Back to photostream

St. Michael 02

THE SAINT MICHAEL ROSARY PRAYER CHAPLET

Opening Prayer to Our Lady

Oh, Immaculate Heart! Help us to conquer the menace of evil, which so easily takes root in the hearts of the people of today, and whose immeasurable effects already weigh down upon our modern world and seem to block the paths towards the future!

From famine and war, deliver us.

From nuclear war, from incalculable self-destruction, from every kind of war, deliver us.

From sins against the life of man from its very beginning, deliver us.

From hatred and from the demeaning of the dignity of the children of God, deliver us.

From every kind of injustice in the life of society, both national and international, deliver us.

From readiness to trample on the commandments of God, deliver us.

From attempts to stifle in human hearts the very truth of God, deliver us.

From sins against the Holy Spirit, deliver us, deliver us.

Accept, O Mother of Christ, this cry laden with the sufferings of all individual human beings, laden with the sufferings of whole societies.

Let there be revealed, once more, in the history of the world your infinite power of merciful Love. May it put a stop to evil. May it transform consciences. May your Immaculate Heart reveal for all the light of Hope.

 

 

 

 

Saint Michael the Archangel - Act of Consecration

Saint Michael the Archangel, invincible prince of the angelic hosts and glorious protector of the universal Church, I greet you and praise you for that splendor with which God has adorned you so richly. I thank God for the great graces he has bestowed upon you, especially to remain faithful when Lucifer and his followers rebelled, and to battle victoriously for the honor of God and the divinity of the Son of Man.

Saint Michael, I consecrate to you my soul and body. I choose you as my patron and protector and entrust the salvation of my soul to your care. Be the guardian of my obligation as a child of God and of the Catholic Church as again I renounce Satan, his works and pomps. Assist me by your powerful intercession in the fulfillment of these sacred promises, so that imitating your courage and loyalty to God, and trusting in your kind help and protection, I may be victorious over the enemies of my soul and be united with God in heaven forever. Amen.

 

The Chaplet of St. Michael

A sincere Act of Contrition

 

V. O God, come to my assistance

R. O Lord, make haste to help me.

Glory be to the Father, etc.

 

1. By the intercession of St. Michael and the celestial Choir of Seraphim, may the Lord make us worthy to burn with the fire of perfect charity. Amen.

1 Our Father, 3 Hail Mary's

 

2. By the intercession of St. Michael and the celestial Choir of Cherubim, may the Lord vouchsafe to grant us grace to leave the ways of wickedness to run in the paths of Christian perfection. Amen.

1 Our Father, 3 Hail Mary 's

 

3. By the intercession of St. Michael and the celestial Choir of Thrones, may the Lord infuse into our hearts a true and sincere spirit of humility. Amen.

1 Our Father, 3 Hail Mary's

 

4. By the intercession of St. Michael and the celestial Choir of Dominions, may the Lord give us grace to govern our senses and subdue our unruly passions. Amen

1 Our Father, 3 Hail Mary's

 

5. By the intercession of St. Michael and the celestial Choir of Powers, may the Lord vouch safe to protect our souls against the snares and temptations of the devil. Amen.

1 Our Father, 3 Hail Mary's

 

6. By the intercession of St. Michael and the celestial Choir of Virtues, may the Lord preserve us from evil and suffer us not to fall into temptation. Amen.

1 Our Father, 3 Hail Mary's

 

7. By the intercession of St. Michael and the celestial Choir of Principalities, may God fill our souls with a true spirit of obedience.

1 Our Father, 3 Hail Mary's

 

8. By the intercession of St. Michael and the celestial Choir of Archangels, may the Lord give us perseverance in faith and in all good works, in order that we gain the glory of Paradise. Amen.

1 Our Father, 3 Hail Mary's

 

9. By the intercession of St. Michael and the celestial Choir of Angels, may the Lord grant us to be protected by them in this mortal life and conducted hereafter to eternal glory. Amen.

