Lyrics of Shockra – 187 Mobstaz

TAPOS NA ANG INYONG PAG HIHINTAY.

ABADDON

CRAZY MIX

FLICT G

TUGLAKS

KIAL

NUMERHUS

SMUGGLAZ AT

INNOZENT ONE

 

KORO:

 

KAMI ANG WALONG SUMPA MULA SA LUGAR NG DALUBHASA

WALONG DYOS NG LETRA GAMIT ANG BAGSAKANG RUMARAGASA

MGA POETIKONG GINAPUSAN NG HUSAY SA PAGBIGKAS

KAMI ANG MAGSISILBING PAMANTAYAN NG KALUPITAN SA PINAS

 

SHOCKRA!

 

LAKAS NG SABOG NG AMING DAMDAMIN PINAKAMATIBAY PINAKAMAHUSAY

MGA PINAKA KILALA SA ILALIM

DALUBHASA PA SA MGA DALUBHASA KAMI ANG WALONG SUMPA

MGA NILALANG NA DAPAT IGALANG KAMI YON WALA NG IBA.

 

SHOCKRA!

 

SMUGGLAZ

 

sigunda ng mga labananan magagawa mo na matanaw at madama

ang pagkadalubhasa mula pa sa pinakamataas na level ng musika

ikaw maging sino pa man ay’ wala ng sinomang

makakalamang sa mga kilalang nilalang na likas talaga ang pagkahalang

malamang di mo na magawa pa makapag panatag sa mga bumagabag

ng mga pahayag na dala pamatay na pamamaraan ng pag lansag

habol’ ako sila sila’t ako walong sumpa

ikapito sa mga panggulat tagapagpala ng paniniwala

ng mga’ taliwas sa dapat para bang dapat na maibunyag

ng mga intelehenteng personang pinatitingkad ang mga bansag

pirme’ na nakalinayada sa hanay ng mga mapang antala

na nakapaloob sa pagkamabalasik imprehensibong lumuwa

natunugan na nila papilas na dapos ang mga kalaban na mapapel

bubulatlaten ang mga tenga sa galit na bumuga mula saking pag pipigel

dikterado na manunula manunulat at mananalata

na sa mga kalaban na samin mananalungat ay walang puknat na mananalasa

 

NUMERHUS

 

si NUMERHUS to !!!!! nakatayo bilang ikaanim,

sa walong lakas pinagisa nabakas sinusumpang lalapain,

ang lahat ng balakid di makakapatid lubusan ng matatauhan,

di ka makakalunok dahil sa mga pakong nakabaon sayong lalamunan,

tanging larawan ng kabangisan lamang nakaukit saming mga palad,

na binigyang hugis ng matutulis na dilang walang kahalitulad,

tila mga buhawi na raragasa na koloretes ng mga patalim,

na palamuti ng mga kamandag na pinapain ko sa mga paningin,

bilang himpilan ng mga pangulat akda ng mga litigasyon,

na makabago mula sa kakayahan na di makitaan ng limitasyon,

walang katapusan bawat sinimulan inumpisahan na may balasik,

na kung saa’y matatagpuan ang mga di mo pa nasasaliksik,

KAMI’Y BINUO UPANG KUMILOS LUMIKHA NG MGA INDAYOG,

NA SYANG BABAGO SA PANANAW KASABAY NG PAGKALAT AT PAGSABOG,

NG MALAKILOMETRIKONG LITANYA KUMAKASTIGO NG DAMDAMIN,

WALONG SUMPA ANG salarin “NUMERHUS ANG IKAANIM”

 

CRAZYMIX

 

pagbitaw ng dila di na mapatila ang unang tamaan titirikan ng kandila

nakahanay samin ang mga malupit mula cubao tundo nakapila

habang binibitawan namin ang mga kataga hindi mo na malaman kung paano malampasan

ang mga pag atake na aming ginagawa na pandurog nang tampalasan

ako si CRAZYMIX ikalawang sumpa ng SHOCKRA handa ka na ba

sa pagpunta mo sa ibang dimensyon kung saan nararapat ang mga tanga

katulad mo ikinagulat mo ang paglitaw ng WALONG SUMPA

mga batang makata na parang buhawi na kayang bumitaw kahit anong tugma

bagsakan man o pabilisan tugmaan man o patagisan

nang mga kataga na kayang makasugat pataliman o patulisan

ang mga magbabalak ay matatagpuan na nakaratay

sa tambakan ng mga bigo na malampasan ang mga nakahanay

WALONG SUMPA ng SHOCKRA sa isang kanta ay pinag isa

pinagsama na sa isang bagsak para mga kalaban amin nang mapisa

kung titira ka saamin ng gabutil babalik kong bawi sangdakot

lahat ng matapang na pumasok dito pinauwi ko ng takot

 

(REPEAT KORO)

 

FLICT G of REPABLIKAN SYNDICATE!!

