Back to photostream

Santísimo Señor Niño Jesús

Santísimo Señor Niño Jesús

Dios de Paz y Tesoro de los Fieles

 

Ang imahen ng Niño Jesús ay ipinundar sa pamamagitan ng pagbili ni G. César Francisco Raymundo Pérez Jr. at Gng. Vilma Cruz Pérez na silang mga Camarera de Honor, noong 1991 sa isang pagawaan ng mga poon sa Dulong Bayan, Población, Santa María, Bulacan. Nais nila ito upang lalong maituro sa kanilang mga anak ang kahalagahan ng pananalangin sa Dakilang Lumikha. Patuloy na nagpapasalamat ang pamilya sa mga grasiyang ipinagkakaloob sa ginta ng mga pagsubok.

 

Taong 1997, nang umpisahang ilabas ang Niño Jesús kasama ang imahen ng Santo Niño de Praga ng Saint Paul School Santa María. Nagsimulang humiwalay ito ng paglabas taong 2002 makalipas itong ipaayos. Kabilang din ito sa prusisyon ng Santo Niño sa Parokya ng San Juan Apostól at Ebanghelista sa Bagbaguin, Santa María, Bulacan.

 

Donasyon ni Bb. Rosalinda Ramirez Cruz ang mga damit ng Niño Jesús na yari sa telang velvet na nagmula pa sa Estados Unidos na ginagamit nito tuwing ika-3 ng Enero, Kapistahan ng Kabanal-banalang Pangalan ni Jesús, Kapistahan ng Pagsilang ng Panginoon, Kapistahan ng Santo Niño at iba pang mga mahahalagang okasyon. Samantalang ang tunica na yari sa piña ay regalo ng nangangalaga sa Kanya. Ang ilan sa mga alahas na isinusuot sa Kanya ay mula sa yumaong lola ni G. César Victor Cruz Pérez III na si Gng. Rosalina Ramirez Cruz.

 

Ang Camarero ng imahen ng Niño Jesús na si G. César Victor Cruz Pérez III ay isa sa limang nagtatag ng Congregación del Santo Niño de Santa María, nagbuo ng escudo at Saligang Batas ng samahan. Ang imahen ng Niño Jesús ay isa lamang sa mga koleksyon ng iba’t-ibang imahen ng santo, Santo Rosario, medalya at estampita ng camarero.

 

6,398 views
4 faves
7 comments
Uploaded on November 21, 2007
Taken on November 21, 2007