 

1 Our Father, 3 Hail Mary's

1 Our Father In honor of St. Michael.

1 Our FatherIn honor of St. Gabriel.

1 Our FatherIn honor of St. Raphael.

1 Our Father In honor of our Guardian Angel.

 

O glorious Prince St. Michael, chief and commander of the heavenly hosts, guardian of souls, vanquisher of rebel spirits, servant in the house of the Divine King, and our admirable conductor, thou who dost shine with excellence and superhuman virtue, vouchsafe to deliver us from all evil, who turn to thee with confidence, and enable us by thy gracious protection to serve God more and more faithfully every day.

V. Pray for us, O glorious St. Michael, Prince of the Church of Jesus Christ

R. That we may be made worthy of His promises.

Almighty and Everlasting God, who by a prodigy of goodness and a merciful desire for the salvation of all men, hast appointed the most glorious Archangel, St. Michael, Prince of Thy Church, make us worthy, we beseech Thee, to be delivered from all our enemies that none of them may harass us at the hour of death, but that we may be conducted by him into the august presence of Thy Divine Majesty. This we beg through the merits of Jesus Christ, our Lord. Amen.

 

PRAYER TO SAINT MICHAEL THE ARCHANGEL

O glorious Prince of the heavenly host, Saint Michael the Archangel, defend us in the battle and in the fearful warfare that we are waging against the principalities and powers, against the rulers of this world of darkness, against the evil spirits. Come thou to the assistance of men, whom Almighty God created immortal, making them in His own image and likeness and redeeming them at a great price from the tyranny of Satan. Fight this day the battle of the Lord with the legions of holy Angels, even as of old thou didst fight against Lucifer, the leader of the proud spirits and all his rebel angels, who were powerless to stand against thee, neither was their place found any more in heaven. And that apostate angel, transformed into an angel of darkness who still creeps about the earth to encompass our ruin, was cast headlong into the abyss together with his followers. But behold, that first enemy of mankind, and a murderer from the beginning, has regained his confidence. Changing himself into an angel of light, he goes about with the whole multitude of the wicked spirits to invade the earth and blot out the Name of God and of His Christ, to plunder, to slay and to consign to eternal damnation the souls that have been destined for a crown of everlasting life. This wicked serpent, like an unclean torrent, pours into men of depraved minds and corrupt hearts the poison of his malice, the spirit of lying, impiety and blasphemy, and the deadly breath of impurity and every form of vice and iniquity. These crafty enemies of mankind have filled to overflowing with gall and wormwood the Church, which is the Bride of the Lamb without spot; they have laid profane hands upon her most sacred treasures. Make haste, therefore, O invincible Prince, to help the people of God against the inroads of the lost spirits and grant us the victory. Amen. (indulg. By Leo XIII, 25 Sep. 1888]

 

 

Prepared by:

Br. Alex C. Gutierrez

2020

 

San Miguel Arkanghel

NOBENA KAY SAN MIGUEL ARKANGHEL

 

 

 

Sa Ngalan ng Ama…

 

 

 

UNANG PANALANGIN

 

Sa mga Banal na Arkanghel na sina San Miguel, San Gabriel at San Rafael.

 

Kaamahal- mahalang Trinidad, ako ay nagpapasalamat sa Inyo sa paglikha sa Inyong mga anghel sa gayong napakadakilang paraan, at sa pagpapatibay ng lubha sa kanilang pinuno. Sambahin nawa Kayo at ibigin sa kagandahan at kaningningan ng Iyong mga kinatawan; Purihin nawa kayo nang kanilang maluwalhating awit ng pagpupuri at pasasalamat sa habang panahon. Siya nawa.

