sannicolascsfp@ymail.com
La Consolacion and their Augustinians
Ayon sa mga nakatalang artikulo ng liturhiya kung ating pagtatagpi-tagpihin ang mga
pinangyarian ng kwento, lubos nating maiintindihan ang mga nakatagong kasaysayan ng mga
Augustino noong ika-apat na siglo AD at sa mga Himalang nagpatupad ng kapalarang ito. Narito
ang maikling buod mula kay Birhen La Consolacion, Santa Monica, San Agustin, San Nicolas de
Tolentine hanggang kay Santa Rita. Ito ay tinipon at sinalin sa pananaliksik ni Aris Sampang.
Sa pamumuhay bilang Kristiano ni Monica na isang mabuting ina at maybahay ni Patritius
(or Patricius), sila ay biniyayahan ng tatlong anak, si Agustin na panganay, Navigius sa
pangalawa at ang bunsong kapatid na si Perpetua. Ngunit sa kasamahang palad mula sa kabataan
ni Agustin ito ay nagdulot ng pagkabigo at pagkalaki-laking paghihirap para kay Monica para
sa isang anak na nagmistulang lagalag at nagdulot ng kahihiyan sa kanyang pamilya. Bagamat
sa maayos na pangaral ni Monica hirap parin siya na ituwid sa maayos at kabutihan ang kanyang
anak kaya't idinaraan na lamang niya sa pag-iyak at mataimtim na pagdarasal sa paniniwala at
matatag na pananalig niya, at umaasa na diringgin at pakikinggan ng Diyos sa pamamagitan ni
Birheng Maria ang kanyang mga inahing para sa anak na naligaw ng landas sa kabutihan.
Minsan isang gabi, habang umiiyak si Monica hindi niya inaasahang magpapakita sa kanya ang
Birheng Maria at ito ay nakasuot pangluksa, nagpapahiwatig na nakikiramay siya sa kanyang
kalungkutan para sa kanyang anak na si Agustin, ni hindi naramdaman ni Monica ang takot
para sa himalang kanyang nasaksihan. Kinuha ni Birheng Maria ang telang itim na nakatali sa
kanyan baywang at saka ito iniabot kay Monica, ng matapos ang gabing pinaghimalaan siya ni
Birheng Maria ang tali ring iyon ang pinagtagpi niya para ibigay sa kanyang anak na si
Agustin, mula noon malaki ang naging pagbabago kay Agustin taliwas sa mga kaugalian niya
noon sa mabuting kaugalian niya sa naging kasalukuyan at sa pamamagitan din ng sintas na
nagmula kay Birheng Maria ay nagbigay tanda upang hikayatin ang lahat para sa Iglesia Romano
Katoliko, doon din nailunsad ang isa sa mga pangitain kay Maria na binansagang
Nuestra Señora de Consolación y Correa (La Consolacion).
Nagpatuloy ang naging mabuting kaugalian at pamumuhay ni Agustin hanggang sa kanyang pagtanda.
Si Agustin ay kinilala rin sa pangalang Aurelius na itinawag sa kanya ng kanyang Ama, siya ay
isinilang noong November 354. Bagamat sa kanyang pagiging lagalag noong kanyang kabataan,
maraming natutunan si Agustin mula sa mga masasamang bagay hanggang sa mabubuting bagay na
pilit ipinamulat sa kanya ng kanyang inang si Monica. Hindi naging huli at hadlang ang lahat
ng mga pinagdaanan ni Agustin sa halip ginamit niya at pinairal ang kanyang karunungan para
sa kabutihan, siya ay inatasan bilang pari ng Hippo Regius (na ngayon ay Annaba) sa taong 391
at dahil dito binansagan siyang Augustine of Hippo, naging kilalang Pastor, manunulat at
mamamahayag ng mga salita ng Diyos, doktor ng simbahan. Sa kalaunan sa taong 395 siya ay
naging ganap na Bishop hanggang sa kanyang pagpanaw sa taong 430 ng Agosto 28. At sakanya din
nagsimula ang mga binansagang Agustinong Pari o Prayle at Madre o Mongha.
