JONNELL
REINA DE CAVITE - LUZ DE FILIPINAS
NOVIEMBRE 17, 2008
Ika-30 taong Anibersaryo ng Koronasyong Kanonikal ng Mahal na Birhen ng Soledad. Sa pangunguna ni Obispo Nestor Cariño, ipinagdiwang ng Cofradia kasama ang iba't ibang deboto mula sa loob at labas ng Kabite ang Anibersaryo ng Pagpuputong ng Korona sa nag-iisang Reina ng Kabite. Idinaos ito sa Parokya ni San Francisco, Gen. Trias, Cavite.
INA, REYNA at PATRONA ng buong LALAWIGAN NG KABITE
Simula pa man ng magpakita noong 1667, tinaguriang LA EXCELSA PATRONA de la PROVINCIA DE CAVITE y La Celestial Guardiana y Protectora de la Provincia de Cavite y su Puerto mula pa man noon hanggang ngayon, hindi mabilang na mga himala ang ipinamalas ng Mahal na Ina, dahilan upang lumaganap at lumakas ang pagdedebosyon sa Kanya hindi lamang sa buong lalawigan ng Kabite kundi sa iba't ibang panig ng bansang Pilipinas.
Naging tanggulan at kanlungan ng sambayanang Kabitenyo sa panahon ng himagsikan at pagbabago, kung kaya't tinaguriang ILAW NG PILIPINAS. Nang taong 1883, buong ringal na ipinagdiwang ang kapistahan sa pangunguna ng Gobernador ng Lalawigan na si Don Juan Salcedo y Mantilla de los Rios bilang pasasalamat sa pagliligtas sa Kabite mula sa isang matinding epidemia. Noon pa man, hanggang ngayon, ang SOLEDAD ang kanlungan ng Lalawigan at ng lahat ng mga taong sa kanya'y napaampon.
REINA DE CAVITE,
LUZ DE FILIPINAS,
Tunay kang tanglaw namin!