Back to photostream

2. Ang Daan patungo sa Kadalisayan

Ang pangalan ko ay Christopher, at isa akong pastor sa isang bahay na simbahan sa Pilipinas. Noong 1987, ako ay nabinyagan at nanalig sa Panginoong Jesus at dahil sa biyaya ng Panginoon, noong 1996 naging pastor ako sa lokal na simbahan. Noong panahong iyan, hindi lamang ako nagpagal at nangaral sa maraming lugar sa iba’t ibang dako ng Pilipinas, ngunit nangaral din ako sa mga lugar na gaya ng Hongkong at Malaysia. Sa pamamagitan ng impluwensya at patnubay ng Banal na Espiritu, nadama ko na parang hindi ako napapagod sa aking gawain para sa Panginoon at walang katapusang inspirasyon para sa aking mga sermon. Madalas akong magbigay ng suporta sa mga kapatid na lalaki at babae na nakadarama ng negatibo at panghihina. Kung minsan kapag masungit sa akin ang mga hindi naniniwalang miyembro ng kanilang pamilya, nagagawa ko pa ring magpasensya at magtiyaga; hindi nawala ang pananampalataya ko sa Panginoon at naniwalang mababago sila ng Panginoon. Dahil dito, naramdaman kong tila malaki ang ipinagbago ko mula noong maniwala ako. Gayunpaman, simula noong 2011, hindi ko na lubos na maramdaman ang malakas na impluwensya ng Banal na Espiritu hindi gaya noon. Unti-unting naglaho sa akin ang bagong kaliwanagan para sa aking mga sermon at walang lakas na makahulagpos mula buhay na makasalanan. Hindi ko mapigilang hindi magalit sa aking asawa at anak na babae kapag nakikita kong ginagawa nila ang mga bagay na hindi ko gusto at galit na pinagsasabihan sila. Alam ko na hindi ito pagsunod sa kalooban ng Panginoon, ngunit kadalasan hindi ko mapigilan ang aking sarili. Ito ang lalo pang nagpalungkot sa akin. Upang mapalaya ang aking sarili sa buhay na makasalanan at pagkatapos ay magtapat, mas lalo kong pinagtuunan ang pagbabasa ng Biblia, pag-aayuno at pagdarasal, at naghanap saanman ng mga espirituwal na pastor para magkasama kaming maghahanap at magsasaliksik. Ngunit nawalang-saysay ang lahat ng aking pagsisikap; walang nabago sa aking makasalanang buhay at sa kadiliman na nasa kaibuturan ng aking kaluluwa.

 

tl.easternlightning.org/testimonies/the-road-to-purificat...

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.easternlightning.org/disclaimer.html

181 views
0 faves
0 comments
Uploaded on January 6, 2020