Sa Pilapil ng Taludturan

 

Bahagya pa lamang akong nagpapakabihasa

Na mamilapil sa taludturan

Paa ko'y dumadaplis pang minsan

Nasusugat, natitinik ng subyang sa paghakbang

Pagdama sa katagang sumisibol sa linang.

 

Sa paghahasik ng mga salita

Punla koy karanasang

Binunot sa parang, sa aklat, kayat

Talim ng ugit ang hanap

Ng bawat kaisipang supling ng panulat.

 

Pagkat ako'y makatang nagsusumikap

Matibay ang pagnanais na mag-ugat

Sa lupa, upang linamnam ng paglaya

Ay gintong mga butil na aanihin

Ugat ng kahirapan ay uusigin.

 

~ 20 Agosto 1997

add me up on FRIENDSTER: droidz_113070@yahoo.com.

 

You can also check out the following links to know me better:

Blog: www.droidz.blogspot.com

Personal URL: www.friendster.com/droidz/

 

Thanks...

droidz

Read more

Testimonials

Nothing to show.