Back to photostream

Mga Talata ng Bibliya tungkol sa Relasyon sa Diyos

Nadama mo ba na ang iyong relasyon sa Diyos ay naging higit na napapalayo habang lumilipas ang panahon?

 

Ang mabilis na pag-ikot ng buhay ay ginagawang abala ang ating isip sa lahat ng uri ng tao, bagay, at mga kaganapan, at nagbibigay sa atin ng kaunting oras upang patahimikin ang ating sarili sa harap ng Diyos, upang maging malapit sa Diyos, at pagnilay-nilayan Siya. Unti-unti, ang ating mga puso ay naging higit na napalayo sa Diyos at ang ating pananampalataya ay lumalamig. Sa totoo lang, ang pagbuo ng isang tamang relasyon sa Diyos at ang pagbibigay ng ating mga puso sa Diyos ang pinakamahalaga. Kailangan nating manalangin nang madalas sa Diyos, madalas na basahin ang mga salita ng Diyos, kasabikan ang Kanyang pag-ibig at biyaya. Sa ganitong paraan, maaantig tayo ng Espiritu ng Diyos nang hindi napapansin at mamumuhay nang laging nasa harap ng Diyos.

 

Pag-unawa sa kapangyarihan ng pananampalataya higit sa takot at pagkabalisa

 

Kawikaan 4:23

Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap; sapagka't dinadaluyan ng buhay.

 

Juan 4:23

Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.

 

Filipos 4:6-7

Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios. At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.

 

1 Pedro 5:6-7

Kaya't kayo'y mangagpakababa sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Dios, upang kayo'y kaniyang itaas sa kapanahunan; Na inyong ilagak sa kaniya ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagka't kayo'y ipinagmamalasakit niya.

 

Juan 14:27

Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.

 

Awit 34:17-19

Ang matuwid ay nagsidaing, at dininig ng Panginoon, at iniligtas sila sa lahat nilang mga kabagabagan. Ang Panginoon ay malapit sa kanila na may bagbag na puso, at inililigtas ang mga may pagsisising diwa. Marami ang kadalamhatian ng matuwid; nguni't inililigtas ng Panginoon sa lahat.

 

Isaias 40:31

Nguni't silang nangaghihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas; sila'y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila; sila'y magsisitakbo, at hindi mangapapagod; sila'y magsisilakad, at hindi manganghihina.

 

Deuteronomio 31:6

Kayo'y magpakalakas at magpakatapang, huwag kayong matakot, ni mangilabot sa kanila; sapagka't ang Panginoon mong Dios ay siyang yumayaong kasama mo; hindi ka niya iiwan ni pababayaan ka niya.

 

Awit 112:6-8

Sapagka't siya'y hindi makikilos magpakailan man; ang matuwid ay maaalaalang walang hanggan. Siya'y hindi matatakot sa mga masamang balita: ang kaniyang puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon. Ang kaniyang puso ay natatag, siya'y hindi matatakot, hanggang sa kaniyang makita ang nasa niya sa kaniyang mga kaaway.

 

2 Timoteo 1:7

Sapagka't hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng kahusayan.

 

Nauugnay na mga Salita ng Diyos

Pinaniniwalaan, minamahal, at pinalulugod ng mga tao ang Diyos sa pamamagitan ng paghaplos sa Espiritu ng Diyos gamit ang kanilang puso at sa gayon ay pagkakamit ng Kanyang kaluguran, at sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga salita ng Diyos gamit ang kanilang puso at sa gayon ay pagkaantig nila ng Espiritu ng Diyos. Kung nais mong magkaroon ng isang normal na espirituwal na buhay at magtatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, kailangan mo munang ibigay ang iyong puso sa Kanya. Pagkatapos mong mapatahimik ang iyong puso sa Kanyang harapan at maibuhos ang buong puso mo sa Kanya, saka mo lamang unti-unting magagawang magkakaroon ng isang normal na espirituwal na buhay. Kung hindi ibinibigay ng mga tao ang kanilang puso sa Diyos sa kanilang pananalig sa Kanya, at kung ang kanilang puso ay wala sa Kanya at hindi nila tinatrato ang Kanyang pasanin bilang sarili nila, lahat ng kanilang ginagawa ay pandaraya sa Diyos, isang tipikal na kilos ng mga taong relihiyoso, at hindi makatatamo ng papuri ng Diyos.

