Back to photostream

Gift of JOY

January 31, 2009

 

PAGSUNDO

 

Kami ni Suzette ang nangarkila ng masasakyan sa pagsundo sa imahe. May pasok ng sabado si tatay kaya ang option ko ay mang-arkila na lamang. Ang tanging isinama namin ay si Jomar at Jenny mga batang malapit sa puso namin. Mag aalas diyes na ng makaalis kami.

 

First stop: Paskuhan Village

 

Dito kasi namin susunduin si Jayson isang mabuting kaibigan na siyang naghanap ng madadamitan at pansamantalang maisusuot na wig ni Santa Maria Jacobe. Dito na din ang daan papunta sa bahay ni Kuya Alvin, kaibigan ni Jayson na maluwag na nagpahiram ng madadamitan at pansamantalang magiging wig ng imahe - habang wala pa pambili.

 

Second Stop: Bulaon Resetlement - bahay ni Kuya Alvin

 

Bagaman di namin naabutan sa bahay niya c Kuya Alvin maluwag kaming tinanggap ng kanyang ina at kapatid. Sa bahay namamalagi ang processional image ng kanilang titular patron "Good Sheperd", manggagaling din sa mga lumang gamit ng imahe ang ipapahiram na damit at wig. Katabi ng imahe ang isa pang imahe ni Kristo na nakapako "Miserecordia" at habang naghahanap si Jayson ay sa mga imahe kami nakatutok. Isang purple na damit ang naipahiram na naipagpalit daw mula sa imahe ni Glen na tiga Mexico. At ang wig ay ang dating gamit ng imahe nila.

 

Third stop: lumipat kami ng bahay sa kapatid naman ni Kuya Alvin

 

Sa di kalayuan nadalaw din namin ang bahay ng kapatid ni Kuya Alvin. Maluwag din kaming pinapasok at doon din tumutuloy ang isa pang processional image "Divina Pastora". Sa damit din ng imahe ang ipapahiram, doon ay patuloy ang paghahanap ni Jayson ng madadamitan. May kulay pink na damit at pink na balabal at purple na pang belo ang ipinahiram sa amin ni ate.

 

Along the way

 

Doon na sa may contral kami dumaan papunta ng Bacolor, short-cut daw yun ayon kay Jayson. Sa pagkakataong ito nakita namin ng medyo malapit ang tinatawag nilang simbahan ng kulto na napakalaki pala at may kagandahan. Panahon din ng harvest sa tubo kaya nakita namin silang mga nagtatrabaho sa tubuhan sa pagsakay nila ng tubo sa mga truck. May huling pupuntahan kami bago ang pagdiretso namin sa Dau, Lubao. Kukunin na namin ang ibinibigay na synthetic wig ni Mang Rey Cayanan. Sa puntong ito salamat kay Jayson sa donation na ibinigay niya ng kusa sa pagkuha ng wig.

 

Fourth Stop: shop ni Mang Rey Cayanan (Bacolor)

 

Bagaman di namin nadatnan si Mang Rey napakiusapan niya sa kanyang butihing maybahay ang wig at ibinigay ng maluwag sa amin. Di na rin kami nagtagal dun at patuloy na kami sa paglakbay upang masilayan na ang imahe.

 

Fifth stop: bahay at shop ni Kuya Junior Viray (Dau, Lubao)

 

Bumungad sa amin ang kanyang kasalukuyang obra "La Pieta" na gaya sa gawa ni Michaelangelo. At sa wakas ay nasilayan na namin si Santa Maria Jacobe, di man naipinta ang ibang parte - isang tunay na obra. Nandun din si Jeff na matagal na naghintay at ang kaibigan niya na nagpapagawa ng angel kay kuya, di na namin nadatnan dahil nainip na daw sa paghihintay at nauwi na. Sinimulan na ni Jayson ang pagbibihis habang kami'y nagkukwentuhan. Tuwang-tuwa din sila na kasambahay ni kuya sa panonood at pakikinig sa aming magkakaibigan. At ng mabihisan na - photo oppurtunity na ito! Pagtapos nito ay ang pagsakay na sa imahe sa sasakyan.

