Birhen ng Loreto
UNANG ARAW NG PAGSISIYAM sa karangalan ng MAHAL NA BIRHEN NG LORETO
Bagong Nobena sa Mahal na Birhen ng Loreto
+ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. AMEN.
PAGSISISI
(Lahat)
Panginoon kong Jesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, gumawa at sumakop sa akin, pinagsisisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo. Ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama ko, na iniibig ko ng higit sa lahat.
Nagtitika akong matibay na din a muling magkakasala sa iyo, at nagtitika naman akong magkukumpisal ng dilang kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin mo rin ako alang-alang sa iyong mahal na pasyon at pagkamatay sa Krus dahilan sa akin. AMEN.
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
(Lahat)
O Mahal na Birhen ng Loreto, aming Patrona, kaibig-ibig nga Anak ng Diyos Ama, kalinis-linisang Ina ng Diyos Anak at kabanal-banalang Esposa ng Diyos Espiritu Santo, inihahandog namin sa iyo ang pagsisiyam na ito bilang parangal sa mga biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa iyong kaluluwa at katawan. Loobin mong magunita naming sa pagsisiyam na ito ang iyong tuwa, hapis at luwalhati sa mga misteryo ng Panginoong Jesukristo. Itulot mong matularan naming ang iyong kalinisan at kabanalan upang makamit ang iyong awa at kalinga sa ikararangal ng Diyos at ikabubuti ng aming kaluluwa. Alang-alang kay Kristong aming Panginoon. AMEN.
Pari: Dasalin natin ang Panalanging ginawa ng Mahal na Birhen na tinatawag na MAGNIFICAT:
Pari: Dinarakila ng aking kaluluwa ang Panginoon, at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking tagapagligtas.
Bayan: Sapagkat nilingap niya ang kababaan ng kanyang lingkod.
Pari: Narito, mula ngayon ay tatawagin akong mapalad ng lahat ng sali’t saling lahi, sapagkat gumawa sa akin gang Makapangyayari sa lahat ng mga dakilang bagay.
Bayan: Banal ang tawag sa Kanya, at umaabot ang Kanyang awa sa lahat ng may mga takot sa kanya.
Pari: Ipinakit ang lakas ng kanyang bisig, isinambulat ang mga taong may palalong puso.
Bayan: Ibinulid sa luklukan ang mga makapangyarihan at itinampok ang mga may mababang-loob.
Pari: Binusg niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom at pinaalis ng walang dala ang mayayaman.
Bayan: Tinulungan si Israel na kanyang lingcod bilang ala-ala ng kanyang awa.
Pari: Gaya nang ipinangako niya sa ating mga magulang, kay Abraham at sa kanyang lahi magpakailan man.
UNANG ARAW
ANG IMAKULADA KONSEPSYON
Dili-diliin natin sa unang araw ang kauna-unahang biyayang tinanggap ng Mahal na Birhen ng Loreto mula sa Diyos, na walang iba kundi ang Imakulada Konsepyon. Ang ibig sabihin nito na si Maria ay ipinaglihing walang bahid ng sala sa sinapupunan ng kanyang Ina na si Santa Ana, hindi siya nagmana ng kasalanang orihinal na tulad ng lahat ng tao. Kailan man ay hindi siya napailalim sa kapangyarihan ng demonyo.
Ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ang biyaya ng Imakulada Konsepyon sapagka’t siya ay magiging buhay na tahanan ng Diyos na magkakatawang-tao.
Hingin sa Diyos na an gating hamak na katawan at kaluluwa ay maging buhay na tahanan ng Diyos sa malimit na komunyon.
(Tumigil Sandali)
PANALANGIN
Magpuri tayo sa Diyos Ama humirang kay Maria, Birhen ng Loreto, na maging Ina ng kanyang Anak at nilloob Niyang tawagin si Maria na pinagpala sa lahat ng babae. Dumulog tayo kay Maria.
Bayan: O Birhen ng Loreto ipanalangin mo kami sa Diyos.
O Ama, gumawa ka ng mga dakilang bagay sa Mahal na Birhen, iniligtas mo ang kanyang kaluluwa at katawan sa kasalanan mula pa sa kanyang pagiging tao. Dumulog tayo kay Maria.

Sa bisa ng mga panalangin ng Mahal na Birhen, aming Ina, lunasan mo ang mga maysakit, aliwin ang mga nalulumbay, patawarin ang mga makasalanan, saklolohan ang mga naghihikahos. Dumulog tayo kay Maria.

Tinawag mo si Maria na maging Ina ng Tahanan sa Nazaret, sa piling nina Jesus at Jose. Alang-alang sa iyong tahanan na inilipat sa Loreto, pagkalooban ang lahat ng Ina ng Kapayapaan at pagmamahalan. Dumulog tayo kay Maria.

(Ipanalangin ang kahilingan)
O Ama, ipinagdarangal naming ang tanging biyaya ng Imakulada Konsepsyon na ipinagkaloob kay maria dahil sa grasya ng Mananakop at inihanda mo siya na maging Ina ng Manunubos. Itulot mong matamo an gaming hinihiling sa pagsisiyam na ito pakundangan sa mga karapatan ng Birhen ng Loreto. Alang-alang kay Kristong aming Panginoon. AMEN.
MGA HIBIK SA BIRHEN NG LORETO
Birhen ng Loreto, kaibig-ibig na Anak ng DiyosAma, kalinis-linisang Ina ng Diyos Anak, kabanal-banalang Esposa ng Diyos Espiritu Santo,
Lahat: Gawin mo kamingt buhay na templo ng Santisima Trinidad.
Birhen ng Loreto, Ina ng grasya, walang kamalay-malay sa kahalayan, di malapitan ng masama,
Lahat: Tulungan mo kaming mabuhay ng malinis at banal.
Birhen ng Loreto, Ina ng magandang kahatulan, maawain at may matibay na loob sa magaling,
Lahat: loobin mong paglingkuran naming si Jesus sa aming kapwa.
Birhen ng Loreto, mapagpagaling sa mga may-sakit, sakdalang ng mga makasalanan, mapang-aliw sa mga nagadadalamhati, mapag-ampon sa mga Kristiyano,
Lahat: Ipagkaloob mo sa amin ang kagalingan ng kaluluwa at katawan.
Birhen ng Loreto, tagapagtanggol ng mga tahanan, reyna ng langit at lupa, Ina ng lahat ng tao,
Lahat: Paningasin mo an gaming pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.
HULING PANALANGIN
(Lahat)
O Mahal na Birhen ng Loreto, aming kaibig-ibig na Ina, pintakasi ng mga naglalakbay sa himpapawid, tagapagtanggol ng mga tahanan laban sa sunog at sakuna, pinasasalamatan ka naming sa mga biyayang ipinagkakaloob mo sa aming mga tahanan. Ipagpatuloy mo sana ang iyong paglingap sa aming buhay at tahanan nang umiral sa aming piling ang mga kaugaliang Kristiyano, ang pagdarasal nang sama-sama, ang pagmamahalan ng mga magkakasambahay at ang pagtutulungan ng magkakapit-bahay. Ilayo sa amin ang tukso, sakuna, sunog at kamalian pakundangan sa iyong Tahanang inilipat sa bayan ng Loreto. Alang-alang kay Kristong aming Panginoon. AMEN.