Back to photostream

MABUHAY ANG BIRHEN!!! MA. STSSMA. DELA ESPERANZA MACARENA

Narito na! Ang aking Birhen matagal ko nang pinapangarap na magkaroon ng Alaga. Ang imaheng ito ay unang dumating sa aming tahanan noong ika-21 taon ng aking Kaarawan, isang regalo ng isang butihing Kaibigang si G. Rey Balcos ng San Mateo, Rizal. Recently, nito lang pumasok ang Pebrero, may nag-alok sa akin na bihisan ang Birhen ko dahil namomroblema ako dahil wala pa siyang Bihis. Siyangapala, Ang Birhen ay una ko sanang itatalaga as "REGINA MARTYRUM" pero nuong sinusuotan na ang birhen ng kanyang damit, napansin namin na tila nag-aanyong "Macarena" ang Birhen dahil sa mga pagsasa-ayos ng mga posisyon ng kanay nito, at tila, unti-unti atang nagiging malungkutin ang mukha, tila baga hinihiling ng Langit na ang Imahen ay maging imahen ng Macarena kaya naman, muila ngayon, ang imaheng ito ay itatalaga na under the patronage of the Virgin of Seville, The Virgin will now be under it's tittle: "MARIA STSSMA. DE LA ESPERANZA MACARENA."

 

Mayroon lamang mga ilang puntong dapat linawin: Una, medyo lumihis ako ng konti sa paraan ng pagkakabihis niya sa Spain. I suppose it somehow, dahil may nakausap na ako tungkol rito during the Hermandad Opening nuong nakaraang Biyernes. For the Meantime, habang wala pang budget, ganun muna ang siste ng pagdadamit. Balang araw naman eh makakalikha rin ako ng isang damit, na hango na sa pagkakataong iyon sa paraan ng pagbibihis sa kanya sa Seville, na Simple lang (di ko kaya ang gayahin yun ng 100% dahil mahal yun, hehehe!!!) pero elegante, nakakaenganyo sa mata at maayos tingnan.

Pangalawa: Medyo hindi pa husto ang pagka-Dolorosa ng Mukha. Medyo sa mga susunod na araw, ay papapalitan ko na ang encarna ng Birhen, pero pananatilihin ko ang pagka-morena ng kulay ng balat, pababaguhin lang sa aspeto na kailangang malungkot ng konti mukha nito. Gagawin ko ito KAPAG nakaipon na, sa ngayon, mananatili muna siya sa ganitong anyo.

 

At Pangatlo: Marami pang wala sa gamit, kaya konting pasensya muna, pag-iipunan ko muna yung pambili ko ng resplendor o kaya Korona/ 12 estrellas. Sa ngayon, ito lamang muna ang maipapakita ko, pero sana masiyahan kayo.

 

(Note: If anyone would like to comment, pls. read the notes within the picture first. Thank you)

4,239 views
7 faves
27 comments
Uploaded on March 1, 2010
Taken on March 1, 2010