Back to photostream

PAG-IBIG (love)

youtu.be/hJqeOVMPSKE

 

Ikaw.

ikaw ang unang naisip ko ng makita ko ang dalawang upuan na ito sa isang sim na pinasyalan ko.

Ito.

ito ang pinangarap ko para sa atin, magkasama sa buhay, hanggang pagtanda, hanggang ang ating mga buhok ay mamuti na. Magkasama tayo at magkahawak kamay habang pinapanood ang mga alon at pinapakinggan ang mga hampas nito sa mga bato at dalampasigan habang ang ating mga anak ay nagluluto na kasama ng kanilang mga asawa at ating mga apo. Nakangiti pareho habang binabalikan ang ating kabataan at katabaan. Kung paano nalagpasan natin ang mga nangyari sa ating buhay at sa lahat ng iyon, sentro natin si Kristo.

Tayo.

Ngunit sa ngayon, tayo ay wala na. At sa totoo lang, malungkot pa din at masakit.

Ako.

Pero kailangan kong unahin Sya at ako.

 

 

maps.secondlife.com/secondlife/Saint%20Denis%203/195/204/21

1,645 views
44 faves
0 comments
Uploaded on March 1, 2020