 

Mga Banal na Prinsipe ng Langit, Miguel, Gabriel at Rafael, pinupuri namin kayo dahil sa pagmamahal sa inyo nang kataas- taasan at sa pagkakalagay sa inyo sa lalong malapit na likmuan sa kanya. Alalahanin ninyo ang aking mga pangangailangan at sasamahan ng mga Banal na Anghel ang lahat ng kanyang mga sakop, nang ito ay magtagumpay laban kay Satanas magpakailanman. Loobin nawa ninyong ang kaharian ng liwanag at biyaya ng kabanalan at pagibig sa Diyos, ay siyang yumabong sa buo niyang kaningningan at kaganahan sa bawat kaluluwa at kilalanin naman nang lahat. Siya nawa.

 

O San Miguel, ipamagitan mo ako sa Espiritu Santo, na siyang Hari ng kaluwalhatian at Tagapamahagi ng lahat ng biyaya. Siya nawa.

 

 

 

IKALAWANG PANALANGIN

 

Sa mga Banal na Anghel

 

O Diyos na sa paghahati- hati ng Inyong kaharian ay buong kahanga-hanga mong iniayos ang katungkulan ng mga anghel at mga tao, ngayon ay buong habag Mong ipagkaloob sa amin, na ang mga Banal na Anghel, na laging naglilingkod sa harapan Mo sa langit, ay maging tagapagtanggol din ng aming buhay sa lupa, sa pamamagitan ni Kristong Panginoon namin. Siya nawa

 

 

 

Mga Banal na Serapin, Kerubin, mga Trono, Dominasyon, mga lakas at mga Kabanalan, Prinsipado mga Arkanghel at mga Anghel; kami ay sumasama sa inyo sa pagpupuri at pag-ibig sa Diyos, ang Tunay na Walang Hanggang Diyos sa Tatlong Persona. Siya Nawa.

 

 

 

Mga anghel na banal, tulungan ninyo ang Iglesia sa pakikibaka sa lahat ng lakas ng karimlan at kasalanan at kawalang- pananampalataya, nang kung lumaganap nang lalo sa lupa, ang Kaharian ng Diyos ay siyang umakay sa tao sa buhay na walang hanggan. Mga Banal na Anghel na Taga-tanod, kami ay inyong akayin at ipagtanggol.

 

 

 

Lahat kayong mga Anghel na Taga- Tanod, itaboy ninyo ang lahat ng kasamaan at ipangalat ang kabutihan. San Miguel, San Gabriel at San Rafael, at lahat kayong kaluluwang banal na ngayon ay

 

naririyan sa harapan ng trono ng Diyos at sa nakikilabang kasama ni San Miguel, kami at ang Iglesya ay ipagkamit ninyo ng mga biyaya at pag-ibig ng Espiritu Santo.

 

 

 

Lahat kayong Anghel ng Diyos, kami ay ipagtanggol ninyo.

 

Nawa’y sambahin lalo at lalo ang Banal at Walang Hanggang Diyos sa buong daigdig. Matutuhan nawa ng lahat ng bansa ang kumilala at umibig sa Kanyang kamahal- mahalang Pangalan.

 

Lahat kayong mga anghel na banal ng Diyos, ipamagitan ninyo kami lalong lalo na sa mga panahong ito. Siya nawa.

 

 

 

PAGROROSARYO SA KARANGALAN NI SAN MIGUEL

 

Sa karangalan ng mga Banal na Anghel:

 

Diyos ko, saklolohan Mo ako.

 

O Panginoon, magmadali Ka sa pagtulong sa akin.

 

Luwalhati sa Ama…

 

 

 

1.Ating parangalan at purihin ang mga Serapin, ang unang koro ng mga banal na Anghel. Sa pamamagitan ni San Miguel at ng Korong makalangit ng mga Serapin ay papagindapatin nawa kami nang Panginoon na mag alab sa apoy ng pag-ibig langit. Siya nawa.

 

 

 

Ama Namin

 

Tatlong Aba Ginoong Maria

 

 

 

2.Ating parangalan at purihin ang mga Kerubin, ang ikalawang koro ng mga Banal na Anghel. Sa pamamagitan ni San Miguel, at ng Korong makalangit ng mga Kerubin, ay dulutan nawa kami nang Panginoon ng biyayang maitakwil nang lubusan ang lahat ng buhay- kasalanan at karamutan, at matahak nawa namin ang landas ng kaganapang Kristiyano. Siya nawa.