 

isang malaking KAHANGALAN ang makipagbanggaan sakin

sinumang kumontra at sumalungat ay gagapang samin

di ko na pinapatulan ang mga nagpapansin kumuha ng aming atensyon

umayaw na sa rap game di makatanga nung turuan namin ng aming leksyon

talasan mo ang paningin salagin ang mga tirang bihasa

palitan ang mga utak ng mga tanga tanggalin ang mga dilang binasa

inaantok ako sa mga to mga tangang di makaintindi

di ka makatang magaling kundi makatang nakaririndi

ano man ang mga musikang pinakikinggan mo akin ng pinagaralan

eh ikaw miski magulang mo di ka pinaparangalan

panuntungan palaliman pabilisan pagalingan

ang bugtugan palasingan naglihisan sa kambingan

nagsilisan nagbihisan pagkat pinagpawisan

nung nakita na nila ang kumanta ng PAGLISAN

di naman sa pagmamayabang nagmamagandang loob lang ako

para naman sa kaalaman mo malaman mo kung sino ako

 

AKO SI FLICT G…!!!

 

TUGLAKS

 

SHOCKRA !!! nag babalak kaba kay TUGLAKS mga mata mo’y imulat

paki tignan mabuti kung sino ako patuloy ang dila rumaragasa

sa mga pandinig ng mga nakinig nanginig ang tuhod at kinakabahan

ang mga kalaban na nais sumagupa sa isang nilalang may dilang

handang tumira kana sa akin ng patalikod ng iyong magawa

makata ka man oh *** na hindi sumablay

tinaguriang batikan na hindi mapatay

binabalutan na ng pwersa bawat hagupit na hindi mapatila

wawasakin ang iyong papel na tapos ka hanggang lumabas ang dila

TUGLAKS ang IKA APAT na SUMPA bagong pandayo

sa bawat tunog na akin nilagyan ay hindi magawa ng ibang pinaghalo

sa aking utak ang lahat ay nilampaso walng beteranong makakapantay

walang sino man ang sumasagupa humanda oras na mapa**migay

ah lage ngayon na sabihin na bago mawala sa larangan na to ako ang inakda

na tatapos sayo na hindi mabura

isang dura ka lang sa bawat tunog ng aking hagupit

salagin mo lahat ng aking binuo nang malaman mo kung sino malupet!! HALIKA !!!

 

KIAL

 

muli na naman nag sihampasan ang mga dila mula sa mga binalutan

ng puro kaalaman di akalain na lalampas pa samin ang katalinuhan

na di makapitan ng mga ungas kaya humihila pababa

pinapalibad ang mga salita na pinapamula ng mga taong batang tondo

akala mo siguro na hindi kona magagawa na muli maibalik ang binitawan ko nun una

pinag mumula pinapaulit ng mga kalaban na wala namang mga ibubuga

ngayon makinig ka at uulit ulitin ko na hindi mo parin kaya na abutan

ang mga bala namin na pinapahayag na nag mumula sa mga banatan

hindi mona kayang awatin bigilin mo man tatagal kaba

sa mga taong nakapag sulat ng awitin ay malabo nang mangapa

tignan mo kung gaano katibay ang aming bakuran na dimo kayang banggain

pagkat kung sino man ang mga dinaanan di malampasan ng yapak mo na sakin

giling hahayang ko na di mataob kahit bumaliktad pa ang pito

pano pa gagaling ang mga BOBO kung inutil naman ang guro

kami ang halang kame ang brutal kame ang pinalad na di mapaslang

ako ang batang ngalan ay KIAL mula sa delfan sino ang hadlang .

 

ABADDON

 

sa makatuwid isang nilalang na pinunong anghel!

abbadon!

ang mga letra ko babala at ang bibig ko ay barel!

isinumpa na maging demonyo sa pa mamagitan ng pagtula

ang mga nanghamak at nangmaliit sakin nag kamali ng kalkula

ako ay buhay na tanikala hinugot sa masama mong panaginip

delubyong kinakatakutan mo na sa isipan mo ay nakatirik

ako ang dilim sa liwanag itago mo man ako ay nakasilip

solusyong burahin ako sa mundo mo di kana makakaisip

wala ka ng takas ako ang diyos na yong anino na sinasamba at dinadakila ng iniilagan mong maligno!

akoy sumpa!

ang aking misyon dapat ay maisakatuparan ubusin ang mga bulaan at imulat ka sa katotohanan

walang puwang ang mababang uri sa entabladong aking tinapakan walang basbas naisa kamay

ang mikroponong aking hinawakan kayo’y mga bihag at alipin na aking pag haharian

alay para makamtan ang mas matinding kapangyarihan!!

 

(REPEAT CHORUS)

 

Destination:

Location:

Operator:

Type:

Model:

Engine:

Body:

Seating Configuration:

Bus No:

Trip:

Read more
  • JoinedApril 2010
  • OccupationBanner
  • HometownBatangas City
View all

Photos of jude<<BATANGAS CREW>>

Testimonials

Nothing to show.