cxia24932
Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos
Kahit na ang disposisyon ng isang tao ay itinalaga ng Diyos—ito ay walang alinlangan at maaaring ituring na isang positibong bagay—ito ay naproseso ni Satanas. Samakatuwid ang lahat ng disposisyon ng tao ay disposisyon ni Satanas. Maaaring sabihin ng isang tao na ang Diyos, sa disposisyon, ay tuwiran sa paggawa ng mga bagay, at siya rin ay kumikilos sa ganitong paraan, siya rin may ganitong uri ng karakter, at kaya, nasasabi niya, na ang kanyang disposisyon ay kumakatawan sa Diyos. Anong klaseng tao ito? Maaari bang katawanin ng tiwaling mala-demonyong disposisyon ang Diyos? Sinumang magpahayag na ang kanyang disposisyon ay kumakatawan sa Diyos, ang taong yan ay lumalapastangan sa Diyos at iniinsulto nito ang Banal na Espiritu! Mula sa pananaw sa paraan kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu, ang gawain na ginagawa ng Diyos sa mundo ay tanging upang manlupig. Yan ang dahilan kung bakit ang malaking bahagi sa tiwaling malademonyong disposisyon ng tao ay hindi pa nalilinis at kung bakit ang isinasabuhay pa rin ng tao ay ang larawan ni Satanas. Ito ang kabutihan ng tao at kumakatawan ito sa mga pagkilos ng laman ng tao, o, para maging mas tumpak, ito ay kumakatawan kay Satanas at walang pasubali na hindi maaaring kumatawan sa Diyos. Kahit na ang isang tao ay umiibig na sa Diyos sa lawak na natatamasa na niya ang buhay ng langit sa lupa, ay makakagawa siya ng mga pahayag na tulad ng: “O Diyos! Hindi Kita maibig nang sapat,” at umabot na sa pinakamataas na antas, hindi mo pa rin maaaring sabihin na isinasabuhay niya ang Diyos o kumakatawan sa Diyos, dahil ang diwa ng tao ay hindi katulad ng sa Diyos. Hindi kailanman maaaring isabuhay ng tao ang Diyos, mas lalo na ang maging Diyos. Ang ginabayan ng Banal na Espiritu na isasabuhay ng tao ay alinsunod lamang sa kung ano ang hinihiling ng Diyos sa tao.
tl.kingdomsalvation.org/recital-kingdom-selection-025.html
Image Source: The Church of Almighty God
Terms of Use: tl.kingdomsalvation.org/disclaimer.html