manfrommanila
Playground
Gusto mo bang sumama?
Ang aking playground gusto mo bang makita?
Walang padulasan doon na gaya ng sa iba
Wala ring duyan, wala ni isa.
Di rin makikita ang maraming bata
Na naghahabulan, naglalaro ng taya-taya
Walang damuhan na pwedeng higaan
Walang patag na lupa na pwede mong daanan
Gayunpaman, sa twing ako ay naroon
Masaya na rin sa bawat pagkakataon
Sa lahat ng oras, anumang panahon
Ramdam kong ako'y malaya, isip ko'y mahinahon
Playground
Gusto mo bang sumama?
Ang aking playground gusto mo bang makita?
Walang padulasan doon na gaya ng sa iba
Wala ring duyan, wala ni isa.
Di rin makikita ang maraming bata
Na naghahabulan, naglalaro ng taya-taya
Walang damuhan na pwedeng higaan
Walang patag na lupa na pwede mong daanan
Gayunpaman, sa twing ako ay naroon
Masaya na rin sa bawat pagkakataon
Sa lahat ng oras, anumang panahon
Ramdam kong ako'y malaya, isip ko'y mahinahon