Back to gallery

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

Sa panahong iyon, nilayon ng Diyos na tawagin si Noe upang gawin ang isang napakahalagang bagay. Bakit pa Niya kailangang gawin iyon? Dahil may balak ang Diyos sa Kanyang puso sa sandaling iyon. Ang balak Niya ay sirain ang mundo gamit ang isang baha. Bakit sisirain ang mundo? Ang sabi rito: “At sumama ang lupa sa harap ng Dios, at ang lupa ay napuno ng karahasan.” Ano ang nakikita ninyo mula sa pariralang “at ang lupa ay napuno ng karahasan?” Isang di-pangkaraniwang bagay sa lupa kapag ang mundo at ang mga tao nito ay tiwali hanggang kasukdulan, at iyon ay: “at ang lupa ay napuno ng karahasan.” Sa kasalukuyang wika, ang ibig sabihin ng “at ang lupa ay napuno ng karahasan” ay nasa kaguluhan ang lahat. Para sa tao, ang ibig sabihin nito ay walang kaayusan sa lahat ng kalakaran sa buhay, at ang mga bagay ay totoong magulo at mahirap pamahalaan. Sa mata ng Diyos, ang ibig sabihin ay masyadong tiwali ang mga tao sa mundo. Gaano katiwali? Tiwali hanggang sa antas na hindi na matiis ng Diyos na makita pa at hindi na mapagpasensyahan pa. Tiwali hanggang sa antas na nagpasya na ang Diyos na sirain ito. Noong naging buo na ang loob ng Diyos na sirain ang mundo, nagbalak Siyang maghanap ng taong gagawa ng isang daong. At pinili ng Diyos si Noe na gawin ang bagay na ito, na hayaang gawin ni Noe ang daong. Bakit si Noe? Sa mata ng Diyos, si Noe ay isang matuwid na tao, at kahit anong ipagawa ng Diyos sa kanya ay alinsunod niyang gagawin ito. Ang ibig sabihin ay gagawin niya ang anumang sabihin ng Diyos na gawin niya. Nais ng Diyos na makakita ng isang katulad nito upang makatrabaho Niya, upang tapusin ang Kanyang ipinagkatiwala, upang tapusin ang Kanyang gawain sa lupa. Noong panahong iyon, may iba pa bang tao bukod kay Noe na makatatapos ng ganoong gawain? Tiyak na wala! Si Noe lang ang tanging kandidato, ang nag-iisang taong maaaring tumapos sa ipinagkatiwala ng Diyos, kaya pinili siya ng Diyos. Ngunit ang saklaw at mga pamantayan ba ng Diyos para sa pagligtas ng mga tao noon ay katulad rin ngayon? Ang sagot ay walang pasubaling may pagkakaiba! Bakit ko tinatanong? Si Noe lamang ang tanging matuwid na tao sa mata ng Diyos noong panahong iyon, na ang ibig sabihin ay hindi matuwid ang kanyang asawa at mga anak at mga manugang na babae, ngunit pinangalagaan pa rin ng Diyos ang mga taong ito dahil kay Noe. Hindi humiling ang Diyos sa kanila ng tulad ng paghiling Niya sa mga tao ngayon, at sa halip ay pinanatiling buhay lahat ang walong miyembro ng pamilya ni Noe. Natanggap nila ang pagpapala ng Diyos dahil sa pagkamatuwid ni Noe. Kung wala si Noe, wala sana sa kanila ang nakatapos sa ipinagkatiwala ng Diyos. Samakatuwid, si Noe lamang sana ang taong dapat nakaligtas mula sa pagkasira ng mundo noong panahong iyon, at ang iba ay mga nakinabang lamang. Ipinakikita nito na sa panahon bago opisyal na sinimulan ng Diyos ang Kanyang gawaing pamamahala, ang mga panuntunan at pamantayang ginamit Niya sa mga tao at hiningi mula sa kanila ay medyo maluwag. Para sa mga tao sa kasalukuyan, ang paraan kung paano pinakitunguhan ng Diyos ang pamilya ni Noe na walong katao ay para bang hindi makatarungan. Ngunit kung ihahambing sa dami ng gawaing ginagawa Niya ngayon sa mga tao at sa dami ng Kanyang salitang ipinahahayag Niya, ang pakikitungo na ibinigay ng Diyos sa pamilya ni Noe na walong katao ay pawang panuntunan lamang ng gawain sa karanasan ng Kanyang gawain sa panahong iyon. Kung paghahambingin, mas marami bang natanggap ang pamilya ni Noe na walong katao mula sa Diyos o ang mga tao sa kasalukuyan?

 

 

#kwento_ng_bibliya #pagbabasa_ng_bibliya #Ang_Awtoridad_ng_Diyos #Pag-aaral_ng_Salita_ng_Diyos #Noe

 

Image Source: The Church of Almighty God

 

Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html

 

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng messenger anumang oras!

 

373 views
0 faves
0 comments
Uploaded on January 26, 2021