Winston Santos-Victorino
Winston Santos-Victorino
Cofradía de la Parroquia de Santo Tomás de Villa
272 Followers•174 Following
Drag to set position!
PROGRAMA PARA SA KWARESMA, SEMANA SANTA AT MGA LINGGO NG MULING PAGKABUHAY 2009
1.Miercules de Cenisa – Pebrero 25, 2009
-Lahat ng Miyembro ay inaasahang dumalo sa Misa at magpalagay ng abo sa araw na ito. Inaasahang pananatilihin ng bawat miyembro ang pagaayuno at kulasyon sa araw na ito.
2.CSSS General Assembly – Pebrero 21, 2009 (Saturday)
-Paghahanda para sa mga Programa ng Cuaresma at Semana Santa 2009. Sa taong ito bibigayang diin ang halaga ng Orasyon at Ebanghelisasyon at ang maigting na pagsasariwa ng mga kaganapan sa Mahal na Pasyon sa ating prusisyon. Papanariwain ang mga salig ng CSSS Manual at isasakatuparan ang mga planong hindi naipatupad sa simula (Semana Santa 2008).
-Mga tatalakayin sa pulong:
oEvaluation of the Cofradia Procession in General:
The Processions of the Holy Saints managed by CSSS
The Grand Marian Procession
The Holy Week Procession
oThe Programs of 2009:
Cuaresma: Putting of Tarpuline; Newsletter: The Catechesis on the Images participating the Santolan Holy Week and Easter Processions; Formation/Seminar for Members; Holy Mass for the Viernes Dolores de Maria (Feast of the CSSS Patron) to be followed by the CSSS Stations of the Cross. Note: The whole clans/families of the recamaderos are expected to participate.
Holy Week: Holy Wednesday Procession; Holy Wednesday Encuentro; Good Friday Procession; The Beso Pie Rites on the Santo Entierro and the Veiling of the Mater Dolorosa; The Salubong Rites.
oThe Formation of Marshalls
Recruitment of Marshalls
Formation and OJT
3.Paglalagay ng mga palatandaan sa tapat ng tahanan ng mga miyembro ng CSSS. Buong CUARESMA at SEMANA SANTA.
4.Formation Seminar 2009
5.Formation: Procession Marshalls – Marso 21 at 28, 2009
6.VIERNES DOLORES: Pamisa to be followed by the CSSS Stations of the Cross – Abril 3, 2009
-Araw ito ng Kapistahan ng Mater Dolorosa (Patrona ng Cofradia de la Semana Santa de Santolan). Ang Banal na Misa ay susundan ng Estasyon ng Krus (Tradisyunal). Nilalayong ang mga daan ng Hapis ni Maria (Via Dolorosa sa Jerusalem) ang pagninilayan sa panahong ito upang ihanda ang mga miyembro at mananampalatayang nakikiisa sa gawaing ito sa mas higit na espiritwal na pagdadaos ng Semana Santa. Ang mga Estasyong ito ay naguumpisa sa Paghatol kay Jesus hanggang sa Banal na Paglilibing sa Kanya na matatapos sa Simbahan. Pipili ng 13 tahanan mula sa mga miyembro ng CSSS na pagdadausan ng Estasyon ng Krus. Ilalabas ang kanilang imaheng pang prusisyon sa labas ng kanilang tahanan upang pagnilayan at dalanginan. Magkakaroon ng maiiksing katekesis bago ang Estasyon tungkol sa mga imaheng pinagninilayan.
7.DOMINGO DE RAMOS – Palaspas. Abril 5, 2009
-Ito ang Umpisa ng Semana Santa. Sa araw na ito binabasbasan ang mga palaspas. Katulad ng ating mga inaalagaang imahen ang mga palaspas ay sakramental. Sa mas payak na pagpapaliwanag, ang sakramental ay mga bagay na itinalaga sa Diyos (binasbasan) at nagdudulot ng biyaya kung ginagamit sa mga pamamaraang naaayon sa pananampalataya. Ang palaspas ay simbolo ng pagiging martir ni Kristo. Nangangahulugan ito ng: (una) pagiging saksi at (pangalawa) ng kusang pagaalay ng buhay. Ang katangiang ito ng martir ay nakikita natin kay Jesucristo at sa mga Santo at Santang sumunod sa kanya. Kaya napakahalagang maunawaan ng mga recamadero at recamadera na nagaalaga ng mga banal na imahen ni Jesus at ng mga Banal ang makabuluhang pakikiisa sa Linggo ng mga Palaspas. Na hindi lamang ito araw ng pagpapabasbas ng mga palaspas, bagkus, ito ay araw ng paggunita sa pagiging martir ng Panginoon at ng mga banal habang tayo ay umaasa na tayo’y makasusunod sa kanilang mga halimbawa. Maging saksi na nagpapahayag ng Salita ng Diyos, sa ating mga pagpapahayag at ating mga gawa; at ng pagaalay ng sarili para sa Diyos at kapwa.
8.MIERCULES SANTO – Misa at Prusisyon. Abril 8, 2009
-Banal na Prusisyon ng Paggunita sa Mahal na Hirap at Sakit ng Ating Panginoong Jesucristo. Sa loob ng Prusisyong ito gaganapin ang Paggunita sa Pagpupunas ni Veronica sa Banal na Mukha ni Jesus.
9.JUEVES SANTO – Misa sa Hapunan ng Panginoon. Abril 9, 2009
-Inaasahan ang lahat ng miyembro na dumalo sa pagdiriwang ng Banal na Misa at sa pagbibihilya sa Santisimo Sakramento.
