Kevino de Guzmán
San Pedro Calunsod y San Lorenzo Ruiz de Manila, los Santos del Pueblo Filipino
I offer this poem to our new Filipino Saint "Pedro Calungsod"
“Magbunyi ka Filipinas
Sapagka’t ikaw ay pinagpala
Ang iyong hinirang na anak
Na nagbigay pugay sa Bayan
Ay napabilang sa mga Banal.
O San Pedro Calungsod
Pintakasi ng Kabataan
Santong hinirang ng Simbahan
Ipanalangin mo kaming tanan
Na pawa mong kababayan.
Manao dito sa Lupa
Aming makamit nawa
Krus mo na syang bandila
Na nasa langit ang kapara
Ni San Lorenzo ng Maynila
Yamang bata kang lubos
Niloob mong pumalaot
Sa Bayan ng mga Chamorros
Upang ipahayag ang Poong Dios
Si Kristong Mananakop
Nawa ay tunghan mong magaling
O Santo at Katoto namin
Ngaun na ikaw ay Kapiling
Ni Kristo na aming tambing
Kami ay iyong idalangin.
San Pedro Calunsod y San Lorenzo Ruiz de Manila, Ruega por nosotros
San Pedro Calunsod y San Lorenzo Ruiz de Manila, los Santos del Pueblo Filipino
I offer this poem to our new Filipino Saint "Pedro Calungsod"
“Magbunyi ka Filipinas
Sapagka’t ikaw ay pinagpala
Ang iyong hinirang na anak
Na nagbigay pugay sa Bayan
Ay napabilang sa mga Banal.
O San Pedro Calungsod
Pintakasi ng Kabataan
Santong hinirang ng Simbahan
Ipanalangin mo kaming tanan
Na pawa mong kababayan.
Manao dito sa Lupa
Aming makamit nawa
Krus mo na syang bandila
Na nasa langit ang kapara
Ni San Lorenzo ng Maynila
Yamang bata kang lubos
Niloob mong pumalaot
Sa Bayan ng mga Chamorros
Upang ipahayag ang Poong Dios
Si Kristong Mananakop
Nawa ay tunghan mong magaling
O Santo at Katoto namin
Ngaun na ikaw ay Kapiling
Ni Kristo na aming tambing
Kami ay iyong idalangin.
San Pedro Calunsod y San Lorenzo Ruiz de Manila, Ruega por nosotros