Ice scramble

Sa totoo lang, naalala ko si Kuya Alliage, isang batang mahilig kumain ng ice scramble at walang sawang nangungulit sa mga tindera na dagdagan siya ng powdered milk, strawberry syrup, at toppings. Lugi tuloy sa kanya yung tindahan malapit sa amin.

 

Anyway, eto si Babylyn, walong taong gulang at anak ng isang manininda sa Quiapo. Kumakain siya ng ice scramble bilang merienda habang abalang nagbebenta ang kanyang ina. Makikita sa likod ang mata ng anak ng kustomer ng nanay ni Babyly. Hindi ko alam kung nakatingin ang bata dahil naiinggit siya sa ice scramble ni Babylyn o dahil wish lang niya na makuhanan din ng picture. Hehe.

393 views
0 faves
0 comments
Uploaded on November 21, 2010
Taken on November 18, 2010