-Bahagi ng liturhiya sa araw na ito ang Paghuhugas ng Paa. Inaalaala dito ang ginawang halimbawa ni Jesus sa Huling Hapunan ng hugasan niya ang paa ng kanyang mga alagad. Angat na angat sa halimbawa ni Jesus ang kapakumbabaan na bagaman siya ay guro at Panginoon nila ay naghubad ng kanyang pantaas na damit at isa-isang hinugasan ang paa ng mga disipulo. Nawa’y wag nating kalilimutan na sa ating mga nangangalaga ng mga banal na imahen pang mahal na araw ang diwa ng pagpapakumbaba upang sa gayon hindi mawaglit sa atin ang katuturan ng ating pagaalaga ng mga banal na imahen.
Sa araw ding ito ipinagdiriwang natin ang pagtatatag ng Eukaristiya. Walang kabuluhan an gating mga debosyon sa mga banal at lalo’t higit sa Panginoon kung hindi pa natin siya nakakatagpo sa Banal na Eukaristiya, ang tugatok ng lahat ng mga biyaya (Sakramento). Kaya napakahalag ng pakikiisa ng bawat nagaalaga ng santo sa mga pagdiriwang na ito. Sa gabi ng Jueves Santo ay nakikiramay naman tayo sa Panginon sa kanyang pananalangin sa halaman sa Bihilya ng Santisimo Sakramento. Higit na popular din ang Visita Iglesia. Sa mga simbahang ating bibisitahin nawa ang diwa ng pananatiling gising upang samahan ang Panginoon sa kanyang marubdob na pananalangin sa Ama ang tunay nating pangibabawin sa ating layunin ng pagdarasal.
10.VIERNES SANTO – Pagsamba sa Krus at Prusisyon. Abril 10, 2009
-Banal na Prusisyon ng Paggunita sa Paglilibing sa Panginoon. Susundan ito ng Bihilya sa Beso Pie at Pagbebelo ng Itim sa Mater Dolorosa.
-Sa araw na ito iginagalang natin ang Krus ng ating kaligtasan. Ang Krus ang pinakamahalagang simbolo sa mga Krisitiyano. Ito ang simbolo ng kaligtasan at ng pagtatagumpay ni Kristo laban sa kamatayan. Isa sa tunay na nilalarawan ng mga banal na imahen ang pagkalupig ng kasamaan. Naging banal ang mga santo dahil sa kanilang pakikiisa upang lupigin ito sa kanilang buhay at ang kanilang hindi pagpatol sa tukso at kasamaan. Alalahanin din natin na naganap ito dahil sa kanilang pagsunod sa mga aral at turo ni Jesus. Si Jesus naman ang lumipig sa ugat ng kasamaan sa kanyang kamatayan sa krus at muling pagkabuhay.
Ang ritawal ng Beso Pie at Pagbebelo ng Itim sa Mater Dolorosa ang bumubuhay naman sa ating paggunita sa mahapding yugtong ito ng kasaysayan ng kaligtasan. Ibig nating buhayin gamit ang ating mga banal na imahen, ang diwa ng pakikiramay sa inang naulila dahil sa pagliligtas sa ating kalagayan. Ito ay isang ritwal ng pananalangin, paggalang (paghalik) at pakikiisa sa nagdadalamhating Ina at sa Amba ng Ating Panginoon.
11. SABADO DE GLORIA – Abril 11, 2009
-Bihilya ng Pasko ng Muling Pagkabuhay. Inaasahan ang lahat ng miyembro na dumalo sa pagdiriwang ng Banal na Misa.
-Ang Muling Pagkabuhay ang sentro ng buong lituhikal na panahon. Hindi dapat mapako ang ating mga mata sa hapis ng kasaysayan ng kaligtasan. Bagkus ay magdulot ito sa atin ng pagasa sa Sabado de Gloria. Ang
Panginoon ay namatay, ngunit matapos ang ika’tlong araw muli siyang mabubuhay tanada ng ganap na pagtatangumpay ng ginawa niyang kaligtasan para sa kanyang baying hinirang.
12. LINGGO NG MULING PAGKABUHAY – Abril 12, 2009
-Ritwal ng Salubong sa Panimula ng Misa. Ang Pagaalis ng Belong Itim sa Mahal na Birhen.
-Ang Salubong ay lumalarawan sa pananatili ng pagasa sa puso ng Mahal na Birhen na sa kabila ng nasaksihan niyang pait ng kamatayan ng kanyang Anak sa krus siya’y tunay nabuhay sa kanyang puso. Ang Banal na Pagtatagpo ng Mag-ina ay hindi mababasa sa Bibliya ngunit ipinapahayag nating mga Pilipino sa ating Salubong upang ikumpisal na kung may unang nakatagpo sa Panginoon noong Linggong iyon na puno ng luwalhati ito ang puso ng Inang tinarakan ng pitong balaraw na siya ring Birhen ng Kagalakan (Alegria).
13.LINGGO NG BANAL NA AWA – Abril 19, 2009
-Prusisyon ng Divine Mercy
-Isang Linggo matapos ang Linggo ng Muling Pagkabuhay ni Jesus ay ginugunita naman natin ang Linggo ng Awa. Bagaman tapos na ang Semana Santa ang unang Linggo ng Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay ay isang mahalagang kumpisal na ang Diyos nating mga Kristiyano ay isang Diyos na puno ng Awa.
- JoinedAugust 2007
- HometownSantolan
- Current cityPasig City
- CountryPhilippines
- Emailjesusdesmayado@yahoo.com
Most popular photos
Testimonials
Nothing to show.