Back to photostream

REINA DE CAVITE - LUZ DE FILIPINAS

PAGGAWAD NG EPISCOPAL BLESSING SA COFRADIA DE LA VIRGEN DE LA SOLEDAD DE PORTA VAGA ng Lubhang Kagalang-galang na Luis Antonio Gokim Tagle, Obispo ng Diyosesis ng Imus na nakakasakop sa BUONG LALAWIGAN NG KABITE.

 

Sa nasabing gawain, MULIng pinagtibay ni Bishop Tagle sa harapan ng mga kaparian ng BUONG DIYOSESIS NG IMUS, ang pagiging Ina, Reina at Patrona ng Virgen de la Soledad sa buong Lalawigan ng Kabite sa loob ng mahigit Tatlong-daang taon.

 

INA, REYNA at PATRONA ng buong LALAWIGAN NG KABITE

Simula pa man ng magpakita noong 1667, tinaguriang LA EXCELSA PATRONA de la PROVINCIA DE CAVITE y La Celestial Guardiana y Protectora de la Provincia de Cavite y su Puerto mula pa man noon hanggang ngayon, hindi mabilang na mga himala ang ipinamalas ng Mahal na Ina, dahilan upang lumaganap at lumakas ang pagdedebosyon sa Kanya hindi lamang sa buong lalawigan ng Kabite kundi sa iba't ibang panig ng bansang Pilipinas.

 

Naging tanggulan at kanlungan ng sambayanang Kabitenyo sa panahon ng himagsikan at pagbabago, kung kaya't tinaguriang ILAW NG PILIPINAS. Nang taong 1883, buong ringal na ipinagdiwang ang kapistahan sa pangunguna ng Gobernador ng Lalawigan na si Don Juan Salcedo y Mantilla de los Rios bilang pasasalamat sa pagliligtas sa Kabite mula sa isang matinding epidemia. Noon pa man, hanggang ngayon, ang SOLEDAD ang kanlungan ng Lalawigan at ng lahat ng mga taong sa kanya'y napaampon.

 

REINA DE CAVITE,

LUZ DE FILIPINAS,

Tunay kang tanglaw namin!

1,343 views
1 fave
0 comments
Uploaded on December 13, 2010
Taken on August 6, 2009