Back to photostream

mag-ama

ang dakilang kapistahan ni San Jose ay March 19 at kung May 1 naman ay ang kapistahan ni San Jose Manggagawa.

 

Ito ay pagaari ng parokya ni San Clemente at nasa pangangalaga ngayon ang pamilay namin.

 

Walang malinaw na tala kung sino at kailan ito pinagawa pero ito ay nakatala sa imbentaryo ng simbahan na isinulat ng isang pari sa wikang espaniol....

 

Pinaniniwalaan na ito ay isa sa mga imahen inukit ng alagad ng sining sa Angono na si Tangang Juancho Senson; circa 1900; at tinatayang nasa mahigit 100 taon na. Ayon sa porma ng pagkakaukit; buka ng bibig na maaninag ang ngipin at dila; mga buto ng kamay, paa at batok; ang dalawang baba, dimples at cleft chin; ang pagtatama ng mata at hawak ng kamay; at peana ay katulad ng mga sinunang ukit lalo na ni Tandang Juancho.

 

Ang mga matatandang nangangalaga nito ay ang mga Ti Nena "Pekto" at Ti Ignacia Turdanes (na ninang ng nanay ko sa binyag). Ng hindi na nila gaano maasikaso ang pangangalaga nito ay inilapit ito sa pinsan ng nanay ko na si Ma. Aurora Medina na isang directres at may-ari ng isang elementary school dito sa Angono. Dahil din sa si Aurora ay abala sa eskuwelahan sinabi niya na baka hindi niya makayang asikasuhin ang imahen. Sinabi ng Ti Nena at Ti Ignacia kay Aurora na may darating na makakatulong niya. Nagkataon naman na pumunta ang nanay ko sa kasnila para asikasuhin ang aming pag-aaral. Duon natanto ni Aurora na ang nanay ko ang sinasabi na makakatulong niya. Hanggang sa unti-unti ay nailipat na sa nanay ko ang pangangalaga sa Mag-Ama.

 

1,881 views
10 faves
3 comments
Uploaded on September 24, 2008
Taken on March 13, 2008