Back to photostream

Mahal Na Poon Nazareno

Imahe ng Panginoong Hesukristo sa Puno !!!

 

VICTORIA, Laguna---Mahigit 100 daan taon na ang nakararaan ng matagpuan ni Ciriaco Gomez ang imahe ng puno, ayon sa kuwento ay natagpuan sa isang lugar dito sa Laguna.

 

Ang hanapbuhay ni Ciriaco noon siya ay binata pa sa edad na 20 taon gulang ay maggagawa ng bakya at turumpo na kanyang pinagkakakitaan at kilalang-kilala siya sa ganitong hanapbuhay dahil sa husay niyang lumilok at gumawa ng nasabing bagay..

 

Minsan habang siya ay gumagawa ng bakya at nilalagari muna ang bawat bilang ng kanyang gagawin; ay laking mangha! at gulat niya! ng IAMBA NIYA SA GITNA ANG ITAK SA ISA NIYANG GAGAWIN BAKYA AY BIGLANG SUMALA SA GITNA ANG PAGKAKATAGA AT DUMAPLIS SA MAY BANDANG TABI; NG MABIYAK SA GITNA AY TUMAMBAD SA KANYA ANG MUKHA NG IMAHE NI HESUKRISTO NA TUNAY NA NAKAPAGTATAKA? NA KUNG BAKIT MAY IMAHE NA NAKAUKIT SA LOOB AT TUNAY NA TUNAY! AT GUMAGALAW ANG IMAHE KAPAG HINAWAKAN.

 

Nabalita ang mga pangyayari sa kanilang lugar; at magmula noon ay dinarayo ang "imahe ng poon" na nakuha sa isang klase ng kahoy; may mga umaako at nagtitirik ng kandila sa imahe, kasabay ng paggagawa ng langis ng niyog na inilalagay sa altar sa harap ng "poon"; may mga gumagaling sa paniniwala at pagdedeboto o sadyang may hatid na milagro ang nasabing imahe na dala na din ng pananalig bilang isang mabuting kristiyano.

 

Tuwing umaga o hapon madaming pumupunta para magdasal at magtirik ng kandila; may mga kalapit lugar na dumarayo pa sa bahay nila para humalik at humaplos sa imahe ng kahoy.

 

Batay sa kuwento ng aking "Ande Ciriaco" (at aking Ina), na naabutan ko pa ("ande ay lolo") ng ako ay bata pa.

 

Ang aking "ande" ay pumanaw noon Oktubre 2, 1964 sa edad na 120 taon; (ako po ay 10 taon gulang noon) pero batay sa matanda minsan siya ay inakalang patay na; ayon sa kanyang kwento mismo na nakapaglakbay na siya sa walang hanggan na "naggagandahan bulaklak ang kanyang dinaanan"; subalit bigla siyang nagising pero kitang-kita niya ang saglit na pangyayari na naganap sa kanyang buhay.

 

Si Ciriaco Gomez ay tubong taga Cabanbanan, Pagsanjan, Laguna (may-ari ng imahe; anak niya ang nanay ko Caridad Sancon Gomez-Dictado) naging asawa si Juana Sancon tubong taga-Victoria, Laguna.

 

Ang mga kuwentong naganap ay pinatotohanan ng aking "Ina" mga kapatid niya, mga kapitbahay at mga at iba pa.

 

Sa kuwento ni "Nanay" ng minsan maagasan siya at muntik ng mamamatay ay nagdasal siya sa "imahe" at naligtas siya sa bingit ng kamatayan; at ang pangyayaring naganap ay naulit sa inyong lingkod na muntik na din dahil sa kanyang pagkakasakit noon; dahil sa paniniwala at pananalig ay himalang gumaling ako.

 

May mga pangyayaring ng makita ng isang tao na kabilang sa ibang sekta ng relihiyon ay "BIGLANG NAMANGHA AT NAPALUHA DAHIL SA KAGILA-GILALAS NA IMAHE NA NAKAUKIT SA LOOB NG KAHOY NA GINAGAWANG BAKYA".

 

Sa tuwing sumasapit ang "semana santa" ay isinisimba ito at isinasama sa prussisyon tuwing "Biernes Santo"; noon araw ang Nanay Edad ko ang nagdadala nito pero ngayon ay ang inyong lingkod ang siyang umaako sa pagsisimba at pagdadala ng nasabing imahe.

 

Sa ngayon tuwing dumarating ang "semana santa" may nakakaala-ala na dating nakakaalam na tao ay may pumupunta pa din; at pag nakita ito sa simbahan ng mga ibang tao ay namamangha sila dahil sa kagila-gilalas at kahanga-hanga ito.

 

Sa pagtatapos, noon daw araw ayon sa nanay ko ay binibili daw ito ng isang tao sa malaking halaga pero hindi ito IPINAGBILI NG MGA MAGULANG KO, KAHIT ISANG KAYAMANAN NA ITO PARA SA KANILA.

 

Sa kasalukuyan henerasyon buhay pa sila nanay at tatay ng makita ito ng isang manggagawa o naglililok ng kahoy mula sa Paete, Laguna ay sinabi niya ito sa may-ari ng tindahan kanyang pinagtatrabahuhan na kilalang negosyante at mayaman sa lugar na nabanggit; gusto nila itong mabili ng Php50 libong piso at papalitan ng isang malaking lilok na kahoy ng isang Santo, dahil sa "TUNAY NA TUNAY AT KAMANGHA-MANGHA AT ISANG MILAGRO".

 

Ang imahe o nakaukit sa kahoy ay gumagalaw at sa tapat ng kabiyak na kahoy ay may hingahan tapat na tapat sa kanyang hingahan. Taon 1964 ng madikitan ng gasera (ilaw na de gaz sa bote) ang kabilang mukha ng kahoy subalit hindi ito nasunog may hibla lang kaunting sunog sa kahoy. (matigas ang uri ng kahoy at hindi namin alam kung anong klase o uri ng kahoy ito) Tinatayang mahigit 100 taon na ang nasabing imahe sa kasalukuyan.##

 

(Norida Dictado-Sumilang/Victoria, Laguna)

 

my mom :)

 

3,911 views
10 faves
1 comment
Uploaded on April 21, 2012
Taken on April 21, 2012