matinding debate ang nagsimula sa pagitan ng dalawang partido. Paano ginamit ni Wang Yue ang salita ng Makapangyarihang Diyos para labanan ang mga haka-haka ng mga relihiyoso? …

  

tl.kingdomsalvation.org/videos/come-out-of-the-bible-movi...

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

Naniniwala ang karamihan sa mga pastor at elder ng relihiyosong mundo na kinakatawan ng Biblia ang Panginoon, at ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Panginoon. Naniniwala sila na kung aalis ang isa mula sa Biblia, hindi siya matatawag na mananampalayata kung gayon, at maaaring maligtas at makapasok ang isang tao sa kaharian ng langit hangga't kumakapit siya sa Biblia. Kaya ba talagang katawanin ng Biblia ang Panginoon? Ano ba talaga ang relasyon sa pagitan ng Biblia at ng Panginoon? Panoorin ang video upang malaman.

  

tl.kingdomsalvation.org/videos/break-the-spell-movie-4.html

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

Ang mga pastor at elder ng mga relihiyon ay pawang mga tao na naglilingkod sa Diyos sa mga simbahan. Madalas silang magbasa ng Biblia at mangaral sa mga nananalig, ipinagdarasal nila ang mga ito at nagpapakita sila ng habag sa kanila, pero bakit sabi natin, mga ipokritong Fariseo sila? Lalo na sa pag-unawa nila sa pagbalik ng Panginoon, hindi lang nila hindi hinahanap o sinusuri ang anuman, kundi bagkus ay matindi nilang sinusuway at tinutuligsa ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Bakit ganito?

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/essence-of-religious-phari...

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

Si Yang Hou'en ay isang pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Maingat niyang hinintay ang pagbaba ng Panginoong Jesus mula sa mga ulap at pagdadala sa kanya sa kaharian ng langit. Dahil dito, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, mahigpit na nanangan sa Kanyang pangalan, at naniwala na sinumang hindi ang Panginoong na bumababa mula sa mga ulap ay isang huwad na Cristo. Kaya nga, nang mabalitaan niya ang ikalawang pagparito ng Panginoon, tumanggi siyang siyasatin iyon…. Samantalang naghintay siya nang walang kibo, inilahad sa kanya ng kanyang pinsang si Li Jiayin ang ebanghelyo ng pagbalik ng Panginoong Jesus. Matapos ang ilang matitinding talakayan, sa wakas ay naunawaan ni Yang Hou'en ang tunay na kahulugan ng "magbantay at maghintay," at nakita niya na ang Makapangyarihang Diyos ang ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus na napakatagal na niyang hinintay.

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/movie-waiting.html

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos na nagkatawang-tao ay ipinako sa krus, taglay sa Kanyang Sarili ang mga kasalanan ng tao at kinukumpleto ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Sa mga huling araw, minsan pang nagkatawang-tao ang Diyos para ipahayag ang katotohanan at upang lubusang dalisayin at iligtas ang tao. Kaya bakit kailangan ng Diyos na dalawang beses na magkatawang-tao upang gawin ang gawain ng pagliligtas sa tao? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan sa pamamagitan ng katawang-tao ni Jesus, iyon ay, iniligtas Niya ang tao mula sa krus, ngunit ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog para sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas yaong mga taong tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad ay mapalaya mula sa kanilang mga kasalanan at magawang ganap na malinis, at sa pagkakamit ng pagbabago sa disposisyon, sa gayon ay makawala sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas at makabalik sa harap ng trono ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring lubos na mapabanal ang tao" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao). Inilalahad ng video na ito ang hiwaga ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos.

  

tl.kingdomsalvation.org/videos/mystery-of-godliness-the-s...

  

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

Marami sa mga nananalig sa Panginoon ang naniniwala na basta’t sila ay nagsasakripisyo, nagpapakahirap, at nagsusumikap, siguradong mauuna silang madala. Pero may batayan ba ito sa mga salita ng Panginoon? Sabi ng Panginoong Jesus, "Datapuwa’t maraming mga una na mangahuhuli; at mga huli na mangauuna" (Mateo 19:30). "Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig" (Juan 10:27). Malinaw na ang nagpapasiya kung mara-rapture ang isang tao o hindi ay kung naririnig nila ang tinig ng Panginoon. Yaong mga nakarinig muna sa Kanyang tinig at tumanggap sa Kanyang pagpapakita at gawain ay matatalinong dalaga, at sila ang unang mara-rapture.

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/yearning-movie-3.html

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

1