 

 

 

Ama Namin

 

Tatlong Aba Ginoong Maria

 

 

 

3.Ating parangalan at purihin ang mga Trono, ang ikatlong Korong mga Banal na Anghel. Sa pamamagitan ni San Miguel at ng banal na koro ng mga Trono, ay punuin nawa ng Panginoon ang aming mga puso ng diwa ng katotohanan at kababaang- loob. Siya nawa.

 

 

 

Ama Namin

 

Tatlong Aba Ginoong Maria

 

 

 

4.Parangalan natin at purihin ang mga Dominasyon, ang ikaapat na koro ng mga Banal na Anghel. Sa pamamagitan ni San Miguel at ng Banal na Koro ng Dominasyon, ay bigyan nawa kami ng Biyaya ng Diyos upang makapagpigil sa aming mga pangahas at supilin ang mga mapusok na damdamin at mga hangarin. Siya Nawa.

 

 

 

Ama Namin

 

Tatlong Aba Ginoong Maria

 

 

 

5.Parangalan natin at purihin ang mga Lakas, ang ikalimang Koro ng mga Banal na Anghel. Sa pamamagitan ni San Miguel at ng makalangit na koro ng mga Lakas ay pagkalooban nawa kami ng Panginoon ng biyayang maipagtanggol ang sarili sa mga hibo at tukso ng masasamang anghel. Siyanawa.

 

 

 

Ama Namin

 

Tatlong Aba Ginoong Maria

 

 

 

6.Parangalan natin at purihin ang mga Kabanalan, ang ikaanim na Koro ng mga Banal na Anghel. Sa pamamagitan ni San Miguel at ng mga koro ng Kabanalang makalangit, ay ipagkaloob nawa ng Panginoon sa amin ang biyayang magtagumpay at maigupo ang mga tukso, at ilayo rin naman sa amin ang lahat ng tukso sa kaluluwa at sa katawan. Siya nawa.

 

 

 

Ama Namin

 

Tatlong Aba Ginoong Maria

 

 

 

7.Parangalan natin at purihin ang mga Prinsipado, ang ika-pitong koro ng mga Banal na Anghel, sa pamamagitan ni San Miguel at ng Korong makalangit ng mga Prinsipado at punuin nawa nang Panginoon ang aming kaluluwa ng diwa at tunay, at mapagpakumbabang pagsunod sa lahat ng inilalagay niya sa kapangyarihan sa amin. Siya nawa.

 

 

 

Ama Namin

 

Tatlong Aba Ginoong Maria

 

 

 

8.Parangalan natin at purihin ang mga Arkanghel, ang ika-walong koro ng mga Banal na Anghel. Sa pamamagitan ni San Miguel at ng Korong makalangit ng mga Arkanghel, ay ipagkaloob nawa ng Panginoon sa amin ang biyayang pananatili sa aming pananampalataya at sa lahat ng gawaing magaling, nang sa ganitong paraan ay maging karapat-dapat kaming magtamasa ng kaluwalhatian at kapayapaan at pakikiisa sa kanya doon sa langit. Siya nawa.

 

 

 

Ama Namin

 

Tatlong Aba Ginoong Maria

 

 

 

9.Ating parangalan at purihin ang mga anghel, ang ikasiyam na koro ng mga banal na Anghel, sa pamamagitan ni San Miguel at ng makalangit na koro ng lahat na mga Anghel, ay loobin nawa nang Panginoon, na sa pagtatanggol ng kanyang mga Banal na Espiritu sa lupa, ay maakay kami upang sa wakas ay tamasahin naming kasama nila ang mga kaluwalhatian ng kaligayahang walang katapusan ng buhay na walang hanggan doon sa langit. Siya nawa.

