Back to photostream

La Reina de Nuestros Corazones

Ang Patrona sa ika-75 taong kaarawan ng kanyang kapistahan.

May 8, 2011

Bo. Maypajo, Caloocan City.

 

June na... kaybilis lumipas ng Mayo, buwan ng mga kapistahan, ng pamamanata, ng kasiyahan...

 

nais ko pong pasalamatan kayong mga nagpagod at nakiisa,

...kayong walang sawa at kapagurang nagabala sa paghahanda para sa nasabing pista,

 

...kayong aking siyam na kaibigang naging aking "prayer warriors" sa nakalipas na apat na buwan, na walang sawang nanalangin tuwing miyerkoles at sabado para sa aking kalusugan,

 

maraming salamat po.

 

at hayaan po ninyong gamitin ko ang mga winika ng aking kaibigan mula sa kanyang talumpating pasasalamat...

 

 

 

"Sa ngalan ng Hermanos Mayores 2011

 

Nais po naming ipabatid ang aming pasasalamat sa inyong lahat:

 

sa ating pinakamamahal na Kura Paroko,

 

sa ating mga altar servers, lectors and commentators na nakiisa sa atin mula pa man sa simula ng novenario para sa ating Inang Virgen,

 

sa ating choir na sinamahan tayo sa ating pang-lingong misa sa loob ng 10 bwan,

 

sa mga nagtiwalang magpahiram ng kanilang imahen at mga pinakaiingatang kasangkapan,

 

sa mga nagbahagi ng inyong mga biyayang natanggap at lalo sa inyong panahong inilaan para sa ating Iniibig na Patrona,

 

sa mga taong nakiisa sa mga gawain at mgaliturhiya,

 

sa inyong mga taga rito sa ating munting pamayanan,

 

sa mga dumayo pa mula sa iba't- ibang lalawigan,

 

at sa inyong nagmula pa sa ibayong dagat...

 

Ating pasalamatan ang Mahal na Senyora na gumabay sa atin di lamang sa ating paglalakbay sa buhay bagkusbagkus sa mga gawain para sa kaniyang dakilang kaarawan- ang ika 75 pagdiriwang ng kanyang kapistahan,

 

at higit sa sino't ano pa mang bagay, ang Ating Panginoong Jesus na nagkaloob ng lahat ng ito.

 

Maraming maraming salamat po!"

 

Viva La Virgen!!!

 

 

 

10,023 views
63 faves
4 comments
Uploaded on June 1, 2011
Taken on June 1, 2011