Back to photostream

Ang Mahal na Birhen ng Biglang - Awa

Dalit sa Mahal na Birhen ng Biglang-Awa

 

KORO:

Sa ampon mo't biglang-awa

Ina naming makalinga

pakapurihin ka nawa

ng buong langit at lupa

 

Ave, Bituin sa dagat

Ina ng Diyos Anak

At laging Birheng wagas

Pinto ng langit ay ibukas

(Koro)

 

Dininig mo kay Gabriel

Ang bating Ave O Birhen

ng kapayapaan namin

At kay Eva'y palit mandin

(Koro)

 

Sa tulong mo Birheng wagas

nakakakita ang bulag

Nahahango ang bihag

Ikaw ang lunas sa hirap

(Koro)

 

Mag dasal kang ina namin

Kami'y laging idalangin

sa Anak mong ginigiliw

Nagpakahirap para sa amin

(Koro)

 

Birhen kang walang katulad

Na Lalong matamis sa lahat

sa kaluluwa ko'y mahabag

sa sala'y iyong iligtas

(Koro)

 

Baguhin ang aming buhay

at kami'y ipatnubay

Hanggang sa aming makamtan

si Jesus sa kalangitan

 

4,051 views
20 faves
4 comments
Uploaded on May 11, 2012
Taken on May 10, 2012