Statr for Flickr daily graph

  

01272008(007)

 

nuestro padre jesus nazareno el pobre

 

my la piedad..............

 

la piedad

 

c booh!!!!

 

sto. nino de cebu

 

P3280102

 

Humenta

  

eli....eli..........

 

santissimo cristo la expiracion

 

07172008(001)

 

Ina ng Hapis

 

Oh sweet flower of Carmel

 

Our Lady of Mt Carmel

 

2907518330_d11b52cc7b

 

Virgen del Rosario de Manaoag

 

3353681885_8dbc42ae56

 

San Jose Patron de la Iglesia Universal

 

niña baby......

 

La Virgencita Niña Maria

  

11112007(001)

 

Santo Cristo

 

DSC04753

calvario liit =)

  

DSC04754

 

san juan evangelista "Johnny"

 

ayan mao naayos ko na ang crown...=)

 

Cristo Rey..."mang rei".....

 

MGA BAGAY NA NATUTUNAN KO SA FLICKR:

 

1. Dont expect na dahil puro tungkol sa santo ang mga grupong kinabibilangan mo ay ugaling santo din ang lahat ng miembro.

 

2. Karamihan sa mga miembro ay bakla. Mag ingat dun sa mga bakla na nga bakla pa kausap. Isusubo ka sa kumpromiso. Makikipagasara ng kasunduan at pag oras na ng bayaran di mo na mahagilap.

 

3. Marami dito ang gusto ng pumatay ng tao sa inggit. Hindi man sa pisikal dadaanin ka sa tsismis.

 

4. Pumili ng mga tunay na kaibigan. Mag ingat sa mga nagkukunwaring kaibigan. Pano mo malalaman sino ang totoo? awayin mo.... test the waters..... ang tunay na kaibigan pagkatapos ng away mas magiging close pa kayo.

 

5. Wag maniniwala agad sa mga pangako. Mas madami ang napapako kesa natutupad. At kung may natupad naman baka mabaon ka sa utang na loob habang buhay. magsisisi ka lang.

 

6. Madami dito ang mayaman. Madaming pera. Pero walang taste. Kakaibiganin ka nila para pakiusapan na mag asikaso ng gamit nila at makuha ang taste mo. palibhasa ang taste hindi nabibili.

 

7. Bawal dito DAW ang mag ahente. Pakiusapan ang gusto. Bibigyan ka ng pamasahe, pang merienda at kung anu anung mga regalo. Pag di naman nagustuhan ang resulta ng pagawa mo, isusumpa ka na. iuurong ang order nila at ikaw ang maiipit. tumulong ka na napahamak ka pa.

 

8. Mayroon ditong mga totoong tao. mga tunay na kaibigan. siguro 1:100 ang ratio.... sa kanila mo ibuhos panahon mo. kasi sila handa ding ibuhos panahon nila sa iyo.

 

9. HINDI PANGGAGAMIT ANG PAKIKIPAGKAIBIGAN. Wag makiaalam sa relasyon ng iba. bakit nakakainggit ba?

 

10. Mag ingat sa mga taong plastik. Kausap ng kausap sayo yung pala traydor, sa likod mo sila naninira.

 

11. Mag ingat sa mga nagvovolunteer na tulungan ka. Baka humingi ng kapalit na di mo magugustuhan. Hindi lahat dito malinis ang intensyon.

 

12. Mag ingat dun sa gagamitin ang mga santo nila para maakit ka. Para makuha ng loob mo. Isa itong patibong! Pagka di nila nakuha ang gusto sa iyo. Good bye ka na at goodbye na lang din sa ibibigay sa iyo kuno.

 

13. Ang mga tunay mong kaibigan, tulungan mo, bigyan mo, ipagtanggol mo....yung mga gago awayin mo. para alam nila na di pwede ang mga kagaguhan nila sa iyo. Kung hindi tatapaktapakan ka nila habang panahon.