 

 

 

Ama Namin

 

Tatlong Aba Ginoong Maria

 

 

 

MANALANGIN TAYO KAY SAN MIGUEL

 

Banal na Miguel, ipinagkakatiwala naming sa iyo ang oras ng aming kamatayan. Ipagtanggol mo kami sa masasamang anghel nang kami ay huwag mapahamak sa huling paghuhukom na kakila- kilabot.

 

Ama Namin…

 

 

 

MANALANGIN TAYO KAY SAN RAFAEL

 

Banal na Rafael, akayin mo kami sa landas ng kabanalan at kaganapan. Ama Namin…

 

 

 

MANALANGIN TAYO SA ATING BANAL NA ANGHEL NA TAGATANOD

 

Banal na mga Anghel na Tagatanod, ipagtamo ninyo kami sa Espiritu Santo, na kadalisayan ng puso at katapatan at pananatili sa aming banal na kalagayan sa buhay.

 

 

 

Ama Namin…

 

ANTIPONA

 

Maluwalhating San Miguel, prinsipe at pinuno ng mga hukbong makalangit, biniyayaan ng kahanga- hangang lakas at kapangyarihan! Iginupo mo ang masasamang anghel, at ipinagtatanggol mo naman ang lahat ng nananawagan sa iyo; ikaw nawa ang maging taga- akay naming at tagapagtanggol. Loobin mo nawang iligtas kaming lumalapit sa iyo sa kabila ng lahat ng kasamaan ng katawan at kaluluwa, at kami ay tulungan mo upang araw- araw ay yumabong kami sa tapat na paglilingkod sa Diyos.

 

Idalangin mo kami, O San Miguel, prinsipe ng Simbahan ni Hesukristo!

 

Nang kami ay maging dapat makinabang sa mga ipinangako ni Kristo!

 

 

 

 

 

MANALANGIN TAYO

 

Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, na sa Iyong kahanga- hangang kabutihan at habag, at alang alang sa kabutihan ng sangkatauhan, ay pinili Mo ang maluwalhating Arkanghel Miguel upang maging prinsipe ng Iyong Iglesiya at pinuno ng mga Anghel, kami ay sumasamo sa Iyo, na kami’y papaging- dapatin Mong ipagtanggol sa aming mga kaaway sa pamamagitan ng kanyang mabisang pagsaklolo. Nang sa gayon naman ay huwag kaming pahirapan ng masasamang anghel sa oras ng aming pagpanaw. Pagkalooban Mo kami ng biyayang maakay niya hanggang sa Iyong harapang Kadaki- dakilaan. Sa pamamagitan ng mga karapatan ng aming Panginoong Hesukristo. Siya nawa.

 

 

 

KAY SANTA MARIA, REYNA NG MGA ANGHEL

 

O Maria, Birhen at Ina, Kamahal mahalang Reyna ng langit. Kataas-taasang Ginang ng mga Anghel, na tumanggap sa Diyos ng tungkulin at kapangyarihang dumurog sa ulo ng ahas, kami ay buong kapakumbabaang sumasamo sa iyo, na iyong paparituhin ang iyong mga banal na hukbo, nang sa ilalim ng iyong utos at ng iyong kapangyarihaan ay malabanan nila ang mga hukbo ng impiyerno, walang puknat na makikipagtunggali sa kanila, at walang halaga ang kanilang pagtatangka, at ibulid sila sa bangin. Sino ang katulad ng Diyos? Mga Banal na Anghel at Arkanghel, kami ay iyong ipagtanggol. O butihin at mahabaging ina, Ikaw ang mamalaging pag-ibig at pag-asa namin. Siya nawa.

 

 

 

“Anghel ng Diyos , tanod kong Mahal

 

Sa Iyo ako pinatitingnan;

 

Halika na nga, ako’y tanuran,

 

Akayin, turua’t alagaan.”

 

 

 

 

 

LITANYA KAY POONG SAN MIGUEL ARKANGHEL

 

 

 

San Miguel, Arkanghel ng Diyos,

 

*IPANALANGIN MO KAMI!

