Back to photostream

San Matias de Abucay

✝️ Kwaresma 2021

Apostol San Matias

Abucay, Bataan

Camarero : Oliver Bactad Leonardo and Family

 

Ang kaunting nalalaman natin tungkol sa buhay ni San Matias ay matatagpuan sa sulat ni San Lucas sa Mga Gawa ng mga Apostol. Ipinalalagay na isa siya sa pitumpu't dalawang disipulo ng Panginoon. Nang maakyat na si Kristo sa langit, nagkatipun-tipon ang mga apostol, ang Mahal na Birhen at iba pang mga tagasunod ni Kristo sa Jerusalem. Tumindig si San Pedro at nagwika: "Mga kapatid, kailangang matupad ang Kasulatan na ipinaalam ng Espiritu Santo sa pamamagitan ni David tungkol kay Judas na siyang namuno sa mga humuli kay Hesus. Kaya nga't kinakailangan na sa mga taong nakasama natin sa buong panahong nakipamuhay sa atin ang Panginoong Hesus, simula sa pagbibinyag ni Juan hanggang sa araw na Siya'y kunin sa atin, ang isa sa kanila ay napasama sa atin, bilang isang saksi ng Kanyang muling pagkabuhay." At ibinukod nila ang dalawa: si Jose na tinatawag na Barsabas, at tinaguriang Justo, at si Matias. At pinagsapalaran sila, at si Matias, ang nagkapalad na mahirang sa labing-isang apostol (Gawa 1:15-25). Si Matias ang humalili kay Judas Iscariote.

 

Una siyang nangaral sa Judea; pagkatapos ay sa Cappadocia at sa mga lugar sa paligid ng dagat ng Caspian. Walang nakababatid ng paraan kung paano siya namatay. May nagsasabing siya'y ipinako sa krus, at ang iba naman ay nagsasabing siya'y pinugutan ng ulo.

 

Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan

#kwaresma2021 #holyweek2021 #abucaybataan #sanjudastadeodeabucay #santiagobata

Parokya Ng Sto. Domingo, Abucay Bataan

126 views
0 faves
0 comments
Uploaded on April 3, 2021