View allAll Photos Tagged Pangako_ng_Diyos

Balangáw ang sinaunang tawag sa bahaghari sa Tagalog at Ilonggo. Pangalan din ito ng katutubong bathala na si Balangáw (na binaybay ding Varangao sa ibang ulat) at sinaunang sagisag ng pag-asa. Sa ibang alamat, ang balangáw ay isang tulay na naghuhugpong sa langit at sa lupa. Nang humiling si Manik Buangsi na bumalik sa langit, lumitaw ang isang putîng kabayo upang kaniyang sakyan at ang balangáw na nakaugpong sa ulap ang isang dulo. Isang tagalangit si Manik Buangsi kayâ maaaring maglandas sa balangáw patungo sa langit. Ngunit nagdaraan sa mga pagsubok na mapanganib ang sinumang tagalupang umakyat ng balangáw. Gayon ang dinanas ni Tuan Putli, asawang tagalupa ni Manik Buangsi, nang magpasiya itong umangkas sa kabayo paakyat sa langit. Kayâ ibinilin ni Manik Buangsi na huwag didilat at lilingon ang asawa hábang naglalakbay sa balangáw. Sinikap ihulog si Tuan Putli ng malalakas na hangin. Nakarinig siyá ng mga nakatatákot na tinig. Ngunit hindi nakatiis si Tuan Putli nang marinig ang tinig ng ina. Dumilat siyá upang makita ang ina at hinigop ng lakas pabagsak sa lupa.

 

Sang-ayon naman sa Banal na Kasulatan, ang balangáw o bahaghari ay sagisag ng pangako ng diyos na si Yahweh na hindi niya gugunawin ang lupa sa pamamagitan ng bahâ. Laking pasalamat ni Noe nang lumitaw ang makulay na balangáw pagkatapos ng napakatagal na dilubyo.

 

Itinuturo ng agham na ang balangáw ay isang pangyayaring optiko at meteorolohiko. Nagkakaroon ng bahaghari kapag nagdaan ang sinag ng araw sa patak ng ulan sa atmospera ng Lupa. Tila ito balantok o arko ng maraming kulay. Binubuo ito ng pitóng pangunahing kulay na pula, kahel, dilaw, lungtian, bughaw, puláng lila, at lila. (VSA)

 

Balik sa pamilya ng D'yos, sabik, masaya.

Kamay ko'y tangan ang sinta, puso'y sa Kanya.

Lambak ng Luha ma'y dinaanan, rikit ng D'yos nakita.

Pag-ibig bawa't araw lumalago, D'yos aking galak.

Nagayuma ng ganda ng D'yos, puso'y kapit sa Kanya.

D'yos 'di maibig nang sapat, awiting papuri ay apaw.

Nagayuma ng ganda ng D'yos, puso'y kapit sa Kanya.

D'yos 'di maibig nang sapat, awiting papuri ay apaw.

Sa pinagpalang lupang Canaan, lahat sariwa, bago,

punô ng lakas ng buhay.

Buháy na tubig mula sa praktikal na D'yos, tustos sa aking buhay.

Lasap pagpapala ng langit, 'di na maghanap, magnasa.

Napasa-pinagpalang lupang Canaan, galak walang-kapantay!

Pag-ibig ko sa D'yos dulot ay lakas.

Himig ng papuri ay abot-langit, pag-ibig sa Kanya ay sambit.

Kayganda ng sinta ko! Ganda Niya ay binihag ang puso ko.

Bango ng sinta ko, pumipigil sa paglisan.

Mga bituin sa langit ngumingiti sa akin, araw tumatango,

sa sikat n'ya, ula't hamog, bunga ng buhay ay hinog.

Salita ng Diyos, sagana, pistang kaytamis.

Sapát at punóng tustos ng D'yos tayo'y nasiyahan.

Canaan, mundo ng salita ng D'yos; pag-ibig Niya dulot ay walang-hanggang galak.

Canaan, mundo ng salita ng D'yos; pag-ibig Niya dulot ay walang-hanggang galak.

Bango ng mga prutas pumupuno sa hangin.

Dumito ilang araw, mamahalin ito higit sa anuman.

Kailanman 'di mo nanaising lumisan.

Buwang pilak kayliwanag. Buhay ko'y mabuti't masaya.

Sinisintang Isa sa puso ko, kariktan Mo'y 'di mawikà.

Kaytamis pag-ibig sa'Yo, tumatalon ako sa tuwa.

Lagi Kang nasa puso ko, habang buhay kapiling Mo.

Puso ko ay laging sabik sa'Yo; kaysayang ibigin Ka araw-araw.

O sinisinta sa puso ko! Sa'Yong lahat pag-ibig ko.

Puso'y laging sabik sa'Yo; kaysayang ibigin Ka araw-araw.

O sinisinta sa puso ko! Sa'Yong lahat pag-ibig ko.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

 

Rekomendasyon: Ano ang mga pangako ng Diyos sa mga naligtas at nagawang perpekto?

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

"Sinabi ng Anghel: ang aking mga salita ay matutupad pagdating ng takdang panahon"

 

Alay ng Batong daig

Isang elder si Liu Zhizhong sa isang lokal na bahay iglesia sa Tsina. Naging isa siyang mananampalataya sa mahigit 30 taon, at patuloy na pinananatili na "Ang Biblia ay kinasihan ng Diyos," "Ang biblia ay kumakatawan sa Diyos, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos." Sa kanyang puso, ang Biblia ay napakahalaga. Dahil sa kanyang pagsamba at bulag na pananampalataya sa Biblia , hindi niya kailanman hinanap o natingnan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hanggang sa isang araw, nang hinarangan niya ang mga mananampalataya mula sa online na pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagkaroon siya ng pagkakataong makaharap ang mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matapos sumailalim sa mga matinding debate tungkol sa katotohanan, nagawa ba niyang makita nang malinaw sa huli ang relasyon sa pagitan ng Biblia at Diyos? Nagawa ba niyang lumayo mula sa Biblia upang maunawaan na si Cristo ay ang katotohanan, daan, at buhay? Siya ba ay dadalhin sa harapan ng Diyos?

  

#Bible_Study_Tagalog #Tagalog_Christian_Movie #nagkatawang_tao_ang_Diyos #Pangako_ng_Diyos

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng messenger anumang oras!

Pagkaraan ng daan-daang taong paghihigpit ng utos, sa huli ay nanganib ang mga Israelita na mahatulan at mamatay ayon sa kautusan dahil sa kanilang mga paglabag. Agad-agad silang nanawagan sa Diyos, na nangako sa kanila—isang pangakong magbabago sa tadhana at buhay nila. Kaya ano nga ba ang pangakong ito? Ang sagot ay inihahayag sa kamangha-manghang maikling pelikulang Kristiyanong ito na, Ang Pangako ng Diyos sa mga Israelita.

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/God-s-promise-to-israelite...

  

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

Dalawang libong taon na ang nakararaan, ipinangako ng Panginoong Jesus, "Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’s maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon" (Juan 14:2-3). Maraming naniniwala na nagbalik sa langit ang Panginoon, kaya siguradong naghanda Siya ng lugar para sa atin sa langit. Naaayon ba ang pagkaunawang ito sa mga salita ng Panginoon? Anong mga hiwaga ang nakapaloob sa pangakong ito?

 

tl.kingdomsalvation.org/videos/yearning-movie-5.html

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html