 

NEWEST ADDITION

 

14. Learn to set limits. Kung private dapat private...kung may makulit na gusto umungkat at feeling close SOPLAKIN mo ng isang matindi para magising sa katotohanan. hindi yung ikaw pa nanginginig sa takot. kung ayaw mo itex wag mo itex. anu ka plastic? pag ayaw dapat ayaw. pag gusto dapat gusto.

 

15. Pagyamanin mo ang talentong bigay sa iyo. huwag ka mahiya na magsimula sa mababa. magpinta ka man ng Niña Maria na mukang miss piggy ipakita mo pa rin sa kanila. hayaan mo lahat ng sasabihin nila sa iyo, mabuti at masama tanggapin mo... alalahanin mo ang halaman ay nabubuhay sa init ng araw at lamig ng ulan..... at balang araw, sa sipag at tyaga mo...at kahit minsan kapal ng mukha...may mararating ka............

 

16. May mga tao dito na sagad ang kakapalan ng mukha. napakabilis na punahin ang kapintasan mo ngunit malalaman mo na masahol pa pala sa iyo.

 

SA PAGSASANTO:

 

1. Tandaan mo ang katotohanang ito... bagamat ikaw ang nagpagawa ng santo mo, iyan ay hindi iyo... sa Diyos iyan. Tagapangalaga ka lamang. Kaya hindi pwede na kahit anung gusto mong gawin sa kanya ay maaari. Sumunod ka sa kung ano ang nakasaad sa ikonograpiya. Dahil kung hindi iyan tinatawag mong santo ay wala ng ipinagkaiba sa manekin sa dept. store o di kaya ay sa laruang manyika.

 

2. Ang santo ay isang bagay. Bagamat banal ay nananatiling likhang kamay lamang. At nararapat na marating niya ang kaganapan ng layunin kung bakit siya ginawa: ANG MAGTURO TUNGKOL SA DIYOS. Katulad ng bibliya ang mga santo ay dapat na magpakilala ng mga katotohanan tungkol sa Diyos. Kung hindi ito ang nangyayari, ang imahen ay isa lamang palamuti at walang espirituwal na kabuluhan.

 

3. Sa pagpapagawa ng imahen at mga kagamitan nito, lubhang malaking halaga ang ginugugol. Alalahanin mo na higit na mahalaga sa Diyos ay ang isang buhay na kalugod lugod sa kanya.Higit na mahalaga ito kaysa sa pagkakaroon ng imahen. Alalahanin mo na ang dapat mauna ay ang kapakanan ng iyong pamilya, mga kaibigan at ang mga nangangailangan. SILA ANG MGA TUNAY NA IMAHEN NG DIYOS. Walang pagpupuring maibibigay sa Diyos ang mga mamahaling damit ng imahen kung ang mga taong dapat mong tulungan ay nananatiling hubad.... nagugutom, nauuhaw at nalulumbay....

  

*Ang UTANG NA LOOB ay hindi sinisingil. Huwag tayong maghintay ng kapalit sa kabutihang kusang loob nating ginawa. Kung may mga tao tayong inilagay sa kung saan man sila naroon ngayon ay dapat sa dahilang nararapat sila sa lugar na iyon bunga ng kakayahan nila at hindi sa personal tayong makikinabang pag inilagay na natin sila sa monumentong tayo mismo ang gumawa. Wag tayong magreklamo na di natin maabot ang isang bagay kung tayo mismo ang nagtaas dito.

 

* Hindi gawain ng isang mabuting tao ang pagpapasaring lalo na sa publiko. Ang bawat sama ng loob ay dapat tuwirang sinasabi sa kinauukulan lalo na kung ito'y kaibigan, kapatid, kaanak, sa dugo man o sa turing. Ang mabuting samahan ay hindi matutumbasan ng kahit ano pa mang materyal na bagay. Matuto tayong maghintay sa matamis na bunga ng tagumpay kaya piliting kunin ang mga bubot na bunga na walang idudulot sa ating matabil na dila kungdi pait...

