COFRADIA de la VIRGEN de la SOLEDAD de PORTA VAGA
Drag to set position!
Tinatawag ding REINA DE CAVITE. Ang tagapagtangkilik ng Lungsod ng Cavite, ay siya ring sakdalan ng mga Caviteño sa mahigit na tatlong siglo.
Daang taon na ang nakararaan nang isang gabing napakalakas na unos habang nagbabantay ang isang sundalong kastila sa pintuan ng Porta Vaga, isang nakakasilaw na liwanag ang kanyang nakita na nagmumula sa maalong karagatan ng Cañacao. Nagulat at natakot sapagka’t hinihinalang ito ay mga pirating Muslim, sumigaw ang sundalo ng “Alto! Alto! (Hinto!)”. Habang papalapit ang liwanag sa kanyang kinatatayuan, isang kaakit-akit at malambing na tinig ang nagtanong kung bakit hindi niya nakikilala si Maria at sinabihan siyang Siya’y kanyang paraanin. Ang sundalo ay buong pitagan at pakumbabang nanikluhod sa harap ng Mahal na Birhen. Kinaumagahan ng gabing iyon, isang nakakuwadrong larawan ng Mahal na Birhen ng Soledad ang natagpuan sa pampang ng dagat, sa lugar kung saan nagpakita ang Mahal na Ina.
Si Maria ay inilalarawan bilang babaeng namimighati noong gabi ng unang Biyernes Santo. Siya ay nakadamit ng puti at itim, at nakaluhod habang pinagbubulay-bulayan ang paghihirap ng kanyang Anak. Nasa kanyang harapan ang koronang tinik at mga pako na gamit sa pagpapahirap kay Kristo.
Nobyembre 17, 1978 nang maganap ang Canonical Coronation ng Mahal na Birhen ng Soledad sa ngalan ng kanyang kabanalan, Papa Juan Pablo II sa pamamagitan ng Apostolic Nuncio sa Pilipinas, lubhang kagalang- galang Bruno Torpigliani.
- JoinedNovember 2007
Most popular photos
Testimonials
Nothing to show.