Back to photostream

Sa Plaza de la Revolucion

Vintage photo of what is now Rizal Park, Lucban, Quezon, notice the Mansion of Doña Irene Eleazar

 

 

 

 

 

EXCERPT from Pantaleon Nantes's, Kasaysayan ng Lucban:

 

Don Balbino L. Tolentino

Presidente del Pueblo

Oct. 16, 1912 -- Oct. 15, 1916

 

 

...Itinayo ang Bantayog ni Dr. Jose Rizal sa tapat ng Bahay Pamahalaan, na kaloob o handog ng Kapisanang X.Y.Z., kinasasapian ng yumari nito na si G. Ismael Villaseñor, kilalang pintor at escultor dito sa Lucban. Sa kabila ng kahirapang tinatawid ng bayan, ay nakapagdaos din dito ng tinatawag na karnabal. Dahil sa mahigpitang labanan ng dalawang kandidata sa pagka-Reyna, na si Bbg. Pacita Eleazar at Vicenta N. Racelis ay natatag dito ang dalawang malaking Kapisanan ng mga binata, na pinamagatang X.Y.Z., ang mga nagtataguyod kay Bb. Pacita, at X-Ray naman ang nagtataguyod kay Bb. Vicenta. Bagaman itong huli ay binubuo ng mga kabataang nag-aaral sa Maynila, ang karamihan ay mga anak lamang ng mga nakakakaya-kaya sa buhay, at hindi tulad ng mga kabataang bumubuo ng X.Y.Z., na ang karamihan ay mga anak ng pinakamalalaki at mayayamang angcan dito at mga nag-aaral din sa Maynila, ay naipanalo si Bb. Vicenta N. Racelis, dahil sa magaling na pamamaraang ginamit ng mga nagtataguyod sa kaniya. Subali't, ang panalo ng X-Rays ay hindi nagtagal, at sa loob lamang ng karnabal, sapagka't ang kapisanang iyan ay lumubog na lamang at nawala sa kaalaman ng bayan, na wala man lamang naiwan, kahit bakas; samantalang ang X.Y.Z., ay nariyan at buhay at marahil ay huwag lamang tamaan ng bomba, ay mananatili iyang nakatayo hangga't ang bayang ito ay natuturingang bayan, at huwag lamang maisipan at sadyang sirain ng sinomang mapagmalabis at nag-aangkin ng ugaling malabis na pananarili na walang lingong-likod sa iba (Egoista), tulad ng nangyari sa dating Paseo Rizal.

 

 

 

EXCERPT from The Lucban Directory Souvenir, Lucban Manila Resident's Association, 1955:

 

XYZ Club

 

(An elite art society, in the 1920’s that promotes painting, sculpture, and literary arts.)

 

In the Plaza de la Revolucion just in front of the Municipal Building is the monument JOSE RIZAL. Considered one of the best if not the very best in the archipelago, this was donated by the XYZ CLUB. The dedication ceremonies was occasion for the whole town of Lucban to show off their gala attire. A distinguished son of Lucban, Dr, Justo Lucban was the guest of honor, and a beautiful "Colegiala" from Manila declamed Rizal's "Mi Ultimo Adios".

 

This monument was conceived and fashioned by the artist, Ismael Villaseñor who had won honors not only in the islands but also in the International Exposition of Paris. He was assisted by Mr. Melanio Salva, another member of the association.

 

 

 

 

OFFICERS

President ……………………… Juan V. Eleazar

Vice President ………………… Prisco C. Esquieres

Secretary ……………………… Melanio Salva

Treasurer …………………….... Nicolas Villanueva

 

MEMBERS

Jose Cabalquinto

Francisco C. Esquieres

Jose M. Nañagas

Buenaventura Saludares

Luis V. Eleazar

Federico Villaseñor

Perfecto J. Eleazar

Ismael Villaseñor

Jose C. Eleazar

Ricardo E. Villaseñor

Ramon V. Eleazar

Salvador S. Villaseñor

38,652 views
3 faves
6 comments
Uploaded on July 5, 2007
Taken on July 5, 2007