antonio1757
Oratorio del Senior Sto. Sepulcro of Argete Family
naaalala ko pa noong bata ako dito kami nagtitipon tuwing sasapit ang ika 6 ng gabi para mag dasal ng santo rosario. ganun parin naman ngayon pero dahil sa nag-asawa na ang iba kung kapatid ako ang aking Ina at Ama na lang ang lagging nagrorosario dito sa Oratorio ng pamilya namin, sa tuwing araw naman ng Biyernes madami kami bisita labas pasok ang mga taong humahalik kay "Kuya" yun na kasi ang nakagawian ng mga taga dito sa amin yun ang tawag sa Mahal na Senior Sto. Sepulcro at kung mahal na araw naman inilalabas ito ng bahay para sa Pabasa ng Bayan biyernes ng tanghali gagayakan para sa Prusisyon ng Mahal na Libing, masaya... maganda... magastos... at nakakapagod kung isasalarawan ang mga araw na yaon... pero isa lang ang sigurado ako sa kabila ng mga yun ay tuloy tuloy naman ang grasyang dumadating sa pamilya namin kaya simula noon hindi na pinutol ang matandang kaugalian at tradisyon sa amin. kung sa tatanungin ang mga taga dito sa amin madami na ring milagro si kuya sa bawat pamilyang lumalapit sa kanya marami nang may sakit na pinagaling at marami nang tao ang nagpapatunay sa kanyang walang katapusang awa at pagbibigay ng grasyang kanilang kinakailangan.