Sa nakalipas na maraming taon nagpatuloy ang himala sa mga Augustinian isa na rito si
Nicholas Guarutti. Ang mga magulang nito na sina Compagnonus de Guarutti and Amata de Guidiani
na naging mailap sa pagkakaroon ng anak kaya naman naging matibay din ang kanilang paniniwala
sa paraan ng pamamagitan nila sa pagdarasal sa Shrine of Saint Nicholas ng Myra kung saan
nakuha at isinintulad ang pangalan din ng kanilang naging anak na si Nicholas bago pa ito
naging Santo. Si Nicholas ay ipinanganak sa Sant'Angelo Pontano in Italy. Sa kanyang murang
edad si Nicholas ay naging Agustino Prayle, ordained in 1270. Sa taong 1274 nagkaroon siya
ng pangitain mula sa mga Anghel na lumipat siya sa siyudad Tolentino. Dahil sa pagiging
magiliw nito ipinagkatiwala ng superior sa kanya ang pagpapakain sa mga mahihirap sa labas ng
monasteryo, bagamat sa kagustuhan niyang makapaglingkod nararanasan rin ni Nicholas ang
kanyang pagkahina at pagod hanggang sa nagkaroon muli siya ng mapalad na pangitain mula kay
Birheng Maria at San Agustin na nag-uutos na kumain ng tinapay na minarkahan niya ng krus at
isinawsaw sa tubig, nang ito ay kanyang naisagawa ito ay nagbigay katuparan agad sa kanyang
pakiramdam at doon sinimulan niyang ipinamahagi ang kanyang nalaman lalo sa mga may sakit
sabay ng panalangin niya kay Birheng Maria. Ito ang pinagmulan ng mga sadyang Augustinian,
ang pagpapala at pamamahagi ng tinapay ni San Nicolas. Sa taong 1446 si Nicholas ang
kaunaunahang Augustinian na itinanghal na Santo at nagtala ng tatlong daang himala kabilang
ang tatlong muling pagkabuhay.
Sa pagpanaw at pagiging ganap na Santo ni San Nicolas de Tolentino siya ay naging deboto ng
karamihan, isa na dito si Margherita Lotti, kabilang din sa kanyang mga patron ang nagpanimula
ng Augustinian na si San Agustin ng Hippo at San Juan na Tagapaminyag. Si Margherita o kilala
rin sa tawag na Rita ay isinilang noong 1381, namana ni Rita ang pagiging maka-Diyos sa
kanyang mga magulang na kasapi sa Conciliatore di Cristo (Peacemakers of Christ). Nang si Rita
ay nakapag-asawa sa murang edad, kay Paolo Mancini na isang mayaman at imoral na tao, maraming
mga kaaway, sila ay nagkaroon ng mga anak, si Giangiacomo at Paulo Maria. Sa maraming taon ng
kanilang pagsasama si Rita ay humakot ng insulto, pisikal na pang-aabuso at pagtataksil, ngunit
sa kabila ng lahat nananaig parin sa kanya ang kabutihan at kababaang-loob. Bago paman ito
ikinasal kay Paolo ang mga pamilya Mancini ay nagkaroon na ng Familia La Vendetta o kaaway at
kagantihang pamilya, sa kabila nito hindi nagpadala sa galit si Rita bagkos kinumbinsi ang asawa
na maging mabuti, mahinahon at mapagpatawad, ngunit naging marahas parin si Guido Chiqui isang
miyembro ng pamilyang mahigpit na kagalit, saka pinaslang ang asawa ni Rita. dahil sa imoral
ang mga kapamilya ng kanyang asawa, hinikayat nila si Rita pati ng kanyang mga anak para sa
paghihiganti ngunit hindi ginusto ni Rita na magkaroon ng bahid dungis ang kanyang mga anak na
lalaki kaya iniwas ang mga ito para hindi mapakinabangan sa kasamaan, isang taon ang lumipas
namatay ang kanyang mga anak sa disinterya, bilang pagiging maka-Diyos ni Rita pinaniwalaan
niyang sa halip na panganib na tanggapin ang alok ng isang mortal na kasalanan at parusahan sa
pamamagitan ng impiyerno kinuha ang mga ito sa pamamagitan ng natural na kamatayan. Mula noon
hindi na nag-asawang muli si Rita bagkos pumasok siya sa monasteryo sa Saint Mary Magdalene ng
Casia, inialay ni Rita ang kanyang sarili bilang isang Agustinong Mongha. Dahil sa ipinamalas
na katatagan ni Rita siya ay pinaghimalaan ng imahe ni Kristo sa Krus, isang maliit na sugat ang
lumitaw sa kanyang noo, na ani mo'y isang tinik mula sa korona na likop ni Kristo sa ulo ay
tumagos sakanyang sariling laman, ito ang nagpahiwatig ng stigmata o unyon niya sa Panginoon.
Si Rita ay namaalam noon Mayo 22, 1457. Siya ay itinanghal bilang Santo sa taong 1900 ng
Mayo 24 sa pangunguna ni Pope Leo XIII.