View allAll Photos Tagged Repleksyon_sa_Ebanghelyo

Ang pangunahing tauhan ay isang relihiyosang batang Kristiyano na laging umaasam na masalubong ang pagpapakita ng Panginoon. Ngunit nang sumaksi ang kanyang ina na nagbalik na ang Panginoong Jesus bilang Makapangyarihang Diyos, nagtalo ang kalooban niya. Laging sinasabi ng kanyang pastor na magsisilitaw ang mga bulaang Cristo sa mga huling araw, kaya natatakot siyang mailigaw kung aalamin niya ito. Ngunit kung hindi niya aalamin ito at ang Makapangyarihang Diyos ay ang talagang nagbalik na Panginoong Jesus, hindi ba mapapalampas niya ang pagkakataong salubungin ang pagdating ng Panginoon? Dahil sa pagtatalong ito ng kalooban, naunawaan niya na ang susi para masiyasat ang tunay na daan ay ang makinig sa tinig ng Diyos, at na kung siya ay palaging nag-iingat na mailigaw, hindi niya masasalubong ang Panginoon. Nagpasiya siya na hanapin at siyasatin ito. Binasa niya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at sa wakas ay nakilala niya ang tinig ng Diyos, kaya sinalubong niya ang pagpapakita ng Panginoon. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon habang nananatili tayong nag-iingat mula sa mga bulaang Cristo? Nasa video na ito ang sagot.

  

#Buhay_sa_Iglesia #Matatalinong_Dalaga #nagkatawang_tao_ang_Diyos #Katotohanan #Repleksyon_sa_Ebanghelyo

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng messenger anumang oras!

Si Gu Shoucheng ay isang pastor sa isang bahay-sambahan sa China. Nanalig na siya sa Panginoon nang maraming taon, at hindi nagbabago sa pagsisikap na magbigay ng mga sermon, at marami na siyang napuntahan para ipangaral ang ebanghelyo. Naaresto na siya at nakulong dahil sa pangangaral ng ebanghelyo, at nakulong nang 12 taon. Nang makalabas na siya ng bilangguan, patuloy na naglingkod si Gu Shoucheng sa iglesia. Gayunman, nang dumating ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa iglesiang kinsasapian ni Gu Shoucheng, ni hindi niya ito hinahanap o sinisiyasat, kundi umaasa siya sa sarili niyang mga paniwala at pagkaintindi nang buong katigasan ng ulo na husgahan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at ginagawa niya ang lahat para magkalat ng mga paniwala at maling pagkaintindi upang putulin at pigilan ang pagtanggap ng mga nananalig sa tunay na daan. Matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos noon natuklasan ni Gu Shoucheng na tunay ngang sila ay may awtoridad at kapangyarihan at na sinuman ang nakarinig sa mga ito ay makumbinsi, at natakot siya nang husto na sinuman sa iglesia ang makabasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay mananalig sa Kanya. Natakot siya na kung magkagayo'y hindi niya mapapanatili ang kanyang katayuan at pamumuhay. Kaya nga, tinalakay niya ito kay Elder Wang Sen at sa iba pa sa iglesia at ipinasiya niyang linlangin ang mga tao sa mga tsismis na ginamit ng pamahalaang Chinese Communist sa pag-atake at paghusga sa Makapangyarihang Diyos. Ginagawa nina Gu Shoucheng at Wang Sen ang lahat para isara ang iglesia at pigilan ang mga tao sa pagtanggap sa tunay na daan, at tumutulong pa sila sa makademonyong rehimen ng CCP para arestuhin at usigin ang mga nagpapatotoo sa Makapangyarihang Diyos. Malaking kasalanan sa disposisyon ng Diyos ang kanilang ginagawa at sumasailalim sila sa Kanyang sumpa. Dahil aarestuhin na ni Wang Sen ang ilang taong nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, naaksidente siya at namatay doon mismo. Nabubuhay si Gu Shoucheng sa takot at kawalang-pag-asa at natataranta. Madalas niyang sinasabi sa sarili: "Ang paghatol ko ba sa Makapangyarihang Diyos ay ipinapakong muli ang Diyos sa krus?"

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/whos-nailing-god-to-the-cr...

  

#ebanghelyo #Repleksyon_sa_Ebanghelyo #pagbabalik_ng_Panginoon #Kaligtasan #pananalig_sa_Diyos

  

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng messenger anumang oras!