 

San Miguel, Puspos ng karunungan, *

 

San Miguel, Salamin ng kababaang loob, *

 

San Miguel, Huwaran ng pagsunod, *

 

San Miguel, Dakilang tagasamba ng Verbo ng Diyos, *

 

San Miguel, Napuputungan ng luwalhati at dangal,

 

San Miguel, Prinsipeng makapangyarihan ng mga hukbo ng Diyos, *

 

San Miguel, Tagapagbandila ng kabanal- banalang Trinidad,*

 

San Miguel, Bantay ng Paraiso, *

 

San Miguel, Anghel ng kapayapaan, *

 

*IPANALANGIN MO KAMI

 

San Miguel, Taga-akay at taga aliw ng bayan ng Israel, *

 

San Miguel, Ningning at tibay ng Iglesiang nakikibaka, *

 

San Miguel, Dangal at katuwaan ng Iglesiang nagtatagumpay, *

 

San Miguel, Ilaw ng mga Angheles, *

 

San Miguel, Tagapag-ampon ng mga sumasampalataya,

 

San Miguel, Alalay ng nakikilaban sa lilim ng bandila ng krus, *

 

San Miguel, Buklod ng pag- iibigan, *

 

San Miguel, Mandirigmang lumilipol sa mga erehe, *

 

San Miguel, Tanglaw at pag asa ng mga kaluluwa sa oras ng kamatayan, *

 

San Miguel, Taga-ampon naming walang pagmamaliw, *

 

San Miguel, Na tumutulong sa amin sa lahat ng mga pangangailangan, *

 

San Miguel, Tagapamahayag ng hatol na walang hanggan, *

 

San Miguel, Mapang- aliw sa mga kaluluwa nabibilanggo sa purgatoryo, *

 

San Miguel, Na sa iyong kababaang- loob sa simula pa ay ipinaghiganti mo ang karapatan ng Diyos, *

 

San Miguel, Na iginagalang ng tanang mga angheles, *

 

San Miguel, Sinasaksihan ng Espiritu Santo na ikaw nga ay dakila at makapangyarihan, *

 

San Miguel, na ang mga panalangin mo ay naghahatid sa kaharian ng langit, *

 

San Miguel, katiwala ng Diyos sa pagtanggap sa mga kaluluwa sa oras ng kamatayan, *

 

San Miguel, Na pinupuri ng Banal na Kasulatan na sa iyo’y sinasabi “Prinsipe ng mga Unang Prinsipe”, *

 

San Miguel, Aming Prinsipe,*

 

 

 

ANTIPONA

 

(isa lamang): Arkanghel San Miguel, Prinsipe ng mga hukbo sa langit, ipagtanggol mo kami sa labanan, nang hindi kami mapahamak sa kakila- kilabot na hatol ng Diyos.

 

Ipanalangin mo kami Arkanghel San Miguel

 

LAHAT: . . . Sa ating Panginoong Diyos

 

Sa ngalan ng Ama…

 

 

 

PANGWAKAS NA AWIT

 

HIMNO A SAN MIGUEL

 

Cantemos himnos de Gloria

 

A Miguel de Dios defensor

 

Obtendremos la Victoria

 

Porque es gran batallador,

 

Gran silencio reinaba

 

Cuando grito San Miguel,

 

Quien como Dios?

 

Peleaba contra el infernal Luzbel,

 

Quien como Dios?

 

Peleaba contra el infernal Luzbel

 

San Miguel angel amante

 

Defiende las castas almas

 

Del sulpicio de las llamas

 

Do esta el Divino Juez;

 

Endereza nuestros pasos

 

Al sendero de la virtud

 

Para tener vida y’ salud

 

Y quebrantar nuestra altivez

 

(St. Michael Parish Novena Prayer, Hagonoy, Taguig City)

2,167 views
0 faves
0 comments
Uploaded on August 8, 2020