 

Sixth stop: San Guillermo Church Convent, Bacolor

 

Di na ito kasama sa mga pupuntahan namin pero ini-request ni Jayson ang maibless ang imahe ni Father Jess Manabat, ang kanilang kasalukuyang Parish Priest. Doon ay nadatnan namin ang kanyang mga kaibigan pati na si kuya Derik na kasalukuyang ine-encarna ang Birhen ni Lauzen. Napakaganda ng kulay ng pinipintahan ni kuya. Doon din ay may nagsu-shooting ABS CBN "May Bukas Pa". Nag-visit muna kami sa simbahan at doon kami nagtagal sa paghihintay sa pari, pero okay lang naman it's all worthied. Naipakita sa amin ni Jayson ang replica ng Virgen delos Remedios at ang kay gandang Sta. Martha de Betania na obra din ni Derik at binihisan ni Mark Tumang. Dumating din si Mark Tumang na siyang may likha ng mga damit ng santo ni Father Jess. Doon ko na din siya nakilala at pinakikiusapan na damitan ang aming mga santo. Nakapag-disisyon kami na umuwi na at sa pagsampang muli ng imahe ay nabali ang tarugo ng ulo. Sa sobrang alala ko at gutom na din, iniisip pa ang kapakanan ng driver dahil sobrang nagtagal kami, di ako makapag-isip ng gagawin.

 

Seventh stop: pagbabalik sa shop ni Mang Rey

 

Si Jeff ang nakaisip na patulong kami kay Mang Rey, o sa mga kasamahan niya na nasa shop. Kasalukuyan silang may mga inira rush na trabaho. Mabuti at napakiusapan. Muli pa lamang nagbalik ang aking kaluwagan sa pag-iisip ng maibalik ang ulo sa dati at pinatibay. Binihisang muli ni Jayson ang imahe upang mabendisyunan.

 

Eight stop: pagbabalik sa convent

 

BLESSING

 

Sa aming pagbalik may napansin nanaman kami sa imahe, naalis ang kanyang pilik-mata at di lang yun sa pagtungtung niya ng convent ay tuluyang nawala ang kanyang pilik-mata. Mabuti nalang at nahanap ito ni Jeff. Anong tuwa ang aming naramdaman ng i-bless ni Father Jess ang imahe, dinasalan niya ang imahe ng taimtim at binendisyunan.

 

Kuya Derik

 

Di pa kami nakaalis pagkatapos, ipinakiusap ko kay kuya Derik ang paglagay ng maayos sa pilikmata na natanggal. Sinubukan niyang i-check ang iba at natatanggal nga lahat. Mabuti na lamang at napakabait niya at napaki-usapan ng mabuti. Lahat ng pilikmata ay nailagay ng maayos at ng matuyo - yun na ang pagkakataon na siya'y aming iuwi.

 

Ninth stop: HOME

 

WELCOME

 

Si Jeff at ang driver ay ang aming katulong sa pagbubuhat sa imahe. Sa patungang aming iniayos bago umalis doon namin siya inilagay. Sa wakas din ay nakakain na kaming lahat, lunch palang yun 4:00 PM na!

 

UNANG BISITA

 

Habang kumakain ay siyang pagdating ni Kuya Levy Miller at Kuya Joseph na kanyang kaibigan.Napakiusapan ko din si Kuya Levy na pahiraman siya ng damit upang maayos ang pagpapakilala niya bukas. Tuwang-tuwa ang lahat sa panonood habang siya ay binibihisan ni Kuya Levy habang nagkukwentuhan, wari'y kanyang pinakikiusapan. Gamit ang mga accessories ni Santa Maria Cabeza pinalamutian siya ni kuya.

 

Si lolo at si tatay ang nag-ayos ng areola na ginawang payong na galing kay Allan. Si lolo din ang gumawa ng paraan upang may maging walis ang hadle na bigay ni Kuya Junior, galing ito sa lumang paint brush ni tatay.

 

UNANG MISA

 

Linggo kinabukasan at unang araw ng Pebrero ganap na alas sais ng magtatakipsilim ng amin siyang idala sa altar ng aming chapel upang mabendisyunan ng kura (Father Joselito Henson) namin. Eto din ang kauna-unahang misa na siya'y makasama. Si Harren ang nagdala sa kanya sa chapel mula sa aming bahay na may kalayuan din, kaya gumamit siya ng pedicap. Tumulong din ng voluntario ang ibang mga kabataan.

10,077 views
6 faves
41 comments
Uploaded on February 5, 2009
Taken on February 1, 2009