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Gusto ba ninyong malaman ang ugat kung bakit kinalaban ng mga Fariseo si Jesus? Gusto ba ninyong malaman ang diwa ng mga Fariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lamang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinanap ang katotohanan ng buhay. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman tungkol sa landas ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang landas ng katotohanan. Paano ninyo nasasabi na matatamo ng gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas? Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang landas ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman, at hindi pa nila nakasama ang Mesiyas kailanman, nagkamali silang kumapit nang walang-saysay sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang diwa ng Mesiyas sa anumang paraan. Ang diwa ng mga Fariseong ito ay mga sutil, mapagmataas, at hindi sumunod sa katotohanan. Ang prinsipyo ng pananalig nila sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang mga pananaw na ito? Tatanungin Ko kayong muli: Hindi ba napakadali ninyong magawa ang mga pagkakamali ng mga sinaunang Fariseo, yamang wala kayong kahit katiting na pagkaunawa kay Jesus? Kaya mo bang makilala ang daan ng katotohanan? Talaga bang magagarantiyahan mo na hindi mo kakalabanin si Cristo? Kaya mo bang sumunod sa gawain ng Banal na Espiritu? Kung hindi mo alam kung kakalabanin mo si Cristo, sinasabi Ko na nasa bingit na ng kamatayan ang buhay mo. Yaong lahat na hindi nakakilala sa Mesiyas ay kayang kalabanin si Jesus, tanggihan si Jesus, siraan Siya ng puri. Ang mga taong hindi nakakaunawa kay Jesus ay kayang lahat na itatwa Siya, at laitin Siya. Bukod pa riyan, kaya nilang ituring na panlilinlang ni Satanas ang pagbalik ni Jesus, at maraming tao ang huhusga kay Jesus na nagbalik sa katawang-tao. Hindi ba kayo natatakot sa lahat ng ito? Ang kinakaharap ninyo ay magiging kalapastanganan sa Banal na Espiritu, pagkawasak sa mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, at paghamak sa lahat ng ipinapahayag ni Jesus. Ano ang mapapala ninyo kay Jesus kung litung-lito kayo? Paano ninyo mauunawaan ang gawain ni Jesus kapag bumabalik Siya sa katawang-tao sa ibabaw ng puting ulap, kung nagmamatigas kayong huwag kilalanin ang inyong mga pagkakamali? Sinasabi Ko ito sa inyo: Ang mga taong hindi tumatanggap ng katotohanan, subalit pikit-matang naghihintay sa pagdating ni Jesus sa ibabaw ng puting mga ulap, ay tiyak na lalapastangan sa Banal na Espiritu, at sila ang kategoryang wawasakin. Hinahangad lamang ninyo ang biyaya ni Jesus, at gusto lamang ninyong tamasahin ang napakaligayang dako ng langit, subalit hindi pa naman ninyo nasunod kailanman ang mga salitang sinambit ni Jesus, at hindi pa ninyo natanggap kailanman ang katotohanang ipinahayag ni Jesus kapag bumabalik Siya sa katawang-tao. Ano ang panghahawakan ninyo bilang kapalit ng katunayan ng pagbabalik ni Jesus na nasa ibabaw ng puting ulap? Ang kataimtiman ba ninyo sa paulit-ulit na paggawa ng mga kasalanan, at pagkatapos ay pangungumpisal ng mga iyon, nang paulit-ulit? Ano ang iaalay ninyong sakripisyo kay Jesus na nagbabalik sa ibabaw ng puting ulap? Ang mga taon ba ng paggawa na nagpapadakila sa inyong sarili? Ano ang panghahawakan ninyo para pagkatiwalaan kayo ng nagbalik na si Jesus? Ang inyo bang likas na kayabangan, na hindi sumusunod sa anumang katotohanan?" ("Sa Sandaling Mamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa").

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/tagalog-testimony-video.html

 

#Matatalinong_Dalaga #Repleksyon_sa_Ebanghelyo #pagbabalik_ng_Panginoon

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng messenger anumang oras!

Ang Samaritanang babae, isang ordinaryong babae, ay walang ganoong kaalaman sa biblia gaya ng mga Fariseo, ngunit nakilala niya na ang Panginoong Jesus ay ang dumating na Mesiyas. Bakit? Ito ay dahil ang Panginoong Jesus ay isiniwalat ang kanyang mga lihim, nilutas ang pagkalito sa kaniyang puso, at itinuro ang daan sa kanya upang sambahin ang Diyos.

Mula sa mga salita ng Panginoong Jesus, nakilala niya na Siya ang ipinropesiyang Mesiyas. Gayunpaman, ang mga punong pari, mga eskriba at mga Fariseo na naglingkod sa Diyos sa templo ay napakinggan din ang mga salita ng Panginoong Jesus, ngunit hindi nila kinilala ang Panginoong Jesus bilang Cristo, ang ipinropesiyang Mesiyas, ngunit sa halip ikinondena ang Panginoong Jesus na sinasabing, "Hindi baga ito ang anak ng anluwagi?" (Mateo 13:55). Makikita na binigyang pansin lamang nila ang pagpapakita ng Panginoong Jesus ngunit hindi nagtuon ng pansin sa pakikinig ng Kaniyang mga salita, kaya hindi nila nakilala ang Panginoon bilang Diyos.

 

Ang mga katotohanang ito ay ipinapakita na hindi lamang tayo dapat na umasa sa ating mga mata upang masalubong ang Panginoon at ang susi ay makinig sa Kaniyang tinig. Ngayon ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay natutupad na, at ang Panginoon ay dumating na nang palihim bago ang mga sakuna. Paano natin makikilala ang tinig ng Panginoon at masalubong Siya?

 

Ebanghelyo ng Kaharian ng Langit

 

www.facebook.com/kingdomsalvationtl/posts/3602674629786381

  

#ebanghelyo #pagbabalik_ng_Panginoon #pananalig_sa_Diyos #Repleksyon_sa_Ebanghelyo

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng messenger anumang oras!