Back to photostream

25. Ano ang gawain ng Banal na Espiritu? Paano nakikilala ang gawain ng Banal na Espiritu?

Kapag gumagawa ang Banal na Espiritu, nagagawa ng mga tao na aktibong pumasok; hindi sila walang kibo o pinipilit, ngunit mga maaagap. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa, ang mga tao ay nagagalak at handa, at sila ay nakahandang sumunod, at masayang magpakumbaba ng kanilang mga sarili, at bagamat sila ay nasasaktan at marupok sa loob, mayroon silang katatagan na makipagtulungan, nagtitiis silang may kagalakan, nagagawa nilang sumunod, at sila ay walang bahid ng kalooban ng tao, walang bahid ng pag-iisip ng tao, at tiyak na walang bahid ng mga pagnanasa at mga pagbubuyo ng tao. Kapag nararanasan ng mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, sila ay lalo pang banal sa loob. Isinasabuhay niyaong mga nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu ang pag-ibig ng Diyos, ang pag-ibig ng kanilang mga kapatid, at nagagalak sa mga bagay na ikinagagalak ng Diyos, at kinasusuklaman ang mga bagay na kinasusuklaman ng Diyos. Ang mga tao na inaantig ng gawain ng Banal na Espiritu ay mayroong normal na pagkatao, at sila ay nagtataglay ng pagkatao at palaging hinahangad ang katotohanan.

 

tl.easternlightning.org/faith-qa/what-is-work-of-Holy-Spi...

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.easternlightning.org/disclaimer.html

 

 

30 views
0 faves
0 comments
Uploaded on September 4, 2019