 

Hinango mula sa “Napakahalagang Magtatag ng Isang Normal na Kaugnayan sa Diyos”

 

Sa paniniwala sa Diyos, kahit paano dapat mong lutasin ang usapin tungkol sa pagkakaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Kung wala ang isang normal na kaugnayan sa Diyos, kung gayon ang kabuluhan sa paniniwala sa Diyos ay nawawala. Ang pagtatatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos ay lubos na natatamo sa pamamagitan ng pagpapatahimik sa iyong puso sa presensiya ng Diyos. Ang isang normal na kaugnayan sa Diyos ay nangangahulugan na nagagawang hindi pagdudahan o itanggi ang anuman sa gawain ng Diyos at magpasakop dito, at saka ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng tamang mga layunin sa presensiya ng Diyos, hindi pag-iisip sa sarili mo, palaging pagkakaroon ng mga interes ukol sa pamilya ng Diyos bilang ang pinakamahalagang bagay maging anuman ang iyong ginagawa, pagtanggap sa pagmamasid ng Diyos, at pagpapasakop sa pagsasaayos ng Diyos. Nagagawa mong mapatahimik ang iyong puso sa presensiya ng Diyos sa bawat sandaling gumagawa ka ng anumang bagay; kahit na hindi mo nauunawaan ang kalooban ng Diyos, dapat mo pa ring tuparin ang iyong mga tungkulin at mga pananagutan sa abot ng iyong makakaya. Hindi pa masyadong huli upang hintayin na mabunyag sa iyo ang kalooban ng Diyos at pagkatapos ay isagawa ito. Kapag naging normal na ang iyong kaugnayan sa Diyos, kung gayon magkakaroon ka rin ng isang normal na kaugnayan sa mga tao. Ang lahat ay itinatatag sa saligan ng mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, magsagawa ka alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos, itama ang iyong mga pananaw, at huwag gumawa ng mga bagay na kumakalaban sa Diyos o gumagambala sa iglesia. Huwag gumawa ng mga bagay na walang pakinabang sa mga buhay ng mga kapatid, huwag magsalita ng mga bagay na hindi nakatutulong sa ibang mga tao, huwag gumawa ng mga kahiya-hiyang bagay. Maging makatarungan at kagalang-galang kapag ginagawa ang lahat ng bagay at gawing kaaya-aya ang mga ito sa harap ng Diyos. Bagama’t ang laman ay mahina paminsan-minsan, nagagawa mong ilakip ang pinakamataas na kahalagahan sa kapakinabangan ng pamilya ng Diyos, huwag pag-imbutan ang iyong sariling mga pakinabang, at ipatupad ang pagkamakatuwiran. Kung makakapagsagawa ka sa ganitong paraan, ang iyong kaugnayan sa Diyos ay magiging normal.

 

Hinango mula sa “Kumusta ang Kaugnayan Mo sa Diyos?”

 

Rekomendasyon:

Paano Maging Malapit sa Diyos: 3 Mga Paraan ng Pagsasagawa

 

Devotional Topics Tagalog: Tips to Get Close to God

 

Ang best tagalog bible app ay pinagsama-samang masaganang mapagkukunan, tulad ng mga salita ng Diyos, lahat ng uri ng mga himno, pelikula ng ebanghelyo, Q/A sa paniniwala, at lahat ng uri ng mga artikulo ng karanasan. Gamit ito, mababasa natin ang mga salita ng Diyos at mapakikinggan ang mga himno anumang oras. Sa gayon ang ating buhay ay maaaring makatamo ng panustos upang magkaroon tayo ng mas malapit na relasyon sa Diyos. Magmadali upang i-download ito at maranasan kaagad!

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.godfootsteps.org/disclaimer.html

398 views
0 faves
0 comments
Uploaded on June 20, 2021