   

FLICKR IS JUST ONE BIG GAY SITE..... SO DONT OPEN UP DISCUSSIONS WHICH WILL EARN THE WRATH OF THE "SISTERS" UNLESS YOU ARE PREPARED TO TAKE IT AS I DO.... CLEARLY ITS NOT CATHOLICISM WHICH DOMINATES THE MINDSET...WHEN THE CHOICE NARROWS DOWN TO EITHER ORTHODOXY OR GAY PRIDE... GAY PRIDE WINS.

 

..

Read more
View all

Photos of san_juan / ian vicente

Testimonials

........Ian is a good person both inside and out.....and take note "he is taken already"..........:D

December 23, 2011

Bro kahanga hanga ang naisulat at naipaliwanag mo tungkol sa flickr members. Tama ang lahat lalu na sa pag-aalaga ng mga imahen. Baguhan lamang kasi ako rito at namulat ang aking mga mata at kaisipan sa iyong mga nabanggit, nag-aalala tuloy ako. Sa nabanggit mo rin na karamihan ay mga mayayaman karamihan, paano nama… Read more

Bro kahanga hanga ang naisulat at naipaliwanag mo tungkol sa flickr members. Tama ang lahat lalu na sa pag-aalaga ng mga imahen. Baguhan lamang kasi ako rito at namulat ang aking mga mata at kaisipan sa iyong mga nabanggit, nag-aalala tuloy ako. Sa nabanggit mo rin na karamihan ay mga mayayaman karamihan, paano naman akong nagsusumikap makaipon upang makapagpagawa ng aalagaan dahil hindi naman ako mayaman, nagnanais lamang na magkaroon pero hindi upang makipag paligsahan kanginuman. May mga offers sa akin na pagagawan daw nila or dadamitan nila ang imahen ko pero hindi ako kumakagat dahil sa nahihiya ako o dahil sa hindi ko naman sila kilala ng personal. Sa nabasa ko sa iyong mga nabanggit ay natauhan ako, maraming salamat Bro. Kasi ang katwiran ko, kung hanggang doon lang ang kaya ko at hindi ko makayang ipagpagawa ng magagarbong damit ang aking mga alaga, hanggang doon lamang ako at kaparis ng nasabi mo, kinakailangang unahin muna ang pangangailangan ng pamilya pero hindi naman isasa-isang tabi ang iyong alaga. Maraming salamat Bro! Tunay ang iyong nasulat! Pinupuri kita Bro, kahit dito ko lamang na-encounter ang iyong pangalan, may natutunan naman ako sa iyong napaka dakilang aral na dapat na sundin. Pero..... mayroon naman din akong maipagmamalaki sa iyo Bro! Alam kong isa ka sa mahusay na manlililok, no doubt, pero may na-encounter akong isa ring manlililok (OMAR DALAY OR PAETE, LAGUNA), would you believe na naigawa niya ako ng Nina Maria, 3 ft hanggang sa mai-deliver sa bahay saka lamang naningil ng kabayaran ay hindi pa kami nagkikita hanggang sa kasalukuyan. Sa pamamagitan lamang ng exchange of e-mails at pagtawag ko kami nagkakausap. May mga nagpayo sa akin na huwag basta magtiwala dahil sila raw ay naging biktima pero ang ganang akin, nasa kaniya na lamang iyon kung ako ay lolokohin pero sa umukit ng Nina ko (kagalang galang at may isang salita siya kung kausap at never na lokohin ang kanyang mga customers), doon ko nakilala ang sarili kong hindi ko pa rin dapat ialis sa aking pagkatao ang pagtitiwala sa kapwa dahil tao siyang kausap at never akong nag-isip na lolokohin ako, buo ang aking pagtitiwala. OK Bro..... again... thank you.... God bless you and your family!

Read less
June 29, 2011

I just want to commend you on what you have writen about "santo-keeping" I agree in everything that you have conveyed to us who are also memebers of flickr. Mabuhay ka and God Bless.

May 6, 2011

ang cool ng testi ah! parang nangyari sa totoong buhay....... basta ako tunay akong kaibigan.... :)

June 20, 2010